Bridge of love Chapter 2


Bridge of love❤️
Chapter 2
Kasalukuyan akong nakaupo sa parke at nakatingala sa kalangitan.Ang ganda ng mga tala na kumikinang,parang nagpapahiwatig na sa kabila nang paingdadaanan ko ay may maganda ring mangyayari.Kinabukasan ganun pa rin ang routine ng buhay ko palakad- lakad at kung saan nalang inaabutan ng dilim.Ang payat -payat ko na,ang dumi-dumi at sira-sira na din ang damit na suot ko.Haysss..napabuntong hininga ako nang makita ang mga batang kalye na pareho ko rin.Tulad ko ay mga payat at madumi din sila.Nasaan din kaya ang mga magulang nila?Yung sa’kin Kasi buhay pa pero hindi ko rin sila kilala.
The past story of Cristine…
“Mom,dad may ipagtatapat po kami ni Jerome”nanginginig at naiiyak na sabi ni Jane ang mommy ni Cristine.
“And what was that ija?”Mr.Verzosa answer.
“Dad,bu-buntis po ako”nanginginig pa rin at...


naiiyak na si Jane.Takot sa magiging reaksiyon nang kanyang ama at ganun din nang kanyang ina.
“What?!,walang hiya ka!”malakas at nakakamarkang palad ang dumapo sa pisngi ni Jane.Napaupo siya sa sofa at inawat Naman ni Jerome si Mr.Verzosa.
“Tito,papanagutan ko Naman po si Jane”awat Niya sa ama ng nobya na galit na galit.
“No!Ipalaglag ang batang yan ayaw kong malahian kami ng mga p*t*ay gutom!”sagot ni mR.Verzosa.
“Dad,no! Anak ko siya namin ni Jerome at bunga siya nang pagmamahalan namin”pagmamakaawa ni Jane sa ama.
“I said what I said Jane or else itatakwil kita bilang anak ko!Mamili ka kami ng mommy mo!O ang pagmamahal mo sap*t*y gutom na ito!”dinuro Niya si Jerome at tumalikod na ito.May isang salita ang ama ni Jane kung kaya kailangan niyang magdesisyon.Pagmamahal ba sa pamilya o pagmamahal sa lalaking pinangarap niyang makasama habang buhay at sa bunga nang kanilang pag-iibigan?Ano nga ba ang dapat manaig at piliin Niya?
:Pagsubok lang yan,wag kang sumuko laban lang”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top