I’M HER DAUGHTER AND HE’S THE LAST HEIRS KABANATA IKA-LIMA


Naka upo paikot ang pitong myembro ng Black Phantom sa sofa samantalang ang pinuno nila na nanatili sa pag simsim ng alak na kulay lila sa malimaw at mamahaling baso habang naka upo sa kanyang trono.
“H-hindi ko po napatay iyong babae. “na nginginig ang boses ng lalaking nakaluhod at tila takot na takot.
padarag na tumayo ang isa pang lalaki mula sa sofa
“Ano? Napaka simple lang ng inutos hindi mo pa nagawa? ” galit na anito.
“Kumalma ka Spaid.. “saad ng babae na syang may maamong mukha hawak ang pusa na nasa kandungan nya.
“sabihin mo nga beatrix pano ko kakalma kung ang simpleng babaeng iyon ay hindi natin ma kitil! ” dipensa muli ng nag ngangalang spaid.
“Nasa tuktok ako ng building kanina sa pinangyarihan ng insidente at may pakialamerong lalaki na nag ligtas sa babae..” nakataas ang kilang ng isa pang babae na may walong kulay ang buhok.
“Papasok ako sa West bridge.. Kasama si Nuckel.”
Lahat sila ay natigilan, “pero Pinuno! “kaagad na tutol ng may walong kulay na buhok.
“wala pang nakakakilala sa’kin kahit pa si Eight kaya’t bakit kayo matatakot. “nakangiting saad ng pinuno na lalong nagpahulog sa loob ng babaeng kumontra kanina lang.
“Yung laway mo Avanshien! Hihihihih. ” biro ni Nuckle sa babaeng may kulay ang buhok. ” exciting to, gusto kong makita kung ano ba amg itsura ng babaeng pakialamera.. “nakangising saad ni Nuckle na halos mag mukha nang pusa sa pag kakangiti. “sayang dahil saglit ko lang napanuod ang pag papahirap kay Primotivo..gusto kong pag laruan ang babaeng iyon hihihi. ”
Ang Black Phantom ay nag hahanda sa magiging pagkikita nila at ng grupo ni Eight.
Naging mabilis ang mga araw hanggang sumapit ang Lunes, ito ang unang araw para sa pag bubukas ng klase,Ngunit sadyang naiiba ang Eskwelahan kung saan nag parehistro ang magkaibigang sina HAYASEIN VILLAMORIZ at ALILLYANA SATFORD.
“besh!” umalingaw-ngaw ang boses nang kaibigan ni Hayasein nang magkita sila sa Entrada ng isang pribadong villa na pag mamay-ari din ng Eskwelahan. “natanggap mo ba yung envelope? ” saad pa ng kaibigan nya patungkol sa sobre ng imbitasyon nang eskwelahan, nakahayag doon ang tungkol sa dormitoryo pati na ang mga patakaran sa, pananatili dito. ” grabe, ganun sila ka sosyal! Biruin mo may sarili silang Dorm na ganito tapos mamaya daw ay may Opening party para sa mga bago…” napaikot ang mata ni Hayasein sa binanggit nang kaibigan,
napapaisip sya kung saan ba nito nalalaman ang mga bagay na iyon gayung parehas lamang silang bago sa Lugar na iyon.
‘ kung para sa’yo ay masaya ito, mukhang para sakin ay para itong Bangungot na kailangan kong harapin..’ iyon ang nasa isip ni hayasein sa mga oras na iyon matapos nyang makatanggap ng mga mensahe ng pagbabanta mula sa kinaiinisang lalake.
‘Ihanda mo ang sarili mo dahil ano mang oras ay maaari mong makaharap ang iyong kamatayan ‘
EIT-
ayaw nyang paniwalaan ang mga sinabi ni Eight pero hindi iyon maalis sa isip nya lalo na ang BLACK PHANTOM gayong hindi pa man nya ito nakakaharap.
Dahil sa labis na pag iisip ay hindi nya manlang namalayan na nakarating na pala sila numero ng Unit na ibinigay sa sobreng ipinadala.
Naroon at naghihintay ang lahat ng mga bagong estudyante kabilang na ang babaeng may walong kulay ang buhok na myembro ng Black Phantom.
Iginagala nito ang kanyang mata para tukuyin kung nasaan ang babae na syang nakialam nung araw ng Enrollment, hindi nya nakita ang mukha nito nung huling sinundan nya ito sa Villa kung saan pumunta si Hayasein.
‘Kung mapapaslang ko sya dito ay hindi na kinakailangan na pumasok ni pinuno sa paaralan ng West.. ‘nakangising saad nito sa isip nya.
“magandang umaga..” panimula ng matandang babae na naroon, naka salamin ito at naka pulupot ang buhok suot ang lumang kasuotan na formal. Naka saya sya kapareha ang damit na hanggang siko ang manggas nasa kaliwang kamay nya ang abaniko na iwinawasiwas nya ng bahagya sa ilalim ng mukha nya.
