Author: Ren Salazar
Sinalubong agad sina Rhea at Schiyev ng ka trabaho ni Rhea pagdating sa may gate ng bahay nito.
” Hi ….”
” Schiyev,right?”
” Ah..yes.” nagtatakang sagot nito sa ka trabaho ni Rhea. Hindi niya alam kung bakit alam nito ang kanyang pangalan.
” Ah. Pasensya na at inunahan kita. Aksidente ko kasing napakinggan ang pinag usapan niyo ni Rhea kaya wala siyang nagawa kundi magkwento sakin tungkol sayo.”
” Ahh….” Tiningnan nya si Rhea na nasa kanyang tabi.
” Oo,Aning. Naging ka kwentuhan ko na siya simula non.” Sabat naman ni Rhea.
Lumapit ng kaunti si Schiyev kay Rhea at may binulong.
” Lahat ba ng tungkol sakin? Naikwento mo sa kanya?”
Tumingin si Rhea sa kanya saka tumango ng marahan.
” Pati ba yung tungkol samin ni…”tinanguan siyang muli ni Rhea.” Ano?”
” Huwag kang mag alala. Mabait siya.”
” Ehermm…ahmm…pasok na tayo.” Yaya ni Hanz sa dalawa.
” Ah! Oo. Sige. Tara pasok tayo. ” Sabi ni Rhea at hinila na si Schiyev papasok.
Puro katrabaho ni Rhea ang naroon. Tanging si Schiyev lang ang hindi. Pero ayon naman kay Rhea, mabait ang mga ka trabaho niya kaya ok lang na andon siya. At totoo naman ang sinabi ni Rhea. Walang suplada at suplado sa mga ito. Lahat kinakausap si Schiyev.
” May boyfriend ka na ba? ” Tanong ng isang babae.
” Ahh…wala. Pero asawa meron.”
” What?! Asawa? Talaga? Ang bata mo pa para magkaroon ng asawa.” Sabi naman ng isa na nginitian lang ni Schiyev.
” Magkwento ka nga. Gwapo ba asawa mo? ” Tila na eexcite naman ang mga ito.
” Ah..kailangan ba? ”
” Ay naku. Sige na. Huwag ka ng mahiya.”
” Ah..amm..gwapo?Naman! Ang gwapo ng asawa ko.!”
” Mayaman ba?”
” Ha?”
” Ahh…hin..di masyado. Sakto lang naman.” Pagsisinungaling niya. Hindi niya sinabi na napakayaman ni Zu dahil baka kasi pag sinabi niya sa mga ito,pati kayamanan ni Zu itatanong pa.
” Anong pangalan niya? ”
” Ah..”
” Oo nga. Anong name ng hubby mo?”
” Ah .ahhha..secret!” Saka tumawa siya ng malakas.
” Hay…bakit secret?”panlulumo ng isa.
“Natural! Baka kasi pag sabihin ko sa inyo,hahanapin niyo sa Fb tapos aagawin sakin.hahaha…akin lang yon no!”Walang preno niyang saad.
Natigilan ang mga kausap at seryosong tumingin sa kanya.
” Ah. Heheh..biro lang. Biro…lang.” natigilan siya sa pagtawa nang mapansing iba ang naging reaksyon ng mga ka trabaho ni Rhea sa sinabi niya.
” Haay naku…bakit naman yung kaibigan ko ang binibigyan nyo ng pansin. Si Hanz kaya kausapin nyo.” Mabuti na lang at dumating si Rhea para isalba siya sa mga pagtatanong ng mga ito. ” Aning …..may sasabihin ako sayo. Halika..sumama ka sakin.”
” Mm.” Sabay tango niya kay Rhea.
At nang makalayo na sila….
” Haaayy..grabe naman yang mga ka trabaho mo Rheang, personal yung tinatanong.”
” Bakit kasi sinagot mo pa? Eh,pwede mo na mang iwasan.”
” Anong gagawin ko? Iiwan sila. Magiging bastos ang papel ko non.”
” Hindi mo naman kailangan iwanan sila. Pwede mo namang sabihin na…past.”
” Eh….huli na. Sinagot ko na sila pero hindi naman lahat sinagot ko ng totoo. ”
” Mabuti naman. Kapag nalaman nila na nag mamay ari ng isang malaking kompanya ang asawa mo..hindi ka nila titigilan. Kukulitin ka ng mga iyon para ipasok mo sila sa kompanya ni Zuriel.”
” Bakit ko naman gagawin iyon? Eh,ako nga na asawa niya…hindi ko tinanggap ang offer ni Zu. ”
” Talaga? Ang ibig mong sabihin…inalok ka ng trabaho ni Zu sa kanyang kompanya?”
” Oo. Pero..tinanggihan ko.”
” Bakit naman? ”
” Rheang…ayokong gamitin ang pagiging asawa ko ni Zu para makapasok sa kompanya niya. Kailangan ko munang patunayan na derserving ako sa pwestong inaalok niya. Hindi dahil sa asawa niya ko. Ayoko non.”
” Ano bang pwestong iyon?”
“Assistant niya.”
” Yun lang naman pala. Kayang kaya mo yon.”
” Ayoko pa rin. At tsaka..mataas na posisyon na ang meron ako ngayon.”
” Ha?! Sa ibang kompanya ba?!” Gulat na gulat na turan ni Rhea.
” Hindi ah. ”
” Eh,saan?”
” Sa puso ni Zu syempre! Ako na reyna don...