πŒπˆπ’π“π€πŠπ„ Chapter 11


(MISTY ALEJANDRA LOPEZ)
Nagising si River sa malakas na tunog ng kanyang cellphone. May tumawag, agad niya itong kinuha at sinagot ng hindi man lang tiningnan ang caller.
“Hello, who’s this?” Paos niyang tanong. Normal iyon dahil kagigising pa lamang niya.
“Xian. Sir, we have a new project to do. Kailangan ka dito sa hideout natin, bukas, 8am sharp.” walang pa ligoy ligoy na sagot ng nasa kabilang linya.
Kahit inaantok pa siya ay pinilit niya paring bumangon. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga dahil baka magising ang katabi niyang mahimbing na natutulog.
Wala ng lagnat ang dalaga, masarap kasing mag-alaga si River. May kasama pang kayap.
Lumabas siya sa silid na inukupa ng dalaga at nagtungo sa kanya. Nag-impake siya ng kanyang mga gamit dahil kadalasan kapag May operation sila ay umaabot ng mahigit isang buwan bago maka uwi.
Pagkatapos niyang mag impake ay nagluto muna siya ng pang umagahan ng dalaga para hindi na ito mag luto pagka gising nito.
Muli ay kumuha siya ng sticky note at sinulatan ito. Maganda ang kanyang penmanship kaya hindi mahihirapan ang dalaga na basahin ito.
Alas 3 y media ng umalis siya sa kanyang condo gamit ang kanyang black Ducati 119 Panigale. Pinaharurot niya upang makaabot sa oras na inilaan para makarating siya sa kanilang hideout. Halos limang oras din kase ang byahe patungo sa lugar na iyon.
Ala syete ng umaga nagising si Misale . Hindi niya halos tanda ang kanyang kagagahan na ginawa kagabi.
“Nasaan ako at kaninong bahay ito?” Takang tanong habang inilibot ang paningin sa buong silid. Nang mapagtanto niyang lulan siya sa hindi pamilyar na silid.
Pabalikwas siyang bumangon at hinawakan ang sarili. Literal na lumaki ang kanyang mata ng makitang iba na ang kanyang suot na damit.
Naluluha siyang bumangon habang yakap yakap ang sarili.
“Wala na, wala na talaga.” iyak ng sabi sa sarili. Kung maka iyak parang May nawala sa kanya.
“Babalatan kita ng buhay, makita lang kita!” sigaw niya sa loob ng silid. Para siyang tanga na sumisigaw na wala namang taong nakarinig.
Mabigat ang kanyang damdamin na tinungo ang bathroom. Kinuskos niyang mabuti ang kanyang balat sa pag-aakala na pinagsamantalahan siya sa taong nakakita sa kanya.
Pagkatapos ng isang oras niyang pagligo ay lumabas na siya. Patingkayad siyang nagtungo sa kusina baka may ibang tao na naroon at makatay niya ang lalaking mapangahas na nag hubad sa kanyang damit. Para siyang magnanakaw sa kanyang ginagawa.
Ngunit nakapasok nalang siya sa kusina ng wala ni aninong nakita, inilibot niya ang kanyang paningin at isang sticky note ang nakaagaw ng kanyang pansin na nakadikit sa ref.
Lumapit siya at marahang binasa ang nakasulat.
“You can stay here...


at my condo, miss and you can do all you want. I have somethings to do by now, I’ll get to know you when i come home. Take care, miss little hug addict.”
-The gentleman-
Yan ang laman ng sulat at may naka guhit pa na emojing kumikindat.
Napangiwi siya sa kanyang nabasa. ” Miss little hug addict? Luh parang tanga tong si kuya.” komento niya pa sa huling bahagi ng sulat. Palibhasa hindi niya matandaan ang pagmamakaawa niya sa lalaki para yakapin.
Feel at home ang kanyang drama. Habang Naka upo sa sa stall ay hindi niya naiwasang maisip ang nangyayari sa kanya noong nagdaang araw. Ang muntik na siyang magahasa ng demonyo at ang pagpapalayas ng kanyang ina sa kanya sa gitna ng madilim at malakas na ulan.
Tumulo ang mga luhang pilit niyang pinipigilan. Sa pagkakataong ito ay dahan-dahan umusbong ang galit sa kanyang puso.
“Pagbayaran mo mga kahayupang ginawa mo Condrado! sisingilin kita, hayop ka!” Madiin niyang pagbigkas sa bawat salita. Dala sa galit at sakit na nararamdaman.
“Just wait Condrado.” puno sa galit na sabi ni Misale.
********
“Kumusta ang ang pinapagawa ko sayo, Zien?” seryosong tanong ni Franklin sa imbestigador na kanyang kinuha.
“May good news po sir. Tama po ang inyong hinala. Si Amelia Lopez ay nagkaroon ng anak na babae. Nalugi ang negosyo nilang tubuhan at naibinta niya ang kanilang mansion pagkatapos mamatay ng kanyang ama sa isang car accident. Hindi naging maganda ang dinanas ng kanyang anak sa mga kamay ni Amelia Lopez. Lagi itong sinasaktan ng sariling ina. Ang pinakamasaklap sir, noong nakaraang araw lang ay muntik ng magahasa ang anak ni Amelia Lopez sa lalaking kinakasama nito na si Condrado. Pero hindi natuloy ang panggahasa nito dahil lumayas ang dalaga sa kanila at pansamantalang naninirahan sa kaibigan nitong si Aliceanne Mendez o kilala bilang Alice na ang kanyang ina ay nag ngangalang Eding. Isang linggong nanirahan ang dalagang anak ni Amelia doon ngunit ng makita ito ng babae ay sapilitan itong pinauwi at binugbog pagkarating sa kanilang bahay. Noong nagdaang gabi lang ay pinalayas ni Amelia ang anak.” Mahabang salaysay ng imbestigador.
Nangngangalit ng kanyang mga ngipin habang nakikinig sa sinabi ng lalaki. Hindi niya maatim na ganoon ka sakit ang dinanas ng dalaga.
” Ano ang pangalan ng anak ni Amelia?” pigil hininga niyang tanong kay Zien.
“Misty Alejandra Lopez, sir. Ang palayaw ay Misale. Siya ang babaeng nakausap niyo sa kainan ni aling Eding.” sagot ng lalaki






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. 😳😳 anak pala siya ng mayaman amazing next poπŸ™‚πŸ™‚πŸ™πŸ™

Leave a Reply


top