THAT SHOULD BE ME


THAT SHOULD BE ME
“Nika.”tawag sa akin ni miko.
“Ano yun miko?”tanong ko sa kanya pagkalapit niya sa akin.
“Wala na miss lang kita, mula noong makaalis ako sa hospital ngayon lang kita nakita ikaw ba nika na miss mo ba ako?”napangiti ako sa sinabi niya.
“Simpre naman.”nakangiting sagot ko sa kanya.
“Bakit ang pula mo.”seryusong tanong niya.
“A-ano kas-si ang i-init-t.”kinakabahang paliwanag ko sa kanya baka hindi kasi siya maniwala.
“Ah ganon ba.”
“Miko, may sasabihin sana ako sayo.”
“Ano naman yun?.”
“Miko, kasi ang toto-“naputol ang sasabihin ko ng dumating ang girlfriend niya.
“BABE!”tawag sa kanya ng girlfriend niya.
“Babe, bakit andito ka?”inirapan niya mona ako bago niya sagutin ang tanong ni miko.
“Kanina pa kasi kita hinahanap babe, andito kalang pala sa BESTFRIEND mo.”diniinan niya pa talaga ang salitang bestfriend.
“Na miss ko kasi itong bestfriend ko.”
“Nakita mo na rin siya diba, samahan mo nalang ako babe.”sabay hila niya kay miko.
Tinignan agad ako ni miko.
“Mamaya nalang tayo mag-usap.”malungkot na tumango ako sa kanya.
“That should be me holding your hand.”bulong ko habang kita ko silang magkahawak kamay na papalayo sa akin.
Pumasok nalang ako sa aking classroom at hinintay ang guro namin ilang minuto lang dumating nadin ito kaya nag simula na kaming magklase.
___
Pagkatapos ng klase namin nagligpit na ako ng aking gamit para makauwi na ako.Paglabas ko sa classroom biglang may tumawag sa akin.
“Bestfriend.”paglingon ko si miko ang nakita ko.
Bigla niyang ginulo ang buhok ko pagkalapit niya sa akin.
“Ano ba naman miko, buhok ko.”pagsusungit ko kunwari sa kanya.
“Tsk Taray mo naman, naglalambing lang naman ako sayo nika, sorry nga pala sa pag-iwan ko sayo kanina.”
“Okay lang yun.”
“Oo nga pala ano yung sasabihin mo nga sa akin?”kinabahan akong muli ng tanongin niya ako.
“Ah kasi-“naputol uli ang sasabihin ko ng dumating muli ang girlfriend niya.
“Babe, kanina pa kita hinahanap.”maarte na sabi nito.
“Sorry babe, may tinatanong lang kasi ako kay nika.”biglang lumingon sa akin si miko.
“Ano nga yung sasabihin mo?.”nakita kung nilakihan ako ng mata ni cindy.
“Wala, nakalimutan ko na din.”pagsisinungaling ko.
“Sige bye na nika, may pupuntahan pa kasi kami.”at nakita ko kung paano kasaya si miko kay cindy hindi ko na malayan na nakalayo na sila.
“That should be me making you laugh.”bulong ko habang pumapatak ang mga luha ko.
Umuwi nalang ako sa bahay at doon umiyak ng...


umiyak at nakatulog nalang ako.
____
Pag kagising ko nag ready na akong pumasok at umarte na parang walang nangyari.Pag pasok ko nagulat ako ng harangin ako ni cindy.
“Kailan ka ba titigil sa kakalapit kay miko?”mataray na tanong niya.
“Hayaan mo na akong malapitan siya cindy, nasa iyo na siya.”
“Yun na nga akin na siya, bestfriend ka nalang niya ako na ang girlfriend.”at bigla niya kong sinampal.
“Yan para magising ka na sa akin na siya”dahil sa galit ko nasampal ko din siya nagulat ako ng biglang may sumigaw.
“Nika, anong ginagawa mo kay cindy.”nagulat ako ng sigawan at itulak niya pa ako.
“Ok kalang ba babe?.”tumango lang ito at umarte na akala mo siya talaga ang biktima.
“Dito ka lang babe, kakausapin ko lang siya.”malumanay na sabi niya kay cindy.
Bigla niya akong hinila nakita ko ang pag-ngisi ni cindy dinala ako ni miko sa likod.
“BAKIT MO GINAWA SA GIRLFRIEND KO YUN?ANONG KARAPATAN MONG SAMPALIN ANG TAONG MAHAL KO?”napaiyak ako sa mga sinabi niya.
“Miko,hayaan mo akong mag paliwana-”
“anong ipapaliwanag mo?kaibigan lang kita nika, hindi ibig sabihin na kaibigan kita pwede mo ng saktan ang girlfriend ko.”
“Hindi mo lang basta kaibigan ako miko.”
“Tumigil ka na nika, wala na akong pake sa mga sasabihin mo.Tama nga talaga si cindy na masama ang ugal-“hindi ko na nakayanan at nasampal ko na siya.
“Bakit ba ayaw mo akong pakinggan?wala kang alam sa nangyari miko, wala akong ginawa siya ang nauna hindi ako sana alam mo nalang ang totoo.”sigaw ko din sa kanya nakita ko ang malalamig n’yang titig.
“Dahil alam kung kasinungalian lang ang sasabihin mo alam mo bang nagsisisi ako na naging kaibigan kita kaya simula ngayon hindi na tayo mag-kaibigan.”at tinalikuran na niya ako.
Napaluhod nalang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko ng maging ok na ako pinunasan ko kaagad ang mga luha ko.Hinanap ko kaagad siya pero napahinto ako sa nakita ko.
“Sana hindi ko nalang siya sinundan.”sabi ko sa isip ko at naramdaman kung dahan dahang muli ang pagtulo ng mga luha ko.
“Kung hindi ka lang sana na aksidente sana ako yung nand’yan sa mga bisig mo, kung sana ako yung naaalala mong girlfriend mo kaso ang ex mo at si cindy yun.That should be not her kung sana hindi ka nalang nagka amnesia.”bulong ko habang kitang kita ko kung paano niya yakapin at halikan si cindy.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top