“Eto ang magiging Dorm nyo.kung napansin nyo ay may kanya-kanyang numero ang bawat sobreng ipinadala sa inyo.”striktang saad nya. ” ako si Miss Mei.” kaagad na napangiwi si Yana nang marinig nya ang sinabi ng babae.
“Miss pa sya? ” alanganing tanong nito sa kaibigan kaya’t kaagad syang siniko ni Hayasein.
“May problema ba?” nakataas ang kilay ng babae nang lingunin nya si Yana
kaya’t kaagad umiling si Yanahabang naka ngiti.”W-wala naman po. ” anito pa.
” gusto kong malaman nyo na sa lugar na ito ay ako ang masusunod, kahit anak pa kayo ng presidente ay wala akong pakialam basta gagampanan ko ang tungkulin ko, iisa-isahin ko ang patakaran, sa oras ng curfew ay aasahan kong wala akong mahuhuli sa inyo 6:00 pm until 5:am dapat ay nasa loob parin kayo ng dorm ang sinumang mahuli na lalabag sa patakaran ay tatanggapin ang karampatang parusa. ”
“hindi pinapayagan na uminom ng alak sa loob ng dorm, pati na ang pag imbita ng mga lalaki kahit pa Ranggo ito. ”
“ang mahuli kong nasa dorm sa oras ng klase ay paglilinisin ko ang buong covered nang West Bridge University kabilang ang Comfort room. ”
“napaka daldal mong matanda ka. “bulong ni Avanshien ngunit nagawa parin itong marinig ng matanda.
“aba! Natural lang dahil gusto kong malaman nyo ang lahat ng panuntunan dito.” tatawa-tawang saad nya. “mag iingat ka ija dahil ang matandang kaharap mo ay kayang-kaya kang pabagsakin….biro lang. ” tsaka ito tumawa ng payak.
“oh sya tumungo na kayo sa kanya-kanya nyong unit kapag narinig nyo na ang anunsyo ay pumasok na kayo sa Loob ng Unibersidad.”
“hwag mo silang masyadong i pressure.. “nakangiting saad ng kararating lang na lalaki, nasa likuran ang parehong kamay nya na tila isang prinsipe.
“Master Ivo.. “anang matanda.
‘si Primotivo! ‘ kaagad na rumehistro kay hayasein ang mga pangyayari ngunit ang Primotivo na kaharap nya ngayo’y...


ibang-iba kumpara sa huli nilang pagkikita.
“Sandali.. May hinahanap ako eh.” nakangising saad ni Ivo tsaka sinipat ang mga dalaga sa harapan nya para hanapin ang babaeng tumulong sa kanya, pilit na ikinukubli ni hayasein ang sarili nya sa mga babaeng nasa unahan nya. “sino iyon? “kaagad na naagaw ni Avanshien ang atensyon ni Ivo dahil sa paraam kung paano ito tumingin. ” may nagawa ba ko sa kanya? ” nilingon ni iVo ang matanda.
“pagpasensya mo na master Ivo, mga baguhan pa lang naman sila, sige ipakikilala na lamang kita, sya si Primotivo Zirguel ika-apat na Ranggo sa Walong pwesto- – -”
“Tama na Mei, wala din namang silbi kung ipakikilala mo ako sa kanila dahil wala naman dito ang babaeng hinahanap ko. ” saad ni Ivo kahit ang totoo ay kanina pa sya nakamasid kay Hayasein. Sinadya nyang sabihin ang bagay na iyon para lituhin ang isang myembro ng Black Phantom na sa tingin nya ay si Avanshien.
‘Kailangan kong bantayan iyong babae. ‘ iyon lamang ang tumatakbo sa isip nya ng mga oras na iyon.
‘ngunit paanong may nakapasok sa isang Phantom sa Villa ko? ‘
“sige na iayus nyo na ang mga gamit nyo. ” saad pa ng matanda kaya’t nag simula na silang maglakad palayo sa dalawa, samantala si hayasein ay nasa ganuong posisyon parin, pilit nyang inihaharang si Yana sa likod nya.
“Besh kanina kapa ah nasasaktan na yung braso ko.” angal ni Yana.
“Ah- – ganun ba? Heheheh pasensya na. “saad ni hayasein.
“Woah~ ito yung magiging kwarto natin?” saad ni Yana nang makapasok sila.
“hindi lang kayo.” sabay napalingon ang magkaibigan sa likod ng pinto kung saan nang galing ang boses, nakasandal ang babaeng may walong kulay ang buhok.” mukhang tayong tatlo ang magkakasama dito, pwede nyong gawin lahat ng gusto nyo hindi ako mag sasabi sa mga proffesor pati na sa mga Ranggo wag lamang kayong mag iingay kapag tulog ako.” masungit na anito tsaka nag lakad patungo sa kama sa pinaka dulo.
*Kriiiing!
*Kriiiing!
