The Story Of Us *Part3*


–Chapter Three

Isang linggo ang lumipas at sa wakas ay tumugil narin yung secret admirer ko.
Sumubalit naman ako sa sulat nya at nilagay ko nga sa ilalim ng desk at mukhang nakarating naman sa kanya yun dahil buong maghapong wala akong natanggap na sulat!

Pagkatapos nyang basahin ang sulat ko ay alam ko namang hindi na sya magtatangkang sulatan pa ko ulit .. binasted ko lang naman kasi sya at sinabe ko na di ako pumapatol sa hindi ko pa nakikita!isa pa wala akong paki sakanya..

Nag unahan kaming tumakbo sa ground ng tumunog ang bell sign na kaylangan na naming pumila.. flag ceremony na..

Dahil pinakamaliit si Jecca ay nasa unahan sya ng line..nasa gitna naman si Iya dahil sakto lang ang height nya at ako dahil ako ang pinakamatangkad sa klase ng mga babae ay nasa dulo ako..okay lang yun!palagi naman akong nasa unahan kapag attendance dahil letter A ang unahan ng apeliyo ko ..Daniella E.Abelardo..(di nya tunay na pangalan since true story hahahaja)..

Bago magsimula ang flag ceremony syempre marami pang pasaway na panggulo lang sa pila..at syempre nangunguna duon ang grupo ng mga kalalakihan na nasa dulo!magulo sila maingay at mapang asar sa mga babaeng maayos ng nakapila..

Isa sa magulong grupo ang tumawag ng atensyon ko,anlalakas ng halakhak nila na para bang wala ng bukas..at talaga ngang nakakainis sa tenga!

Ngunit natigil lang ang halakhak na yun ng biglang sumulpot sa gitna ang isang lalaki.
Isa rin sa lalaking malakas ang halakhak na yun ay walang ano anong sinapak sa mukha ng kararating lang na lalaki..

Oh my God!kitang kita ng dalawang mata ko na sinuntok ni Jed yung guy!teka anong problema nila sa isat isa??!

Biglang sinuntok ni Jed yung lalaki at napahiga ito sa ground sa lakas nun..Nagtakbukhan ang mga estudyanteng takot madamay sa namumuong gulo!

Hindi pa nakontento si Jed at bigla nalang sinugod pa ulit ang natumbang lalaki at dinaganan ito!Kitang kita sa mga mata ni Jed ang deteminasyon na saktan ang lalaki with matching pakagat kagat pa sa ngipin!

Dahil uso ang tsismosa lumapit ako sa eksena!
Hindi para umawat kundi para mas mapanuod ng malinaw.. pero nagsisi akong panoorin yun ng makita ko na may isang lalaking lumapit kay Jed at hinatak ang bagong plantsa at maputing uniform ni Jed..nalukot ang uniform ni Jed sa marahas na paghatak ng lalaki!tapos bigla nyang sinapak si Jed sa mukha..

Natutop ko ang bibig!Biglang dumugo ang kissable lips ni Jed!bumulagta din iton sa ground..buti nalang may bermuda grass duon !

Dahil sa nasaksihan isinumpa ko ang lalaking sumapak kay Jed!How dare him!anong karapatan nyang sapakin si Jed?hindi pwede mababawasan ang kagwapuhan nya!!

At hindi pa duon natatapos ang eksena at dahil hindi napaghandaan ni Jed ang ginawa sa kanya ay hindi agad sya nakabangon at susugurin na sana sya ng isa pang lalaki subalit dumating ang mga barkada nito at tinulunagan syang rumesbak!!

Im glad.. atleast di na sya nag iisang lumalaban(di tulad ng iban jan..mag isa nalang lumalaban sa lovelyf jajaja)..

Nakabawi na si Jed mula sa pagkakasapak sa kanya at nag one on one na sila nung nasapak din nya kanina mukhang duon talaga sa lalaking yun sya galit na galit.. kumaibabaw si Jed sa lalaking nakabulagta na naman at ilang beses din sinapak ni Jed yun hanggang sa mapuno ng ng dugo ang mukha nung guy at mukhang isang suntok nalang dito at kundi pa ititigil ni Jed yung pananakit nya baka mapatay nya ito..

Bigla akong naalarma sa naisip!teka bat ba walang umaawat?nasaan ang mga teachers?
Hindi ito pwede….. !!

Tiningnan ko si Jed!galit na galit ang mga mata nya habang sinasapok na naman yung guy na 50/50 na yata!.. nanlilisik yung mga mata nya at nag aapoy talaga sya sa galit !! Biglang parang may bumalot na takot sa aking dibdib!
NAalala ko yung eksena namin sa court,mukha naman syang cool nuon,ngumingisi pa nga sya eh,at aminin ko sa sarili ko na naging kompleto ako sa mga minutong nakatabi ko sya..pero ano itong nakikita ko sa kanya ngayon?Ito na ba yung sinasabe nilang badside nya?..gusto kong isipin na hindi sya yung Jed na nakasama ko sa court pero hindi eh,si Jed talaga tong nakikita kong parang demonyong bumubugbog ngayon !! Hindiiiiin !!!!

