When a Single Mom meet the Hot CEO Chapter 16


Kate’s POV:
I gave David a chance.
Wala naman sigurong mali kung hahayaan ko siya na ligawan ako.
Pero syempre, sinabi ko sa kanya na kailangan niya munang humingi ng permiso galing mismo kay Michael.
It is a sign of respect to my son.
Kahit na sabihin pa nating boto ang anak ko sa binata, maganda pa rin na malaman nito ang tungkol sa panliligaw niya.
____
Kaya matapos ang trabaho sa kompanya, we decided to go home.
Hindi na rin ako nagpa-apekto pa sa chismis, dahil kahit anong gawin nila, hindi nila ako masisira.
Tahimik na nagdadrive si David patungo sa kanyang mancion.
Wala s’yang imik, na tila malayo ang iniisip.
Gustuhin ko mang kibuin siya, pero pinili kong tumahimik na lamang.
“Ano pala ang paborito mong ulam?”, bigkas nito dahilan para mabasag ang katahimikan sa loob ng kotse.
For almost 30 minutes, ito lang pala ang iniisip niya.
Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako sa tanong niya.
“Bakit?”, tugon ko habang nakataas ang ang aking kilay.
“Wala lang. Natanong ko lang.”, pag-iiwas n’yang tingin.
So weird. But still, I choose to answer his question.
“Okay. Ang paborito kong ulam yung prinitong isda tapos syempre yung paksiw. Ang sarap-sarap kasi no’n.”, matakam-takam na wika ko.
Kumalam tuloy ang sikmura ko dahil sa pagpapaalala niya sa mga favorite foods ko.
“Easy.”, ngiting turan ni David.
“Easy ka dyan? Bakit, marunong ka ba magluto? Paglulutuan mo ba ako ha?”, saad ko rito.
“Of course, I can cook. Pero hindi kita paglulutuan.”, diretsang tugon niya.
Awtomatikong napakagat ako ng dila, dahil sa pagiging assumera ko
“Ah sabi ko nga, hindi.”, sambit ko na lamang at tinuon ang pansin sa kalsadang tinatahak ng sasakyan.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot, sa hindi malaman na dahilan.
____
Bumukas naman ang gate ng Mancion ni David, hudyat na nakarating na kami sa mismong pamamahay niya.
Kaya mabilis akong bumaba ng kotse para yakapin si Michael na kanina pa pala nakatayo sa may pinto.
“Baby!”, masayang bigkas ko.
Tumakbo ito palapit sa akin at mahigpit akong niyakap.
“Namiss kita, mama. Hindi ako sanay na wala ka kapag umaga.”, malambing na turan ng anak ko.
Pinupog ko naman siya ng halik sa palibot n’yang mukha, kaya napatawa ito ng malakas.
May kiliti kasi si Michael kapag hinahalikan ko siya.
“Mama naman. I’m big boy na po.”, hagikhik na sambit nito.
“Big boy ka dyan? Hindi ka pa tuli kaya baby ka pa rin sa paningin ko.”, pagtutugon ko at patuloy siyang dinadampian ng halik.
Sa sobrang kaharutan namin ng bata, hindi ko namalayan na wala na pala si David sa tabi ko.
Siguro, nauna na itong pumasok sa loob, kaya naman sabay na rin kaming naglakad ni Michael papasok doon.
“Ahm, Manang, si...


David po? Nakita niyo po ba siya?”, pagtatanong ko sa isang maid.
Nilibot ko na kasi ang paningin ko, pero hindi ko siya nahagilap.
Tinapunan ko ng tingin ang kwarto niya, pero naka-lock ito, kaya imposibleng nando’n ang binata.
Hays. May lahing aswang yata ang mokong na ‘yon. Hindi man lang ako ininform kung saang sulok siya pupunta.
“Ayieeh si mama, namiss agad si papa.”, pagsusundot na saad ni Michael sa tagiliran ko.
“Hindi ahh. Hindi ko siya namiss.”,
“Pero bakit mo siya hinahanap?”, tanong muli nito.
“Dahil may kailangan siyang sabihin sayo.”, bigkas ko bilang sagot.
“Eh ano po ‘yon mama? Ano pong sasabihin niya?”, curious n’yang sambit.
“Anak, mamaya malalaman mo rin.”, tanging saad ko at bahagya kong pinisil ang pisngi ng bata.
“Okay po.”,
“Sige, magbibihis muna si mama, tawagin mo na lang ako kapag kakain na.”, pagbibilin ko na kaagad n’yang tinanguan.
Mabilis naman akong umakyat, patungo sa aming kwarto.
Nagpalit ako ng damit na talagang komportable sa aking katawan.
Inalis ko na rin ang sandal na suot ko, at medyo nagkaroon ito ng sugat.
Masyado kasing matangkad ang heels kaya panigurado bukas, pilay akong maglalakad nito.
Nagpahinga muna ako ng ilang minuto sa kwarto, at maya-maya’y biglang sumigaw ang anak ko.
“MAMA! KAKAIN NA PO!”, pagkakatok ni Michael.
Halos mabingi naman ako sa sigaw niya na animo’y excited ang boses nito.
So I open the door at sumama na akong bumaba.
At pagkarating ko sa mismong hapag-kainan, nakita ko si David na nakasuot ng apron.
Naka-smile s’yang tumitig sa akin kasabay no’n ay nilapag niya ang mangkok na may laman na—paksiw.
“Pinaglutuan kita ng paborito mo, honey. Hindi ko na sinabay pa yung pritong isda, dahil masyadong malansa at takot ako sa talsik ng mantika.”, pag-aamin nito.
Pero sa halip na tawanan ko siya, palihim akong kinilig dahil sa effort na ginawa niya.
Todo deny pa siya kanina, tapos may pa-ganito pala ang gusto n’yang mangyari.
“Let’s eat. Maupo ka na dito.”, sambit ng binata at inalalayan niya pa ako na umupo.
“Wow! Ang sarap, papa!”, pagbibigkas ni Michael na ikinatawa naming dalawa ni David.
Sabay-sabay na kaming kumain na tila masaya kaming pamilya.
Halata ko rin sa mukha ng bata ang kasiyahan dahil ngayon niya lang naranasan ang magkaroon ng papa.
“Michael, gusto kong ligawan ang mama.”, walang paligoy-ligoy na wika ni David.
Buong akala ko, magugulat ang anak ko sa sinabi nito, pero hindi eh. Bagkus, ako pa ‘tong nagulat sa tinuran niya.
“Ligaw lang papa? Ang hina mo naman. Kung ako sayo, gawa agad kayo ng baby.”, sambit niya dahilan para mapaubo ako ng husto.
Bwisit, parang gusto kong makausap ang teacher ni Michael.
Baka kung ano-ano ang tinuturo nila sa batang ‘to.
END OF CHAPTER 16
©Binibining_Timoji






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top