SUBRANG tahimik ni axil habang pauwi na sila, at ipinag tataka niya yun, kagagaling niya lang pumirma nang kontrata para sa pilikulang destined to be your’s. inabot din sila nang apat na oras kaya halos mag aalas dos na iyon ng hapon. naaliw siya makipag usap sa mga artista na makakasama sa pilikula.
hindi siya nito sinusulyapan or kinaka usap manlang. bagay na kinaiinis niya.
“dumaan tayo nang salon. gusto kung mag pa massage. aniya sa walang imik na lalaki.
walang tugon mula dito.
“wag ka nga pala ma la-late mamaya para sa event. pag papa alala niya.
sa halip na sumagot ay binuhay nito ang sterio.
“axil i’m talking to you.. naiinis niyang sabi.
“naririnig kita. tipid nitong tugon.
“so.. bakit dika sumasagot? kanina pa ako nag sasalita dito. nag taas siya nang boses.
“Alam ba nang parents mo ang tungkol dito? buntong hiningang tanong nito sa kanya na hindi manlang siya sinulyapan.
“ahhh.. so galit ka sakin dahil pumirma ako nang kontrata without telling them?
“hindi ako galit.. kung hindi mo napapansin wala ka ng time sa parents mo na nag aalala sayo. ni hindi ka manlang makapag pahinga. sabi nito sa kalmadong boses.
“malaki na ako axil. kaya ko ng magdisiyon para sa sariling ko. saka isa pa kilala mo si mommy at daddy ayaw nila sa trabaho kung to. himig paliwanag niya.
“yun na nga eh.. bukod sa ayaw nilang may masamang mangyari sayo dinadagdagan mo pa ang mga alalahanin nila. katulad nalang nito.
uminit ang ulo niya sa mga narinig mula sa lalaki. animong napagud siya sa pakikipag talo dito.
sa lahat ng ayaw niya yung pinakikialaman siya. lalot wala naman itong kinalaman sa kanya. sa buhay niya.
“wala akong planong sabihin to sa kanila, besides sino kaba? kung ayaw mo sa trabaho ko eh di umalis kana. ayaw ko nang pinapakialam ako. galit niyang bulyaw dito,
napailing ito sa sinabi niya. hindi siya makapaniwalang nakikipag talo siya sa driver niya. kung makapag salita ito akala mo parte ng pamilya nila.
“sinasabi ko lang kung anung nakikita kung mali sinyorita. kung talagang gusto mo akung umalis pag bibigyan kita. ayaw ko din ng matigas ang ulo at spoild brat na kagaya mo. magkasalubong ang kilay nitong tugon.
napatingin siya sa gawi ni axil. Alam niyang pag sinabi nang lalaki ginagawa nito. Lalo pat nakita niyang galit din ito, tuloy pinag sisihan niya ang binitiwang salita, gusto niyang bawiin iyon.
“im sorry nabigla lang ako.. kasi namn ikaw eh, pwedi ba kahit minsan intindihin mo naman yung nararamdaman ko. aniya sa malambot na boses. gusto niyang makita nito ang sinsiridad niya sa pag hingi ng tawad, ang tutuo nasanay na siyang kasama ang lalaki at sigurado siyang ma mimiss niya ito.
narinig niya itong humagalpak ng tawa . habang naka tingin sa kanya na animong mabait na tupa.
“nag bibiro lang din ako babe..di Kita iiwan promise, alam kung ma mimiss mo ako, sweet nitong sabi.
mangani-ngani niya itong hampasin sa braso. matapos mapag alamang ginu-gudtime siya nito, kung hindi lang tumunog ang cellphone ng lalaki.
na agad ding sinagot nito matapos mag suot ng headset.
“hello jiro bakit? narinig niyang sabi mula kay axil.
“okay.. okay pakisabi kay tito emman pauwi na ako. pag kasabi nito pinutol na ang linya. saka mabilis itong nag u turn.
“where are we going.? nagtataka niyang tanong.
