*2U* Chapter 18


(Myel POV)
+ Nagpumilit si Syto na sa bahay na nila ni Tanya sya magpahinga, apat na araw na sya dun, minsan tinatawagan nya si ken, lander at Jim para lang magpasamang mag ikot ikot para hanapin si Tanya, Hindi naman nila macontact ang pamilya ni Tanya dahil wala syang kahit anong connection dito, papunta ako ngayun dun para kamustahin sya. Pagdating ko dun bukas na ang pinto kaya nakapasok ako, tinatawag ko sya pero walang nasagot, tiningnan ko ang kwarto nya pero wala sya dun, plus gulo gulo ang gamit nya, mukang alam ko kung nasan sya, umakyat ako sa kwarto ni Tanya, bukas din ang pinto kaya nakapasok uli ako agad, nadatnan ko sya dong tulala na nakatayo sa harap ng bintana at nakatingin sa kawalan. Napabuntong hininga ako, ganyan na naman sya, lumapit ako, pero mejo nag init ang ulo ko, hawak na naman nya yung picture frame nila ni Tanya, kahit anong pilit ko nagagalit talaga ako.
Myel- Syto.
Syto- hindi mo naman kaylangang pumunta dito.
Myel- nag aalala lang ako sayo.
Syto- Anong magagawa ng pag alala mo? Maibabalik ba nyan si Tanya?
+ nagpantig ang tenga ko kaya hinablot ko sa kanya yung frame at ibinagsak ng malakas dahilan para mabasag ito. Nanlaki ang mata nya at halata ang galit na muka.
Myel- Tanya na naman!!!!! Sabi ng kalimutan mo na sya, di na sya babalik!!!
+ hinawakan nyako sa kwelyo, at katakot takot ang mga mata nya.
Syto- Anong karapatan mo?!!!
+ nasasakal ako sa ginagawa nya
Myel- S-Syto! Nasasakal ako.
Syto- Anong karapatan mong sabihin yan!
Myel- Nasasaktan nako, tama na.
+ bumitaw sya pero galit na galit padin.
Syto- Nasan ang balisong ko? Alam kong may kinalaman ang hayop na si Chris kung bat nawawala si Tanya ngayun.
+ Galit na galit syang lalabas sana ng kwarto pero pinigilan ko sya.
Syto- Papatayin ko sya, bitawan moko!!!!!
Myel- Tama na please.
Syto- BITAWAN MO KO!!!!!
myel- Syto!! Parang awa mo na, hindi maibabalik si Tanya ng gagawin mo, ipapahamak mo lang ang sarili mo!!
+ Napatigil sya, at napaluhod ako habang hawak ang braso nya.
Myel- Tama na, Hindi ka ba napapagod? Hahayaan kitang hanapin sya hanggat gusto mo pero wag na wag kang gagawa ng ikapapahamak mo.
+ Tahimik lang sya at umupo sabay sandal sa dingding, napasabunot sya sa buhok nya, ayoko syang sukuan, pero habang tumatagal mas nagiging iba ang mga kilos nya. Salitan kami sa pagdalaw sa kanya ng banda, dahil hindi padin gaano magaling ang ulo nya, pero dahil tumatagal na mejo inaayos na nya ang sarili nya, pero sa totoo lang kahit anong gawin ko, hindi ko parin mabasa ang bawat kilos at isip nya.
/5 Months later/
(Syto POV)
+ its been 5 months since the accident happened, at nandito ako sa bahay namin ni Tanya, iniisip ko kung dapat nba akong umalis dito, hindi ko na uli nakita si Tanya, simula pa nong magising ako, it was 10 pm now at nasa kwarto ako ni Tanya, nakatayo sa harap ng bintana, malayo ang tingin, iniisip ko kung bakit ganun na lang kabilis lahat ng pangyayare, ganun din sya kabilis nawala at hindi na bumalik. Bumalik na uli sa dating momentum ang banda pero hindi parin ako ganun kalakas para sa hardwork, pero ginagawa nila lahat para maibalik ang banda sa stage, bukod sa nawala si Tanya sa company may tatlo pa ang nag resign, kasama na si Nathan. Bumaba muna ako at lumabas para sana bumili ng makakain ng nasa labas pala si Myel.
Myel- hey.
Syto- kanina ka pa dyan?
Myel- hm, di naman.
Syto- may kaylangan ka ba?
Myel- uhmm, nalaman ko kasing may newly open dyan sa kanto na resto, wanna join me for dinner?
Syto- hmm, total di pa naman ko nakain, sige.
Myel- okay lets go?
