THE WILD SILENCE CHAPTER THIRTEEN


“Gusto ko ngayong maranasan ang pagiging simpleng tao. ” nakangiting ani Jiro habang naglalakad sila ni Alexa sa Mall na pag aari ng pamilya.”at mas ma -e-enjoy natin yun kung walang makakakilala sa’tin. ” galak na saad ng binata.
Hawak ang kamay ni Alexa nang hatakin nya ito papasok sa isang boutique naroon ang brand ng GUCCI, SUPREME, CHANEL, LUIS VUITTON LACOSTE, BENCH, CALVIN KLEIN at kung ano-ano pa.
“Anong ginagawa natin dito? ” inosentemg tanong ng dalaga.
“basta! “nakangising saad ni Jiro.
“kailan pa nauso ang salitang basta. ”
“Welcome sir Rein. ” anang Staff na naroon.hindi ito pinansin ni Jiro sa halip ay iginiya nya si Alexa kung saan-saan para pumili ng mga isusuot nila.
“Ano bang klaseng damit to! “angal ni Alexa, isa iyong mini skirt na tinernuhan ng isang white fitted shirt. “Ayoko niyo!”tutol nya nang lingunin nya ang hita nya na halos bumalandra na.
“Ang sexy mo. ” namamanghamg saad ni Jiro habang nakatitig sa mapuputing hita ni Alexa.
*Pok!
Kaagad na nakatanggap ng batok ang binata sa dalaga. “Bastos ka! ”
“Alexa naman! “daing nito habang naghihilot ng ulo. Pero napangiti sya matapos natanaw ang eye glass na naka display malapit sa kinatatayuan nila.
Kinuha iyon ni Jiro at isinuot sa kanya. “Let’s go. “ani Jiro Tsaka muling hinatak si Alexa palabas.
Naglakad sila papunta sa Arcade, “kahit kailan ay hindi ko naranasang pumunta dito. “ani jiro.
“Ganun ba? ” nag isip kunwari si Alexa. “Kung ganun, hayaan mong bigyan kita ng memories na hindi mo malilimutan. ” sa pag kakataong iyon ay si Alexa ang nag giya kay Jiro papunta sa isang Target Shooting.
“gusto mo dyan? ” masayang tanong ni jiro, ngumiti lang si Alexa at hindi sumagot.”Kukunin ko iyong malaking teddy bear para sa’yo. ” ani Jiro”Manong magkano ang isang subok? ”
“300 po sir. “sagot nang nagbabantay doon.
“Okay dalawang try.” ani Jiro tsaka kinuha ang ATM sa wallet nya at inabot sa matanda, kanuntikan nang, masapo, ni Alexa ang noo nya.
‘Mukhang first time nya talaga dito! ‘ naibulong nya. “Maliit, na game place lang to tingin mo ba talaga may ATM machine sila para sa 300 pesos? ” sarkastikang ani Alexa.
“Ah ganun ba.. Sorry, nasanay kasi akong hindi nag bibigay ng cash.” nakangiwing anang binata tsaka ibinalik ang ATM at kumuha ng isang libo sa wallet nya.
“Kapag po natamaan nyo yung lobo na may Five bullets ay pwede po kayong bumaril ng Target hanggang limang beses.”
“hah! “sigaw ni Jiro. “pero paano kong tatamaan yun eh napaka layo. ”
Natawa ang matanda. ” kayo po ang makaka alam nyan kahit nga po ang mga pulis na may kasamang anak nila ay hindi tinataan ang lobo na yan. “kampanteng saad nito dahil napaka imposible talaga na tamaan ang ganoon kalayo.
‘Napaka daya ng matanda na to. ‘ bulong ni Alexa.
“Yung isang libo, isang try lang tapos keep the change na. “ani Alexa tsaka kinuha ang laruang baril kay Jiro. Tumayo sya ng Diretso. Namaywang sya habang ang isang kamay nya ang siyang may hawak ng Baril, itinutok nya yon sa target na may nakasulat na ‘FIVE BULLETS’ ipinikit nya ang isang mata nya at walang alinlangan na ipinutok ang Baril.
Sinundan ng tingin ng matanda ang bala hanggang sa pumutok ang lobo.
“huh.. “gulat na saad ng matanda...


