Ikaw lang ang nasa puso ko
Chapter 7
.
Patuloy ang kaladyaan ng dalawa, nagkikilitian, naghahabulan sa paligid ng kubo, nagulat na lang si Mary Ann ng maabutan siya ni Ariel, binuhat siya ni Ariel at iniikot siya ng inikot..
.
Mary Ann : ayy ano ka ba Ariel, ibaba mo nga ako, nahihilo na ako.
.
Natatawa naman ang dalawang bata sa ginagawang kaladyaan nila Ariel at mary ann.
.
Marielle : uyyyy..si kuya at si Ate, ang sweet nila!!(biro niya sa dalawa)
Mary Ann : si kuya mo kasi eh.kakainis!!
Ariel : anong ako. ikaw kaya.
Mary Ann : ako talaga!!hmp..ibaba mo na nga ako!
Ariel : oh sige na.
.
Nang maibaba ni Ariel si Mary Ann ay agad na siyang lumayo kay Ariel, dahil kumakaldabog ang puso ni Mary Ann.
.
Ariel : sorry na, huwag kang magalit.
Mary Ann : ewan ko sayo, bahala ka na nga diyan.
Ariel : saan ka pupunta hindi mo pa tapos yong kinakain mo?
Mary Ann : ayaw ko na, nabusog na ako, maliligo na ako.
Ariel : maliligo na din ako!!
.
At sinundan niya si Mary Ann iniwanan na din niya ang kanyang kinakain..
.
Ariel : nandiyan na ako..
Annabelle : yehey maliligo na din sila tita at tito.
Ariel : oo, naiinggit ako sa inyo eh..
.
Nakipaglaro si Ariel sa mga bata, sinasabuyan niya ito ng tubig, at sinabuyan niya din ng tubig si Mary Ann, hanggang sa hindi na makadilat si Mary Ann sa pagsaboy ni Ariel, sigaw ng sigaw si Mary Ann, tawang tawa naman si Annabelle sa reaksiyon ng tita niya, dahil sa pagsaboy ni Ariel kay Mary Ann..at ng makabawi si Mary Ann ay gumanti siya kay Ariel, sinabuyan na din niya, at si Ariel na din ay hindi makadilat, ang ginawa ni Ariel ay lumapit siya sa dalaga at saka niya ito hinapit, natigilan naman si Mary Ann sa ginagawa niya kay Ariel dahil nga nakayakap na si Ariel sa kanya, nawalan ng panimbang ang dalawa kaya natumba silang parehas sa tubig, tuwang tuwa naman yong dalawang bata sa nangyari sa kanila, at hanggang sa nakaramdam na nanaman si Mary Ann ng pagbilis ng tibok ng puso, hindi siya agad makatayo sa pagkakadapa niya kay Ariel dahil sa sobrang pagkabigla..natuwa naman ang puso ni Ariel dahil yakap niya ngayon ang dalaga.at hanggang sa nakatayo na nga si Mary Ann
.
Mary Ann : nakakainis ka talaga!!
Ariel : hindi ko sinasadya!
.
nagpunta si Mary Ann sa medyo malalim, dahil gusto niyang malayo kay Ariel, dahil baka mapansin ni Ariel ang pagkailang niya, pero ang hindi niya alam na nakasunod pala sa kanya si Ariel, nagulat pa siya ng may humawak sa bewang niya kaya napasigaw talaga siya ng malakas.
.
Mary Ann : ayy…ano ka ba lagi ka na lang nanggugulat!!
Ariel : sorry, sinundan kita kasi baka pulikatin uli yang mga binti mo,baka hindi kita agad mapansin eh malunod ka..hindi ko talaga mapapatawad yong sarili ko kapag may nangyayari sa iyong masama.
Mary Ann : wala naman mangyayaring masama sakin, natakot lang kasi ako kahapon,nabigla dahil ang akala ko kung ano na ang nagyari sayo.
Ariel : nag-alala ka talaga sakin?
Mary Ann ; o naman!
Ariel : eh bakit?
