Aking Prinsesa Chapter 12


Aking Prinsesa❣️
.
Chapter 12
.
Muli na namang nabuhay ang takot ni Yna, at ganun din si Nico, natakot si Nico para kay Yna..wala siyang sapat na lakas para makipaglaban sa mga tauhan ng mag-amang Poli at Noel..
.
Nico : Tara na umalis sa lugar na ito, hanggat hindi pa sila bumababa sa yati nila.
Yna : natatakot ako Nico.
Nico : huwag kang matakot. Kasama natin ang. Panginoon, hindi niya tayo pababayaan.
.
At binitawan na nila ang saging na bitbit nila, at mabilis nilang nilisan ang lugar na iyon. Kahit hinang hina ang pakiramdam ni Nico, ay pilit pa din niyang kinakaya ang pagtakbo, at ganun din si Yna..sobra na naman siyang ninenerbiyos, ang akala niya ay tapos na ang kalbaryo nila, pero hindi pala, at eto ulit sila ni Nico, walang humpay na naman ang pagtakbo nila..para takasan ulit ang mga masasamang tao na humahabol sa kanila..nakaramdam din ng takot sa dibdib si Nico para sa dalaga, kung sakaling maaabutan sila ay hindi niya alam kung kakayanin pa niyang lumaban, wala pa man din siyang armas..kaya kahit hirap na hirap na ay tinitiis niya, pero hindi niya pinahahalata kay Yna na pinanghihinaan siya ng loob.
.
Yna : Nico, pahinga muna tayo, napapagod na ako.
Nico : tiisin mo mahal ko, kailangan nating makalayo agad..kayanin mo.
.
Walang nagawa si Yna kundi ipagpatuloy ang pagtakbo, at si Nico naman ay parang bibigay ang katawan.dahil sa nanlalambot pa nga siya dahil sa pagkakakalagnat niya ng nagdaan gabi..At samantala nmn ang yati ay huminto na at ang mga sakay nito ay nagsibabaan..at ang mga tao na lulan ng yati ay sina Poli at Noel, at ang mga tauhan nila.
.
Noel : bilisan niyo, baka sakaling dito sila napadpad, huwag kayong tatanga-tanga..
(utos niya)
.
pati si Poli ay bumaba na din ng yati.
.
Mitch : babe sama ako.
Poli : hindi, diyan ka na lang!
.
at nang marating na nila ang dalampasigan ay nagkalat-kalat ang mga tauhan nila Poli..at hanggang sa nakita nila ang isang life jacket na nakasampay sa sanga..nakita iyon ng isang tauhan nila.
.
lalake : boss Poli..nandito sila..(sigaw nito)
.
natuwa naman si Poli sa narinig..sa isip niya humanda si Nico sa kanya, hindi siya makakapayag na mapunta sa iba di Yna..lumapit si Poli sa tauhan na nakakita sa lifejacket.
.
lalake : boss bago, sila nakatalon kagabi sa dagat ay ipinasuot ng lalake kay Yna itong jacket..
Poli : oo nakita ko..sige halughugin nio sila diyan sa loob ng gubat..
.
at tinawag nila ang ibang kasamahan, na sabihin na kumpirmado na naroon sa gubat na iyon ang kanilang mga bihag..at si Poli naman ay sinenyasan niya ang kanyang papa na ibig sabihin ay naroon ang dalawa.. natuwa naman si Noel. at nagpasya din itong lumusong sa tubig at pumunta sa dalampasigan..
Noel : Mitch huwag kang aalis dito..
Mitch : opo tito.
.
at dali dali na nga si Noel na bumaba ng yati..hanggang sa makarating siya sa dalampasigan..at sumunod siya sa anak at sa mga tauhan sa May loob ng gubat..at hanggang marating niya kung saan ay nakhinto ang mga tauhan at ang anak niya sa May buwig ng saging.
.
Poli : nandito sila..bilisan nio. hindi pa nakakalayo yun.
