Ang Malambot kong Pag-ibig Chapter 8


Nagtataka si Abby kung bakit para siyang lalamunin ng babae sa talim ng mga titig sa kanya, at nooy napag alaman ni Abby na ang babae ay si–
.
Vince : Natalie!!!
Natalie : akala ko nasa trabaho ka, nandito ka lang pala na kasama itong–
.
Tiningnan niya si Abby mula ulo hanggang papa.
.
Natalie : Never mind!!
.
Ngunit ang gusto niya sanang sabihin ay “Cheap na babae”
.
Natalie : labas naman tayo mamayang gabi Vince, malapit na ulit akong bumalik ng ibang bansa ni hindi manlang tayo nakakapag bonding labas naman tayo.
Vince : sorry natalie, kailangan kong bumalik ng trabaho.
Natalie : trabaho! Pero bakit nandito ka na kasama itong kung sinong babae na yan..gusto ko na talagang magtampo sayo, sa pambabaliwala mo sakin Vince..
Vince : Gusto kong sabihin sayo na hindi kung sino lang ang babaeng kasama ko ngayon.
Natalie : huwag mong sabihin Girlfriend mo siya?
Vince : oo!! Girlfriend ko siya kaya nga tinanggihan kita nong gabing iyon dahil may mahal akong iba.
.
Hindi nakakibo si Natalie, nagulat siya sa sinabi ni Vince, at samantala naman si Abby ay napaka bilis ng tibok ng puso niya dahil sa sinabi ni Vince. Ngunit sinaway niya ang kanyang puso, dahil hindi naman totoo ang mga sinabi ni Vince..
.
Natalie : hindi, hindi totoo yan Vincent, sabihin mong nagbibiro ka lang, sabihin.
.
Ngunit hindi sinagot ni Vince si Natalie, bagkus ay may ginawa si Vince na labis na ikinagulat ni Abby at ganun din ni Natalie, Lumapit si Vince kay Abby at bigla niyang hinalikan si Abby sa labi, nanigas ang katawan ni Abby, hindi siya makagalaw dahil sa ginawa ni Vince ang halikan siya nito..
.
Vince : Ano Natalie sapat na ba yong nakita mo para tigilan mo na ako!!
.
Mabilis ng umalis si Natalie, dahil masamang masama ang loob nito, si Abby naman ay shocked pa din sa mga nangyari, ang dating imahinasyon niya lang ay ayun at nangyari na sa realidad.
.
Abby : Hindi, imahinasyon ko lang to, imagination ko lang!!!(sabi sa isip)
.
At hanggang sa—
.
Vince : Oh my God Bi, i’m really sorry, sorry!!! Patawarin mo ako!!
.
At nooy parang binuhusan ng malamig ang nag iinit na pisngi ni Abby dahil oo halos mawalan siya ng ulirat sa sobrang pagkabigla pero ng marealize niya na isang palabas ang lahat ay naglaho ang saya sa kanyang puso.
.
Abby : Ayos lang, siya pala si Natalie ano.
.
Nagkunwari si Abby na ayos lang sa kanya, pero ang totoo nagwawala ang puso niya, halo halong emosyon ang nararamdaman niya, Kilig, saya, lungkot!
.
Vince : ano ba itong ginawa ko, Abby gusto kong sampalin mo ako, gantihan mo ako sa ginawa ko sayo!
Abby : ano ka ba, kung iyon ba ang paraan para matulungan kita eh ayos lang, sabi ko nga sayo kaibigan mo ako, at nandito lang naman palagi kung kailangan mo.
Vince : salamat talaga Bi.
Abby : ahm Vince pwede bang umuwi na ako, kasi may kailangan pa akong gawin eh.
Vince : ah sige, ihahatid na kita.
.
Makalipas ang mga sandali ay sakay na sila ng kotse, wala silang imikang dalawa, pilit na iwinawaksi ni Abby ang isipan na ang halik ay isang palabas lang, may pagdaramdam sa kalooban si Abby, dahil ang unang halik niya ay tanging isang kasinungalingan..ngunit sa kanyang puso ay kay tamis at kay sarap, hanggang ngayon ay dama pa ni Abby sa labi niya ang malambot na labi ni Vince, At samantalang si Vince ay di niya rin makalimutan ang ginawa niyang pag halik sa kaibigan. Tuloy silang dalawa ang dating maingay na nagkukwentuhan habang nagbibyahe, ngayon ay parang pinipit silang mga luya sa sobrang katahimikan nila. At hanggang sa naroon na sila sa tapat ng bahay ni Alvin..
.
Abby : Salamat Vince, salamat sa libre.
Vince : Youre welcome!
Abby : sige, mag iingat ka sa pagmamaneho mo.
Vince : salamat..
.
At hanggang sa tuluyan nang naka alis si Vince, pumasok na din si Abby sa bahay, at sinalubong siya ng kaibigang si Kate na karga ang anak..
.
Kate ; Hello ninang, how is you day.
Abby : oh hello baby, gusto kong humalik sa cute na yan pero mamaya na kasi kailangan pang maglinis ni Ninang, kasi nakasagap ako ng pulusyon sa labas.
Kate : bakit hindi pumasok si Vince?
Abby : ah eh nagmamadali yata.
Kate : bakit may yata, bakit parang di mo sure.
Abby : may trabaho pa daw siya, sige palit muna ako ng damit.
Kate : okay.
.
