MEANT TO BE? Chapter 59


Maagang maaga gumising si Ace.. Agad nagkape at naligo.
Ni hindi na sya nakaantay para mag agahan.
Super excited sya e. Di nga sya mapakali. At nagulat na lang sya dahil bago lumabas ng unit. Hinarap sya ni George at hinawakan sa magkabilang balikat.
“Ace.. Inhale- exhale… Inhale-exhale.”
Ok na?
Ipagsasabi mo na ba to..”
Umiling iling lang sya.. ” di na muna”. Tsaka bumuga ng hangin. “Huuuh!!!
“Tsk.. Tsk.. Tskk.. Tingin ko sa itsura mo bro parang groom na nag aantay ng bride nya.
Ayiee… Di pa pala natutuloy ano, naudlot pala.hahah.. Kaya pala super excited sila.. Wawa Ace ko.. Tsk.tsk..masyadong pressure.. Magpahair cut ka bro! . Pagwapo ng todo..! Yahoo”
“Gusto ko sanang sumama kaso interview ko ngayon e.”
“Teka bro? Naalala ko, may amnesia sya?
Huh?
“Parang yon yong sabi nong nurse.. Ewan, baka mali lang ako ng pandinig. Oh tama! May amnesia nga sya kasi di nya ako nakikilala e.”
“Oh my!..tigre..”sabay tampal nya sa noo.
” Hehehe… Pano ba yan. Goodluck!”
” Ngayong di nya ako naaalala, di imposibleng magkagusto at mahulog sya sa iba. Ngayong di nya ako nakikilala.”
Medyo pumait yong ngiti nya..
“Easy lang.. Meant to be diba.. ”
Tango lang at pasalamat at tuluyan na syang umalis.
Ibinigay ng nurse ang address na nasa file ng babaeng hinahanap nya ng makaharap nya ito. “Aneth Cortez?
San naman kaya nya nahagilap ang pangalang ito.”
Tiwala talaga syang si Nice yon.
Di sya mag aaksaya ng oras. Pero bago sya pupunta don. Dadalawin na muna nya ang kanyang mama na inaalagaan ng nurse nito.
Naroon din ang anak nya, na si manang Ces ang naging pansamantalang yaya.
Bago sya bumyahe may pinuntahan syang puntod , halo halong emosyon ang nararamdaman ni Ace habang nakatayo don. . Muli nyang inalala yong eksena na nabaril na ang babaeng kaharap, na inaakala nyang kanyang asawa. Pinikit nya ang mga mata at sinariwa iyon sa isip.
Tama! Hindi nga siya si Nice..yong mata nya iba., pati ang kayang paraan ng pagtitig.
Venice..
pasensya ka na, pero naging blessing in disguise ka pa. Dahil sa ginawa mo, may chance pang buhay si Nice.
Salamat na lang.. Sa friendship, isa kang mabuti at malambing na babae…
Sayang at dito lang nagtatapos ang lahat sayo.. Kakalungkot.. Hindi ko akalaing lihim mo pala akong minamahal ng husto … Paalam Venice..
Habang nasa byahe si Ace.. Di nya naiwasan ang lumandas na luha.. Hindi nya gusto na may mga babaeng nasasaktan nang dahil sa kanya. Pero sadyang ganoon ang buhay may kanya kanyang kapalaran, role at purpose sa mundo.. na di kayang diktahan.
Pero Kaya mong pakibagayan at tanggapin. At gawin ang ikahuhusay..
Bumuga muna sya ng hangin makailang ulit.
Bago inalis ang bad vibes sa loob ng isip at dibdib. Dahil kahit na anong mangyari siya si Ace isang mabuti, responsable, malambing at laging nagpapakatotoong tao kaya sa chicks matinik!
Pero pagdating nya sa address wala na daw doon ang tatlo.. At walang may alam kung saan hahagilapin ang mga ito dahil nga si Didang ay praning daw at hindi nagbibigay ng mga impormasyon sa sarili sa mga naroon, kaya wala silang alam sa mga maaaring tinutuluyang lugar ng mga ito ngayon.