Noel : sigurado kaya na nandito sila..
Poli : oo papa..nakita namin ang lifejacket na sinuot ni Yna..at itong saging na ito.sino ba ang posibleng kukuha nito..sila lang, syempre nakaramdam ng gutom naghanap ng pagkain..at siguro natanawan tayo, iniwanan na nila ang saging at tumaKas na ulit sila..
Noel : oo posible nga..sige tulungan natin yong mga kumag na maghanap.
.
at pati ang mag-amang poli at noel ay sumama sa mga tauhan nila na hanapin ang dalawang bihag.
.
Noel : hindi na kayo makakatakas!!
.
At samantalang si Mitch ay inip na inip na sa kakahintay kay Poli, dahil halos magtatatlong oras na ay hindi pa din bumabalik ang mga ito..at samantalang sina Yna at Nico ay napadpad sa mga bahayan,,bahayan ito ng mga Katutubong tribo.
.
Nico : magandang tanghali po, maaari po ba kaming maki-inom,,kami po ay uhaw na uhaw.
Ka Imong : sino kayo?
Nico : ako po si Kulas at ito po ang nobya ko si Yna, naliligaw po kami..kaya po napadpad po kami sa lugar ninyo..
Ka Imong : sige hali kayo sa aming tahanan.
.
At nagpunta nga sila sa tahanan ni Ka Imong..at ang lahat ng madaanan nilang katutubo doon ay nakatingin sa kanilang lahat..si Ka Imong ang pinaka pinuno roon, at sinusunod nila ang anumang ipinaguutos nito..at inutusan ni Ka Imong ang kanyang anak na kumuha ng maiinom nila Nico at Yna..at nang makainom sila ay nakaramdam sila ng ginhawa..at pansin nila na pinagmamasdan sila ni Ka Imong.
.
Nico : maraming salamat po..lulubusin ko na po ang paghingi ng tulong. Baka po pwedeng bigyan nio kami kahit konting pagkain.
.
Awang awa si Yna sa kalagayan nila ni Nico..at si ka imong ay inutusan naman niya ang kanyang may bahay, na ipag-hain sila..at nang makahain ng pagkain ang asawa ni Ka Imong ay dumulog na din sila, hiyang hiya si Yna dahil para silang nanlilimos ni Nico..at ng makakain sila ay naibsan ang pagod at gutom nila.
.
Nico : maraming salamat po—,.
Ka Imong : Imong, ako si Ka Imong, at ito ang asawa ko si Mara, at ang anak ko si Lita, mukhang malayo ang nilakbay nio at pagod na pagod kayo..
Nico : opo..nga, pasensiya na po kayo kung nakaabala po kami sa inyo..kailangan lang po talaga namin ng tulong nio.
.
At napansin ni Ka Imong ang braso ni Nico, at may bahid ng dugo sa t-shirt nito.
.
Ka Imong : bakit may dugo ang damit mo binata?
.
Nag-alala si Nico nang makita ni Ka Imong ang dugo sa damit niya, nagdurugo ang sugat niya dahil sa sobrang natagtag sila ni Yna sa pagtakbo..nag-alala sila na baka paalisin sila, o baka ipagtabuyan sila ni Ka Imong kapag nalaman nila ang totoong dahilan ng pagparoon nila sa kubkuban ng tribo nila..pero ipinagtapat na rin ni Nico ang totoong dahilan na baka daw sakaling matulungan sila ni Ka Imong.
.
Nico : sa katunayan po, kaya kami napunta dito ay tumatakas po kami sa mga humahabol po sa amin, kasi po gusto nilang kidnapin ang nobya ko para ipatubos sa malaking halaga, isinakay po kami sa yati at hindi po namin alam kung saan kami idadala, nakatakas lang po kami sa kanila, nilangoy po namin ang dagat ng mahabang oras at ito nga po sa pagtakas namin ay natamaan ako ng bala nila.
.
