NINAKAW NA SANDALI COntinuation of Chapter 5


Bandang alas otso nakarating sa GOLDEN CROWN HOTEL si Nicole at kahit sa Hotel ay di niya inaasahan na marami pang mga tao ang nag-aabang sa pagdating niya. NGunit dahil napapagod na siya at gusto na niyang magpahinga ay hindi siya nakipagplastikan na ngitian at makipagkawayan sa mga Tao. Dire-diretso lamang siya Pumasok sa nasabing Hotel at malaking pasalamat niya at walang Tao ang nagawang mahawakan siya sa kanyang balat.
NAng makarating sa kwartong naokupado ay mabilis niyang tinungo ang shower room. Kailangan niyang maligo para matanggal sa kanyang makinis na kutis ang duming naibigay sa kanya ng mga taong bayan.
SA paghubad niya ng jacket saktong nahulog ang isang maliit na Bagay sa May tiles. Napuna niya agad iyon Kaya agad niyang pinulot.
“OMG..”nasambit niya rito at agad siyang lumabas ng banyo para tawagan sa phone ang Isa sa mga alalay niya na NASA ibang kwarto”kuya Rex guard me sa labas ng kwarto..merong umiispiya sa akin.”
NAng matapos tawagan ang isang tauhan ay sunod naman niyang tinawagan ang kanyang inang si Madison. Pero not attended iyon.
“Ano na naman bang ginagawa niya ngayon?”naiinis niyang sambit dito
KAhit Kailan talaga ay hindi na niya maasahan ang inang si Madison. Talagang hinahayaan na siya...


nito gawin ang sa parte niya na maging si Shanaira.
Sino Kaya ang May gawa na Lagyan ng earpiece ang suot niyang jacket?katanongang namuo sa kanyang isip
Hindi na Malinaw ang pagkakarinig ni Makoy sa kinaroroonan ni Shanaira. Tila hindi na suot ng dalaga ang earpiece na nasa jacket o Kaya naman ay Baka nakita na iyon ng dalaga at itinapon na kung saan. Sabagay ay hindi na niya iyon kailangan dahil Hindi naman dito matatapos ang kanyang pag-iimbestiga. Malalaman at malalaman niya agad ang totoo.
NAng makauwi si Bella ay naabotan niya si Nanay Rosa na nakaupo sa kawayang bangko. At kita niyang umiiyak iyon habang nakatingin sa isang litrato.
“Nay Rosa.”anas niya rito at nang mapansin siya nito na dumating na ay agad nitong itinago ang hawak nitong litrato sa bestida nito
“Nariyan ka na Pala Bella. Saan ka ba galing?”
“Ayos lang po ba kayo? May masakit pa po ba sa inyo?”agad ni Bella na lapit Kay Nanay Rosa
“Maayos na ako Bella. Saan ka ba galing ha?”muli nitong tanong sa kanya
“SA Munisipyo po. Nagsapalaran lamang po na magpalista para sa Singing Contest na magaganap Bukas.”pananagot niya sa tanong nito
“Ano Kamu? Singing Contest,Bukas.”
“Opo Nay Rosa.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top