WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO Chapter 37


Kate’s POV:
NAKATULALA akong naglalakad ngayon sa gilid ng kalsada.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Buong akala ko kasi, hahabulin ako ni David at susundan para sabihin na hindi totoo ang iniisip ko.
Pero hindi eh. Hindi niya ako hinabol. Pinabayaan niya ako. Hinayaan niya akong masaktan ng husto.
Naiwan siya sa loob at pinili pa rin na samahan si Katrina.
Sa oras na ‘to, lutang na lutang ang isip ko at tila nawawala ako sa sarili.
Medyo sumasakit na rin ang tiyan ko at nahihirapan ako na huminga.
Kaso hindi ko pinansin ang sakit at patuloy lang ako sa paglalakad.
“Ate, dinudugo ka.”, wika ng babae nang hawakan nito ang braso ko dahilan para matigilan ako.
Talagang linapitan niya ako para ipaabot ang nangyari sa akin.
Kaya dahan-dahan akong napatingin sa bandang ibaba ko at nasilayan doon ang dugo na umaagos sa mismong legs ko.
“A-ang baby ko.”, utal na sambit ko na may takot sa dibdib.
“T-tulungan mo ako, ang baby ko.”, baling ko sa dalaga.
Humihingi ako ng tulong sa kanya dahil hindi ko alam ang hospital dito sa Cebu.
“Oo Missis, tutulungan kita. Relax yourself po, baka kung mapano ka pa.”, nag-aalala na wika nito.
Yung galit ko kay David, inalis ko muna ‘yon sa isipan para atupagi ang bata sa tiyan ko.
Ayokong mamatay siya. Ayokong malaglag siya dahil hindi ko makakaya na mawalan ako ng anak.
Inalalayan ako ng babae na sumakay sa taxi. Sa sobrang bait niya, siya pa mismo ang bumayad ng pamasahe.
Nakarating kami sa hospital at medyo hindi ko na kinakaya ang sakit. Ito ang naging hudyat para mawalan ako ng malay.
Sa pag-gising ko, nando’n pa rin ang babae na tumulong sa akin na makapunta dito.
“Kumusta ka ang pakiramdam mo? Buntis ka pala, kaya ka dinudugo.”, she said.
Nang banggitin niya ito, naalala ko ang bata sa aking tiyan.
“Y-yung baby ko. Kamusta ang baby ko?”, ito agad ang tanong ko.
Wala akong pakialam sa kalagayan ko. Dahil ang gusto kong malaman, kung ano ang kalagayan ng anak ko.
“Okay lang ba siya? Sinabi ba ng Doctor sayo kung maayos pa rin ang baby ko?”, turan ko ulit.
Yumuko ito at bahagyang tumango.
“Oo, sinabi niya. P-pero wala na ang baby mo. Nalaglag ang baby mo, Ate.”, sagot nito na medyo tinagalan pa.
“H-hindi, hindi totoo ‘yan.”, naiiyak na saad ko.
“Sinungaling ka! Hindi totoo ‘yan. Buhay pa ang baby ko. Buhay pa siya dito. Diba, baby? Nandyan ka pa sa tiyan ni mama? Hndi mo iiwan si mama, diba? Magkikita pa tayo tapos kakargahin pa kita.”, wika ko habang hinahaplos ko ang tiyan.
Hindi na basta iyak ang ginawa ko, napahagulhol na ako sa harapan ng maraming pasyente.
Sa isang room kasi, marami ang na-confine. Kaya maraming tao ang nakakita sa akin kung paano ako umiyak.
“Sorry, Ate....


Alam kong mahirap. Pero sabi ng Doctor, dahil daw sa stress at napabayaan mo ang batang dinadala mo sa tiyan. Pasensya na ate.”, tugon ng babae.
Niyakap niya ako para patahanin at pagaanin ang loob ko.
Ang bilis ng pangyayari. Hindi pa nga siya tumatagal sa tiyan ko, kinuha na agad ito sa akin.
“D-david.”, madiin na sambit ko sa pangalan ng lalaking kinasusuklaman ko.
Kung noon, mahal na mahal ko siya.
Ngayon, poot at galit ang nararamdaman ko sa lalaki.
“At nga pala Ate, may masama ulit akong balita na natanggap.”, mahinang sabi nito nang kumawala sa yakap.
This time, kumabog ng mabilis ang puso ko.
Hindi pa nga ako tapos umiyak sa anak ko, meron agad na kasunod?
“Habang wala kang malay, may tumawag sa cellphone mo ate.”, pahayag niya muli.
“S-sino? At a-ano raw?”, tanong ko na may pangangamba.
“Galing sa Manila ang tawag, ate. At galing ito sa hospital ng Manila. Sabi ng babae sa tawag, nahospital daw po si—Michael. Sinugod sa hospital ang anak niyo. Nag-aagaw-buhay siya, ate.”, wika ng dalaga.
Yung katawan ko, halos sumuko na sa mga nabalitaan ko.
Matapos akong lokohin ni David, nalaglag ang bata sa tiyan ko.
At ngayon, si Michael, nasa hospital at nag-aagaw-buhay?
TANGINA!
BAKIT KAILANGAN KO PANG MARANASAN KO?
BAKIT AKO PA?
Pero bakit nga ba? Bakit nangyari ‘yon kay Michael?
Sa pagkakaalala ko, iniwan ko siya na magaling at masigla.
Wala siyang sakit at mabibo siyang bata.
Kaya paano? Anong dahilan?
“Ate, magpahinga muna kayo.”,
“Bitiwan mo ako.”, matigas na saad ko.
Akma kasi akong tatayo para umalis na dito sa hospital, kaso hinarang ako ng babae.
“Pero ate–“,
“ANG SABI KO, BITIWAN MO AKO! HAYAAN MO AKO! HAYAAN MO NA AKO!”, sigaw ko sa kanya at umagos muli ang luha ko.
Walang katapusan na luha.
Walang katapusan na sakit.
Ganito ang paulit-ulit kong nararamdaman.
“H-hindi ko po alam, kung paano ko mapapawi ang lungkot at hapdi sa puso mo, ate. Pero kailangan mo munang magpalakas bago ka bumalik sa Manila.”, sambit niya sa akin.
Pero hindi ko siya pinakinggan, sa halip, tinulak ko siya ng malakas.
“Ate.”, tawag nito na may awa sa boses.
“N-nawalan na ako ng anak. Namatay palang ngayon ang anak ko sa tiyan. At h-hindi ko na makakaya pa, kung pati yung panganay kong anak ay mawala. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang mamatayan ulit.”, saad ko habang sinasabunutan ang buhok ko.
Napaluhod ako sa sahig na parang baliw na nagwawala sa hospital.
“M-michael anak, lumaban ka. Lumaban ka please.”, pagwiwika ko.
Tumaas ang tingin ko sa litrato ng Diyos, at nakiusap sa kanya.
“Lord, ‘wag niyo munang kunin si Michael sa akin. Siya na lang ang meron ako. Siya na lang ang lakas ko.”, pakiusap ko rito.
Para akong aso na nagsusumamo sa Panginoon.
Ikababaliw ko yata, kapag kinuha ulit si Michael.
Ikakabaliw ko ‘to.






Share On Whatsapp

"11" Comments
  1. omg…bakit napakasakit ang episode na to😢😢😢😢😢

Leave a Reply


top