Pinag-palitpalit ni Ka Imong ang tingin niya sa dalawang panauhin..hindi alam kung ano ang sasabihin niya..pero nakaramdam siya ng awa panauhin.
.
Yna : opo, sana po Ka Imong tulungan nio po kami, kailangan po namin ng sapat na pahinga, upang makabawi kami ng lakas, upang makapaglakbay po ulit kami.
.
At dahil may mabuting kalooban naman si Ka Imong ay nagpasyang tulungan sina Yna at Nico.
.
Ka Imong : sige dumito kayo at magpalakas, walang gagalaw sa inyo dito..
Nico&Yna : maraming salamat po..
Yna : ngayon pa lang po ay labis na kaming nagpapasalamat sa inyo..
Ka Imong : walang anuman..Lita tawagin mo si Ka selo at gamutin ang sugat ng ating bisita na si Kulas..
Lita : opo ama..
.
At dali daling umalis si Lita upang tawagin si Ka Selo, at hindi nagtagal ay dumating na nga si Lita at may kasamang lalake na sa tingin nila ay mas matanda lang ng konti kay Ka Imong..
.
Ka Imong : Ka Selo, salamat sa pagpunta mo, kailangan ng tulong ng ating panauhin, may sugat siya, at kailangang magamot ito para hindi maimpeksiyon.
Ka Selo : walang problema, handa naman akong tumulong sa mga nangangailangan ng tulong ko..
Ka imong : maraming salamat ka Selo.
.
At inumpisahan na ngang ginamot ni Ka selo ang sugat ni Nico.at ng matapos gamutin ay labis ang pasasalamat nila kay Ka selo..at hanggang sa umalis na si Ka Selo..
.
Mara : kumusta ang pakiramdam mo kulas?
Nico : maayos na po kesa sa kanina..
Mara : magpahinga na muna kayo, maglalaga ako ng dahong gamot na ipinayo ni Ka selo, at inumin mo mamaya pag-kakain natin ng hapunan.
.
Nico ; opo salamat po..
Mara : lita anak, samahan mo sila kung saan sila pwedeng mamahinga, sa may likod bahay sa isang kubo natin, nang sa ganun ay manumbalik ang kanilang lakas ng pangangatawan..
Lita : opo ina.
.
At sinamahan nga sila ni Lita sa kanilang pagpapahingahan..sa likod bahay lang nila Ka Imong.
,
Lita : dito po kayo mamahinga, pagpasensiyan po ninyo kung medyo may kaliitan po ang aming kubo.
Yna : ayos lang lita..salamat ha..
Lita : walang anuman po..sige po maiwan ko na po kayo diyan, pero babalik po ako para kuhanan ko po kayo ng mga gamit ninyo.
Nico : salamat.
Ka,imong : kumusta na ang sugat mo?
Nico : ayos na po, magaling po palang mag-gamot si Ka selo.
Ka imong : ah oo..magaling talaga sa paggagamot iyon..sige magpahinga na kayo, at ipanatag nio ang kalooban nio dito, at walang gagalaw sa inyo dito..
Nico : maraming salamat po talaga ka imong, napakabait nio po sa amin.
Ka imong : walang anuman yun binata..sige maiwan ko na kayo upang makapagpahinga na kayo.
Yna : salamat po ulit.
Lita : eto na po ang inyong mga unan at kumot..
Yna : salamat Lita ah..
Lita : walang anuman po, basta po kahit ano man pong kailangan ninyo sabihin lang po ninyo sa amin.
Nico : maraming salamat lita..
.
At umalis na si Lita at naiwan na silang dalawa sa kubo..umakyat na sila sa kubo upang magpahinga, ang kubo ay may kaliitan, at ang kubo ay may apat na baitang na hagdanan at may dalawang bintana, na pumapasok ang hangin sa loob..at ng makaakyat na sila sa taas ng kubo ay isinara ni Nico ang pintuan.
.