tsaka nilingon si Alexa na ngayo’y ikinakasa na ang baril para targetin ang pinaka malaking teddy bear sa layong labing tatlumpung metro. “Ano bang klaseng babae yan. ” napahawak pa ang matanda sa dibdib nya.
Napatawa si Jiro. “Hindi sya basta babae manong, sya ang future ko hahahahahaha”mayabang na saad ni Jiro dahilan para siringan sya ni Alexa.
Muling inasinta ni Alexa ang puting teddy bear na halos hanggang baywang nya ang taas.
Bumagsak iyon, kaya’t lalong kinabahan ang matanda. Kung patuloy na mangyayari ito ay tyak na malulugi sya. “T-tama na! Tama na.. Ibabalik ko na ang pera nyo pati na ang teddy bear na napatumba nyo basta umalis na kayo! ” sigaw ng matanda, Kinuha nito ang teddy bear tsaka padarag na iniabot kay Jiro. ” magsilayas na kayo! ” galit na anito.Tatawa-tawa si Alexa nang tumalikod.
“Napaka loko mo talaga. “ani Jiro habang bitbit ang dalawang malaking teddy bear.
“Bakit? Madaya sya eh. ”
“Gusto ko dito Alexa. “huminto si Jiro sa tapat ng isang Punch games.”gusto kong masubukan kung gaano kalakas sng suntok ko. ” nakangiting aniya nang lingunin si Alexa.
“Sige. ” nakangiting sagot ng dalaga.
Inilapag ni Jiro ang Teddy bear sa gilid tsaka pumwesto. “kapag nahigitan ko ang beat number na makukuha mo ay papayag kang samahan ako sa Palao. ”
“anong, gagawin mo don? ”
“Ang sabi mo ay isang bwan pa bago ka umalis kaya nais kong gugulin ang buong buwan na iyon para makasama ka.payag ka? ”
“Sige payag ako.. .pero paano kung hindi mo matalo ang Score na lalabas dyan.” turo ni Alexa sa screen kung saan lumalabas ang mga number.
“mag titiwala ako sayo.” hindi nawala ang ngiti ng binata.
‘iniisip nyang hihinaan ko ang suntok? ‘tanong ni Alexa sa Sarili nya.
Humakbang si Jiro at buong pwersang ibinigay ang pinaka malakas nyang suntok.
*TENENENENENENEN!
‘700’
“Huh? Ganun pala kahina ang suntok ko? ” tila hindi sya makapaniwala.
Ngumisi si Alexa. “Kailangan mo nang mag sisi dahil dito mo pa ako hinamon, alam mo namang kayang bumiyak ng buko ng kamao ko. ” mayabang na aniya tsaka pumalit sa pwesto ni Jiro. “Hindi kita pag bibigyan. ” ani Alexa.
“Tadhana ang mag dedesisyon.” nakangising saad ni Jiro.
Pero siniringan lang sya ni Alexa tsaka buong lakas na inilagay sa kamao ang suntok nya.
*BOOOOOGSH!
*TENENENENENEN! NEN! NEN!
Nag luko ang screen !
“Kita mo na? Sa sobrang lakas ay nagluko na ang Screen.” natatawang saad ng Dalaga pero mas malakas na umugong ang pagtawa ni Jiro.
“Sasama ka sa Palao! Yees! “masayang anito dahilan para kumunot ang noo ni Alexa.
“Paanong sasama e natalo ka nga.. ” confuse na saad ni Alexa.
“Sa paanong paraan mo ako natalo e wala namang lumabas na score! ” hindi mawala ang pag tawa ng, binata sa, bawat salitang binitawan nya.
Kumibot-kibot ang kilay ni Alexa dahil naisahan sya ng kumag na kaharap nya. “Kaya ba may Pasabi-sabi ka pa ng tadhana kanina? ” nakasimangot na saad nya
Nakangiting tumango-tango si Jiro, “hay, excited na ko ” dinampot nya ang dalawang teddy bear tsaka humawak sa kamay ni Alexa.
lihim na napangiti si Alexa dahil kahit paano ay nalimutan nya ang mga problemang kakaharapin nya sa misyon.
SORRY SA LATE UPDATE NAPAKA DAMI KONG GINAGAWA ALAM NYO NAMAN NA HAMPAS LUPA LANG ANG AUTHOR NYO 🤣🤣🤣






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top