Hiding My Ex-Boyfriend’s Triplets CHAPTER 1


Hiding My Ex-Boyfriend’s Triplets
🦋 Drama, Romance, Comedy
🦋 Vnc
CHAPTER 1
“Samantha, anak, ready na ang sasakyan papuntang airport..” Malungkot ang boses ni mommy. Pupunta kasi muna ako sa America for good.
Lalo na’t isang b’wan na lang ay lalabas na ang princesses at prince ko. Dalawang babae at isang lalaki ang nasa sinapupunan ko at walong buwan ko na silang dinadala.
Naka move on na ako sa ex ko, ang ama nila, sa loob ng limang buwan.
“Mommy, babalik din po ako kapag nanganak na ako huh? Don’t forget to eat your breakfast, lunch, snacks, dinner and your vitamins too!” Bilin ko na ikinatawa niya.
“I guess, pinalaki talaga kita ng tama, you too baby, okay? Take care and of course sa mga anak mo!” Hinalikan ko sa pisngi si mommy at umalis na.
Hindi niya daw ako ihahatid sa airport para hindi masyadong masakit.
Two hours ang byahe dahil malayo ang airport.
Sa private plane ako sumakay.
Hindi sasama si mommy sa America dahil madami...


pa siyang gagawin. Work, of course.

Two weeks na ako dito sa America kasama ang tita ko, my mom’s sister.
Ilang weeks nalang din at manganganak na ako, I’m so excited.
“Here’s your vitamins, Sam,” Abot ni tita sa akin ng vitamins ko.
“Thanks tita!” Sabi ko at ininom na ang capsule.
“Nakaisip ka na ba ng pangalan ng magiging apo namin?” Tumawa ako.
“Opo, sa first girl po ay Briella Abigail, sa second baby girl ko naman po ay Sabrina Allyah at sa baby boy ko ay Bryan Jordan. Ayos po ba?” Tumawa ako.
“Ayos, their names are beautiful like their mom and of course their grandmommys!” Biro ni tita na kinatawa ko.

“AAAAAHHHHH!” Magkahalong sakit at saya ang nararamdaman ko habang umiiri para lumabas ang aking mga anak. Ang huli na si Sabrina ay hirap na hirap ako.
“Push!” Sigaw ng doctor kaya umiri ako for the last time.
Rinig ko ang mga iyak ng aking mga anghel na nagsisilbing musika sa pandinig ko.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top