Napaatras ako.. nagsimulang manginig ang tuhod ko.Inaamin ko sa sarili ko na pagkatapos ko syang makasama sa gym ay inisip ko na sya kinagabihan..magdamag kong pinantasya ang gwapong mukha nya sa aking isipan at isang beses ko na rin syang napanaginipan dahil sa matinding pag iisip sa kanya.. sinabe ko sa sarili kong gusto ko pa syang makilala.. na yung Jed na sinasabe nila na basagulero ay cool naman pala..gusto kong patunayan na hindi sya ganun,kase nga sa kabila ng nagawa ko sa kanya sa canteen nuon ay hindi naman nya pala ako kayang Saktan,.. sinikap kong paniwalaan ang aking sarili na may goodside naman pala kay Jed na wala sa kwento ng iba.
Pero sa nakikita ko ngayon ay mukhang tama nga sila+++(((`

Namalayan kong tumakbo na lang ako sa room kasabay ng pagkawala ng pagtingin ko sa kanya..!!hindi ko na tinapos ang eksena!hindi ko na makayanan na lalong mamuhi sa kanya ..

**
Jedrian’s POV ..(Jed)

Dahil ayuko na ulit pumasok ng late at maglinis sa court ay pumasok nalang ako ng maaga!
Well..amh magdamag kasi akong hindi nakatulog dahil may isang babae sa isip ko na hindi maalis alis..

Namalayan ko nalang na alas sais na pala at pagkatapos magkape ay naligo na ako.Tulad ng dati ay maayos na nakasabit ang bagong plantsang uniform ko.Ah..si Mama talaga kahit kelan di nya nakalimutang umalis na di naihahanda ang mga kailangan ko…

Hindi na ako nag abala pang mag almusal alam ko naman na pagpasok ko sa room may nakahanda ng pagkain mula sa aking mga alam nyo na..fans!Lagi nalang yun nakapatong na sa desk ko bago ko pa maibaba ang bag ko.

Sumakay na ako sa scooter ko at pinark yun ng makarating ako sa campus..Dahil hindi pwede sa loob ng campus ang kahit na anong uri ng sasakyan ng estudyante ay sa labas ko yun pinark..alam kong hindi yun pagtitripan ng kahit na sinong...


estudyante!well.!takot lang nila sa akin,marinig palang nila pangalan ko alam kong nanginginig na sila sa takot noh..

Binulsa ko ang Flipflop kong phone..iilan lang kaming mga estudyante ang meron nito well lets just say kaming mayayaman lang at may sinasabi sa lipunan..Regalo yun ni Papa nuong nakaraang birthday ko,kahit alam kong diko naman kaylangang tumanggap ng kahit na anumang regalo mula sa kanya ay kinuha ko parin naman yun ng malaman ko kung gaano kalaking halaga ang presyo nito..Para naman mabawas bawasan ang kayamanan ni Papa!at hindi lang ang pangalawang pamilya nya ang nakikinabang!!

Binagalan ko ang paglalakad ng madaanan ko ang gym.Naalala ko nung araw na nalate ako,
Napailing ako at sinabi sa sariling hindi na ako male’late hanggat kaya ko pang magising ng maaga.. or hindi matulog magdamag !!

Dahil meron pa palang mas dedicated na mga estudyante keysa sa akin ay meron pa palang mas maagang pumasok sa akin sa room..
May mga bags na rin duon at siguradong ang mga may ari nun ay naroon sa labas at naglalaro muna ng sipa habang hinihintay ang flag ceremony..

Tulad ng dati ay meron ulit pagkain na nakalagay sa desk ko..Kukunin ko na sana yun para mag umpisa ng kumain ng may marinig ako mula sa likuran..

Tiningnan ko yun at nakita ko ang isang babaeng umiiyak … ! Kumunot ang noo ko!
Si Kimberly Jane yun,,ang muse sa room namin!

Wala nman ako dapat pakialam sa kanya tulad ng iba pero dahil umiiyak sya ay nilapitan ko sya.Damn!only God knows kung gaano ko kaayaw nakakakita ng kahit na sinong nasasaktan na babae or umiiyak!Umaakyat talaga sa ulo ko ang dugo ko..

“,Anong nangyari?”,tanong ko.

Nag angat sya ng mukha at damn!nagtama ang mga mata namin at nakita ko ang mga luha sa kanyang magagandang mata!

“,,Sina Carl.. “,,humahagulgol ito.”,Binastos ako nina Carl!!..

“,Anong ginagawa nila sayo??!”,hinawakan ko ang balikat nya at sa pagkakataong yun nagdidilim ang paningin ko sa narinig .