Nalaman na rin nya sa malapit na kapitbahay ng mga ito na driver ng tenwheeler ang asawa nito at isang umaga nakita na lamang daw nyang may babaeng akay2 ang mag asawa na may bendahe at sugatan ang katawan. Galing daw siguro yon sa Ospital. At namalagi na ang babae sa mag asawa hanggang napansin nyang lumulubo na ang tyan nito.
Nang biglang may nakita ito at tinawag.
“Hoy Sharon halika nga.. May alam ka ba sa lugar na pinuntahan nina Didang.”
“Ay naku wala” habang nginunguso ang bibig patungo kay Ace nagtatanong kung sino.
“Naghahanap nga sya sa kanila.”
“Oh.. walang binanggit sir e… Tinulungan ko pa ngang kargahin yong isa sa lalaking triplets nong si Aneth.. Pero di ko narinig kung saan ang punta nila.”
“Triplets kamo??”
Abay oo, kawawang babae, ang sexy nong katawan nong napadpad sa mag asawa.. Tapos naging dambuhala at nanganak ng tatlo.. Awwts kapagod yon ah..ang sakit non..”
” Bakit hindi ko to narinig don sa nurse.. At tinakdang dito ko talaga marinig mula sa babaeng to..
Triplets.??? Di nga ba nagbibiro ang tadhana.. Di.. Pinangarap lang yon namin … Bukambibig at aim namin. Pero ang tuparin ito.. Was just.. Hey man.. Isn’t it amazing? Whoahh!!! Whoah!!!
Whohw.. Whowh!! Huhuhu… Ang saya saya ko!!! Hoooh!! Thank you!!!
Nagkatinginan ang dalawa.. At agad napaisip.
“Teka kamukha nga nya yong mga lalaking sanggol. Halluh! ang gara pala ng tatay nong mga sanggol.”
“Sir! Sir!! Asawa nyo po yon? Anak nyo po yong triplets!!?”
Habol ni Sharon.
Napahinto si Ace ang sarap sa pakiramdam na may nagsabi sa kanya na pamilya nya yon.. Gusto nyang ipaulit ulit dito.
Kaya huminto at lumingon sya. Pina ulit ulit nga nya sa oto oto ring babae. Para lang mag sink in sa utak nya..!
At boom!!
Binigyan nya ito ng pera.. Na nagpalungdag at nagpatili dito, share silang dalawa.
At ipinangako nitong kokontakin sya sakaling magbalik ang mag asawa kasama ng asawa nya.. Inulit ulit nito ang asawa nya at triplets hanggang sa nakasakay na sya ng sasakyan.
“What a hibang day Ace! Nandamay pa talaga!” Nangingiting Bulong nya sa sarili. Na puno ng kaligayahang walang katulad.
Pinatugtog nya ang a thousand years. Habang nagmamaneho.. Pa yes yes nya sa hangin di na maawat.
Muli nyang dinama ang kanta.. Kasama na nila ang kantang ito sa mga espesyal na pangyayari sa buhay nilang dalawa ng kanyang iniirog. Naalala nya Yong babaeng nakita nya sa mapanglaw na gabi sa kamay ng mga buwang na lalaki.
makailang ulit ka mang ilayo sa akin at kahit pa ilan silang mamagitan sa atin, maging panggulo sa atin. Kahit ilan pa ang tumakip sa mata ko para di ka na makita. At kahit may amnesia ka, and if it happen that you’ll push me away from you, or you hide yourself again.. still my heart will not get tired of chasing you . Kahit saang lungga ka pa sa mundo magtago..hahanapin pa rin kita. Mahal ko.
Samantalang sa lugar nina Didang, abala sila sa pag aayos sa triplets.. E paano isinali kasi ng mga taga roon ang mga sanggol sa contest sa online na ” the cutest babies in town”
At yon, mag aaward na sa kung sinong may pinaka maraming boto ang nakuha...


sa online. Ang nag sponsor talaga ay yong mga fans ng triplets mula mga damit at mga accessories nila at may props pa.