Nico : sinara ko upang hindi tayo makita dito, baka mamaya makarating ang grupo dito nila Poli..
Yna : oo ayos lang na isara mo..mahihiga na ako, dahil ang sakit na ng mga katawan ko kanina ko pa gustong mahiga..at saka ang sakit-sakit ng mga binti ko at paa..
Nico : sige mahiga ka na..imamasahe ko yong binti mo..
Yna : hindi na, magpahinga ka na din para lumakas ka..parehas tayong napagod kaya kailangan mo ding magpahinga, lalo na ikaw may sugat ka..
Nico : ayos na ako, huwag mo akong alalahanin..
Yna : basta, pahinga ka na din..halika mahiga ka na din sa tabi ko..
Nico : talaga ba?
Yna : oo..(nakangiti niyang sabi)
.
At tumabi nga si Nico kay Yna, natutuwa ang puso ni Nico dahil, hindi na naiilang si Yna sa kanya..dahil si Yna na mismo ang nag-alok sa kanya na tumabi siya dito.
.
Nico : salamat ha..
Yna : salamat saan?
Nico : sa pagmamahal mo..
Yna : diba dapat ako ang magpasalamat sayo, kasi mas mahal mo ako..mas mahal mo pa yata ako kesa sa sarili mo eh..wala ka ng paki-alam kahit ikapahamak mo pa, mailigtas mo lang ako..
Nico : hindi ko kasi kakayanin kung may mangyayari sayong masama dahil mahal na mahal kita.,pwede bang sabihin mo ulit sakin na mahal mo ako.
.
Tumagilid paharap si Yna kay Nico..at ngayoy magkahinang ang kabilang mga mata, at animoy nag-uusap ang mga mata nila, kasabay ng mga puso nilang nangungusap din sa isat isa..
,
Yna : Mahal na mahal kita.
.
At pagkatapos sabihin ni Yna ang mga katagang mahal na mahal ay unti unting inilapit ni Nico ang mukha niya sa mukha ni Yna, at hanggang sa gahibla na lang ang pagitan ng mga labi nila.
.
Nico : I love you more, my princess!!(bulong niya)
.
Bumilis ang tibok ng puso ni Yna dahil alam na niya ang gagawin ni Nico, hahalikan siya nito, at hanggang sa napapikit na lang si Yna dahil ramdam na niyang kumikilos na ang mga labi ni Nico sa mga labi niya..at dahil sa mahal na mahal niya din si Nico ay tinugon niya ang mga halik ni nico, at bumabalot sa katauhan niya ang ligaya na nagmumula sa puso niya..noon lang niya naramdaman ang ganong klase ng pakiramdam, na talagang ramdam niya ang pagmamahal ni Nico sa kanya, di niya tuloy maiwasang ikumpara si Poli kay Nico, ibang iba si Nico kay Poli, kay Nico ay para siyang isang babasaging bagay na iniingat ingatan, kay Nico niya naramdaman ang tunay na pagmamahal, kay nico niya naramdaman ang pag-iingat na kahit sa anong kapahamakan ay ipagtatanggol at kahit ano pa man ang suungin, ay handang lumaban, maipagtanggol lang siya..at hanggang sa huminto na sa paghalik si Nico.
.
Nico ; pahinga na tayo mahal ko..para makabawi tayo ng lakas..
Yna : oo..
.
At lumipas ang mga minuto dahil sa tindi ng pagod ay nakatulog din sila, inalis muna nila sa isipan nila ang panganib na nagbabanta sa kanilang buhay, pinayapa muna nila ang isipan nila, na kunwari ay walang panganib na naghihintay sa kanila, ang tanging nasa isipan nila ngayon ay yong magkasama sila at magkayakap sila at dinadama ang pagmamahal ng bawat isa, kaya ngayon ay payapa silang natutulog, at samantala naman sina ka imong at ang...