Mary Ann : anong bakit? Syempre mahalaga ka sakin kaya natakot ako.
Ariel : Mahalaga?
Mary Ann : oo mahalaga ka sakin!
Ariel : ah akala ko mahal mo,ako!
Mary Ann : syempre mahal kita,(nabigla niyang sabi)..Ang ibig kong sabihin mahal kita kasi kaibigan kita..buti pa magkarera na lang tayo uli!!
Ariel : mahal kita Mary Ann!
.
Pero hindi na narinig ni Mary Ann ang sinabi ni Ariel dahil sumisid agad ang dalaga..sumisid din si Ariel, matagal sa pagsisid si Ariel, kaya ng lumitaw si Mary Ann ay hindi niya nakita ang binata, luminga-linga si Mary Ann sa paligid ngunit di niya makita ang binata, at hanggang sa nagulat na lang si Mary Ann at biglang lumitaw si Ariel sa tabi niya..napasigaw pa siya ng malakas dahil sa gulat,at bumibilis na,naman ang pintig ng kanyang puso.
.
Hinampas ni Mary Ann sa balikat si Ariel.para mabawasan ang tensiyon na nararamdaman. Para hindi mahalata ng binata na natataranta siya.
.
Mary Ann : ginulat mo na naman ako eh.
Ariel : bakit ka ba kasi laging nagugulat?
Mary Ann : magugulatin nga ako eh, anong magagawa ko..mabuti pa tayo na doon sa mga bata, kailangan ng umahon sa tubig si Annabelle dahil nababad na siya ng husto.
Ariel : oo nga baka lagnatin, baka sabihin ni ate Evelyn pinabayaan natin.
Mary Ann : oo nga eh..
.
Kaya nagpunta na sila kila Marielle at Annabelle.
.
Mary Ann : baby ahon na..masyado ka ng nababad sa tubig.
Annabelle : tita sandali nalang po..gusto ko pa po dito.
Ariel : baby baka lagnatin ka, mahirap ang lagnatin, sige ka hindi ka makakapaglaro kapag nilagnat ka.
Annabelle : tito Ariel gusto ko pa po kalaro si Ate Marielle.
Marielle : doon na lang tayo maglaro sa may kubo, magduyan tayo..
Annabelle : sige po ate, magduyan tayo ha.
.
nakumbinsi ni Marielle si Annbelle na umahon, nalibang si Annabelle sa pakikipaglaro niya kay Marielle, natutuwa namang pinagmamasdan ng dalawa ang mga bata.lumipas ang mga oras ay. Nagpasya ng umuwi ang apat, hinatid ng magkapatid na ang magtita.
.
Mary Ann : salamat Ariel ha.
Ariel : wala yun..
Annabelle : nanay, lola!(bati niya)
Marissa : nasiyahan bang maligo yong apo ko?
Annabelle : masarap pong maligo lola.
Evelyn : salamat señorito ha, dahil sinamahan nio ni señorita Marielle ang magtita sa ilog.
Ariel : wala yun ate, nag-enjoy din si Marielle sa pakikipaglaro kay Annabelle.
Evelyn : halika na sa loob anak at magbanlaw ka na.
Marissa : pasok muna kayong magkapatid.
Ariel : ay hindi na po siguro aling Marissa. Uuwi na po kami, at may pupuntahan pa po kasi ako.
Marissa : ganun ba.,sige salamat ha!
Ariel : opo, sige po tuloy na kami Aling Marissa, sige Mary Ann.
Mary Ann : sige, Ingat!
Ariel : salamat..tayo na Marielle.
Marielle : sige po aling Marissa, ate Mary Ann.
Marissa : sige, señorita.
Mary Ann : salamat Marielle.
Marielle : walang anuman ate, sige uwi na po kami.
.
