Pagka alis ni Lee para sundan si Leslie,saka naman dumating ang Doktor na nag opera kay Viel.
” Kumusta?” Tanong nito sa bata at saka tiningnan ang kalusugan nito.
” Ok na po ako…medyo kumikirot lang yung sugat ko.”
” Matibay ka bata..nandoon ka na sana sa kawalan pero nagawa mo pa ring lumaban sa edad mong yan.” Hangang hanga ang doktor niya dahil hindi ito nagpadaig sa kinaharap na panganib.
” Syempre naman,Dok. Tulong tulong ho kaming nag dasal para sa anak namin. At salamat na rin sa malaki nyong tulong para iligtas siya.” Ani Larry.
” Trabaho ko iyon. Pero kung hindi lumaban ang anak nyo,di sanay hindi nyo siya nakakausap at nakakasama ngayon.”
” Mabait po talaga ang Diyos,Dok. Sinamahan niya sa pakikipaglaban sa kamatayan si Viel. ”
” Tama ka. ”
” Ah..kelan ho kaya siya makakalabas dito?”
” Oobserbahan ko pa. Kapag mabuti na talaga ang kalagayan niya,pauuwiin ko na siya.”
” Salamat po.”
” Walang problema. Ah..sige. alis na muna ako. May titingnan pa’konh ibang pasyente. ” Pagpapalam nito.” Pagaling ka ha….” Baling niya kay Viel sabay hawak sa ulo nito.
” Opo.” Tugon ni Viel na sinabayan pa ng tango.
Iniwan na sila ng Doktor.
” Oh,Viel. Pagaling ka raw. Kumain ka ng marami para makauwi ka na.” Saad ni Yssa na inihanda ang pagkain para sa kanya.
” Pero titser Yssa,busog pa po ako.”
” Ganoon ba..itong prutas na lang.”
” Mamaya na lang po..”
” O,sige. Mamaya na nga lang..” hindi na rin nagpumilit pa si Yssa.” Pero kumain ka ng marami ,ha. Ipapasyal kita.” Dagdag pa nito.
” Opo. Pero sana lahat tayo…”
” Ha?…ahh….syempre naman. Lahat tayo,papasyal. Isasama ko rin yung anak ko para masaya.”
” Sige po.” Kumikislap ang mga mata ni Viel nang mapag usapan ang pagpasyal.
Maya maya ay dumating sina Lee at Leslie.
” Anak….” Agad na lumapit si Lee kay Viel . ” Kumusta na pakiramdam mo?”
” Ok na po ako,papa.”
” Mabuti naman. ”
” Hindi pa sinabi ng Doktor kung kelan makakalabas si Viel. Kailangan pa kasing obserbahan.” Si Larry.
” Mas mabuti ngang dumito muna siya para masiguro nating maayos na talaga siya.”
” Hayaan mo ,Viel. Kahit ilang araw ka pang manatili rito sa hospital,ok lang iyon. Ako ang mag aalaga sayo. Libre naman ako.” Ang sabi ni Leslie.
” Huu….para makita mo lang lagi si Lee,eh..” kantyaw ni Yssa na ikinagulat bahagya ni Leslie. ” Hay naku…Viel . Ang totoo niyan,yang tita Leslie mo,kapag kami lang ang magkasama,bukambibig yang papa Lee mo.”
” Yssa…kelan yon?”
” Hoy! Pa inosente ka pa diyan. ”
” Wala nga..ikaw Yssa..gumagawa ka ng kwento ha..bad iyon.”
” Bad ka diyan? Gawin pa kong sinungaling…”
Kinikindatan naman ni Leslie si Yssa. Napapahiya na kasi siya.
” Leslie..libre naman si Lee. Kaya…bakit naman hindi..” kantyaw rin ni Larry. ” Diba Lee? Matagal ng patay ang asawa mo. At saka,para naman may mag aalaga kay Viel kung sakaling makahanap ka ng trabaho. At para na rin,may mag aalaga sayo kapag..alam mo na.”
” Tumigil ka nga ,Larry. Kakakilala ko lang sa babaeng iyan.” Turo niya kay Leslie. ” Ipagdiinan mo na sakin.”
” Hoy! Lee! Ang ganda ko para patulan ka!” Hirit ni Leslie. Napapahiya na nga siya,mas lalo pa syang pinapahiya ni Lee. ” At saka, si Viel lang ang aalagaan ko no!”
” Teka lang….baka nakakalimutan mo na ina amoy amoy mo ko kanina habang nakayakap ka sakin.”
Nagulat sina Larry at Yssa sa sinabi ni Lee.
” Leslie?! Totoo?! Hindi nga?!”
” Yssa,hindi ah! Siya yong pumilit sakin na yakapin siya. Halos masubsob na nga mukha ko sa dibdib niya kanina.” Deny to death si Leslie.
” Lee?!” Nanlaki pa mata ni Larry nang tumingin kay Lee.
” Huwag mo kong tingnan ng ganyan ,Larry.” Kunwaring inis ni Lee kay Larry. Sa isang iglap naging magkaibigan sila.
” Lee…ayos lang iyan. Sabi ko nga,libre ka na naman.” Nakangiti pang gawi ni Larry.
