My husband cheater


Kabanat 42

4 years nang kasal sina mateo at elane. Subalit hanggang ngayon ay hindi parin nagbunga ang kanilang pagsasama bilang mag asawa…

Sa america, nakatagpo si dave ng babaeng mamahalin mula ng mawala si zara. Isa sa mga pinakamayang tao sa america na naging business partner niya.. hanggang sa nahulog na ang loob nito sa kanya. Pagkaraan ng ilang taon ding pagsasama nila ay naisipan na din nilang magpakasal kay diane.

Si ethan naman ay single na ito mula ng magkahiwalay sila ni rachel dahil sa matinding pagkaselosa. At umasa naman si tricia na mapapansin siya ng longtime crush niyang si ethan delos reyes.

Pero hindi pa siya ready para sa bagong pag ibig. Kaya nagfucos siya sa kanyang trabaho bilang owner ng isang malaking kompanya sa pilipinas na pag aari ng kanilang ama. Lalo na at iniwan sa kanya ni dave ang kanyang responsibilities bilang CEO.

Nagpasalamat naman siya kay mateo dahil kahit half brother lang sila ay laging naka suporta ito sa kanya. Lalo na at pag aari din niya ang kompanya na iyon na iniwan sa kanila ng kanilang ama..

Dahil bago namatay si fabio. Pinakiusapan niya ang dalawang anak nito na kung sakaling mahanap nila ang kanilang kapatid ay hatian siya ng mana..

Na siya naman nangyari.. pero lingid iyon sa kaalaman ng kanilang ina.

Masayang masaya si dave na ibinalita sa kanyang kapatid na si ethan na nagdadalang tao na ang asawa nitong si diane.

Labis naman nagagalak si ethan, dahil sa wakas ay merun na siyang pamangkin..

Biglang napa isip si mateo, dahil mas nauna pa si dave kaysa sa kanila ni elane.

“Nakakatuwa, im so excited for new member of the family.” Ani ethan habang naka upo ito sa kanyang upuan na napapailing sa sobrang galak.

“Tama ka kuya, im so excited too!”
“Well! How about you!” Ngiting tanong niya.
“Hmmmm!!! Soon kuya!!” Biglang sagot nito na tila nag aalanganin..

Napatawa nalang ng sobrang lakas si ethan dahil sa naging reaksyon ni mateo na tila walang kasiguraduhan.

Napatingin bigla ang mga empleyado sa kinaroroonan nilang magkapatid…

Paglipas ng isang linggo. Marahang binuksan ni tricia ang pinto para ipagbigay alam sa kanyang boss na merun silang appointment sa cebu. Dahil sa isang mayamang negosyante, na may malaking kompanya ng Sardinas sa cebu. Nais nitong mas lalawak pa ang mga taong mag invest sa bago niyang papasukang business..

Si mateo ang kanyang ipinadala sa cebu. Dahil marunong na siya sa mga ganung kalakaran. Lalo na at magaling siyang mag convience sa mga bagong client..

“Sasama ako hon.” Ani elane habang abala si mateo sa kanyang pag iimpaki sa mga damit nito na kailangan niyang dalhin.
“No! Dito kalang, kasi walang kasama si inay.”
“Magtatagal kaba dun, mga ilang araw ka dun.”
“Dipende!! Aniya.
“Elane’ hayaan muna iyang asawa mo.” Sabi naman ni aling veronica habang naka dungaw sa kanila.
“Inay, iyong gamot niyo po huwag niyong kalimutang inumin.” At agad ng lumabas sa kanilang silid para halikan sa noo ang ina.
Lihim na nainis si elane, lalo na at dinaanan lang siya nito ni’hindi man lang iniwanan ng halik.

“Shittt!!! Asawa na nga kita pero mula ng makita mo nun si zara! Tuluyan kanang nagbago!” Sabi ng kanyang isip.. napansin naman siya ni aling veronica na mukhang galit.

Pinili nalang niyang tumahimik, dahil para sa kanya si zara parin ang tunay na asawa ng anak. Kahit patay na ito.

Inihatid nila hanggang labasan si mateo,.
“Anak! Mag iingat ka!” Bilin nito. Kumaway lang si mateo bilang tugon sa ina..

“Kainis!!!”sabi pa sa isip nito.
“Hindi kaba papasok sa trabaho elane.”mahinaong sabi niya sa manugang.

“Hmp!” Inis niyang turan sa matanda. At agad niyang iniwan at pinaharorot ang sasakyan nito palabas ng kanilang gate.

“Diyos ko.” Bulong naman niya sa kanyang sarili.

Kabanata 43

“Nasaan na kaya si zara! Hindi na kumukontak saakin ang dexter na iyon.!” Aniya na nanggagalaiti sa galit.

Limang taon na lumipas pero kabado parin siya sa kanyang ginawa. Para lang mawala si zara sa...


landas nito.

