Meant to be? Chapter 49


Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Patamad ko itong Inabot kahit nakapikit pa. Tsaka ko unti unting iminulat ang mga mata ibinaling ko ang paningin sa natutulog pang si Ace sa tabi ko. Hilig nyang matulog ng nakataob.
Tinapik ko sya sa balikat..
Umungol sya..
” Hindi ka ba papasok?”
Parehas kaming absent kahapon.
Dahan dahan syang nagmulat.
Mula sa mukha ko, sinilip nya ang alarm clock sa bedside table tsaka nag unat. Ngunit muli ring pumikit na nakataob pa rin.
Maya maya tumagilid sya. At napatingin sa akin ng walang ekspresyon ang mukha.
Wala yatang balak pumasok.
Muli ko syang tinanong.. Umiiling lang sya
Ilang sandali pa’y nangahas akong magtanong.
“San ka nagpunta kahapon, “susubukan ko pa ring di painitin o sirain ang mood nya.
” Tsk. ” tanging sagot nya
Galit na agad.
” May pinatumba lang akong kalabaw” saad nya ng nakapikit pa rin.
So sya ang may gawa non kay Gray, pano kung may nakakita sa kanya.
“Ace, hindi ka mamamatay tao!”
“Iyon ang ginawa mo sakin!” napasigaw na kami ng bahagya.
” Ace..”
“Pano mo nalaman, so buhay pa sya. Kinontak mo sya?”
“Pwede ba Ace.. May # aq sa kanya dahil sinusubukan nyang alamin ang salarin sa may kakagawan non samin! At inaalam ko yong update nya!”
Napabangon na sya.. At sinundan ko rin, nakaupo na kami parehas.
” Wow! Kinilig naman ako.. Nagtutulungan kayo ng Superhero mo para matunton ang gumawa non sa inyo. Malay mo pala kung pakana nya o ng kapatid nya. E di e, ginusto mo rin kasi. Nakalimutan ko Actress of the year ka pala nong senior high. Tsk..”
Agad kong dinapuan ng malutong na sampal ang pisngi nya! Bahala na.
Matalim na tingin lang at akmang may pipigain yong kamay nya tsaka sya padabog na tumayo at iwinaksi ang kumot.
Idinaan ko sa malalim na hugot at padabog na buga ang unang araw ng kalbaryo naming mag asawa.
Pumanhik ako sa banyo para mag toothbrush, nakisawsaw sya ng wala kaming imikan. Paglabas nya diretso akong naligo. Mabilis lang.
Paglabas ko. Pumasok din sya agad para maligo. nagsasabay sana kami.. Pero simula ngayon, malamang hindi na.
Di rin gaya ng dati.. Wala kaming imik habang kumakain sa hapag.
Nauna pa syang natapos. Diretso kuha ng gamit nya at susi ng kotse at nagpatiunang lumabas. Binilisan ko na nang makita ang message nyang, “-pag di ka pa lumabas in 10 min.. Magcommute ka na lang .”
Halos takbuhin ko palabas. Ni di na ako ng blush on na nakagawian ko na kada umaga. Yon lang naman, dahil gusto kong madagdagan yong pinkish cheek ko para maging blooming lalo sa paningin nya.
Pati yon di ko na nagawa.
Alam kong nagtataka na samin si manang Ces. Sana lang di nya mabanggit kay itay. Maaga kasi nagpupunta si itay sa coffee shop. Pinagkatiwalaan sya ni Ace na mag matyag sa mga tauhan don at tumutulong tulong na rin..
Don na rin sya kumakain.
Habang nasa loob ng klase at wala sa mood . Ni hindi ko napansin ang sinabi ng prof. namin na may meeting ang mga journalists sa gym after lunch. Kaya exempted sa first subject.
Di ko sya sinabayan ngayon.. Tinext ko sya na sabay kami nong best friend ko sa klase namin. BS Biology yong kinuha ko.
Nong natapos kaming kumain sa cafeteria bumalik agad ako ng room baka kasi magpang abot kami don.
Saktong natapos akong mag ayos at mag blush on, ay sinabihan ako ng bakla na may nag aabang sakin sa labas ng room. E kilala naman nya si Ace.