“sa bahay na tayo mag lunch. anitong hindi tumingin sa gawi niya.
“no.. ayaw kung sumama sa inyo. idaan mo ako sa salon and then balikan mo nalang ako.
animong walang narinig ang lalaki na patuloy sa pag mamaneho. wala siyang nagawa kundi sumimangot.
oo nga pala ito ang boss at hindi siya.
marahil kaya ito galit dahil alas dos na subalit hindi pa sila dalawa kumakain nang tanghalian. nawala narin Kasi sa isip niya ang bagay na iyon.
pagdating sa bahay nila axil sumalubong kaagad ang isang lalaking nasa tantiya niya mahigit fifty years old na. niyakap nito si axil na animong miss na miss. maayos ang tindig at tulad ni axil gwapo rin, Alam niyang hindi ito ama ni axil dahil kilala niya si mang saldo.
“ang laki mo na ah’ at ang gwapo, manang mana ka sa Tito emman mo.. natatawang tinapik nito si axil sa braso saka muling niyakap.
gumanti naman ng yakap si axil habang tuwang tuwa.
ilang sandali pa nasulyapan siya nitong nakatayo.
“ito ba ang girlfriend mo? abay kahit sa taste pagdating sa babae eh, namana mo din sakin. napahalakhak ito.
napa mulagat siya sa narinig mula dito..
“tito si senyorita jewel po. boss ko, hindi girlfriend. pagpapakilala nito sa kanya.
“jewel.. beautiful name. kumusta ka ija? baling nito sa kanya. na inilahad ang kamay.
“mabuti ho.. tipid siyang ngumiti. na tinanggap ang pakikipag kamay nito.
“senyorita Tito emman ko nga pala. pagpapakilala ni axil.
“kumusta po kayo?
“mabuti naman halika ka ija.. ipapakilala ko sayo ang mag iina ko. Aya nito sa loob ng bahay. kasunod nila si axil na pumasok.
“hello girls. meet jewel…pagpapakilala nang Tito ni axil sa kanya sa mag inang naka upo.
lumapit naman si axil sa tiyahin nito saka yumakap.
sa tantiya niya nasa forty mahigit ito Pero maganda. katabi nito ang isang dalagitang nag titili nang makita siya.
“omg jewel Hernandez.. di makapaniwalang bulalas nito.” ung nasa covered magazines.. namimilog ang matang lumapit sa kanya at bigla siyang niyakap.
napangiti nalang siya habang nakatingin sa mga naruon na napatanga sa ginawa nang dalagita
“napapanuod ko Yung mga commercial mo sa tv.. i cant believe na makikita Kita in person. nagtatalon pa ito matapos siyang pakawalan mula sa pag kakayakap.”ako nga pala si magie., pwedi bako makapag pa autograph sayo.
“sure.. alanganin niyang tugon.
matapos mag pa autograph ay nakipag selfie pa ito sa kanya. lihim siyang natutuwa kay magie.
“bye muna mag post lang ako sa ig ko. tuwang tuwa nitong sabi.
“pasinsya kana sa anak ko ija.. top fan ka Kasi niya. hinging paumanhin ng ina nitong nang maka alis na ang dalagita.
“wala pong anuman.
“ako nga pala si Bernadette. pagpapakilala nito.
“jiro po at your service.. pagpapakilala nang isang lalaking kapapasok lang ng pintuan. sa tingin niya ito ang kapatid ni axil dahil hawig nito iyon. kasunod ang dati nilang driver na si mang saldo. nagulat din ito nang makita siya.
“senyorita jewel.. napadalaw ka yata. magandang araw sayo. bati nito sa kanya.
“mabuti ho.. kayo kumusta.?
“okay lang ija.. salamat naman at sa wakas naka punta ka dito sa bahay namin.
“wala hong anuman.
maya-mayay lumabas mula sa kusina ang ina ni axil.
“handa na ang misa kumain na tayong lahat. axil ayain mo na si senyorita jewel. anitong nakangiti sa kanya.
