MERIANA ANG BATANG SIRENA


MERIANA ANG BATANG SIRENA”
Ako ang naging kauna unahang namahala sa isla sa karatig isla naman nito ay ang aking kaibigan na si Berto .
Kukunti palang ang naninirahan noon sa magkatabing isla kaya halos lahat ng tao magkakilala.
Isang araw, isang di inaasahang sumbong ang natanggap ko galing sa aking kaibigan ,
bumiyahe ako agad-agad patawid sa karatig isla dahil may ipapagawang proyekto ito.
Ayaw nya sabihin kung ano ang mismong sadya nya dahil
pagdating ko naman daw doon ay malalaman nya naman
Pag dating ko sa bahay ni Berto .
agad ko itong tinanong tungkol sa biglaang pagpapatawag nito.
Hindi umimik si Berto
pero inanyayaan nya akong pumasok sa tent sa kanilang likod bahay na gawa sa pinagtagpi tagping trapal at kawayan.
Laking gulat ko nang makita kung ano ang nasa loob.
Isang malaking aquarium at sa loob nito ay may tila pigura ng tao na nakalubog at nakatalikod sa gawi nila,
ngunit pagtapat ng ilaw sa ibabang parte nito dito na nagsityuan ang balahibo ko.
“Sirena!” pabulong kong sigaw.
Hindi Ako makapaniwala sa aking nakita.
“Totoo ba yung nakita ko? Pero paano? Saan? Kelan?”
” Nung nakaraang araw pa. Yung grupo ng mga mangingisda kasi dito saten pumunta sa bahay ng disoras ng gabi, akala daw kasi nila bangkay ng bata yang nahuli nila sa lambat nila. Natakot sila kasi malas daw yan kaya ni turn-over sa akin para pakawalan nalang daw pabalik sa dagat.”paliwanag nito
“Eh, bat...


di nyo pinakawalan yan?! Naku mapapahamak tayo nyan pag pinatagal mo pa dito sa lupa.
Wag mong hintaying dagat pa mismo ang kumuha sayo nyan”.
Tumawa sya” ikaw talaga, mapagbiro ka masyado. Mag iilang araw na yan dito, wala namang nangyayari diba? “.
“Tiba tiba tayo , kase naisip ko pano kung ipaalam natin to sa buong isla na totoo nga ang mga sirena! Pero may kondisyon,
makikita lang nila ng harapan kung magbabayad sila ng saktong halaga”.paliwang nito
Nagtagal pa yung pag uusap namin pero mukhang buo na talaga ang balak ni berto kaya pumayag nako.
Binuksan namin ang bahay ni Berto .
para sa public viewing ng pinangalanan naming” MERIANA ang batang sirena”.
Halos lahat ng tao sa isla at sa karatig isla
nagsisiksikan para lang makasulyap sa nilalang na to.
Lumipas ang ilang araw at tila kumonti nalang din ang taong bumibisita sa pinaroroonan ng batang sirena.
Hanggang sa isang gabi, nagising ang lahat ng residente ng nasabing isla kung saan naroroon ang sirena.
Lahat ay nakarinig ng sobrang lakas na tili, sobrang nakakabingi.
Walang makatulog sa kanila, tumaas ang tubig sa dagat at inabot at napasok na din ang mga kabahayan doon.
Nagsibasagan na din ang mga bintana.
Akala nila eh bumabagyo na pero nakakapagtaka naman kasi ang araw bago nun sobrang aliwalas.
Tuloy-tuloy parin ang pagtaas ng tubig dagat, sobrang dami ng napinsala.
Lingid sa kaalaman nila ng gabing yon. Sanhi na pala yun na karagatan na mismo ang kumuha ng dapat ay sa kanya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top