Remember To Remember
Genre:Tragic
Author: Ms. Koffi Xyn
PROLOGUE
“Ayoko na puros ako nalang nag sasakripisyo dito sa pamamahay natin Chiyo!” Sigaw ni Amora sa kanyang asawa.
“Itong mga bills sa kuryente sa tubig hindi pa nababayaran! Anong mapapala mo diyan sa pag pipinta mo eh wala naman halos bumibili niyan sa’yo ha!” Galit na galit na pagkasabi ni Amora habang ang asawa niya naman ay nagligpit sa mga art supplies niya.
“Pasenya ka na mahal” Mahinanong sabi ni Chiyo at niyakap niya ang kanyang asawa pero tinulak siya nito dahil galit na galit pa ito.
“Wag mo ‘kong mayakap yakap Chiyo. Naeestress na ako sayo, sa buhay natin ngayon kaya hindi tayo magkakaanak eh!” Naiiyak na sabi ni Amora at napaupo ito sa sahig dahil nawalan na siya ng lakas.
“Tulungan mo naman ako, asawa mo ko” Pagmamakaawa niya sa kanya asawa habang panay iyak ng iyak ito.
Hindi nakapag salita si Chiyo kaya niyakap niya nalang to nang mahigpit ang kanya asawa. Hin*mpas h*mpas pa siya ni Amora sa dibdib nilabas niya ang kanyang galit hanggang sa masabi niya ito lahat kay Chiyo kaya nasaktan ito ng labis.
“Mag pipirma tayo ng annulment Chiyo ayoko na gusto ko...