Mabilis na kinuha ni Hayasein ang phone sa bulsa nya at bumungad ang pangalan ng kapatid na si Calvin.
“Oh? “saad ni hayasein pagkasagot ng linya.
“Baby? Sabi ni mommy nasa school ka? Bat di mo binanggit sakin na nag enroll kana and worst naka dorm kapa! “masama ang loob na saad ni Calvin. “sabihin mo kung saan yan pupuntahan kita! ”
“No need! Bye! ” kaagad na pinatayan ni Hayasein ng linya si Calvin.
Sandaling minuto lamang sila nakapahinga nang tumunog ang speaker ng School na kunektado sa bawat Unit ng Estudyante.
*Ting ting ting~
“ANG LAHAT NG ESTUDYANTE AY INAANYAYAHAN SA STADIUM ”
“Hala they are back! ”
“oh em gi! ”
“ang gu-gwapo parin nila~”
Ilan lamang yan sa malalakas na bulungan ng mga babaeng estudyante pag karating nila Hayasein sa Stadium.
“Besh mag huhugas lang ako ng kamay” paalam ni Yana, tumango naman si Hayasein bilang pag payag.
ALILLYANA
Patakbo kong tinungo ang Comfort room para sundan ang kakaibang kilos ni Avanshien, likod na lamang nya ang inabutan ko sa pagliko kaya lalo ko pang binilisan ang pag lakad ko.
Paliko na sana ko ngunit mabilis akong napaatras nang may patalim na sumalubong papunta sa dibdib ko kaya’t mabilis akong umiwas doon tsaka ko pinagapang paikot ang kamay ko sa mga braso ng nag mamay ari sa braso na iyon.
Huli na nang mapagtanto ko si Avanshien iyon, pilit kong pinipigil ang lakas nya pero nilalabanan nya iyon, nag pupumiglas sya para makawala sa mahigpit na pagkakahawak ko sa braso nya.
“ano bang ginagawa mo? “tanong ko pero kinunotan nya lang ako ng noo tsaka muling umatake ng suntok gamit ang isang kamay nya.
“ikaw ang pakialamera hindi ba! ” galit na anito sa akin.
“Ano bang pinag sasasabi mo? “tanong ko.
“Ikaw yung hinahanap kanina nung ika anim na Ranggo wag mo kong lokohin! ”
‘Tyak na si Hayasein ang tinutukoy nya! ‘ nasabi nya nang sumagi sa isip ni Yana kung paano mag tago si Hayasein sa likod nya kanina.
“Ako ang papatay sa’yo! ” galit na anito tila gigil na gigil para paslangin ako.
Hindi ko iyon nasagot nang may makaagaw ng atensyon namin pareho.
*Clap! Clap! Clap
“Nice, nag a-anounce na sa Stadium pero kayo ay nag lalaro lang dito? Anyway ako si Rain Izen ang ika pito at pinaka Gwapo sa mga Ranggo.”
“Wala kaming pake! ” sabay pa namin iyon naisatinig ni Avanshien.
Malakas nya akong itinulak palayo sa kanya dahilan para mapasandal ako sa Pader. “hindi pa tayo tapos!” banta sakin nito tsaka nag lakad palayo.
“Kapag may problema ka lumapit ka lang sakin kahit isang halik lang yung Bayad solve na” nakangising saad ng nag pakilalang Rain Izen.
“Ihalik mo sa pader letche ka! ” saad nito tsaka lumayas doon para bumalik ng stadium. “Kailangan kong protektahan si Hayasein! ” mabilis syang tumakbo pabalik ngunit ipinatawag sya sa Deans office para ibigay ang schedule nya.
“Margaux….i’ts been. A while.” boses ng matandang lalaki na naka sakay sa swivel chair.
Ang dahan-dahang pag lingon nito paharap ay syang palakas nang palakas sa pagpapatibok sa puso ni Yana.
“Hindi ka maaaring mapunta sa building ni Eight maliwanag? ” babala ng matanda.
“Nandito po si Kuya Eight? ” tanong nito na tila nabuhayan nang marinig nya ang palayaw ng kapatid.
“Ayokong mag salubong ang landas nyo, iniisip ko kung paano kang nakapasok sa Eskwelahang ito.. Pero hindi na mahalaga yon ang mas maganda mong gawin ay iiwas mo ang sarili mo sa Apo ko. ”
Naging napaka sakit noon para kay Yana, batid nya na ayaw ng matandang ito sa Babae kaya’t ganun na lamang kung tratuhin sya ng kanyang lolo.
“Opo lolo..” pilit nyang nilalabanan ang luha na gustong kumawala sa mata nya.
“Ayokong may maka alam kung sino ka…. Sige na lumabas kana. pagtatapos nito.
Bagsak ang balikat na naglakad palabas si Yana, kasabay ng dahan-dahang pag agos ng luha nya.
#PENGE NAMAN NG LONG COMMENT GUYS






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top