+ pumunta kami dun sa bagong bukas na resto at umorder.
Myel- ano ba talagang balak mo?
Syto- minsan naiisip ko munang mag break. Like pumunta sa abroad.
Myel- pano ang banda?
Syto- pero naiisip ko rin yan.
Myel- sure ka na ba na hindi ka lilipat ng condo mo, sabi kasi ni Sir para sayo yung condomenium na yun, baka daw kasi di mo kayang tumira dito mag isa.
Syto- iniisip ko pa.
Myel- okay ka lang?
Syto- oo naman.
Myel- baka lang kasi sumasakit sakit pa yang ulo mo.
Syto- kaya ko naman.
Myel- well im just worried, kasi weeks after nung gumising ka, gabi gabi kang namimilipit sa sakit ng ulo plus ayaw mo pa kumain lagi.
+ tumungo na lang ako. Maya maya dumating na yung order namin. Wala naman kaming masyadong napg kwentuhan, kaya pagkatapos nag insist nako na ihahatid ko sya pauwe, well Myel is allways been there kahit nung halos mbaliw nako kahahanap kay Tanya kaya napaka laki ng pasasalamat ko sa kanya. But Im still hoping na mahahanap ko si Tanya, kinontact narin namin ang magulang nya pero sabi nila ayaw daw ipaalam ni Tanya, kaya pakiramdam ko, mahihirapan ako lalo na kung sya mismo ang lumalayo.
Myel- Syto?
Syto- hm?
Myel- umaasa ka parin bang makikita mo sya?
+ napansin ko na lang na nasa harap na kami ng condo nya.
Myel- i mean, pano kung ayaw nya talaga magpakita? Ano ng gagawin mo?
Syto- i can’t lose hope Myel. Alam ko may dahilan lahat to.
Myel- alam mo I agree na magbakasyon ka muna. Para naman makapag isip isip ka kahit papano, like what are you gonna do first, or ano ang mas dapat unahing gawin.
+ napabuntong hininga na lang ako.
Syto- wag ka mag alala, i will fix this.
+ nag paalam nako sa kanya. Sa ngayun sa bahay namin ni Tanya ako umuwe kahit napakahirap mag isa uli. After ilang days, napag desisyunan ko na munang mag out of town, kasi sa totoo lang hindi ko alam kung anong dapat kong unahin, ang banda ba? Si Tanya? O sarili ko muna. Kaya naman naisipan kong pumunta ng CDO (Cagayan De Oro) , matagal ko ng ginustong mapunta dito, kasi tagarito yung naging kaibigan ko na may ari ng isang hotel na dati kong nakalaban sa banda, at tinulungan nyako para makapag stay ng ayos dito. And it was great.
(Tanya POV)
Chris- nasisiraan ka na ba ng bait?? Tanya? Kelan mo ba itatak sa utak mo na ako ang masusunod dito?!!
+ isang malakas na tulak sa pader ang inabot ko kay Chris. Pagkatapos ay sampal na sya namang ikinahapdi ng pisngi ko.
Chris- ilang beses ko bang uulitin sayo na wag na wag mong pag tatarayan ang mga highest visitors ko sa Bar. Talaga bang ipinapa hiya moko? Ang alam nila asawa kita! Pagkatapos babastusin mo sila ng ganun? Wala kang karapatang magreklamo ha!! Lahat ng gustuhin nila ibigay mo!!! Ayoko ng mauulit to!!! Naiintindihan mo?!!
Nathan- Chris? Tumatawag ang Daddy mo.
+ gigil na gigil akong iniwan ni Chris at lumapit naman sakin si Nathan.
Nathan- masakit ba?
+ bumuntong hininga na lang ako at tumungo.
Nathan- alam na alam kong mangyayare to. Halika nga.
+ hinila nyako at nilapatan ng ice cubes sa pisngi.
Nathan- diba sabi ko naman sayo, wag mo na lang patulan yung mga negosyanteng yun.
Tanya- hindi naman pwede yun eh.
Nathan- pwede! Ang alam ng magulang ni Chris asawa ka nya.
Tanya- ginamit lang naman nyako para pamanahan sya.
Nathan- at pumayag ka.
Tanya- anong magagawa ko? Alam kong kayang kaya nyang sirain ang buhay ko at ng pamilya ko, pati si Syto. Hindi ako papayag na Pride ko ang magiging dahilan para mapahamak sila. Yun lang naman yung dahilan ko kung bakit ako sumama, okay lang na mapalayo ako, pero hindi ko naman inasahan na binabalak pa nyakong gamitin para sa katakawan nya sa yaman.
