DESTINED TO BE YOURS THIRTEEN


AUTHOR:LEXIE ERA
KINABUKASAN lumabas sa tabloids at flash report sa TV at radyo ang nangyaring iyon sa modelo.. iba’t ibang komento nang mga manunuod at fans ng dalaga ang nag kalat pawang hinuha nang lahat na sinadyang mawalan nang preno ang kotse nito at ang gumawa nun sa dalaga ay may matinding galit at inggit dito.
pina imbistigahan nang ama ni jewel ang nangyari. at nag anunsyo ito sa TV na handang mag bigay nang pabuyang limang milyon sa makakapag turo sa taong may kinalaman sa nangyari sa anak niya.
——FLASBACK——
SA subrang takot nabitawan no jewel ang hawak na cellphone ng hindi pa nasasabi kay axil kung saan siya naroon. panu siya nito matutulungan?
nalaglag iyon sa sahig kung saan hindi niya kayang abutin ng mga kamay. dahil abala siya sa manibela.
gusto pa sana niyang kahit sa huling pag kakaktaon ay makapag paalam sa lalaki at masabing mahalaga ito sa kanya.
ganun man lalo siyang nangamba nang makitang namatay ang cellphone dahil lowbat na iyon habang pilit inaabot nang paa.
naubos ang na ang lakas niyay di parin iyon mahagip lalot nangangatog siya sa matinding takot.
“axil.. bulong niyang hilam sa luha ang mga Mata nang makita itong nakasakay sa kotse ng dad niya habang pilit siyang hinahabol.
daig pa nito ang nakipag karera sa kanya sa mga sandaling iyon. kahit papanu masaya siyang makita ito sa huling pagkakataon.
ilang sandali pa bago siya nito nilagpasan.
lumukob ang matinding takot niya para sa lalaki nang makitang iniharang nito ang kotse sa daang tinutumbuk niya.
“axil anong ginagawa mo? hysterical na bulong ng utak niya.
walang kurap na nakatingin siya sa lalaki habang papalapit ang humahagibis niyang sasakyan palapit dito, kita niya sa Mata ang matinding takot at pag aalala nito para sa kapahamakan nilang dalawa.
nakapa ngingilabot na tunog ang narinig niya matapos sumalpok ang kotse niya sa minamanehong kotse ng lalaki. nagawa niya pang sumigaw nang malakas bago maisipang iharang ang braso sa mukha. naramdaman na lamang ang pag inog nang Mundo niya at wala nang malala sa mga sumunod na pangyayari.
hindi niya na Alam kung anung nangyari kay axil.
—end flashback—
NAGISING si jewel sa hospital pagkalipas nang halos dalawang araw.
tulala.
niyakap ito ng umiiyak at nag aalalang ina. naulit nanaman ang trumang nangyari sa nag iisa nilang anak.
“ito na ngaba ang sinasabi ko franshal, galit na sinuntok nang asawa ang pader nang kwarto kung saan naroon ang tulalang anak.
“tama na fred.. hagulhul ni franshal habang pigil ang asawa sa braso.
“franshal diko Alam ang gagawin kung mawala ang kaisa-isang anak natin. naiiyak ito.
“walang may gusto sa nangyari fred, so please calm down. hinagud hagud nito ang likud ng asawa habang umiiyak.
” Hindi ako papayag na pagkatapos nito babalik pa siya sa pag momodelo. anitong galit na lumabas nang kwarto.
nagpahid ang ginang nang luha saka muling lumapit sa anak na wala padin sa sarili.
hinawakan nito iyon sa kamay saka hinalikan. hindi niya Alam ang gagawin nung tumawag si axil at ibalita sa kanilang mag asawa ang nangyari sa anak.
daig pa niya ang itinulos sa kinatatayuan.
ganun man wala silang sinayang na sandali na agad nag tungo sa hospital na iyon.
kalunos-lunos ang hitsura nang anak niya matapos ang nangyari. puro sugat ang braso nito dahil sa bubug nang sasakyan at may malaking sugat sa ulo.
bagaman ligtas ito at walang nabaling buto hindi naman maikakailang mas matindi ang tinamo nitong truama.
halos dalawang araw itong tulog at heto hindi maka usap. tulalang naka tingin sa kisame.
“ma’m.. naagaw ang atensyon niya sa boses ni axil.. ang taong pinag kakautangan nila dahil sa pag ligtas nito kay jewel. at nagpapasalamat nalang ding walang masamng nangyari dito.
“axil.. gising na siya. aniya.
mabilis itong lumapit sa dalaga.
“iiwan muna kita baka sakaling maka usap mo siya. aniyang tinapik ito sa balikat.
tumango lang si axil.
NAG uumapaw ang kaligayahan ni axil habang nakikitang gising ang babae. bagaman wala itong kibo dahil sa trauma hindi na iyon mahalaga.
hindi na siya nag dalawang isip na ikulong ito sa mga...


bisig niya. buong akala niya hindi na ito mabubuhay pa. hindi na muling mayayakap pa, at hindi niya na ito makakasama.
