𝚁𝙰𝙸𝙽 𝙵𝚄𝙴𝙽𝚃𝙴𝙱𝙻𝙰𝙽𝙲𝙰 ༄ ✍︎ ℂℍ𝔸ℙ𝕋𝔼ℝ 𝕋ℍ𝕀ℝ𝕋𝔼𝔼ℕ ✍︎


NAGPAALAM si Claire sa nanay niya na doon muna siya matutulog ngayon kina Lara dahil may sasagutan silang subject na magkaklase silang dalawa.
“Dapat pala palagi kang magsumbong kay Mark. Napakasama ng ugali!” nanggigigil na sabi ni Lara.
“Wala akong balak na magsumbong kay Mark pag pinapahirapan ako ni Rain. At isa pa pinsan niya si Angenica.” sabi niya at ibinaling ang pagsasagot sa transaction para sa accountancy.
“Malakas ang pang-amoy ko sa mga galawan ni Mark, eh.” tila proud na sabi ni Lara.
“Ano bang meron sa galawan ni Mark? May pilantik?” pagsakay ko sa trip niya. Binato siya ng unan ni Lara.
“Tange, lalaking lalaki yon. Obvious naman eh, ikaw lang talaga yung engot at walang pakiramdam.” napasimangot si Claire sa sinabi ni Lara.
Napahilot si Claire sa kanyang sentido. Dahil sumasakit yung ulo niya. Maghapon na siyang nakatutok sa laptop kanina, tapos ngayon columnar pad naman ang kaharap niya. Buti na lang hindi siya kanina at ngayon tinatawagan ni Rain. Baka maloka na siya kung may iuutos ito sa kanya.
Natigilan si Claire nang tumunog ang cellphone niya. Kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag.
“Argh!” naiiritang napasabunot si Claire sa buhok niya.
“Bakit? Sino yan?” tanong ni Lara. Pinakita ni Claire kung sino ang caller.
Impit na napatili si Claire. “Grabe si Rain, ah! Bakit tinatawagan ka pa niya kahit ganitong oras? Baka gagawin ka pa niyang bed warmer? There’s a rainbow always after the rain…..” 🎶🎶🎶🎶🎶 tanong nito at kumanta pa.
Tinignan niya ng masama si Lara at binato ng papel. “Tigilan mo na nga kakabasa ng mga romance pocketbooks Lara.” natawa na lang si Lara sa sinabi ni Claire at nag peace sign.
Tumikhim muna siya bago sinagot ang tawag ni Rain. 🤳 H-Hello?
🤳 What are you doing?
Napakunot noo si Claire sa tanong nito. Tinignan niya muli ang cellphone kung ‘Sir Ulan’ ba talaga ang caller.
💭 Bakit malumanay ng konti ang tinig ng boses niya? Parang hindi galit? 💭
🤳 Nagsasagot ako ng transaction sa accounting. sabi niya at napahikab. Hindi pa siya nangangalahati ay inaantok na siya.
🤳 Hide out.
🤳 Anong hideout?
🤳 Wala ka bang utak?
🤳 Gabi na eh, baka mapano pa ako sa daan. At hindi ako papasukin ng school guard.
🤳 Pumunta ka dito sa hide out. Sinabihan ko na yung school guard na pinapapunta kita dito. Pupunta ka ba o hindi?
🤳 Bakit ba kasi kailangan kong pumunta diyan ngayon? Kung kailan gabi na? Inirapan naman niya si Lara na nagreact ng mapanukso sa kanya. Napakamalisyosa nitong babae.
🤳 Basta sumunod kana lang! Dalhin mo yang transaction na yan na kailangan mong sagutan! Pumunta ka, ngayon na!
Napakurap na lang si Claire ng binabaan siya ng tawag ni Rain.
“Lara, hindi ko na talaga si Rain maintindihan, sa totoo lang. Habang tumatagal mas lalong sumusungit at naweweirduhan na ako.”
“Wag mo sabihin sakin na pupunta ka kay Rain?” tanong ni Lara.
Tumango na lang si Claire at napabuntong hininga na kinuha ang gamit niya.
Lumabas kaagad siya ng bahay nila Lara at humanap ng masasakyang taxi. Pagdating niya sa eskwelahan, ay sinipat muna siya ng school guard at tinanguan. Pinapasok na siya.
Hindi naman sobrang madilim sa paligid, medyo nakakatakot lang talaga. Napayakap siya sa sarili niya. Nakalimutan niyang manghiram kay Lara ng jacket. Sisipunin siya nito.
Napakunot noo si Claire nang makarating ng hide out.
💭 Bakit ang dilim? Mukhang walang tao, eh! 💭
Naiinis...