” Bahala na nga kayo..” suko na si Lee.
” Hi..hi..hi..” natatawa naman si Viel sa tinuran nilang lahat.
” Uy! Dahan dahan anak..baka mabinat sugat mo.” Paalala ni Lee sa bata.
” Papa Lee..ang saya naman po ninyong tingnan ni Tita Leslie. Papa Larry,parang gusto kong makaranas ng pag aalaga ng isang mama.”
” Naku..anak . Patay tayo diyan. Paano nga ba,Lee?” Baling nito kay Lee.
” Naku Leslie..baka naman…” Tukso na naman ni Yssa.
” Tanungin mo si Yssa ,Viel. Mama na siya diba..alam niya kung paano.”
” Pero tita,may sarili po siyang anak na aalagaan. Gusto ko, ako yung inaalagaan.” Ang sagot naman ni Viel. Nakikisabay din yata sa tuksuan nila.
” Hahhaa mukhang kandidato ka na Leslie ah…” Tawang tawa si Yssa kay Leslie na pulang pula na ang mukha.
” Viel,kung alaga lang naman ang kailangan mo,maibibigay ko iyan.” Lakas loob nitong saad sa batang nakangiti.
” Pati si papa Lee?”
” Oy! Hindi ah! Ibang usapan na iyan!”
” Anak naman. Pati ba naman ikaw?” Nagsalita na naman si Lee.
” Hahahhaha…..” Tawanan ng iba pa.
Saka nagkatinginan sina Lee at Leslie. Simula na nga ba ng pagpapareha nilang dalawa?
” Eh,Viel. Kung sakali ba na si tita Leslie ang magiging mama mo…ok lang ba sayo?”
” Hoy! Larry! Bata lang iyan!” Saway ni Lee.
” Relaks ka lang ,Lee. Hayaan mong sumagot anak natin.”
” Mabait naman po si Tita Leslie. Kaya..ok lang. Alam ko naman na aalagaan niya ako. Mahal nya kasi ako.”
” Ayun….eh di may panalo na.” Hayag ni Larry.
” Tumigil nga kayo. Pinagkaisahan nyo na ko niyan.” Hindi makatingin na saad ni Lee. Pati kasi siya pulang pula na.
Si Yssa naman ay nakatingin kay Larry. Natutuwa siya at masaya rin ito kahit na alam nitong darating ang araw na malalayo si Viel sa kanya.
Dumating ang araw ng paglabas ni Viel sa hospital. Umuwi na muna sila sa bahay ni Larry dahil sa wala pang bahay si Lee. Kahit na medyo maayos na ang sugat ni Viel,kailangan pa rin niyang magpahinga at umiwas sa pagkikilos.
Si Larry ang nagluto at naghanda sa mesa pagdating ng gabi. Habang si Lee naman ay tanging si Viel ang inaasikaso.
” Kain na tayo.” Tawag ni Larry sa dalawa. Hindi rin nagtagal ay lumabas rin.
” Ang bango naman po ng ulam natin,papa Larry. ”
” At saka masarap!” Dugtong ni Larry. ” Upo na. Kain na tayo.”
” Sige po!”
” Subuan na kita anak.” Kumuha si Lee ng kutsara at nilagyan ng pagkain saka sinubuan si Viel. ” Lakihan mo yung subo anak.” Sabi pa nito.
” Ahh….” Sabay nganga ni Viel.
” Yan….”
” Masarap ba,anak?” Tanong ni Larry.
“Opo,papa Larry. Salamat po.”
” Masarap din akong magluto.” Sabat ni Lee. ” Doon nga nahulog mama mo sakin noon. ”
” Talaga po?”
” Oo naman!”
” Saan po,papa?” Hindi yata naintindihan ni Viel ang sinabi ni Lee. Iba kasi ang pagkaintindi nito sa ” hulog”
” Ha? Ah….” maang na sambit ni Lee.
” Ang ibig sabihin ng papa Lee mo ,Viel. Nainlab mama mo sa kanya dahil sa masarap siyang magluto.” Paliwanag ni Larry kay Viel. Siniko nya si Lee saka sinabi. ” Ikaw naman..alam mong bata pa ang anak natin. Linawin mo yung sinasabi mo.” Bulong nito sa huli.
” Pasensya na…” Ganting bulong rin nito kay Larry.
Ilang sandali pa ay dumating sina Yssa at Leslie sa kanilang bahay.
” Magandang gabi….” Panimulang bati ni Leslie. Lumapit siya kay Viel at humalik.
“May dala kaming ice cream para kay Viel.” Inilapag ni Yssa ang dala nitong ice cream sa mesang kinakainan nila.
” Bukas mo na lang kainin yan ,anak. Ilalagay ko na lang muna ito sa loob ng ref.” Tumayo si Lee at tinungo ang ref saka binuksan. Inilagay ang dalang ice cream ni Ysaa.
Pero pagbalik niya sana sa kanyang upuan, natigilan siya dahil si Leslie na ang naka upo katabi ni Viel.
” Ehermm….baka naman.” Sabi niya pero hindi naka tingin kay Leslie.
” Ha? Baka...