iba pa niyang mga katribo ay nagpupulong-pulong sila, pinagpupulungan nila ang pagtulong sa kanilang panauhin na sina Yna at Nico..dahil mabait ang Diyos kila Yna Nico ay nagkaroon sila ng kakampi..at lumipas pa ang mga oras ay ginigising na sila ni Lita..napabalikwas sila dahil sa naalimpungatan sila, may kadiliman na noon sa paligid, napasarap ang tulog nila dahil sa tindi ng pagod..
.
Lita : ipagpaumanhin po ninyo kung nagambala ko ang inyong pamamahinga..pinagigising na kayo ni Ama at Ina at tayo ay maghahapunan na..
Nico : ayos lang yun lita, sige susunod na kami.
.
Guminhawa na ang pakiramdam niLa Nico at Yna..kahit na may kasakitan pa din ang mga katawan nila ay nabawasan naman ang sama ng pakiramdam nila, dahil sa naging mapayapa ang kanilang pagtulog.
,
At samantala naman ang grupo nila poli, ay bumalik na uli sila sa loob ng gubat..ng mapagod kasi ang mga tauhan nila Poli at si Noel ay nagpasya na lang silang bumalik sa dalampasigan..dahil hindi nila nahanap sina Yna at nico. Kaya nagpasya silang sa gabi na lang sila maghahanap dahil daw kung sakali daw na naroon sa loob ng gubat sina Nico at Yna ay hindi iyon makakatiis sa lamok, lalabas at lalabas daw iyon upang gumawa ng apoy para may maipang bugaw sa lamok, at pangbawas ng lamig..at ngayon nga naghihintay sila kung may magpapaapoy daw sa may gubat..at samantala naman sina yna at Nico ay dumulog na sa hapagkainan.
.
Mara : sige kumain na tayo..
Ka imong : kumain lang kayo ng kumain ha, huwag kayong mahihiya..
Nico&yna : salamat po..(panabayang nilang sabi)
Ka imong : naku wala yun, kanina pa,kayo nagpapasalamat sa amin..
Nico : dapat lang po kaming magpasalamat sa inyo dahil napaka buti nio po sa amin..
Ka imong : ganun talaga..dahil kung kami naman ang mangailangan siguro naman hindi nio din kami pababayaan..
Nico : syempre naman po..
Mara : oh eto ang inumin mo, hatol ni Ka selo yan, para daw hindi kumirot ang sugat mo..
Nico : salamat po..
.
At hanggang sa nakatapos na silang kumain..nakipagkwentuhan sila sandali sa mga katutubo..at lumipas ang mga oras ay nagpasya na silang pumunta na sa kanilang pagtutulugan..malakas lakas na sila dahil sa nakakakain na sila, at ganun din si Nico parang bumalik na ang lakas niya..kahit papano ay kaya na niyang makipaglaban sa mga tauhan ni Poli..ng maka-akyat na sila sa taas ng kubo ay isinara na din ni Nico ang pinto ng kubo at pati na din ang bintana..bumibilis ang tibok ng puso ni Yna dahil solo nila ulit ni Nico ang gabi..bumibilis ang tibok ng puso niya sa isiping magkatabi na naman sila ni Nico sa pagtulog..sa isip niya na habang magkatabi sila ni Nico at magkayakap. Nakakabuo sila ng apoy na alam naman niya na pinaglalabanan ni Nico, at ni Yna din, dahil ano man ang gawin sa kanya ni Nico ay hindi niya kayang paglabanan ito, dahil sa mahal na mahal niya si Nico..tanong niya sa isip niya kung handa ba siya..handa na ba talaga siya na ipagkaloob kay Nico ang sarili niya..pero hindi niya pinahalata kay nico na may kaba siyang nararamdaman.
.
Yna ; inaantok ka na ba?
Nico : hindi pa, isinara ko lang at mahihiga na tayo..kasi kung hindi pa natin isasara mawawala yong antok natin kung saka natin isasara ang bintana..
Yna : sabagay tama ka.