Nathan- sorry.
+ napatungo sya.
Tanya- wala ka namang kasalanan eh. Naipit ka lang din. Tsaka isa pa, mabuti narin to, napapadalhan ko ng sapat sila nanay, malayo rin sa kapahamakan si Syto. Tsaka buti na lang andyan ka.
+ ngayun nakatingin na sya ng diretso sakin.
Nathan- ako?
Tanya- alam ko naman na hindi ka kasing sama ng taong yun eh, andyan kadin lagi pag napapahamak ako, kaya pakiramdam ko hindi ako nag iisa.
+ napangiti sya ng bahagya, sa totoo lang napaka laking bagay rin na nandito sya, sya lang nagtatanggol sakin minsan kapag pinag iinitan ako ni Chris. Nandyan sya lagi kahit san ako pumunta, hindi dahil baka tumakas ako kundi para ilayo ako sa kapahamakan.
Nathan- kahit ito na lang maging bawi ko sa lahat ng perwisyong dala ko sayo.
+ tumango na lang ako.
Nathan- masakit pa ba? Hanga rin ako sayo parang wala lang sayo yung mga sampal at tulak nya eh.
+ napatawa na lang ako.
Tanya- sa totoo lang, mas matindi pa dyan pinag daanan ko.
+ nag muka naman syang nalito.
Nathan- bakit parang masaya ka pa?
Tanya- wala may na alala lang ako.
+ lalo ng kumunot ang noo nya.
Tanya- alam mo mabuti pa sundan mo na si Chris don, mamaya ikaw naman pag diskitahan nun.
Nathan- ikaw?
Tanya- maliligo muna tsaka papahinga tapos babalik na uli sa Bar.
Nathan- sige, basta tawagan mo lang ako pag kaylangan mo ng tulong.
+ lumabas na sya ng kwarto ko. Sa totoo lang nakatira ako ngayun sa mala mansyong bahay nato ni Chris dito sa Valencia City. Opo, nandito ako ngayun sa Mindanao, narito kasi halos lahat ng yaman at negosyo ni Chris na legal at illegal, malayo sa Manila para hindi narin malaman ng ama nya ang mga kalokohan nya. Sobrang dami nyang koneksyon ditong pulitikano at mga negosyante....


At oo, gumawa sya ng pekeng kasulatan na asawa nyako, sa tulong ng koneksyon ng judge na nakikinabang din sa yaman nya. Sa ngayun tinitiis ko na lang lahat ng pang lalait at pananakit sakin para sa pamilya at taong mahal ko. Mga ilang oras pa ay nakabalik nako ng Bar, ako ang ginawang Manager kuno dito para maipresenta sa ama nya pero sa totoo lang, para akong katulong dito.
Waiter- Maam Tanya? Kararating lang po ni Sir Chris, pumunta raw po kayo sa office nya ngayun na.
Tanya- sige salamat.
+ nakasalubong ko naman sila na papunta na dun kasama si Nathan. Sinenyasan nyako na sumunod. Pagdating don pinaupo nyako sa harap ng table nya at si Nathan naman y nakatayo lang sa gilid ng pinto.
Tanya- may kaylangan ka ba?
Chris- padating mamaya yung isa kong investor galing Newyork kaya humanda ka. Kababata ko yun, alam mo na, sinabihan na kita kanina. Lahat ng kaylanganin, ibigay mo.
+ tumango na lang ako.
Nathan- Sir, andito na sya.
+ napatayo ako nung pumasok ang isang matipunong lalake, maputi at mapaghahalataan talagang mayaman sa itsura.
Lucas- ow Chris! My Brother!! How are you?
Chris- come on, still rich man.
Lucas- sabi na eh.
+ napalapit ako kay Nathan ng magsimula na silang magbatian.
Tanya- (pabulong) nagtatagalog naman pala.
Nathan- pinoy kasi daw yan, sa Newyork lang lumaki
Tanya- ahhh.
Lucas- oh, sino naman ang mga to?
+ napatingin kami at nakipag kamay sa kanya
Chris- well this is Nathan, second hand ko.
Lucas- and the girl?
Chris- ahh si Tanya, worker ko dito sa Bar.
+ teka bat sinabi nya totoo?
Lucas- oww hi! Im Lucas Vien.
Tanya- nice to meet you.
Lucas- to you too.
Chris- Tanya, pakidalhan kami ng Wine.
+ di nako sumagot at lumabas na lang para kumuha ng wine, haysss.
(Nathan POV)
+ naiwan ako dito na nakatayo sa pinto habang kumukuha ng wine si Tanya.
