MY AMNESIA WIFE CHAPTER 7


šŸ„€CHAPTER 7:Mike’s True ColoršŸ„€

“Ang dami mong utos! Bakit ba gustong gusto mo si Alliyah ha? Para kang tang* hindi ka magugustuhan non!” Inis na sabi ni Carla kay Mike dahil kung ano ano naman ang ipinapagawa nito sa kanya.
“Could you just shut up! Ikaw, bat bal*w na b*liw ka kay kuya?! Sa tingin mo mamahalin ka non?”May halong pang-aasar naman na baling nito sa kanya.Hindi talaga nagpapatalo.
“Paano kaya kapag nalaman nila na ikaw ang may pakana ng lahat? Lalo ng Mommy niyo? Edi wala ka ng mana!”Pang-iinis niya naman dito sabay tawa. Pero dumilim ang mukha nito kaya bahagya siyang natakot.
“Wag mo ng balakin na ilaglag ako dahil hindi kapa nakakapagsalita nap*tay na kita!”Sigaw nito sa pagmumukha siya saka dali daling umalis.
“Bakla! Sino yon? Bagay kayo sa totoo lang! Pareho kayo mag-isip ehh.” Pang-aasar ng kaibigan niyang si Marjorie. Inirapan niya lang ito saka pumasok sa loob ng bahay.

“Wow daddy ang laki naman ng office mo po! Pwede bang dito na lang kami lagi ni Mommy.?” sabi ng anak nilang si Charlene habang iniikot ang tingin sa buong opisina.
“Omyg!Ma’am Alliyah kayo na po ba yan? Ang ganda ganda niyo pa rin po. Baby Charlene!” sabi ng babaeng kakapasok lang, mukhang sekretarya ito ng asawa niya.
Tumango lang siya at tsaka ngumiti. Hindi rin kasi alam paano ito pakikitunguhan. Lahat naman kasi ng empleyado doon ay mabait sa kanya.
” Where’s Mike? Bakit wala siya sa opisina niya?” pagtatanong nito. May halong Inis ata o galit parang ganon. Ewan niya pero hindi na rin panatag ang loob niya kay Mike.
“Ahh sir maaga po siyang pumasok kaso umalis din po agad.”Nakatungo nitong sabi. Natatakot sa pwedeng maging reaksyon ng asawa niya.
“Okay you may go out. I want to spend my time with my daughter and my wife.” Lihim siyang napangiti sa sinabi nito.Sana lagi silang ganito. Sana lang.
Sana rin totoo na ang ipinapakita nito sa kanya. Siguro nga nagagawa ng tao na magbago. Unti unti na namang lumalambot ang puso niya.
Naglaro ang anak nila sa sofa.May dala kasi itong mga laruan. Habang sila naman ay nag-usap…
Napapansin niya kasing hindi magkasundo ang asawa niya at si Mike. Hindi katulad ng ibang magkapatid. “Mike is an adopted child.” pagkukuwento nito sa kanya.
“Huh?” nagtataka niyang sabi. Si Mike ampon? Paano nangyari yon? Ngayon lang kasi ito nagkwento sa kanya.
“Hon hindi ko siya kapatid. And you know what he’s so ambitious at minsan sinisiraan niya ko kay mom.”Hinawakan nito ang kamay niya.
So ano yon? Hindi rin siya dapat magtiwala kay Mike? Sabagay sinabi nito sa iba ang sekreto niya!” Pero sa tingin ko naman di ka niya magagawang siraan.”
“Hindi mo pa siya lubusang nakikilala. Kung masama ako dahil nagawa kitang lokohin noon mas masama si Mike.” Dagdag pa nito.
“Sir Marco nasa labas po si sir Mike papasukin ko po ba?” Agad naman kumunot ang noo nito. Napahampas ang kamay nito sa mesa.
“No!”may diin sabi nito.” okay po sir.”I think gusto ka na naman niyang makita. It so obvious gusto ka niyang makuha sakin.” baling nito sa kanya.
“Sayo lang naman ako. Ikaw lang.Walang Mike.Walang ibang lalaki. Ikaw lang Marco.” Buong puso niyang sabi. Napangiti naman ito at saka hinalikan ang likod ng palad niya.
“I love you hon.” sabi nito ng may ngiti sa labi. “I love you din kayong dalawa ng anak natin.” Tumayo siya at agad na lumapit dito at yumakap.
“Ako din po sama...


sa hug!” sabi ng anak nila. Kaya mahina na lang silang napatawa.
“I love you Mommy and daddy!”tuwang tuwa nitong sabi.” We love you din baby.”sabay nilang sabi ni Marco.