.
Magkatulong silang naglatag sa kanilang paghihigaan, at nagkabit din sila ng kulambo nila..at ng makalatag at makapag-kabit ng kulambo ay nahiga na din sila..at ayun na talagang bumibilis na naman ang tibok ng puso ni Yna, na ngayoy nakahiga na sila at magkatabi na ulit sila..pinakalma niya ang kanyang puso dahil mahahalata ni Nico na kinakabahan siya dahil sa excitement na nadarama.
.
Nico : guminhawa naba yong katawan mo?
Yna : oo, medyo okay na din..aalis na din ba tayo bukas?
Nico : oo, magpapasama tayo kila Ka Imong kung saan ang papalabas ng gubat..
Yna : sana hindi na tayo masundan nila poli ano.
Nico : oo nga eh, sana nailigaw natin sila.
Yna : sana nga.
.
At sumandali ang katahimikan sa pagitan nila nagpapakiramdaman sila., tumalgilid patalikod si Yna kay Nico dahil…si Nico naman ay gusto niya muling yakapin si Yna..kaya ang ninanais ng puso ng binata ay ginawa niya, at hanggang sa naramdaman ni Yna ang mga kamay ni Nico na yumayapos sa kanya, at kinabig ni Nico ang dalaga upang palapitin ito sa kanya at hanggang magkadikit na sila, yakap yakap ni Nico ang dalaga, at si Yna ay kay ligaya ng puso niya dahil sa yakap siya ng kanyang minamahal na lalake, at nararamdaman niya ang hangin na nagmumula sa hininga ni Nico sa kanyang leeg..parang kinikiliti ang kanyang puso.at hanggang sa hinawakan ni Nico ang mukha ng dalaga at dahan dahan na ipinaharap sa kanya ang dalaga, isinunod naman ni Yna ang mukha sa nais na gawin ni Nico. humarap na si Yna kay Nico..at ngayo’y nga ay magkaharap na sila at, kinuha ni Nico ang kamay ni Yna at ipinayapos niya ang sarili..alam na ni Yna kung ano ang gusto ni Nico na yakapin niya ito. kaya niyakap naman niya ang binata, at parang gusto nilang pahintuin ang oras ng mga sandaling iyon..hanggang sa ang halikan nila ay nagiging madiin, at nagiging maalab, at walang gustong humiwalay sa mga halikang iyon, at hanggang sa ang halikang iyon ay nakabuo ng apoy na tumutupok sa dalawa na ang mga halik ay nagiging mapusok..at ang mga kamay ng bawat isa ay nagiging pangahas na din, si Yna ay wala na siyang paki-alam kung saan pa sila umabot ni Nico, basta ang alam lang niya ay mahal niya si Nico..at si Nico naman ay nawawala na ang katinuan, dahil sa dikta ng kanyang puso, hindi na niya mapigilan ang sarili dahil sa mahal na mahal niya si Yna, at handa niyang panagutan ang mangyayari sa kanila ni Yna. At hanggang sa nasumpungan na lang nila ang kanilang sarili na wala na ang kanilang mga damit sa katawan, at handa na si Yna na papasukin ang binata sa buhay niya at sila ay maging isa..at si Nico sa pagmamahal niya kay Yna ay hindi na talaga niya napigilan ang sarili at handa na siyang angkinin ang minamahal na babae..at bago niya tuluyang angkinin ang kanyang minamahal ay parang narinig niya na sinabi ng konsensiya niya na, kung talagang mahal niya ang dalaga bakit kailangang niyang samantalahin ang pagkakataon..sa isiping iyon ay parang nabuhusan siya ng malamig na tubig na nagpahupa sa kanyang apoy, na labis na naglulumiyab sa pagkatao niya, sabi niya sa isip niya na mali yong ginagawa niya..hindi dapat..sinisisi niya ang sarili niya sa mga ginawa..umalis siya sa ibabaw ni Yna..at dali dali niyang hinanap ang mga damit niya upang isuot ito, si Yna ay naglaho din ang apoy na lumulukob sa kanyang pagkatao..hindi niya alam ang mararamdaman kung manghihinayang o matutuwa dahil sa isip ni Yna ay pinaglabanan ni Nico ang sarili dahil nirerespeto siya nito..pero sa totoo, masaya ang puso niya dahil sa malaya na ang isip niya ang puso niya na ibigay ang buong pagkatao niya sa lalakeng nagpapatibok ng kanyang puso..hindi na siya nakukunsensiya na may boyfriend siya na kailangan niyang paglabanan ang nararamdaman ng puso niya sa itinitibok nito dahil sa hindi tama,,pero ngayon, malaya siya na ipagkaloob ang sarili sa lalakeng minamahal at si Nico iyon.
