A WIFE’S CRY Chapter 3


” Saan ka galing?! “Tanong agad ni Lexter ng makauwi siya. Galit ang mga mata nitong nakatingim sa kanya.
Na parang siya pa ang may ginawang masama.
“Nagpunta lang ako kanila mommy.” Aniya at lalagpasan na sana pero hinawakan nito ang braso niya. Madiin iyon kaya masakit. Gusto siyang saktan.
“Anong ginawa mo don? Nagsumbong ka?Ano?!” Sigaw nito kaya nagitla naman siya. Rinig ang boses nito sa bawat sulok ng bahay na mas ikinatakot niya.
“H-hindi bumisita lang ako.” Nauutal niya pang sabi.
Kaya binitawan na nito ang boses niya at ito naman ang umalis. Saka nagsituluan ang mga luha niya.
Ang gusto niya lang naman ay mahalin siya nito o kaya tratuhin man lang bilang asawa nito.
Pero kahit anong gawin niya ay hindi mangyari yari. Dahil poot ang nararamdaman nito sa kanya.
“Anak anong ginagawa mo dito? Bakit mo iniwan ang asawa mo?” Tanong ina ni Lexter ng pumunta siya sa bahay ng mga ito.
Bakit parang si Aileen pa ang mas inaalala ng mga ito kaysa siya.
“Wala akong pake sa babaeng yon. At kung di niyo naman ako pinilit ay hindi ko siya pakakasalan.” Aniya at pasalampak na umupo sa sofa at sumandal.
“Mabuting babae si Aileen isa pa malaki na ang naitulong ng pamilya niya sa atin. Napakaswerte mo at siya ang napangasawa mo.” Sabi nito na mas ikainit ng ulo niya.
“Pero hindi ko siya mahal at kahit kailan hindi ko siya mamahalin! Bakit ba kasi naniwala kayo na may nangyari samin ng gabing iyon?Kagagawan niya yon!”
Kasalanan ni Aileen ang lahat. Noong araw na yon ay nagbago ang buhay niya...


ng mahuling silang dalawa na nakahiga sa kama na kapwa walang saplot.
Ngunit alam niyang walang nangyari.
Nagalit ang mga magulang nito at gusto na pakasalan ang anak nila.
Kinausap ang mga magulang niya at tinakot na kung hindi niya pakakasalan ay pababagsakin ang maliit nilang negosyo.
“Pero nagawa niya lang iyon anak dahil mahal ka niya. Napakabuti niyang asawa sayo. Mahal na mahal ka nung tao.” Dagdag pa nito.”Hihiwalayan ko siya at wala kayong magagawa doon!”
“Talaga bang hindi mo man lang siya mapakitunguhan ng maayos?”
“Hindi! Kulang na lang lumayas ako sa bahay na yon dahil kahit makita siya ay ayaw ko! Bakit kasi di pa mawala ang babaeng iyon.” Aniya niya pa.
Nagulat siya sa biglang pagdating ng kanyang ama at malakas na suntok ang natanggap niya mula rito.
“Wala kang kwentang lalaki! Asawa mo sinasaktan mo! Sino ang gusto yung p*tang babaeng yon?”
“Hindi p*ta si Celine at siya ang mahal ko at wala kayong magagawa para mabago yon!” Akmang susuntukin ulit siya nito pero napigilan na ito ng kanyang ina.
“Walang kwentang ang babaeng yan kumpara kay Aileen. Aileen is a better woman hindi dahil mayaman ang pamilya nila o dahil malaki ang naitulong nila sa atin. Kundi dahil iyon ang totoo!”
Bakit ba mas pinapaboran ng mga ito ang babaeng yon? Mas lalong lumalim ang galit niya rito. At ikumpara pa ito kay Celine. Pero isa lang ang alam niya si Celine ang mahal niya at hindi ito.
” Mas lalo kong gagawing impy*rno ang buhay mo.”Bulong niya sarili.” Dahil ako ang pinili mong maging asawa ikaw ang sumira tahimik kong buhay.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top