Kaya naging bongga ang mga cute babies. Animoy anak ng foreigner sila sa ka cutan, flawless at malulusog sa edad na 7 buwan. Kung makapagcute ng smile.. Madadali ang puso ng titingin at tititig talaga sa hipnotismong dala ng triplets..
Naka tuxedo suit ang dalawang lalaking sanggol tila munting business tycoon ang itsura.. Bigatin yooh!! Sigaw ng nag aastang ninong nila. Kaso lang bakla.
Ang babae naman ay nag mistulang munting prinsesa sa soot nyang ball gown.. Na pagkabongga, pink dress na puno ng raffles
Para syang baby doll with soft head band na mas lalong nag paattract sa pretty looks ng baby girl.
Walang mapagsidlan ng saya si Aneth, nag teary eyes sya habang pinapanood ang tatlong biyaya sa kanya, sa kabila ng hirap at kalituhan heto ang papawi non. Silang tatlo.. Ang kanyang munting paraiso.
Di maiwasang maisip ni Aneth ang tungkol sa ama ng mga anak nya.. Na wala talaga syang idea.. Wala nga syang maalala.. Idea pa kaya
Ano kaya sya. Mabait kaya.
Siguradong gwapo.. Kasi ang gugwapo ng lalaking sanggol nya.
Napabuga sya ng hangin at ang lungkot sa dibdib ay napalitan ng bagong silip na saya. Napahawak sya sa dibdib.. Bakit sya nakadama ng kilig
Nang damhin sa sarili ang kagustuhang makilala at makita ang lalaking nagtanim ng binhi sa kanya na naging tatlong magagandang supling.
Hapon gaganapin ang awarding.
Pero handang handa na ang mga kalahok na babies.. Mayroon din kambal at ibang kalahok na triplets mayroon ding single babies.
_____
Hello Tay…?
Iho, gusto mo bang sumama, uuwi ako ng Nueva Ecija. Magbabakasyon muna ako doon.. Naisip ko ipaalam sayo, baka kako gusto mong lumanghap ng sariwang hangin. At makakita ng magandang tanawin.. Para marelax ka na rin.
O Opo tay! Asan na kayo. Pag nawili ako don tsaka ko na kukunin ang mga gamit ko.
O sige andito pa ako sa bahay mo..
Sige po tay, daanan ko kayo dyan.. Kukuha na rin ng gamit. “Mas ganado akong maghanap sayo kapag presko ang paligid. At pag ganon presko din ang aking isip.
Hapon na nga nang dumating sina Ace.. At agad kumuha ng atensyon nila ng byenan nya ang umpukan sa isang ginaganap na program.
Grabe ang tilian na nagpahinto ng sasakyan ni Ace.
Ano to.. Mukhang ang saya ah.. Owh!
Nang biglang matanto kung ano ang pinapanood.
Babies? Ang cute nito..
Naalala nya ang kanyang triplets.. Whoah!! Naglulundag na naman ang puso nya.. Bakit ba..mababaliw talaga ako once nakita na sila.. Hooh! Di na ako makapag hintay.!
Ah..sir excuse po padaan po..
Manang? Manang!!! Manang ikaw nga!
Paktay ang utang!! Wala pa namang kapera pera.. Alangan hiramin yong binigay ni cong. Sa mga sanggol. Tumakas ka na Didang, bilisan ang lakad. Na tila wala kang narinig. Takbo Didang… Takbo. Baka sa kulungan ka pulutin.
Teka!! Teka manang!! Sandali!
Tay! Dito muna kayo hintayin nyo ko dito!!
Nagliliyab lalo ako pag ganito.. Takbo Ace! For the family reunion’s sake!! Takbo!!
Manang!!
Huhu.. Sir, wala pa kaming pera sir e
Paano mo kami natunton dito sir, wala naman akong sinabihan.
Manang.. Anong pera.. Tungkol ba sa naitulong ko sa gastos sa ospital? Walang wala po yon.. Kalimutan mo yon.