Makalipas ang mga oras, tulog na lahat ng kabahay ni Abby, samantalang siya...


ay dilat na dilat pa, hindi talaga mawala wala sa isip niya ang mga halik ni Vince sa kanya, hanggang sa namamalayan na lang niya na tumutulo na ang luha niya, dahil sa saya at lungkot, mas lamang ang lungkot dahil alam na alam niya na hindi mangyayari na maging sila ng kaibigan, lumipas ang magdamag mabigat na mabigat ang pakiramdam ni Abby, masakit ang ulo niya, paanong hindi sasakit ay halos magdamag na niyang iniyakan ang lungkot na nararamdaman niya..
.
Alvin : Abby ayos ka lang ba?
Abby : opo sir Alvin.
Alvin : bakit parang mugto ang mga mata mo?
Abby : po?
Alvin : namumugto yong mga mata mo?
Abby : ah, baka po nakagat ng ipis.
Alvin : at paanong nagkaroon ng ipis sa kwarto mo eh, ang linis linis ng kwarto mo, ni kahit isang insekto walang makagala sa kwarto mo sa sobrang linis mo., umiyak ka ano?
Kate : sinong umiyak?
Alvin : sweetie yong bestfriend mo, ayan o tingnan mo ang itsura niya, parang umiyak ng buong magdamag, siguro nag break sila ng boyfriend niya.
Abby : sir nman hindi ako umiyak, at saka kaya ganito yong mata ko dahil nasobrahan ako sa tulog.
.
Hindi sigurado si abby kung napaniwala niya ang amo, pero si Kate di niya kayang pagkailaan, Dalawa na lang sila ni Kate sa kusina kaya nagkaroon si Kate na kausapin ng solo ang kaibigan.
.
Kate : Abby, magsabi ka nga sakin, ano ba talaga ang nangyari?
Abby : Kate–
Kate : Abby, huwag mo na akong paglihiman, alam mo gusto ko nang magtampo sayo, ayaw mo nang magkwento sakin ng mga nangyayari sa buhay mo.
Abby : Kate, ano naman kasi ang sasabihin ko, eh sa wala nman talaga akong dapat sabihin.
Kate : sige na nga, kung ayaw mo talagang magsabi, di na kita pipilitin. Pero sana huwag mong kalimutan na nag aalala din ako sayo, dahil di lang kaibigan ang turing ko sayo kundi kapatid na..
Abby : Mahal ko na si Vince kate!
.
Natigilan si Kate sa sinabi ng Kaibigan.
.
Abby : Hindi ko alam kung bakit nangyari to sakin, namalayan ko na lang mahal ko na siya!
.
Noo’y tumulo ang mga luha ni Abby, mabilis siyang nilapitan ni Kate, at niyakap siya ng kaibigan..
.
Kate : ssshhh tahan na, nangyayari talaga yong mga di natin inaasahan.
.
Abby : Pinilit kong kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya pero wala eh, hindi ko mapigilan yong puso ko Kate, mahal na mahal ko na siya kate.
Kate : alam ba niya.?
Abby : hindi Kate, hindi niya alam, at nakiki usap ako sayo kate, huwag na huwag mong sasabihin, ayokong magkailangan kaming dalawa, mangako ka kate! hindi mo sasabihin sa kanya, ipinagkatiwala ko sayo yong lihim ko kaya sana naman, hindi mo sasabihin kay Vince itong nagpapagulo sa isipan ko, mangako ka!!
Kate : oo sige . pangako!
.
At Samantala naman si Vince, ay magdamag din siyang ginulo ng kanyang isip, di niya makalimutan ang ginawa niyang paghalik sa kaibigan, at hindi niya maintindihan kung bakit parang kung anong hiwaga ang naramdaman niya ng dampian niya ng halik sa labi si Abby, na parang huminto ang kanyang mundo, at sa paglipas ang mga oras ang maghapon ay laman ng isip ni Vince si Abby, naaapektuhan ang trabaho niya, di sya maka concentrate sa kanyang mga linya para sa pagbabalita, dahil laman ng isoo niya ang kanyang kaibigan..at sa paglipas ng mga araw, naging busy sima abby at Vince da kanilang buhay sa araw araw, halos isang linggo na silang hindi nagkikita, at hindi nagkakausap buhat ng mga araw na naganap ang isang halik, ang halik na nagpagulo sa puso ni Vince, walang oras na himdi na niya naiisip ang kaibigan, parati ng nasa isipan ni Vince si Abby, at hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman niya, kaya masumoungan na lang ni Vunce na puntahan si Abbu kung saan nagteTake ito ng culinary course, may kung anong saya sa puso ni Vince ng makita si Abby, Hanggang sa bumaba siya ng kotse niya at para salubungin amg kaibigan, ngunit natigilan siya dahil may kasama itong lalake, at Hindi na niya ito nalapitan si Abby dahil sumakay na si Abby sa kotse ng kasama nitong lalake, nakaramdam ng lungkot si Vince, habang tinatanaw nya ang papalayong kotse na sinasakyan ng kaibigan, at nagtatanong ang isip ni Vince kung sino ang lalake na kasama ni Abby..
.
Itutuloy.
.
Bukas na po ulit ang Next, Maraming salamat po sa patuloy na sumusubaybay ng kwento nila vince at abby, sana po patuloy po ninyo silang subaybayan hanggang sa huli..Salamat po.❤️❤️❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top