Samantalang si Mary Ann ay nananatiling nakatayo sa may labas ng bahay, at hinihintay niyang makaalis ang magkapatid, at ng makaalis na ang magkapatid, ay hind pa din siya pumapasok dahil sinusundan pa niya ng tingin ang papalayong sasakyan ng mag-kuya..at iniisip ni Mary Ann kung saan daw kaya pupunta si Ariel..parang nalungkot si Mary Ann dahil hindi niya alam kung pupuntahan pa kaya siya ni Ariel, lumipas ang mga oras, naroon siya sa duyan upang magpahinga, at nalulungkot siya, kasi wala na silang usapan na magkikita ulit sila, ilang oras pa lang silang nagkahiwalay ni Ariel ay parang napakatagal na niya itong hindi nakikita..at sa pag-iisip niya kay Ariel ay nakatulog siya sa duyan..napasarap ang tulog niya, nagising siya dahil narinig niya ang boses ng tatay niya..at nagulat pa siya ng magmulat siya ay madilim na pala kaya bumangon na siya, sobra yatang napasarap ang tulog niya, at hanggang sa laking gulat niya ng marinig ang pamangkin na nagsalita.
.
Annabelle : tito Ariel, salamat po sa chocolate po.
.
At bumilis ang tibok ng puso niya ng marinig ang boses ni Ariel.
.
Mary Ann : oh my God, nandito siya!..(mahinang bigkas niya)
.
natuwa na naman ang puso niya sa saya..pinakalma muna niya ang puso niya bago siya tumayo ng duyan, dahil parang naliliyo siya dahil nga sa tagal ng tulog niya, at isa pa ay dahil sa saya dahil naroon ulit si Ariel sa bahay nila.
.
Andres : anak, napasarap ang tulog mo ah.
Mary Ann : opo nga tay.
Annabelle : tita, binigyan po ako ni Tito Ariel ng chocolate.
Mary Ann : wow sarap naman niyan, ako ba wala ba akong ganyan?
Annabelle : meron po tita, tito Ariel bigay mo na po kay tita!
Ariel : ah okay, Mary Ann para sayo!
.
Nun lang niya pansin na may bulaklak na hawak si Ariel, na itinatago sa likudan nito. nanlaki ang mga mata ni Mary Ann ng makita ang hawak ni Ariel isang boquet ng Red Roses..nasurpresa talaga si Mary Ann..nanginginig pa siya ng abutin niya ang binibigay na bulaklak ni Ariel.
.
Mary Ann : S-salamat!!(nauutal na sabi)
.
Sa isip ni Mary Ann nun lang sia nakatanggap ng bulaklak na kilig na kilig ang puso niya, madalas din namn siyang makatanggap ng mga bulaklak sa mga nanliligaw sa kanya, pero walang kilig. Pero yong galing kay Ariel, ay parang nasa langit na daw siya, at napa isip din ang dalaga, bakit ba siya binibigyan ni Ariel ng bulaklak, manliligaw ba ito..pero ang katanongan niya ay itinanong ni Annabelle.
.
Annabelle : tito Ariel liligaw po ikaw sa tita ko?
.
Nasamid si Ariel sa tanong ni Annabelle nahiya pa si Ariel dahil naroon si Mang Andres.
.
Andres : naku, pasensiya ka na sa apo ko, sobrang daldal.
Ariel : ayos lang po yun mang Andres..ah Baby(baling niya sa bata)..diba sabi mo bigyan ko din ng bulaklak si Tita mo. Ayan sinunud ko yong request mo.
Annabelle : salamat po tito Ariel!(natutuwang sabi)
Ariel : welcome baby!
Andres : apo tayo na sa loob ng bahay, manuod tayo ng TV, tapos bigyan mo ako ng tsokolate mo ha, kasi hindi mo pwedeng ubusin yan, sasakit lang yong ipin mo.
Annabelle : bibigyan po kita lolo pero konti lang po. Kasi po baka po mabawasan po yong ipin niong dalawa wala na po kayong ipin.
.
Napakamot ng ulo si Mang Andres, nagtawanan naman sina Mary Ann at Ariel sa usapan ng mag-lolo
.
Andres : may pustiso naman ako apo.
Annabelle.: ano pong pustiso?
Andres : ipin yon apo, isinusuot yun para maging kumpleto na ang ipin ko.
Annabelle : eh nasan po?