“sige po inay. tara na Tito tita. kain na tayo. aya ni axil sa mag asawa habang hinawakan siya nito sa kamay saka dinala sa komedor.
masaya silang kumain ng sabay-sabay ramdam niya ang mainit na pagtanggap sa kanya nang pamilya ni axil at lihim niya iyong ikinatutuwa.
katabi niya itong umupo na pinagsisilbihan siya. sobrang sweet nito sa kanya sa harap ng pamilya nito at naiilang siya.
“senyorita jewel pasinsya kana samin ha. hinging paumanhin nang ina nito habang kumakain sila.
“naku wala pong anuman. masaya po akung nakasama kayo sa ganitong salo-salo. pag aamin niya.
“salamat sinyoreta. tugon nito.
“kumusta naman si mam franshal at sir fred? tanong ni mang saldo sa kanya.
“okay naman po sila. tipid niyang tugon.
“tito emman bat po pala kayo napasyal dito? singit na tanong ni axil sa tiyuhin nito.
“may pinagawa akong bahay bakasyunan dito. balak kung ibigay sayo yun kung makakapag asawa kana ngayong taon. anitong sinundan ng tawa.
na ginantihan ng tawa ni axil.
“Alam mo emman kaya yang pamangkin mo spoild sayo. milyon ka mag bigay ng regalo. narinig niyang sabi ni mang saldo habang tahimik lang siyang nakikinig.
“eh.. ako Tito anung e reregalo mo sakin pag nag asawa ako.? sabad ni jiro na tahimik lang kanina.?
kunware nag isip ang Tito nito.
“kotse gusto mo? tanong nito na sinabayan ng tawa.
tuwang tuwa naman si jiro.
“ate jewel may boyfriend kanaba? boses iyon ni magie na nag paangat nang paningin ng lahat deritso sa direction niya.
maging si axil na katabi niya.
“ahmm.. wala pa sa isip ko ang pag boboyfriend.. nahihiya niyang tugon pagkatapos ng ilang sandali.
“kuya axil bakit dimo ligawan si ate jewel wala pang boyfriend ohh..” hina mo naman.. para walang anumang sabi ni magie
gusto niyang mabilaukan sa isinubong kanin sa narinig mula sa dalagita.
namumula ang pisnge na tumingin kay axil na sinalubong naman nito ang titig niya. gusto niyang malaman ang reaction nito.
“ayyyeeeiii…. Ayan na oh” staring each other.. mapanudyong sabi uli ni magie na kinikilig.
mabilis siyang nagbaba ng tingin. parang tambol ang dibdib niya sa lakas ng kaba.
“magie stop talking nonsense.. narinig niyang saway ng mama nito. galit.
natahimik naman ito.
subalit Lalong sumalsal ang KABA sa dibdib niya nang sumigunda ang Tito ni axil.
“oo nga naman axil anu pabang hahanapin mo kay jewel, kita mo naman..subrang ganda, successful sa career,. hihintayin mo pabang maunahan ka ng iba.” jewel ija wala kabang nararamdaman sa gwapo kung pamangkin? tanong pa.
“oh my god.. is this real? bulong ng utak niya. parang gusto niyang maglaho nalang sa harapan ng mga ito sa uras na iyon.
Hindi siya naka imik. Lalo yata bumara ang pagkain sa lalamunan niya.
anu nga bang felling meron siya sa damuh+g niyang katabi? as if naman kaya niyang isiwalat iyon sa harapan ng marami. siya pa ba unang mag sasabi ng feelings niya dito.. no way!
“naku tito hindi po Kami bagay ni senyorita jewel. maghahanap nalang ako nang mahirap na katulad ko, tugon ni axil. kita niya ang longkot sa mga Mata nito.
nakadama tuloy siya ng longkot sa sinabi ni axil. buong akala niya may feelings ito para sa kanya. ang sweet pa namn nito. yun pala bahagi lang yun ng trabaho nito.
halo-halong emosyon ang naramdaman niya habang kasabay kumain...