BECAUSE OF YOU


GENRE: ROMANCE
Written by: SKYLINE
CHAPTER 1
AGAD akong bumaba ng barko, nang ito ay dumaong sa pantalan ng Odiongan, Romblon. Huminto ako sa paglalakad at pinagmamasdan ang paligid.
“Hello, Romblon, finally narating din kita.” wika ko sa aking sarili at pinagpatuloy ang paglalakad upang hanapin ang aking yaya bhabes.
Ang yaya ko mula baby hanggang sa makatapos ako ng pag-aaral. Umalis lamang ito sa amin dahil gusto nang magpahinga dahil sa may edad na rin ito.
Habang naglalakad napansin kong natanggal sa pagkakatali ang sintas ng aking sapatos. Tumigil ako upang ayosin ito. Yumukod ako ng kunti upang itali ang aking sintas.
Ngunit habang itinatali ko ito, may naramdaman akong may humawak sa aking puwet at pinisil ito. Kaya agad akong tumayo at walang pasukalying sinampal ko ang lalaking humawak ng aking puwet “Bastos!” Galit kong sinampal ulit ang lalaking manyakis.
Natulala ako dahil ubod ng gwapo ang lalaking pangahas. May hawak itong celphone. At halatang nagulat sa ginawa kong pagsampal.
“What the he-,” hindi na natuloy ng lalaki ang nais sabihin nang sipain ko ang harapan niya. Sabay alis sa harap ng lalaki dahil nababanaag ko na ang galit sa mukha nito.
“F*ck!” Daing nito habang namimilipit sa sakit.
“Mayor, gusto mong sundan ko,”wika ng kanyang bodyguard.
“Huwag na at mukhang magkikita pa kami.” Nakangising wika ng lalaki habang sinundan ng tingin ang babaeng papalayo. “At oras na magkita tayo, sisiguradohin kong mapapasa’kin ka.” Nakangising wika niya sa kanyang sarili.
“Walang hiyang ‘yon, ang bastos.” mangiyak ngiyak na wika ko sa aking sarili.
“Charie, anak,” tawag sa kanya ng kanyang yaya bhabes. Agad na sinalubong ko ng yakap ang matanda.
“Yaya, namiss ko po kayo,” sabay halik ko sa pisngi niya.
“Namiss din kita anak ang ganda talaga ng alaga ko,” Nakangiting puri sa kanya ng matanda.
“Yaya, matagal na po akong maganda mana po ako sa inyo. At mukhang blooming kayo ‘Ya ah,”pambobola ko sa kanya.
“Naku, kang bata ka, hanggang ngayon hindi nawawala iyang pagkabolira mo.”
“Tayo na at para makakain ka na, ito lang ba ang dala mong maleta? Tanong ng matanda sabay hila ng kanyang maleta.
“Opo yaya,” wika ko habang palingon-lingon. Baka nakasunod sa kanya ang lalaki. Nahagip ng aking mga mata na sasakay na ito ng sasakyan. At ang walang hiya nakangiti pa sa akin.
“Pasalamat ka at iyan lang ang inabot mo sa akin. Ayaw ko lamang mag-iskandalo dito sa lugar na hindi ko kabisado ang mga tao. Kung nagkataon baka basag ang itlog mo.”Nanggigigil kong kausap ang sarili.
Nakita kong may kausap itong pulis at sabay tinuro ako. Kinabahan agad akong sumunod kay Yaya Bhabes. “At talagang siya pa ang may ganang magsumbong sa pulis. Eh, ako nga ang binastos niya.”
Agad akong sumakay sa nirentahang sasakyan ni Yaya sabay yuko ng aking ulo kasi papalapit na sa kanila ang pulis.
“Anak bakit ka nakayuko diyan? takang tanong nito sa kanya.
” Yaya nandiyan pa...


ba iyong pulis?
“Anong pulis anak? wala namang pulis.”
Nakahingang inangat ko ang aking ulo sabay hawak sa aking dibdib. Lintik na lalaking iyon tinakot ako.
“Oras na magkita tayo hindi lang itlog mo ang babasagin ko pati hotdog mo. Ilalagay ko sa barbecue stick at iihawin ko.” Nangigigil na wika ko sa aking sarili. Kakainis ka.
PAGOD na pagod akong humiga sa kama. Nilibot ko ang aking paningin sa buong silid. Maliit lamang ito at ang kamang hinihigaan ko ay kasya lang para sa isang tao. May isang standfan sa isang sulok.
Sa kanan ng kama ay may maliit na table. At sa kaliwa ay ang maliit na bintana. Kung saan tanaw mo ang dagat.
Bumangon ako at lumabas ng silid. Maliit at simple lang ang bahay ng aking Yaya Bhabes. May mga litratong nakasabit sa dingding. Katabi ng aking silid ang isa pang silid.
May kaliitan na sala, sa bandang unahan ng sala ay ang kusina. Sa bandang kaliwa ng kusina ay ang banyo.
May mga halaman sa labas ng bahay, iba’t ibang bulaklak. Mahilig talaga ang aking yaya sa mga bulaklak.
Noong nasa mansyon pa ito, puno ng mga bulaklak ang kanilang hardin.
“Oh, anak halika ka na at kakain na tayo alam kong gutom ka na at pagod. Kaya pagkakain natin ay magpahinga ka na.” Wika sa kanya nito.
Agad akong umupo sa kawayan na upuan at kumain. Pagkatapos naming kumain ay agad akong tumungo sa aking silid. At inihanda ang aking gagamitin sa panliligo.
Napahiyaw pa ako dahil sobrang lamig ng tubig na nasa timba.
” Anak napaano ka bakit ka humiyaw?
“Yaya, ang lamig po ng tubig,” medyo naginginig niyang sabi.
“Heto oh, ibuhos mo itong mainit na tubig diyan sa timba. Pasinsya kana anak at walang heater dito at shower.” Paumanhing wika ng aking yaya
“Okay lang po ‘ya, masasanay din man siguro ako,” nakangiting ani ko dito.
Pagkatapos kong maligo pinatuyo ko ang aking basang buhok gamit ang electric fan. Nang matuyo na ang aking buhok ay agad akong humiga.
Napansin kong bukas pa ang bintana, agad akong bumangon at akma kong sasaradohan ang bintana nang may mapansin akong sasakyan sa labas ng bahay.
Kanina wala iyon ah. Sino kaya iyon?Nagkibit-balikat na lang ako. Baka diyan sa kabilang bahay. Napagpasyahan ko na lamang na isara ang bintana. At agad akong humiga.
Pinikit ko ang aking mga mata pero sa pagpikit ko, mukha no’ng lalaki ang nakikita ko. Ang tangos ng ilong niya, gwapo. Gwapo nga bastos naman.
Bigla akong napabangon nang maisip ang manyakis na ‘yon. “Ano ba Charie bakit ba sumagi sa isipan mo ang hinayupak na’ yon?” Nakakainis, walang hiyang ‘yon hindi na tuloy virgin ang puwet ko,” maluha luha kong saad sa aking sarili.
Matutulog na lang ako kaysa pag- aksayahan ko ng oras ang walang hiyang’ yon. “Pero ang gwapo talaga niya kamukha niya si Papa Alden ko.” Kinikilig kong wika sa aking sarili.
Permission to post admin






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top