Ang kailangan ko ngayon ay makita ang babaeng nanganak nong gabing yon, na kasama nyo. Nasan na po sya!
“Bakit po sir?” kinutuban na si Didang..di may kutob na sya. Confirmation na lang ang kelangan.
And now ladies ang gentlemen!!!
Sigaw ng host ng program na nagpatigil sa pag uusap nila. At napatungo sa stage ang kanilang paningin.
“Last but not the least.. The two little business tycoons babies with their princess sibling. Here they are” The best of Aneth’s Triplets”
Napalaki ang mata ni Ace nang unti unting humawi ang host at iminuwestra ang triplets sa likuran nya na hawak hawak ng mga baklang ninong.. At ni Aneth sa gitna na hawak ang babaeng anak.
Nadama agad nya.. Sa puso nya.. Sila na nga ang kanyang pamilya. Si Nice nga ang nasa harap nya. Dama ng puso nya kahit pa ganoon ang itsura nito.
May takip pa rin ito sa mukha.. Pero kalahati na lang..
Tila gustong himatayin ng katawang lupa ni Ace sa nasaksihan. Nangatog ang kanyang tuhod nang matitigan ang asawa. Parang pinipiga ang puso nya. Awang awa sya dito. Gusto nya itong takbuhin at sugurin ng yakap. Pero sa kalagayan nito baka magalit lang at tuluyang lumayo ang loob sa kanya. Kaya tiis tiis muna tsong! Go.
“Mahal ko… I love you so,, so,, so much! ..” Bulong nya sa hangin. Habang teart eyes na
At nang madako ang paningin sa triplets.. “Oh my!! Triplets.!! . Lumandas na ang luha sa mga mata nya.
Napatingin si Didang sa kanya.. Natouch ito dahil mukhang confirmed ang kanyang hinala.
“Anak ko sila.. Asawa ko sya.. “parangrobot na pagkakasabi at nanghihina na si Ace.. Para syang matutumba. Dahil loaded sya sa loob loob nya..he’s Loaded of tons of happiness.
Habang di inaalis ang mga mata sa pamilyang kilala ng puso nya. Hindi man ng kanyang mata.
Sir?
” Salamat sa lahat… Walang katumbas na halaga ang pag tulong nyo sa aking mag iina.”
Asahan nyo, susukli ako sa kawanggawa nyo sa pamilya ko.”
Tsaka pasya tumingin dito.
“Salamat manang.. Maraming maraming salamat! ”
Pag angat nyang muli ng tingin. Sapol!!! Nagtama ang kanilang mga paningin.
Nagkatitigan.. Gaya ng dati. Yong kahit maramingbtaong nagbuumpukan sa buong paligid. Pakiwari nila.. Solo nilang dalawa ang lugar.. Malayo man at hanggang tanaw lang. Ngunit ang puso nila ay tila nag uusap.. Nagkakamustahan. Nagkakaintindihan. Nag kakaibigan.
Di mawari ni Aneth ang biglang kakaibang nadama sa lalaking katitigan nya. Ayaw paawat ng mata at puso nya. Kahit pilitin nyang ibaling sa iba ang tingin. Di umaayon ang mata nya. Nagpapakaistatwa at solo sa lalaki gustong tumingin. Malanding mata. Puna nya.
Naalala nya ang gabing yon kung paano siya tinulungan at dinaluhan. Kung paano nito pinalakas ang kanyang dibdib. Na sya pang nagbayad lahat ng gastos niya.
Naku!
Napabaling ang paningin nya sa iba. Kung pwede lang tumakbo at tamakas.. Malamang tinunton sila dahil sa utang nila.
“Wala pa namang premyo siguro dito. Lagot na to..” Di na sya makatingin dito.. Pinapadyak nya ang paa sa stress na nadama.
Na nagpangiti kay Ace.
“Ikaw nga ang aking asawa.. Walang duda”
Sabay ngiti at tingin sa mga paa nyang pumapadyak..
Meant to be tayo sweetie.. It proves us many times.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top