Cris- ahh, Nathan pwede sa labas ka muna?
+ ano pa nga ba, lumabas ako pero tumayo lang ako sa may gilid ng pinto. At sa totoo lang rinig ko parin naman ng usapan nila, aalis muna sana ako pero may sinabi silang ikinatigil ko.
Lucas- sya na ba yung sinasabi mo?
Cris- sya na nga. Okay ba?
Lucas- sigurado ka bang hindi na pinaghahanap yan?
Cris- wala ka bang tiwala sakin?
Lucas- syempre meron. Ikaw pa.
Cris- kaya alam mo na, ikaw na bahala mamaya. Sasabihin ko sayo ang office nya dito. Basta ipangako mo na akin ang kalahati ng shares mo dito sa Valencia.
Lucas- maaasahan mo.
+ halos magpintig ang tenga ko sa narinig ko. Wala nakong ibang inisip na posibleng tinutukoy nila kundi si Tanya lang.
(Tanya POV)
+ Pabalik nako kila Cris ng mapansin kong wala na dun si Nathan. Pumasok ako at inilapag ang wine sa harap nila.
Lucas- bro how can you order her around when she is this beautiful.
Cris- thats a worker should do. Btw, Tanya bawal kang umalis agad mamaya, ma ik wan ka sa office mo at may ipapa asikaso ako sayo, mahalaga yun.
+ tumango na lang ako at lumabas. Magkababata nga sila. Pareho silang wirdo!
Nag ikot ikot muna ako sa Bar. Nasan na kaya si Nathan? Inutusan na naman siguro yun. Lagi pa naman kong balisa kapag di ko na sya nahahagilap, i mean sya na lang yung nahahawakan ko at nakakaramay ngayun. Kaya pag wala sya pakiramdam ko nasa panganib na naman ako. Mag aalas 10 na nung magsara ang Bar at tulad nga ng sabi ni Cris hindi ako pwede umalis kaya hinintay ko na lang sya sa Office ko. Maya maya nga ay dumating na sya.
Cris- tapusin mo tong mga di ko natapos na papers, kaylangan ko na yan by tommorow, wag kang uuwe hanggat di mo tapos yan.
Tanya- ako na bahala.
+ gustong gusto ko na ibato sa kanya tong mga papers nato, sa totoo lang.
Cris- dyan ka na, wag mong ila lock ang pinto.
Tanya- ha?
Cris- dadaan ako uli para i check yan.
Tanya- ahhhh.
+ lumabas na sya at sinimulan ko na nga yung pinapagawa nya. Mag e-11 pm na at nasa kalagitnaan nako ng may kumatok sa pinto. Tss! Sabi nya wag ko i lock, bat kumakatok pa sya, kaya pumunta ako para buksan yon ag nagulat ako ng si Lucas pala ang kumakatok. Ewan ko literal na kaba ang naramdaman ko pero umakto ako ng normal.
Tanya- d-do you need something.
Lucas- ow, na disturb ba kita?
Tanya- uhm, di naman may tinatapos lang kasi ako.
+ bumalik nako sa inuupuan ko, sya naman sumandal sa gilid ng lamesa ko.
Lucas- well i was just checking the Place. Tanya nga right?
Tanya- yes.
Lucas- you are beautiful. Are you syre worker ka lang ni Cris?
Tanya- i am sure.
Lucas- ang seryoso mo naman. kung ganun, do you have a boyfriend?
+ ngayun naman, nasa likod na sya ng inuupuan ko.
Tanya- im sorry pero wala akong panahon sa ganan.
Lucas- woah! Relax.
+ tapos hinawakan nyako sa balikat kaya na shock ako at napatigil. Para akong nakuryente sa kinauupuan ko.
Lucas- you know what, I know everything.
+ anong namang pinagsasasabi nito?
Lucas- i know that you are a fake wife of Cris. Plus you are a total stranger.
+ nanlaki ang mata ko, ano ba talagang kaylangan nya, bakit parang may mali, may binabalak ba saking masama to? Biglang tumunog ang phone nya kaya napabitaw sya sa balikat ko naglakad sya palabas.
Lucas- be right back.
+ lumabas sya at silipin ko ay nandun na sya sa malayo layong part. Papasok na sana ako uli sa loob ng may humila sa braso ko. Kaya nabigla ako.
Nathan- Tanya!
(sinenyasan ako na wag maingay)
Tanya- Nathan?
Nathan- wag ka maingay, sumama ka sakin.
Tanya- teka- yun–
Nathan- wag ka na makulit. Dali.