Andres ; nasa garapon apo..halika na nga lang sa loob..kung ano ano yong tinatanong mo..maiwan namin kayong dalawa diyan ha, dito ka na uli mag-hapunan Ariel.
Ariel : ah opo mang andres gustong gusto po yun, salamat po.
.
naiwan sina Mary Ann at Ariel sa may Terrace..natatawa pa sila sa naging usapan ng maglolo…pero si Mary Ann ay nakakaramdam ng kaba, at excite din dahil naroon uli ang presensiya ng binata..masaya siya sa twing nakikita ang binata, sympre ganun din si Ariel kay Mary Ann.
.
Ariel : sarap ng tulog mo ah!!
Mary Ann : oo nga eh, napagod yata ako!
Ariel : ganun ba. Sayang naman yayain pa nama sana kitang lumabas.
Mary Ann : ha! Bakit, san tayo pupunta?
Ariel : sa plaza sana! Maglilibot libot.
Mary Ann : pwede naman.
Ariel : ha talaga!!payag kang lumibot tayo.
Ariel : oo sabi eh. Kulit!!baka mamaya magbago yong isip ko sige ka.
Ariel : wag naman, payag ka na eh, wala ng bawian!
Mary Ann : thank you nga pala uli dito sa bulaklak ha.
Ariel : nagustuhan mo ba?
Mary Ann : oo, naman galing sayo ito eh.
.
Natuwa naman ang kalooban ni Ariel sa sinabi ni Mary Ann.
.
Mary Ann ; kaya pala sabi mo may pupuntahan ka kanina, ito pala yong sinadya mo!
Ariel : oo, kasi nga request ni Annabelle nabigyan ka ng bulaklak ayaw ko naman biguin si Annabelle.
Mary Ann : aray ko!!
Ariel : o bakit? Anong nagyari sayo, may masakit ba sayo?
Mary Ann : parang medyo sumakit lang yong ulo ko.
Ariel : uminom ka kaya ng gamot..
Mary Ann : nagugutom lang siguro ako.
.
Ang totoo nalungkot si Mary Ann dahil sa sinabi ni Ariel, ng dahil lang pala kay Annabelle kaya siya binigyan nito ng bulaklak.pinagalitan niya ang kanyang sarili dahil masyado na siyang umasa na kaya siya binigyan ng bulaklak ay dahil gusto na siya ni Ariel..at hindi nga nagtagal at tinawag na sila ni Aling Marissa..dahil kakain na daw sila, at dumulog na nga sila sa hapagkainan, masaya silang kumain na sabay sabay. At tulad ng dati bida si Annabelle sa masaya niyang kwento, tungkol sa paliligo niya sa ilog.,at hanggang sa natapos na silang kumain. Ang mag-amang sina Benjie at annabelle ay lumipat na sa kanilang bahay..ang nagligpit ng pinagkainan ay sina Marissa at Evelyn.
.
Marissa : Mary Ann kami na ni ate mo ang magliligpit ng pinagkainan natin, gumayak ka na at yong pagpunta nio sa plaza ni Ariel.
.
Sa isip ni Mary Ann ay nakapag-paalam na pala si Ariel sa mga magulang niya, naroon si Ariel sa may terrace ng bahay kasama ni Ariel si Mang Andres..nagkukwentuhan sila tungkol sa bukid..at hanggang sa lumabas na si Mary Ann at siya ay nakagayak na.
.
Andres : sige punta na kayo, at akoy matutulog na, napagod kasi ako kaya maaga akong inaantok..magdala ka ng susi Mary Ann para kapag umuwi ka eh, ikaw na ang magbubukas.
Mary Ann : opo tatay!
Ariel : sige po mang Andres punta na po kami.
Mary Ann : sige ingat kayo.
Ariel : opo, salamat po!
.
At umalis na nga sila Ariel at Mary Ann, sakay na sila ng kotse ni Ariel.
.
Mary Ann : bilib naman ako talaga ako sayo, mas nauna ka pang nagpaalam kila tatay na pupunta tayo ng plasa.