“F*ck! Ano yon?!Napatawad na siya ni Alliyah?! This Is so f*ck up! Magiging ayos na naman sila?!” Inis na sabi ni Mike at ginulo ang gamit sa lamesa niya.
Naiinis na siya dahil mukhang ayos na ang kuya Marco niya at si Alliyah. Ewan niya bakit tinatawag pa niya tong kuya! Di naman sila magkapatid!
” Hindi na kayo dapat magkaayos! Kami dapat ni Alliyah at kayo ni Carla. Bakit kasi ang dali lagi ng lahat para sayo?!” Mabuti na lang at soundproof ang opisina niya.
Sa kompanya ito lagi ang bida! Sa mata ng mga tao ito rin! At ang pinakakinaiinisan niya ay ito ang mahal ni Alliyah!
Bigla namang may kumatok sa opisina niya.” Come in.”mahinanong niyang sabi. Kailangan niyang maging mabuti sa mata ng mga tao.
” Sir may pinapagawa po si sir Marco sa inyo. “Inilapag nito sa sofa ang Ilang mga papeles. Ito ang sekretarya ng kuya niya.
Sabagay lahat naman empleyado sa kompanya ay kuya niya ang sinusunod.Dahil sa mata ng mga tao si Marco Del Mundo lang ang galing at walang Mike.
” This is bullsh*t! “inis niyang sigaw ng makalabas na ito sa opisina niya. Gusto niyang sumabog sa galit.

“Hon ako na bibili ng lunch natin ikaw na lang kay Charlene.” sabi niya sa asawa. Ngumiti lamang ito sa kanya at tsaka tumango.
Naglalaro kasi ang mag-ama ng ipod at mukhang nagkakasayahan. Napapangiti na lang siya habang pinapanood ang mga ito.
Masaya siyang lumabas ng opisina. At sa kamalas malasan nakasalubong niya si Mike. Nilagpasan niya lang ito. Pero hinawakan nito ang braso niya at madiin ang pagkakahawak nito.
“So ano yon? Ayos na kayo ni kuya? Napatawad mo na siya. Alliyah nagpapakat*nga ka na naman.” sabi nito, agad niya namang binawi ang braso niya.
“Ano bang pake mo?! Wala na kong tiwala sayo at wala kang pake sa anong gagawin ko! .Wala ka rin namang karapatan na pakialaman ang buhay ko!At nagbago na siya” Inis niyang sabi.
“Oo alam ko nagbago na siya! Pero ikaw naman ang may balak na lokohin siya. Paano kung sabihin ko sa kanya na wala ka naman talagang amnesia? Magiging ganon pa rin kaya ang pakikitungo niya sayo?”
Bigla siyang kinabahan at natakot sa sinabi nito. Kita niyang nagbago na talaga si Marco, nagbago na talaga ang asawa niya. Ayaw niya itong masaktan.
“Anong nangyayari dito?” sabi ni Marco na kadadating lang. Si Mike naman ay nginisian lang ang kapatid.Ewan niya ba pero natatakot siya.
“Hon Tara na. Sa labas na lang tayo kumain.” May bahid ng takot niyang sabi. Kaya tumalikod na sila kay Mike.
“Did he hurt you?” May pag-aalala nitong sabi sa kanya.
“Hindi naman. Pwede bang wag mo ba siyang papupuntahin sa atin?” Natatakot siya kay Mike.
Buong akala niya ay mabait ito.Dem*nyo rin pala ang ugali at di niya inaasahan yon. Bakit ba kasi ang bilis niyang nagtiwala dito?
“Okay. Hindi ko naman siya pinapunta don.Siya lang tong pumupunta.” Napayakap na lang siya sa braso nito..
Magtitiwala na ulit siya sa asawa niya at hindi kay Mike! Dahil kahit ano pang mangyari ito pa rin ang tinitibok ng puso niya.
Muli na naman niyang ibibigay ang tiwala niya dito at sana hindi na nito sayangin pa. Mahal niya pa rin talaga ang asawa.
A/N:ano payo niyo kay Alliyah?






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top