na nagpapadyak siya sa sahig, naiiyak na siya sa may pinto.
💭 Nakakainis naman si Rain. Hindi nilulugar ang trip niya sakin. Kung kailan naman dami kong gagawin. 💭
“What the f*ck are you doing there idi*t?!”
Tila nabuhayan ng loob si Claire nang marinig ang masungit na boses ni Rain. Napangiti si Claire nang makita si Rain at pinagbuksan siya ng pinto.
“Anong tinanga-tanga mo diyan? Pumasok ka na!” napapitlag si Claire sa pagsinghal ni Rain.
Agad siyang pumasok sa kuwarto nito.
“Bakit mo ako pinapunta dito?”
“Give me that.” sabi ni Rain at itinuro ang mga papel.
Nag-aalangang lumapit si Claire at inabot yon, hinablot naman ni Rain ito mula sa kanya.
“P-Pupunitin mo ba yan?” kinakabahang tanong ni Claire.
“Wag ka nang magtanong, ikuha mo na lang ako ng strawberry cake at juice sa ref.” sabi niya.
💭 Strawberry Cake? Sa hitsura nyang yan strawberry cake ang kinakain? Ang laking tao peru strawberry flavor ang gusto niya.💭
“Strawberry cake talaga?” paninigurado ni Claire.
“Bakit? Anong masama sa strawberry cake?” nakakunot noong tanong nito.
“Wala, wala naman.” lumabas na lang si Claire para kunin ang inutos at baka mabadtrip sakanya si Rain.
Pagpasok niya sa kuwarto dala ang strawberry cake at juice, ay natigilan si Claire. Ipinatong niya mesa ang dala at kinusot ang mga mata.
💭 Totoo ba tong nakikita ko? Bakit sinasagutan ni Rain ang transaction ku? Anung mabuting espirito ang sumapi sa kanya? 💭
“B-Bakit sinasagutan mo yan?”
“Wag ka ng magtanong.” naiiritang sabi niya na nagfofocus sa pagsagot.
Napasimangot na lang si Claire at umupo sa kama. Doon nagsasagot sa study table si Rain. Kaya medyo malayo sila.
“Bakit mo ba kasi sinasagutan niyan?”
Napakunot noong tinignan siya ng masama.
“Humahadlang ang mga ito sa pagpapahirap ko sayo.” saka ibinaling kaagad ang tingin sa sinasagotan.
Nagtatakang tumingin lang si Claire.
💭Ang weird niya talaga.💭
Napatigil si Rain sa pagsagot ng bumahing siya. Sisipunin pa yata siya.
“Ahm, pwede pakihinaan yung aircon?” Napabuntong hininga si Rain at tumayo para hinaan ang aircon. Napangiti lalo siya, feel niya ang bait ngayong gabi ni Rain.
Sinusundan lang niya ng tingin si Rain na papunta sa cabinet at may kinukuha. Natigilan siya nang hagisan siya ng jacket na kulay maroon.
“Wala ka bang utak? Bakit hindi ka nagsuot ng jacket ng pinapunta kita dito?” tila naiinis niyang tanong.
Napakagat labi na lang si Claire. Tinatago niya ang pagngiti. Nag aalala sakanya si ulan.
“Kung magkasakit ka mahihirapan akong pahirapan ka.”
Napairap si Claire. 💭Ang sama niya talaga kahit kailan. 💭
Pinagpatuloy niya ang pagsagot, pasimple siyang humiga sa kama at tinititigan si Rain.
💭Kung hindi lang talaga kami nagtagpo sa ganoong sitwasyon dati baka malamang crush ko na siya.💭
Natigilan siya bigla sana naisip.
💭Bakit ko naman magiging crush ang hinayupak na yan? Saka di hamak mas mabait naman si Mark. 💭
“Stop staring.” agad tumingin sa ibang direksiyon si Claire nang biglang nagsalita si Rain.
“Tinitignan ko lang baka mali mali ang mga sagot mo. Ilusyonado.” palusot niyang sabi.
“Bakit? Nasa mukha ku ba yong sagot?” masungit na tanong niya at ibinaling sakanya ang tingin.
Pakiramdam ni Claire umakyat lahat ng dugo niya sa mukha dahil sa pagkapahiya.
💭 Tama nga naman siya wala sa mukha niya ang sagot. Bakit doon ako nakatitig? 💭
Tumahimik na lang siya at iniwas ang tingin. Di na niya namalayan, nakatulog na siya.






Share On Whatsapp

"12" Comments
  1. I saw a similar post on another website but the points were not as well articulated.

  2. বাংলা প্রশ্ন উত্তর সাইট তল্লাশি, আজই আপনার সমস্যা নিয়ে প্রশ্ন করুন , অভিজ্ঞ ব্যক্তিগন আপনার প্রশ্নের উত্তর দিয়ে সহযোগিতা করবে । তাছাড়াও অন্যাদের প্রশ্নের উত্তর দিয়ে, জিতে নিন আকর্ষণীয় পুরস্কার । তল্লাশিতে যেকোনো বিষয়ে প্রশ্ন করতে পারেন।।

  3. We need to build frameworks and funding mechanisms.

  4. I absolutely adore your site! You aggressive me as able-bodied as all the others actuality and your broiled PS is absolutely great!

  5. Assume you are doing good linking to position you on the first pages of search engines.

  6. This is the wave – the big wave.

  7. My brother suggested I might like this websiteHe was once totally rightThis post truly made my dayYou can not imagine simply how a lot time I had spent for this information! Thanks!

  8. I think that may be an interesting element, it made me assume a bit. Thanks for sparking my considering cap. On occasion I get so much in a rut that I simply really feel like a record.

  9. There are some serious financial ramifications here.

  10. I appreciate, cause I found just what I was looking for. You’ve ended my four day long hunt! God Bless you man. Have a great day. Bye -.

  11. Your Namejennifercorpuz

    Ang ganda sana sunod sunod ang chapter para maganda magbasa

Leave a Reply


top