.
Yna : N-nico..!!
Nico : Yna im sorry, hindi ko napigilan ang sarili ko dahil mahal kita.
Yna : pero pinigilan mo pa din ang sarili mo..nico mahal kita, handa kong ibigay ang sarili ko sayo, dahil mahal na mahal kita.
Nico : pero hindi tama, dapat ay nirerespeto kita, dahil mahal kita, hindi kita dapat sinasamantala, hindi ko dapat sinasamantala ang pagkakataon..
Yna : hindi ka naman nananamantala, nagmamahal ka lang kaya mo nagawa yun.
Nico : at dapat akong maghintay sa tamang panahon na legal na tayo..na naiharap na kita sa dambana bago ko kunin ang pinakamahalagang bagay na iniigatan mo buong buhay..kaya patawarin mo ako.
.
Lalong humanga si Yna sa binata.at lalong nadagdagan ang pagmamahal niya dito..hinagilap din ni Yna ang kanyang mga damit at isinuot na niya ito.
.
Yna : sorry din, dahil sa mahal kita hindi ko man lang tinutulan ang ginawa mo..sorry na, mahal na mahal kasi kita kaya wala na akong paki-alam kung mali na yong ginawa natin..may kasalanan din ako.
.
Naibasan naman ang konsensiyang nadarama ni Nico dahil sa sinabi ni Yna.
.
Nico : huwag na nating uulitin yun ah..
Yna : oo..
Nico : sa susunod, babawalin mo na ako.
Yna : oo ba..basta ba ipaalala mo sakin na bawalin kita sa gagawin mo.(nakatawa niyang sabi)
.
Natawa din si Nico sa sinabi niya.
.
Nico : ikaw talaga..nakukuha mo pang magbiro.
Yna : kaswerte ko talaga sayo.
Nico : ako kaya ang maswerte sayo..
Yna : hindi kaya, mas maswerte ako sayo kasi bukod sa napaka-guwapo mo, masipag pa at mabait matulungin marespeto..tiyak na magugustuhan ka ni Papa.
.
Hindi nakakibo si Nico ng banggitin ni Yna ang papa nito..naisip niya, na mayaman nga pala si Yna, alangan siya sa estado ng buhay ng dalaga, mayaman ang dalaga, samantalang siya ay isang hamak na mahirap lang..at napansin ni Yna ang pananahimik ni Nico.
.
Yna : inaantok ka na?
Nico : oo, matulog na tayo.
Yna : sige.
.
At nahiga na ulit silang dalawa..na may kapanatagan ang isip, at ang tanging nararamdaman nila ay kasiyahan sa kanilang puso.,nahiga sila na magkayakap at kapwa nangangarap ang bawat isa na sana ay dumating na ang araw na silay pinagbigkis na ng May Kapal…at lumipas ang ilang sandali ay nakatulog na sila..ng may saya sa puso ng bawat isa..at samantalang sina noel at poli pati na ang mga tauhan nila ay malapit na sila sa may kubkuban ng mga tribo ng katutubo..at ng malaman nila na may mga bahayan dun ay napahinto sila.
.
