Pustahan sa Arcade


Pustahan sa Arcade: Ako ang ipinusta ni kuya
|| PROLOGUE ||
“Kuya ano bang ginagawa natin dito sa Mall?”
Tanong ko kay Kuya. Pagkauwi ko kasi galing school ay basta nya na lang akong isinakay sa kotse n’ya at isinama dito sa Mall
“Mag a-arcade ako”
Sagot nya habang hila hila ang kamay ko. Kumunot ang noo ko
“Eh bakit kailangan pati ako kasama?”
“Basta. Sumama ka na lang okay!”
Tumango na lang ako sa kanya. Tahimik na sumunod ako sa kanya hanggang sa marating namin ang arcade zone.
Nakita ko ang dalawang kaibigan ni Kuya na sina Zic at Zip. Nakakatuwa silang tignan dahil iisa lang ang mukha nila. Halatang kambal talaga. May isa pa silang kasama na hindi ko kilala. Ngayon ko lang s’ya nakita.
“Uy! Hi Shantelle”
Bati ni Zip. Mabilis ko lang syang nakilala dahil kulay pula ang buhok n’ya, Gray naman ang kay Zic.
“Hello”
Bati ko pabalik sabay ngiti. Agad napawi ang ngiti ko ng mapadako ang tingin ko sa isang kasama nila. Mariin s’yang nakatingin sa akin. Walang emosyon ang mukha n’ya. Agad akong nag iwas ng tingin dahil medyo natakot ako sa kanya.
“Okay,start na tayo”
Aya ni kuya sa mga kaibigan n’ya. Race yata ang lalaruin nila.
“Okay, Ano mga pusta n’yo?”
Tanong ni Kuya. Tahimik lang ako na nakikinig sa kanila.
“Condo ko” – Zic
“My baby Bugatti...


huhu”
Natawa naman ako kay Zip. Okay itong laro nila ah, may pustahan. Halatang mayayaman. Eh si Kuya kaya, ano naman kaya ipupusta nya. Hindi naman kami mayaman eh.
“Ikaw Freeze, ano pusta mo?”
Napatingin naman ako sa lalaking tinawag ni kuya na Freeze. Bagay ang pangalan nya sa personality nya. Mukha kasi s’yang Cold.
“My Ferrari’s”
Biglang nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa lamig at lalim ng boses n’ya. My gadd!
“Ferrari’s? You mean ‘yong dalawang Latest na Ferrari mo?”
Hindi makapaniwalang tanong ni kuya. Kahit sina Zic at Zip ay nanlalaki din ang mga mata
Okay! Masyado akong OP sa kanila. Ano ba kasing purpose ng pagsama sa akin ni kuya dito.
“Eh ikaw Shanon, anong pusta mo?”
Tumingin ako kay Kuya. Alanganin naman s’yang ngumiti. Tsk. Makikipagpustahan ang isang to, eh wala namang ipupusta
“Kung sinong manalo, sa kanya na ‘tong kapatid ko”
Sagot ni Kuya. Ah ‘yon naman pala eh, ako yung pusta n’ya
Teka,
What????
Bakit ako?
“Ulitin mo mga ‘yung sinabi mo Kuya?”
Baka kasi nabingi lang ako
“Hehe Sorry Sis” sagot n’ya sabay peace sign
“Bakit naman yang kapatid mo Bro” tanong ni Zip na nakakunot ang noo
Oo nga bakit ako. Abnormal talaga itong kapatid ko.
“Deal”
Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa lalaking si Freeze.
Deal? P-payag s’ya?
Permission to the admin
Author:miririuem
Genre:Romcom






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Myra concepcion

    full story please

Leave a Reply


top