Ariel : oo naman alam ko naman na hindi mo ako tatanggihan eh.
Mary Ann : talaga lang ha!!
Ariel : oo, kaya nga kasama na kita ngayon kasi hindi mo ako kayang tiisin eh.
Mary Ann : hehehe!!(ngumiti na parang nanloloko)
.
Hindi nga nagtagal ay narating na nila ang plasa marami ng tao kasi kinabukasan ay araw na ng Fiesta sa Barrio nila.
.
Ariel : maghahanap muna tayo ng pagpaparadahan natin.
.
At nakahanap na nga sila ng mapagpaparadahan ng sasakyan, naunang bumaba si Ariel at ipinagbukas siya ng ng pinto ni Ariel..at ng makababa na siya ay sinara na ni Ariel ang pinto, pag-baba palang ni Mary Ann sa kotse ni Ariel ay maraming mga mata ang nakatingin sa kanila, ang iba ay natutuwa na makitang magkasama sila, at meron naman na inis na inis kay Mary Ann dahil may inggit na nadarama sa kanya, dahil ang iba ay nangarap na maging boyfriend si Ariel, dahil yong iba ay malaki ang pagkagusto sa balikbayang binata.
.
Mary Ann : mukhang madaming tao ah..
Ariel : oo nga! Kasi may singing contest ngayon.
Mary Ann : ganun ba, kaya pala, madaming tao ngayon.
Ariel : Mas masaya na ngayon ang fiesta dito ah, kesa noong bata pa tayo ano!
Mary Ann : oo nga eh, ngayon lang ako nagpupunta dito sa plasa, noong mga nakakaraang fiesta di ako nagpupunta, buhat ng umalis ka noon, hindi na din ako naglilibot dito.
Ariel : ganun ba..bakit naman?
Mary Ann : kasi nga, kapag bakasyon ay nagtatrabaho ako sa tita ko, sa grocery nila, siya pa kasi yong kikitain ko, pandagdag sa tuition fee ko.
Ariel : ang sipag mo naman!
Mary Ann : syempre kailangan eh.at medyo malaki din ang matrikula ko noon.
Ariel : pero nalagpasan mo naman ang mga hirap na iyon, tingnan mo kung ano ka ngayon, isa ka ng guro, at natupad mo na yong pangarap mo nong bata ka kapa..
Mary Ann : oo nga eh..
Ariel : alam mo bilib na bilib sayo si Mama.
Mary Ann : ha, bakit naman?
Ariel : eh kasi nga hindi ka lang daw maganda matalino ka pa, at saka mabait ka pa daw!
Mary Ann : nakakataba naman ng puso, sabihin mo salamat..pero ang totoo, talino at kabaitan lang ang meron sakin, yong kagandahan, di ako sigurado sa sarili ko.
Ariel : maganda ka kaya!
Mary Ann : syempre sinasabi mo yan kasi kaibigan mo ako.
Ariel : totoo maganda ka!
Mary Ann : talaga ba?
Ariel : oo naman!
Mary Ann : mabuti pa kaya mag-perya na lang tayo kesa binobola mo ako!
Ariel : hindi kita binobola, totoo talaga.
.
Sa sinabi ni Ariel na maganda ang dalaga ay nag-init na ang pisngi ni Mary Ann, mabuti na lang at hindi masyadong maliwanag ang ilaw kundi nakita ni Ariel na namula ang pisngi niya.
.
Mary Ann : halika na nga manood na lang tayo ng mga kantahan.
Ariel : buti pa nga, nariyan sila papa at mama, isa kasi si Papa sa hurado.
Mary Ann : ganun ba!
Ariel : oo.
.
nagpunta na sila sa pinagdadausan ng labanan, may mga nakreserve na upuan para sa kanilang dalawa na kung saan ay naroon nga ang mama at kapatid ni Ariel, at ang papa ni Ariel ay naroon na sa harapan ng entablado, at kasama na ang iba pang mga hurado, madami na ding tao ang...
nakakabitin naman….sana may kasunod agad.
nakakabitin….sana may kasunod agad.