The Story Of Us**Part2**


**Chapter Two(Getting To know Each other)..

Dahil napuyat na naman ako sa kakabasa ng pocketbooks kagabe ay hindi ko namalayan na late na pala ako..Hindi yun ang unang beses na na late ako,sa totoo lang ay ilang beses na..

At sa tuwing nale late ako ay may parusang ibibigay sa amin ng terror teacher namin..kaya heto ako ngayon,nakatayo sa harapan ng gym ng campus habang hawak ang isang trashbag.

Great!

Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng basketball court..ah!eto ang pinakamakalat na lugar sa buong school,tambayan kasi ito ng mga katulad kong estudyante kapag naghihintay ng sundo.. kaya naman nagkalat ang ilang supot ng samalamig at ilang sticks ng banana cue at mga fishballs.. Sa sobrang kalat nya ay hindi ko nga alam kung ano ba ang ginagawa ng janitor namin dahil napakakalat pa dun..or baka na late din gaya ko..ewan!

Nagsimula akong magpulot ng ilang straw habang naiinis.Sinusumpa ko sa aking sarili ang mga estudyanteng may kagagawan nun.
Hindi ba sila tinuruan ng kanilang mga magulang ng tamang asal?kung saan pwedeng itapon ng tama mga nabubulok at di nabubulok..

Napatingin ako sa isang gilid kung nasaan ang kinalalagyan ng basurahan! Napailing ako ulit!

Great!at inasa pa talaga sa akin ang pagtatapon ng basura..hay naku naman!pero syempre wala akong karapatan na magreklamo,ako ang may kasalanan kundi ako na late ay wala sana ako sa posisyon ko ngayon.Pero okay lang..worth it naman yung binasa ko kagabe,nakakakilig.. hehehe..

Hanggang sa napatigil ako sa ginagawa ng my marinig akong yapak ng mga paa.Hinanap ko kung nasaan ang tunog na yun..

Kinabahan akong bigla ng makita sya..
Papasok na sya sa court at awtomatikong nagkatinginan kami sa mata..

Napalunok ako,anong ginagawa ni Jed dito sa ganitong oras?!teka..naka school uniform pa naman ito tuwing araw ng martes ay walang practice ng basketball sa court.. .

Nag skip ba sya ng class?!Tatambay ba sya sa lugar na to?!or may ka date kaya???

Napailing ako..Nag iwas ng tingin at kelan pa ako nagkapakialam sa lalaking ito??

Bigla akong kinabahan ng may maalala..
Panu kung naalala nya ako dahil sa insidente lastweek?yung natapunan ko sya ng dinuguan sa damit,nandito ba sya para saktan ako?reresbak ba sya?teka.. kami lang tao ang nanduon,kung sakaling sapakin nya ako walang magtatanggol sa akin,walang aawat kay Jed… Hindi maari!

Napaatras ako sa mga naiisip!

“,Late ka rin????”,

Inihanda ko na ang sarili para sa gagawin nyang pananakit sa akin pero natigil yun ng magsalita sya.Teka..ako bang kausap nya?

“,O ..oo “,hindi ko alam kung panu ako nakasagot,pabulol nga lang..

“,So.. buti naman at may kasama ako”,ngumisi sya.

Biglang may kung anong sumundot sa puso ko sa ngisi na yun,ang cute nya kasi,biglang nawala yung mata nyang singkit.

Maraming gwapo sa school namin at sa tuwing may nakakasalubong ako sa school nagiging crush ko sila.Kasi nga gwapo!pero hindi ko maiwasang hindi purihin si Jed ngayon and hes napakaputing white uniform ..siguro Tide ang panlaba ng mama nya!gulat ako eh..

Naging napakagwapo nya sa paningin ko..

Namulot sya ng mga nagkalat na plastic at inilagay yun sa trash bag na hawak ko.Hindi ko na namalayan na nakalapit na pala sya dahil abala akong titigan sya.

“,Yung nangyari nung nakaraan amh..,”,naalala ko yung nagawa ko sa canteen at gusto ko ulit mag sorry.Hindi naman nya ako tiningnan at namulot sya ulit..mukhang hindi naman nya ako maalala..ouch my heart!sabagay bakit naman nya maalala ang isang nobody na kagaya ko?di naman ako maganda..

“,Ah..yun ba?!hayaan mo na”,bagamat hindi sya nakatingin sa akin ay nakita kong gumalaw ang lips nya.. ngumiti ba sya ng slight??

May humaplos na kung ano sa puso ko.Naalala nya ako?yes.. pero well naisip ko rin,sino nga pala ang hindi makakaalala kung natapunan mo ang schoomate mo ng dinuguan sa kanyang napaka puting damit?masyado lang siguro akong feelingera sa pag iisip na siguro ay naging laman din ako ng isip nya..hay ano ba ang naiisip ko!

“,Tama na pagod na ako..”,maya mayay sabi ni Jed..umupo sya sa upuan.*”,kasalanan to ng mga estudyanteng hindi marunong magtapon ng tama!”,lumabi sya at napangisi...


ako.