Agad akong lumabas. Si Ace din pala.. Dahan dahan akong naglakad papunta sa gawi nya.
Di ko sya matingnan.. Sa mga malaking pot ako nakatingin na nakalinya para tamnan ng bulaklak.. Nakatingin sya sa akin.
“Bakit?..” sabay sulyap ko sa kanya.
“San ka kumain?”
“Basta ang mahalaga tapos na, nagtext ako kasama ko yong best ko diba. Alis na. ”
Napaismid sya..
“Wag kang magmamatigas sa akin ha.. Pag sinabi ko, gawin mo! ” ma auotoridad nyang sabi.
” Bukas sabay tayong kakain. Kunin mo na yong bag mo.”
” Bakit?”
” May meeting diba? Anong tinutunganga mo dito.”
“Saan?”
“Kailan ka pa naging tanga Nice..! ”
“Ace huh!” hanggang ganon lang ako sa kanya e.. Ace huh.. Ace huh!! Kainis.!
“Kunin mo na yong bag mo, dahil late na tayo! Damay pa ako sayo. ”
Habang naglalakad papuntang di ko alam. Napatingin ako sa cp ko. Nagchat pala sya tungkol sa meeting. Hiningal na ako sa pag sunod ng malalaki nyang hakbang.
Napatingin sya sa akin.. Napakunot ang noo ko
Nagtatanong. Hininaan nya ang paglalakad.
” Hindi ka pala girl scout” pagkarinig non halos takbuhin ko na ang gym at inunahan sya “bwes*t ka Ace, galit ka lang kaya titiisin pa kita sa ngayon.”
Dati rati.. Halos di na makahinga puso ko sa kilig kilig kapag nasa school o kahit san parte kasi pakilig kilig sya. E ngayon.. Matabang pa sa matabang!
Kunyaring pinaseselos nya pa akong talaga.. At gustong gusto naman ng mga kasama nyang babae. Bahala...


ka dyan..
Buti may lumapit din na lalaki sakin yong crush ko pa talaga. Dahil ubod din ng talino.
Tinabihan pa ako..
Walang nakakaalam sa University na mag asawa kami. Kaya may tago kaming tagpuan kung saan pwede kaming maglampungan. Pero panigurado whole day na yon mababakante. Bawat break sa umaga lunch at hapon at bago umuwi don kami tumatambay.
Napasulyap ako sa dako nya ng di sinasadya. Wahh.. Papatay na yong mukha.
Sinabi pa naman nya..kapag may nagkamaling gumalaw sakin. Papatayin nya. Katulad ba ng ginawa nya kay Gray.
Nong nag break kami. Libre yong pagkain. Naenjoy namin yong meeting. Kasi yong mga deen napaka jaming.. Tawa lang kami ng tawa. Pero naroon na yong thought sa pagpapatawa sa amin. Ang galing.
Matalino ang mga mentors namin talaga.. Walang tulak kabigin.
Lumapit sya sakin.. Ang alam ng nakakakita samin. Nililigawan nya lang ako. Kantyawan nga ang mga kaklase nya dahil ” the transferee daw meets the freshmen”
Nasa 4th yr na sya at next yr, graduate na sya sa civil engineering.
Parehas kaming bago sa University na to. Kaya nga excited kaming lalo na idescover ang bawat isa bilang mag asawa at ienjoy ang new deens, classmates, new surroundings at new activities. New place for kilig kilig sana tuloy2 pero ngayon biglang naputol.
Kinabukasan, ang bilis ng mga galaw ko.. Paulit ulit kasi yong bumabalik sa isip ko yong sinabi nyang di ako girl scout.
Pagkagising nya.. Pansin kong may kinakapa sya sa tabi.. Sinong kakapain mo dyan, himala kakapain pa ako. Nasanayan nya na kasi.
Kaya bago pa nya ako mapansin tumalikod na ako at nagblush on.
Sinong di girl scout. Nakauniform na ako noh.
Hinintay ko na lang sya para sa agahan.
Pagharap ko nakaupo na sya at patamad na tumayo.
“Bat aga mo yata”
“let’s say, nabuhay na ang pagiging girl scout ko.”
Hmmheh.. “tawa ba yon o chuckle..malamang insulto. Si Chuckie na kasi sya ngayon.