+ hinila nya nako , hind ik ko alam kung anong nangyayare pero mas okay na ang pakiramdam ko ngayun dahil kasama ko sya. Hinila nyako hanggang sa exit at pagdating sa baba may kotse na naka parada.
Nathan- Tanya, makinig ka sakin. Naka set na ang GPS ng kotse na yan, sundan mo lang yun kahit anong mangyare.
Tanya- Nathan ano bang nangyayare?
Nathan- basta sundin mo na lang ako! Kaylangan mo makaalis dito ngayun na.
Pagdating mo dun hanapin mo yung may kulay blue na gate, pumasok ka dun sa bahay at ilock mo ang pinto, wag kang magpapapasok ng kahit na sino! Naiintindihan mo ba ako?
+ kahit gulong gulo ako sinunod ko sya dahil may tiwala ako sa kanya, sumakay ako sa kotse.
Tanya- Nathan!!
Nathan- bilis!
Tanya- pano ka? sumama ka na sakin.
Nathan- wag moko isipin, kaylangan ko mag paiwan, wag ka mag alala susunod ako.
Tanya- mag iingat ka pls.
Nathan- sige na.
+ nag drive nako kahit natatakot ako, alam kong mahirap takasan ang tulad ni Cris pero walang mangyayare. Kinakabahan din ako para kay Nathan pero may tiwala ako sa kanya.
(Nathan POV)
+ mabilis akong bumalik at nakasalubong ko na nga si Lucas na pabalik sa office ni Tanya.
Lucas- o, why are you still here?
Nathan- uhm, i checheck ko lang kung tapos na si Tanya sa gawain nya, ihahatid ko na pauwe.
Lucas- ahh, well sa tingin ko ko na bahala sa kanya, pwede ka na umalis.
+umakto lang ako na naguguluhan pero tumango na lang ako. Binuksan nya ang pinto at tulad nga ng inaasahan.
Lucas- Shit! Where is she?
+ nagkunwari narin akong nagulat.
Lucas- hey! Hanapin mo si Tanya.
+ dinial nya ang phone.
Lucas- Cris umuwe na ba dyan si Tanya?
+ halata sa aksyon nya na hindi ang sagot ni Cris.
Nathan- hahanapin ko na lang.
Lucas- bilisan mo, wag kang babalik hanggat di mo sya nakikita.
+ at yun na nga ang ginawa ko. Hindi ko maaaring payagan ang balak nila kay Tanya, isang malaking pagkakamali na nga ang nagawa ko kaya sya nandito, hindi ko na alam kung ano pang klaseng tao ako kung hahayaan ko na lang. Pagbaba ko ng ground floor, tumawag narin sakin si Cris, tinatanong kung nakita ko si Tanya at tulad ng plano ko, ko lang ang makakaalam. Mabilis akong lumayo sa Bar at pumara ng taxi dahil dala ni Tanya ang kotse ko.
(Tanya POV)
+ sinunod ko lahat ng sinabi ni Nathan, malayo na ang narating ko ayon sa GPS at tumigil ako sa sinasabi nyang bahay.
Wala ng katao tao sa paligid dahil ala una na ng madaling araw, bumaba ako at bubuksan ko na sana ang gate ng may lumabas sa bahay na matandang babae. Aalis na sana uli ako ng tawagin ako nito.
– ikaw ba si Tanya?
+ nagulat ako at tumango na lamang.
Teresita- Ako si Terisita, katulong ni Nathan. Halika ibinilin ka sakin.
+ hindi nako nagdalawang isip ipinasok ko na ang kotse sa gate at pumasok nako agad.
Teresita- ayos ka lang ba?
Tanya- opo, salamat po.
Teresita dyusko hating gabi na, tulad ng utos ni Nathan ipinagluto kita. Kumain ka muna.
Tanya- kahit tubig na lang po muna.
Teresita- sige.
+ kinuhanan nyako ng tubig.
Teresita- wag ka mag alala maya maya darating nadin si Nathan. Kung hindi man ngayun, mamayang umaga nandyan na sya.
Mabuti pa siguro magpahinga ka na muna dadalhin kita sa kwarto mo sa taas.
+ sinamahan nya nako sa taas at inihanda ang mga gagamiting unan at kumot, maya maya ay bumaba na sya. Maganda yung bahay hindi man kalakihan simple at payak tingnan, may balkonahe din, hindi muna ako humiga at tumayo lang ako sa gilid ng balkonahe, nagbabaka sakaling dumating na si Nathan pero nung nakaamdam nako ng pagod hindi ko na namalayan na nakatulog nako.
Itutuloy……






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top