Munting Pangarap ni Esang ” Kabanata 30.1


Halos tumabingi ang mukha ko sa lakas ng pagkakasampal ni tito sa akin.. Halos di ko na marinig ang nsa paligid ko dahil pakiramdam ko nabingi na ko.
“Bakit Kuya?? Anong nangyare? “, tanong ni mama kay tito pagkatapos nyang makitang sinampal ako neto.. Nilapitan ako ni mama at tiningnan kong ok lng ako.
Kakapasok lng naming apat nina mama sa pinto. dahil sa ako ang nahuLing pumasok ay di nakita ni mama ang pagsampal ni tito sa mukha ko kundi ang pagkagulat sa tunog ng malakas na pagkakasampal nito.
“Yang hek Magaling mong anak hek ang tanungin mo!”sabi mi titong lasing na lasing “Nagmamalaki ka na ba ngayon Esang? DahiL andito na ang mama mo? “baling nito sa akin
“Akala mo ba mangingimi akong di ka saktan dahiL lang nandito ang nanay mo kaya ang Lakas ng loob mong wag umuwe agad? “sabi ntong galit na galit sa akin.
“Sorry po tito. “,tanging nasambit ko at nakakapagtaka .wala na atang luhang lumabas sa mga mata ko. Natuyo na ata ang mga luha ko’t wala ng iluluha pa..
“Ano ba kaseng nangyare kuya..? Halika ka nga muna dito sa kusina at magkape ka muna para mahimasmasan ka.”,sabay akay ni mama kay tito papuntang kusina.
Nakita ko ang matatalim na tingin ni tita sa akin bago sya sumunod kela tito.
Pumasok ako sa kwatrong de papag at sa pinakasulok ng kwartong iyon ay pilit isiniksik ang sarili na akala ko na sa paraang iyon ay hiniling kong maging invisible ako kahit sandali lang.
Naririnig ko ang pag uusap nila sa kusina.at base sa pag uusap nila ay subrang galit na galit talaga si tito...


sa akin..
“tingnan mo yan “,sabi ni tito “nakita mo ba yang bagsak na grades ng anak mo? “mukhang nahimasmasan na si tito dahil siguro nakainom na ito ng kape
Sa wari koy pinapakita ni tito ang card ko kay mama.
“Nakapasa nman sya kuya. Yun ang importante “,narinig kong wika ni mama.
“wag mo ng kampihan yang anak mo. Para sa akin di yan sapat para di ako magalit sa kanya ng ganito. Kung gusto mo kunin mo nlng yang mga anak mo.. Isama mo nlang pa mayniLa .”si tito ulit.
Saglit nagkaroon ng katahimikan..
Sa sinabi ni tito ay umiyak ako.. Ganun na ba talaga kalaki ang kasalanan ko bkit parang ang dali lang yang ibalik kame kay mama.? Di nya na ba agad kme mahal?
“di pwede kuya kiko..sa totoo nyan BUNTIS AKO “,mahinang sambit ni mama pero sakto lng para marinig ko.
Di agad nakaimik si tito.
“Ano buntis ka? “.si tita.
“Oo ate Sisa pero wag kayong mag alala.. Magpapadala parin ako ng pera buwan buwan dahiL may magandang trabaho nman ang nobyo ko “, paliwanag ni mama.
“Nagdagdag ka pa ng anak? Eh kung sana umuwe ka nalng dito at inalagaan ang mga anak mo edi sana mas maganda pa db? Si tita ulit.
Mamaya pa’y nakarinig ako ng sampaL .
Pakkkkk
At ang mahinang hikbi ni mama kasunod ng isa pang Sampal.
Si tita na di na naiwasan ang galit kay mama.
“kaya pala ganyan si Esang dahiL may pinagmanahan.MAG INA NGA KAYO “,!
Di ko na alam ang masunod na nangyare dahil nakatulog na ko..
-itutuloy.
salamat po sa magandang feedback..
nakakataba ng puso. ❤






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top