“jewel… ikinulong niya ang pisnge nito sa dalawang palad niya. saka tinitigan ito sa mga mata, pilit pinag tatagpo ang mga titig nila. wala ito sa sariling nakatitig sa kanya.
matagal niya na itong gustong halikan at siguro iyon na ang tamang panahon para gawin niya ang bagay na iyon. isang bagay na labis niyang pinang hihinayangang hindi naipadama kay jewel bago paman malagay sa piligro ang buhay nila.
tinawid niya ang pagitan nang mga mukha nila para siilin ito nang maalab na halik sa labi. dama niya ang mainit at malambot nitong labi na kay sarap halikan. iyon na ngaba ang kinatatakutan niya. ang hindi niya maawat ang sarili kapag nahalikan ito.
naramdaman niya sa sarili ang mas Lalo pang pananabik na angkinin ang mga labing iyon. tuluyan na siyang natangay sa damdamin niya,
mas naging mapusok ang pag angkin niya sa mga labing iyon.
niyakap niya ito upang mas maramdamn nang babae kung saan man naroon ang isip nito sa mga sandaling iyon.. wala siyang balak lubayan ang labi nito hanggang sa naramdamn niyang kumilos ang mga kamay nito at humaplos sa likuran niya.
“axil… narinig niyang bulong nito.
napatitig siya sa dalaga matapos marinig ang pag banggit nito nang pangalan niya. napahinto siya sa pag angkin ng mga labi nito.
“jewel… ligtas ka.. bulong niya dito. saka nginitian ito.
nakita niya ang nag uunahang luha sa mga Mata nang dalaga.
pinahid niya iyon.
“takot na takot ako axil, akala ko dina kita makikita.. anitong yumakap sa kanya ng mahigpit.. nanginig ang buong katawan nito.
hinagud niya ito sa likod. saka muling siniil nang halik sa labi. matapos pakalmahin.
saglit itong natigilan Pero kalaunan ay tumugon sa mainit at maalab niyang halik.. lalong nag liyab ang pakiramdam niya. mas lalong humigpit ang pagyakap niya dito..
maya-mayay tinulak siya nito ng malakas dahilan para mahulog siya sa kama.
gusto niyang mapa ngiti sa ginawa nito.
patunay lamang iyon na bumalik na sa sarili nitong huwesyo ang dalaga. nag karoon pa ito ng extra power sa lakas ng pag kaka tulak sa kanya.
“what are you doing? nangangalaiti nitong tanong.
“anu pa eh di hinahalikan ka.. dimo ba nagustuhan? walang anumang tugon na tumayo mula sa sahig. at muling umupo sa tabi nito.
hindi ito tumugon pero nakita niyang nag blash.
mabilis itong umupo. tuwid na tumitig sa kanya.
“kumusta ka wala kabang galos? nasa boses nito ang pag aalala para sa kanya. pero umiwas ng tingin sa kanya.
para tuloy siyang idinuyan sa alapaap. kahit papanu concern ito sa kanya.
“wag mo akung alalahanin.. ayos lang ako. nakangiting sabi niya.
umirap ito,
“why did you kiss me? mataray parin nitong tanong.
“anak… jewel.. boses iyon nang ina ni jewel na pumasok bago paman siya makasagot sa tanong nito. kasunod nito ang asawa.
“mommy.. muling umiyak ang babae saka mahigpit na yumakap sa ina na umiiyak din.
“axil pwedi ba tayong mag usap.? tanong nang ama ni jewel. siryoso.
“yes sir.. sumunod siya dito.
dinala siya nito sa labas nang hospital kung saan tahimik silang makakapag usap.
“hindi ko Alam kung panu kita pasasalamatan to save my daughter’s life.. specially for her completely recovery. i want to ask you some questions axil and please tell me the truth.
napaka seryoso nang mukha nito habang tuwid na naka tingin sa kanya.
“anu po yun sir?
“mahal mo ba ang anak ko? walang anumang tanong nito.
“matagal na sir. pag aamin niya.
napahalakhak ito sa sinabi niya. hindi niya Alam kung para saan.
“axil siryoso ako. pagkatapos ay sabi nito.
“hindi po ako nagbibiro sir.. nagawa ko pong iligtas ang anak niyo kahit kapalit ng buhay ko……
“pwes.. pakasalan mo ang anak ko. ikaw lang ang Alam kung makaka tulong para mailayo sa career niyang ito. ayaw kung mawala ang kaisa-isa kung anak. so please gumawa ka nang paraan. may halong pakiusap nitong putol sa sasabihin niya.
yes sir.. matatag niyang tugon.
ang taas ng talon niya sa subrang kaligayahan pag kaalis ni mr. Hernandez sa harapan niya.
well tatanggi paba siya sa grasya. ang pakasalan ang babaeng mahal ang pinaka magandang mangyayari sa taong ito.
pakanta-kanta pa siyang pumasok pabalik ulit sa loob ng hospital.
con…..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top