The Battered Wife CHAPTER 27


Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( ELISE – POV )
Natatakot ako ngayon dahil baka mangyari na naman yung dati.
Halos isang linggo na kaseng hindi nagpaparamdam sa akin si Sky.
Lahat ng social media accounts niya naka deactivate.
Kahit ang mga kaibigan nito ay walang alam kung nasaan siya.
Iyak lang ako ng iyak dito sa aking bahay.
Kung kelan malapit na kaming ikasal saka siya mawawala.
Napatingin naman ako sa suot kong engagement ring
” Sky , nasaan kana ba ? iiwanan mo na naman ba ako ulit ? ”
Wala rin akong ganang kumain kaya naman pumayat agad ako.
Yung wedding gown na isusuot ko sa kasal namin nasa akin na din.
Pero paano ko maisusuot yung gown kung wala naman yung magiging asawa ko.
( FRANCO – POV )
Naaawa na ako kay Bella dahil kailangan kong magsinungaling sa kanya.
Sinabi ko kase na wala akong kahit anong contact kay Dominick kahit meron naman.
Ewan ko ba sa lalaking yun lahat ng plano nya para sa future nilang mag-asawa gusto surprise pa.
Naisipan kong tawagan ngayon si Dominick.
” Oy , di ka ba naaawa sa fiance mo ? ”
” Anong balita sa kanya Franco ? ”
” Ayun palaging umiiyak.Hindi rin kumakain ng ayos kase wala ka daw , pumayat na nga din”
” Anong sabi mo ?
” Ang sabi ko kasalanan mo kapag nagkasakit pa siya.”
” Franco , alam mo naman na inaasikaso ko yung kasal naming dalawa tsaka malapit na rin naman matapos yung bahay namin.”
” Oh siya sige bahala kana.Pupuntahan ko lang muna si Elise.”
” Isama mo yung girlfriend mo Franco baka kase kapag kayong dalawa lang ni Elise ang magkasama kung ano pa ang gawin mo sa kanya.”
” Naka-move on na ako Dominick.Bye ”
Talagang nanigurado pa siya.
Si Dominick kase ay tinatapos pa yung bahay na kanyang pinapagawa.
Yung bahay na yun ay siya mismo ang nagdesign.
At masyado siyang advance mag-isip , naghanda na agad siya...


ng kwarto para sa magiging anak nila ni Bella.
Puno ng laruan at mga damit na pwede kahit sa anong gender.
Napagsabihan ko nga siya noon pero ang sagot lang sa akin ay :
” Franco , alam kong darating din yung araw na magkakaanak kami ni Elise.At sa oras na yun kabawasan na rin ito sa iisipin ng fiance ko.”
🌻
Nasa tapat na ako ng bahay ni Bella
Tulad nitong nakaraang araw , ang humarap sa akin ay ang Bella na malungkot , magulo ang buhok at halatang hindi naliligo.
” Bella , mag-ayos ka nga ng sarili mo , kababae mong tao ”
” Si Sky kase hindi pa rin tumatawag ”
” Hindi na yun babalik , lagot ka ”
Hindi na sumagot pa si Bella.
Padabog siyang umakyat at nagkulong na naman sa kanyang kwarto.
Ang tindi din pala ng pagmamahal niya para kay Dominick.
Handa siyang maging ” Bruha ” ..
Natawa nalang ako.
Kaya ang ginawa ko ay tinawagan ko ulit ang numero ni Dominick.
” Bakit na naman ? ”
” Mukha ng bruha yung Fiance mo ”
” Wag kang magsalita ng ganyan Franco .. Maganda si Elise.”
” Hindi siya nagsusuklay at hindi rin naliligo ”
” Hayaan mo pagbalik ko , ako ang mag-aasikaso sa kanya.”
” Dominick , lagot ka talaga kay Bella, kaya bumalik kana agad ”
” Alam mo kung nasaan si Sky ? ”
Napalingon tuloy ako sa aking likuran at nakita ko ang nanlilisik na mga mata ni Bella.
Narinig ko naman ang pagtawa ni Dominick mula sa telepono at sinabing :
” Ikaw ang lagot , bye ingat ka nalang ”
Sakto ng matapos ang pag-uusap namin ni Dominick ay mayroong tsinelas na tumama sa aking mukha.
Kasunod nun ay may sumuntok pa sa akin.
” Aray Bella , sorry na magpapaliwanag ako.”
Tumakbo agad ako palayo kay Bella.
Katapusan na ata ng buhay ko ngayon.
” Bumalik ka dito Franco , gugulpihin kita.”
TO BE CONTINUED …






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top