“Ang dami kung katanungan sa sarili ko, may mga magulang ba ako kapatid.! Si diego naman wala pa siyang mga binabanggit saakin. Tuwing nagtatanong ako palagi siyang umiiwas.” Anito habang pinagmamasdan ang mga alon sa dagat. Tuwing pumapalaot si diego sa may dalampasigan siya naghihintay sa binata.. lalo na at wala na siyang kasama sa bahay nila dahil kakamatay lang ng ina ni diego dahil sa sakit nito.

“Lena!! Halika maligo tayo?” Alok sa kanya ni daisy ang bago nilang kapitbahay..

“Sige’ mamaya nalang hihintayin kuna lang muna si diego.
“Ikaw bahala! Anito.
“Lena!! Tingnan mo oh! May eroplanong dumaan.” Sabay turo ni flour sa kanya. Habang papalapit sa kanya na may dala dalang saging at bagoong.

Paborito na niya ang mga iyon?

Ilang minuto nalang ay papalapag na ang eroplanong sinakyan ni mateo. At may puting ban ng naghihintay sa kanya sa labas ng airport.

Ito ang ka una unahan niyang makapunta sa cebu. At namangha siya sa ganda ng tanawin. Naisip niyang pagkatapos ng kaniyang pakay ay huwag na munang babalik sa maynila. Lalo na at nakalayo siya kay elane.

Hindi naman nagkamali si ethan at nakuha agad ni mateo si mr. Wedodo ang negosyanteng may kalahating insik.

“Good job bro!” Ani ethan.
“Dipa muna ako makaka uwi bro” paalam niya dito habang kausap sa video call.

“It’s up to you bro! Ang importante nakuha mo ang deal ni mr wedodo!” Tuwang sabi ni ethan sa kapatid.

Pagkatapos nilang mag usap. Agad naligo si mateo para makapamasyal sa iba’t ibang sulok ng cebu. May nakausap na siyang tao para mag tour sa kanya..

Naka dalawang araw na pero hindi parin bumabalik sina diego at thomas. Labis na ang pag alala nina flour at lena. Lalo na si flour dahil may tatlo na silang anak ni thomas. Hanggang dumating ang isang linggo at ibinalita sa tv na may natagpuang bangka sa kabilang isla na malayo sa kanila.

Nang ipakita ang bangka na iyon. Labis naman nagsisigaw si flour dahil iyon, iyong bangka na ginagamit nila na may markang pangalan ni lena. Halos matunaw ang mundo ni lena sa balitang iyon, na labis niyang ikinagulat.

Pero hindi nasabi sa balita na may patay na nakita. Kaya nabuhayan din siya ng loob na baka buhay pa nga si diego.

Hinanap naman ng mga coast guard ang kalawakan ng dagat para makita lang sina diego at thomas.. dumulog na rin sina flour sa mga pulis para mahanap lang ang nawawala nilang mga asawa.

“Nababahala ako flour,” ani lena habang lolan sila ng pedicab papuntang bayan.

“Bakit naman lena.” Nag alala naman sabi ni flour.

“Kasi hanggang ngayon wala parin akung maalala.”
“Huh?” Biglang tugon ni flour. Dahil wala silang alam na amnesia siya. At si diego lang ang nakakaalam sa pinanggalingan nito. Dahil ayon sa kay diego nagkakilala sila sa isang club sa maynila at nagkaroon sila ng relasyon. Kaya siya na amnesia dahil may isang taong gustong pumatay sa kanya. At nagkabanggaan ang sasakyan nila habang hinahabol sila ng mga ito. Kaya siya na amnesia.

“Hayaan mo lena, huwag tayo mawalan ng pag asa na makita din natin sila.!” Aniya na deep inside nawawala na din siya ng pag asa para sa asawa nito.

Sa isang mamahaling resort sila bumaba ni lena,dahil doon nag tatrabaho ang kapatid ni flour na si bugoy. Dumaan sila dun dahil humingi siya dito ng pera. Lalo na at nakaramdam na sila ng gutom.

“Sir! Injoy your meal!”ngiting sabi ni bugoy kay mateo habang busy siya sa kanyang ginagawa, bawat makita niyang magagandang tanawin ay kanya itong pinipicturan, gamit ang kanyang digital camera na sa cebu pa niya binili.

Napagkamalan siya tuloy na isang blogger. Wala siyang panahon sa mga tawag ni elane sa kanya. Lalo na at kanina pa ito tumatawag sa kanyang mobile phone.

“Shitttttt!!!! Galit niyang sabi at agad tinapon ang kanyang mamahaling mobile phone nang hindi siya tugunin ni mateo sa kanyang mga tawag.

“Anung bang nangyari! Anu bang nabasag!” Ani aling veronica. Dahil nabigla ito sa pagtapon ni elane sa kanyang mobile phone at sa mesa ito tumama……






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top