Poli : baka kaya dito sila napadpad ah..
Noel : oo malamang yun, baka isa sa kubo na iyan ay naroon ang dalawa.
.
Biglang nakaramdam ng bigat sa dibdib si Poli sa isiping magkasama at magkatabi ngayon sa pagtulog si Yna at ang lalakeng kasama nito..nagsisisi si Poli sa naging disisyon niya na kidnapin si Yna..dapat daw ay sinunod na lang niya ang papa niya na pakasalan nalang ito..at sabi niya sa sarili..ganun na ang naging desisyon niya. kailangan panindigan na niya..na makuha si Yna at para ipatubos sa papa nito.
.
lalake : boss ano ang gagawin natin? papasukin ba natin ang mga bahayan na yan?
Noel : huwag. hindi natin alm kung ano ang mga nakatira diyan sa mga bahayan na yan. baka mga armado yang mga may-ari ng bahay na yan todas tayong lahat..buti pa maghintay tayong mag-umaga..doon tayo sa malayo dito baka makaramdam sila na nandito tayo..at humanap nga sila ng mapagpupwestuhan nila sa medyo malayo sa bahayan..at dahil sa masarap ng tulog nila Nico at Yna ay halos May liwanag na ang paligid dahil sa nakasilip na ang haring araw..at hanggang sa nagpasya na din na pumunta ng grupo ng mag-amang Poli at noel..sa kubkuban ng mga tribo…at naka-usap nila si Ka Selo..
.
Selo : sino kayo??
Noel : hoy tanda may hinahanap kaming mga tao isang babae at isang lalake.. napadpad ba sila dito..
Selo : walang napapadpad ditong babae at lalake.
.
at hindi naniniwala si Noel kay ka Selo Kaya. inutusan niya ang mga tauhan na pasukin ang mga bahay..
itutuloy..
25 Comments
Write a public comment…

Edlyn Pagsanjan Bautista
Next
· Reply · 13h
Rosemarie Torreon
Next po
· Reply · 16h
Bam Munnoch

+2
· 1d ·
Title; Maybe this time ( Part 4)
” Don’t cha wish your girlfriend was hulog like me” natatawang tukso ni Sandoval kay Santi
” Tigilan niyo na nga ako” angil nito… See More
61 Comments
Write a public comment…

Rose-Mia Abdullah Samla
Grabe nman yan dad. pero okay lng mabubuhay parin nman ako kht tang galin mupa ako sa companya mo.hehehe thanks lods sa ud.
· Reply · 1h
Bam Munnoch
Author

Rose-Mia Abdullah Samla
· Reply · 2h
2 of 61
Arlyn Mancio
1d ·
Hi po sa mga nagbabasa ng mga story ko wag po kayu mag alala e update ko napo ang part 3 mamaya tnx po
0 Comments
Write a public comment…

Collyn Cris Escubin

· 1d ·
THE NERD REVENGE
CHAPTER 16
ASHLEY POV… See More
158 Comments
Write a public comment…

Christine Nacua
Nxt chapter please…..
· Reply · 1d
Luna Regielyn
Nxt po
· Reply · 4h
2 of 157
Joy Francia
1d ·
It’s a Choice Not an Option
by: Jamzrellejan
Chapter 15… See More
32 Comments
Write a public comment…

Grenggo Abgao
Next po plzzzz
· Reply · 7h
Mierlita Rubite
Nxt po
· Reply · 17h
Selene Oxford

· 1d ·
SOLD TO A HEARTLESS MAFIA
Author: yrstrly
Chapter 17 : I like you… See More
223 Comments
Write a public comment…

Saulda Fanny
Salamat po sa update ❤️
· Reply · 1d
Mirasol Reformina
hayaan mo zariyah, lilipas rin yang sakit na nrrmdaman mo..sangaun maging msaya ka kc boto ang nanay nya sau.
· Reply · 1d
2 of 219






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top