Parehas pala kami ng iniisip.sinisisi ang iba gayung kami naman talaga ang may kasalanan..

Nahawa ako sa kanya at umupo na rin,sa totoo lang di pa naman ako pagod..nakailang shoot palang ako sa trash bag eh..

Pinagmasdan ko si Jed..nakatingin sya sa ring ng court.. siguro iniisip nito ang sports kung saan kasali ito.

Hindi ako mahilig sa basketball..hindi rin ako nanonood sa tuwing may laban ang team ng school namin,pero kilala ko ang mga myembro dahil sikat sila sa school.Kaya nga kahit sa pangalan ay kilala ko si Jed,hindi nga lang talaga ako mahilig manood ng laro nila..ayuko ng maingay!! Mas gusto ko pang magbasa mag isa sa library..

Magbasa ng pocketbooks syempre!!

At hindi ako kahit kelan napalapit sa kahit isa man sa member ng varsity team..ngayon lang!

Busy pa akong pagmasdan si Jed sa mukha ng bigla syang tumayo ..teka!aalis na ba sya?di ba nya tatanungin pangalan ko?or ihahatid manlang ako sa room ko?teka!teka!!

“,Ikaw na muna ang magtuloy hah..”,tumingin sya sa akin”,may naalala ako may pupuntahan pa pala ako.. “,

Tumango lang ako kahit na bitin pa ako sa oras na nakatabi sya.Tapos tiningnan ko na sya palabas ng gym..

Napangiti ako,alam kong marupok lang ako at madali lang ako magkagusto sa isang tao kaya hindi na iba si Jed sa ibang gwapong nakita ko,crush ko na nga sya ngayon ngayon lang..
pero parang masyado pa naman yatang maaga para pakiligin nya ang puso ko .. hmmmp!!!

**
Bumawi na ako kinabukasan..sa wakas ay nauna na akong pumasok sa subject teacher namin..

Dumiretso ako kaagad sa desk ko at ipinatong muna duon ang bag ko.Dahil malapit na ang exam namin kaya dinala ko ang ilang libro ko,pass muna ako ngayon sa pocketbook dahil nahahalata na ang eyebags ko ..

Kinapa ko ang ilalim ng desk ko upang ayusin ang libro ng may masalat akong isang nakatuping bagay duon..

“,Teka ano to.. “,hinugot ko yun mula sa ilalim at tiningnan..

Isang kulay pink na stationary ???

Kinabahan ako..ano to?love letter??

Nakatupi yun at may nakasulat sa unahan nito na “,Smile Before You Open..”,

Napangiwi ako..hindi yun ang unang beses na nakatanggap ako ng ganun,may mga nagbigay narin sa akin ng ganun na galing sa isang secret admirer.. at hindi ko naman ini’entertain.
Kase nga..wala akong pakialam sa kanila..

Itatapon ko nalang to!hindi ako mahilig magbasa ng loveletter galing sa kung kani kanino..tsaka naniniwala ako na ang mga taong nagbibigay ng love letter at hindi nagpapakita ay mga panget!kung talagang nais nilang manligaw bakit may pa secret secret admirer pa sila?bat sila hindi magpakita?siguro talagang panget sila..

Lulukutin ko na sana yun kaso—–!!!

“,Naniniwala kaba sa Love at First Sight?!kasi ako naniwala ng makita kita…Ayiiihhh!!”,

Inagaw ni Bea ang hawak ko at binasa yun sa madlang people..

Tiningnan ko sya ng matalim!

Ang ilang mga kaklase naming girls ay naintriga na at lumapit sa amin,pinag pasa pasahan yung love letter! Shit!!

“, Wow kahit pangit yung sulat nya.. pero sweet naman sya “,..

Lumabi ako,ah pinagpe’pyestahan na talaga nila yung binigay sa akin..mga pakialamerang gaga!

“,Teka may nakasulat pa.. “,

Nagtilian ulit sila.

“,Pwede mo bang subalitan ang sulat ko?kung may gusto kang sabihin ilagay mo na lang sa ilalim ng desk mo at may kukuha nalang dyan na ibang tao !!!!”,

Tilian..!

“,PS.ang ganda mo!!!”,

Inagaw ko na yun sa isa sa mga gurang na kaklase ko!Muntik pa yung napunit .. gusto kong malaman kung sino ang nagsulat nun!

Binuklat ko yun at tiningnan yung sulat na nasa ilalim..

From Secret Admirer!!!

Great!.. at sino na naman kaya tong nan titrip sa akin ngayon?At ano daw?kung balak kung sumubalit ay ilalagay ko sa ilalim ng desk ko at may kukuhang ibang tao?Wow!prinsipe ba ito para mag utos nalang ng ibang tao?

I found myself na naiinis!At nakakasiguro ba sya na susubalit ako?manigas sya!diko sasayangin yung ink ng ballpen ko sa kanya noh.. tse!!!!!

Hanggang tanghalian ay tinutukso parin ako ng mga kaklase ko na malamang inggit sa haba ng hair ko .. Hahahahaha!!!

*****hi mga
Readers kong magaganda ..muah!!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top