” Di ka pa ba maliligo?”
Pss..
Hmph!
Nagtagisan pa kami ng mag pause sya sa harap ko. Alam kong kating kati na syang humalik.. Tinaasan ko lang sya ng kilay.
Ang daming nakapila sakin oi, baka akala mo
Tsaka sya pumasok sa banyo.
“Iprepare mo ang damit ko! .. ang gamit ko!”
“Done na po! Nag aabang na lang sila sa magsusuot sa kanila sir!. Mwesit..”
“Mauna na ako sa baba!”
“Hintayin mo’ko!!”
Nagpapahintay.. kasi may balak mang seduce.. Kunyari nakalabas ang 6 abs pack nila ng nakatapis lang tapos tumutulo pa yong butil sa buhok nila habang pinupunasan ng towel.
E nagets ko na, at ilang beses ko nang nakita yan. Inismiran ko lang sya.” Bilisan mo naman para kang hindi boy scout”
“pss.. Mag mimilitary na nga ako e.. Para pag may nangahas uli sayo. Isang pitik lang. Boom!”
“Haha.. As if magtatagal pa tayo..”
Kita ko ang biglaang pagbago ng mood nya sabay talikod.. Di nkatakas sakin ang bahagya nyang pag ngiwi.
“Mauna ka na sa baba! ” pasinghal nyang pahayag.
“Galit na ang leon!!”
Tsaka ako nagmamadaling lumabas.
At ayon dahil kagustuhan nya, sabay kaming nag lunch. Pinabayaan namin yong mga tukso, di kami tinatablan. Nakakairita lang. Kanya kanya pa kami ng paselosan. Pero pag sa akin.. Galit na galit sya.. Kinuwelyuhan nya pa si Ed. Yong crush kong genius.
Mas lalo pa syang nagagalit kapag binibida ko ang katalinuhan non. Wala daw yong binatbat sa kanya. Next month pala kasali kami sa conference ng journalism na gaganapin sa isang University. Contest iyon..
At yon ang kinaaabalahan nya after lunch. Kasi inaasahan sya ng adviser nila.
Nakita ko sya sa isang waiting shade.. Malayo sa disturbo. Didisturbohin ko sya.. Parang nahahamon na rin akong asarin sya. Sya naman ang nauna.
. Tsaka may pinabibigay kasi yong deen namin sa kanya.. Well known kasi agad, clever & handsome anchor daw sya. Future tv anchor daw. Sigurado daw na pagkakaguluhan ng masa sa tv.. Toink! Tuwang tuwa naman sya. Binola lang.
“Hoy! Lacson lason! Catch!”
Sabay hagis ko nong iniroll kong printed paperworks na pinabibigay sa kanya.
“Sh*t! ” sabay paniningkit nya.. At kurap ng mata. Natamaan kaya sya sa mata. Naguilty tuloy ako.
“Sorry..”
“Alis na!”
“Paupo muna napagod ako papunta dito sa outer space mo. Nasira tuloy spaceship ko.”
“Pssh.. KSP”
“Anong sabi mo.”
“Alis na, busy ako.” mukhang di na sya madadala ng paglalambing ko. Iritable yong mukha nya. Dati rati.. Super sweet ng kumag na to. Haisst.
“Sige.. Goodluck sayo kumag! ”
“Huwag kang lapit ng lapit sakin, may pinopormahan akong bago.”
Bwes*t! Sinapol ang dibdib ko non ah..
“Pwes! Wag mo rin akong pagbawalan makipag conversation kay Ed. ”
“Yon ang hwag na huwag mong gagawin! Binabalaan kita! ”
“Hindi mo naman ako totoong mahal! Pakialam mo sakin.! ”
Nong nakailang hakbang na ako..
“Psst..Mamayang gabi, laro tayo ng Ps4.”
Nilingon ko lang sya. Libangan namin yon madalas pag di pa Inantok. Pampatulog namin..bakbakan kami sa video games. At tuwang tuwa sya sakin kasi di nya akalaing adik din ako don. At madalas ko syang matalo. Ang ending namin after the game. Kissing scene.
Pero mamaya.. It’s not gonna happen I guess.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top