Ako Naman Kabanata 2


DahiL bunso ako ay mahal ako ni tita..
Siguro dahiL sya talaga ang nagpalaki sa akin..
Mahal din nman ako ni tito kaya Lang lagi nlang si ate Esang ang best para sa kanya ..
“Gayahin mo ang ate Esang mo..
“Gawin mo syang IdoLo
“Maging mabait ka kagaya ng Ate mo..
Nakakairita talaga sa tuwing sinasabi yun ni tito at tita.. Pero kadalasan ay si tito talaga..
Lagi nya pinaghahambing kameng dalawa ..
Kaya tuloy ngayon naasar ako kay ate.
Sa totoo Lang nung nagkaroon ng ksalanan si Ate kay tito ay lagi ko si ate Esang inaasar ..Kung si kuya Long at Kuya Boboy ay ok lng sa kaniLa ang ginawa ni Ate.. Pwes! Sa akin ..hindi…!
Hindi ako mabait para wag ipamukha sa kanya ang kasalanan nya..
Nakita ko si ate na nagbabayo ng palay para gawing bigas.
Naawa ako pero mas nangingibabaw talaga ang asar ko sa knya ..
“wow.. Ang paboritong anak ni tito.. Ang mabait at masunuring anak.. Ngayon di nakapag araL dahiL sa kanyang ginwang kasalanan “, parinig ko kay Ate…
Di kumibo si ate..kaya lalo akong naasar..
“Oh? Di mo maipagtanggoL ang sarili mo.. DahiL nakakahiya nga nman ang ginawa mo.. Pati tuloy si Kuya Long at kuya boboy nadamay dahiL sayo “, naiinis kong saad dto…
“Marya ..wag akong inisin mo dto! Tumulong ka nlng dun kay kuya boboy mo sa kusina para makakain na sila tito pagdating “, sagot nito. Sa akin..
Napataas ang kilay ko ..
“akala mo talaga napakabait tsk ‘,bulong ko..
Asar akong pumunta sa kusina para uminom ng tubig..
Pagkatapos ay lumabas ulit ako para maglaro…
Ganun ang ugali ko.. Sasabihin ko kung ano ang gusto kong sabihin.. Madalas man akong mapalo ni tito ay sinasabi ko parin. Mapalo...


man ako atleast sulit.. Nasabi ko ang gusto kong sabihin.
Grade 6 na ako ay naglalaro padin ako. Wala nman akong maitutulong sa bahay ey..
Meron nman sana kaso ayaw ko lng talaga kaya iniisip ko nlng na wala akong maitutulong..
Nung hapon na ay dumating si tita at tito sa bahay… Galing silang bukid..
Nakita kong tinmplahan ni ate si tito..
“Salamat “, narinig kong sabi ni tito kay ate Esang nung iabot nito ang kape ..
Npataas ng 2 inches ang kiLay ko.
Mukhang magkakabati na sila kaya napaismid ako..
SimuLa kase ng magkaroon ng kasalanan to si ate ay medyo nabaling sa akin yung atensyon ni tito sa akin.. Siguro dahiL galit sya kay ate.
Kinagabihan ay naghahanda na kmeng matulog..
Sinilip kong tulog na si ate..
Tumabi ako kay tita at niyakap ko ito…
“ilove you tita… “, bulong ko dto..
Alam kong gising pa si tita pero nakapikit lng ang mata.. Kahit madilim ay makita ko ang paguhit ng ngiti sa labi nito ..
Pinatay ko na ang ilaw na gasira.. At natulog na..
Kinabukasan ay galit na galit sa akin si Ate habang nsa balon kme..
May kadiliman pa ng pumunta kme sa balon para maglaba..
Hindi ng damit kundi mg banig..
Banig na inihian ko…
Kahit kse Grade 5 na ko ay umiihi parin ako ..
Di kse ako nagigising.. Basta paggsing ko basa na ko..
“ayan! Maglaro ka na nman mamaya at umuhi ka na ba nman mamayang gabi! Kaasar ka na talaga Marya.. “, satsat ni ate sa akin..
“Mas nakakaasar ka “, sagot ko dto…
DahiLan para batuhin ako nito ng sabon…
Pero sa halip na mainis ay tumawa ako..
“DULING! “,pang aasar ko..
-itutuloy
Maiksi lang po itong kabanata ni Marya..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top