Pinunas muna ni Kim ang luha nya bago muling sumagot “,Hinipuan nila ako at pilit na pinaghuhubad sa harapan ni—++++!!!!”,

Hindi ko na tinapos ang iba pang sasabihin ni Kim at namalayan ko nalang ang aking sariling nglalakad sa ground!.

Tumunog na pala ang bell at diko yun namalayan!Great!alam kong nasa pilahan na ngayon ang grupo nina Carl at hindi na ako makapaghintay na bangasin ang mukha nya.

Iniiwasan kong makipag away dahil nagbanta si Coach Andy sa akin na masususpend ako ng dalawang laro sa championship ng basketball at ayukong mangyari yun..kaya nga nitong mga nakaraang linggo ay sinikap kong maging cool sa pagharap sa ibang tao kahit pa nga natapunan na ako ng dinuguan sa damit!At hindi ko makakalimutan nung araw na yun dahil duon ko talaga napagtagumpayang hindi mailabas ang temper ko..pinilit kong wag nalang patulan yung babae.. dahil alam ko namang hindi na magku krus ang landas namin at yung uniform kong natapunan ay nasa laundry pa at nahihiya akong ipalaba kay Mama!.

Pero kinabukasan nakita ko ulit yung babae sa basketball court at tulad ko ay na late din.Hindi ko naman sya dapat pinansin pero diko maiwasang hindi sya pansinin..then i found myself smiling ..kaya nga kahit hindi pa naman ako tapos sa ginagawa ko ay nagpaalam na ako sa kanya at nagkunwaring may gagawin kahit ang totoo ay wala naman!i felt nervous for the first time!!

**
“,There you are asshole!”,

Sa wakas nakita ko narin si Carl!tulad ng dati kasama nya ang mga ulupong na barkada nito at nanggugulo na naman sila sa pila!Masidhi ang pagnanasa kong gantihan sya sa ginawa nya kay Kim kaya naman binilisan ko ang paglalakad.

Kinuyom ko na ang aking mga kamao at ng sa wakas ng makaharap ko na sya ay walang warning sing na sinapak ko sya sa pangit nyang mukha.

Nagtakbukhan sa takot ang ilang nakasaksi at nanood lang ang mga matatapang!

Bumulagta si Carl sa ground kaya nama hindi na ako magdalawang isip na sugurin sya ulit!dinaganan ko sya at balak ko na sana syang bigyan ng uppercut ng biglang may humila sa uniform ko..

May sumuntok sa mukha ko at nadislocate yata yun dahil hindi agad ako nakaalma!Bumagsak ako sa bermuda grass kasabay ng pagsirit ng dugo sa labi ..fuck!

Susugurin ako ng sumapak sa akin at balak pa ulit akong sapakin pero dumating ang barkada ko..sa wakas!may nagawa din silang matino sa akin..

Hinanap ng mata ko si Carl na nooy nakabulagta parin..!Dahil sa galit ko ay sinakyan ko sya ulit at hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na sya nasapak!Habang ginagawa ko yun sa kanya ay iiniisip kong sya ang papa ko..lahat ng galit at sama ng loob ay inilabas ko sa kanya ..sinapak ko sya ulit!at umagos ang dugo sa mukha nya!sa tindi ng galit ko sa papa ko hindi ako magsisising patayin sya!

At sinapak ko pa sya ulit ..

Natigil lang yun ng may mapansin akong kakaiba,, pakiramdam ko ay may nakamasid sa akin..at hindi nga ako nagkamali sa nakita dahil pag angat ko ng aking mukha nakita ko ang isang pares ng mga matang takot na takot na nakatingin sa akin..

Unang pagkakataon na kumabog ang dibdib ko sa mga matang yun!Ang ekspresyon na mababasa sa kanyang mata ay walang iba kundi ang Galit!!!

Biglang lumuwag ang hawak ko sa kwelyo ni Carl.. Pagkatapos ay ibinalik ko ang paningin ko sa may ari ng mga matang nagpakabog sa aking dibdib subalit wala na ang taong yun duon.. Nakita ko syang tumatakbong palayo mula sa lugar na yun o mas tamang palayo sa akin????

“,Tam..ma..na..”,,sa kabilang ng duguang mukha ni Carl ay nakuha pa nyang magsalita.

Parang tila natauhan naman ako at tuluyan ko ng nabitwan ang kwelyo ni Carl .Dumating narin ang mga teachers at inawat narin kami sa wakas..

Tulad ng inaasahan na guidance kami!

Two days later na suspend nga ako sa laro!!
Pero wala akong pagsisisihan sa ginawa ko kay Carl..He deserve it!kulang pa nga..

Pero mukhang hindi ko rin deserve na mahusgahan..dahil bukod sa galit sa nakita kong isang pares ng mga matang yun ay naroo ang panghuhusga!!

***
Ahu!sana naman naisiwalat ko ng maayos at tama ang nararamdaman ni Jed dito sa POV nya..muah!!






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. Next update plsss

  2. next po please ang ganda po kasi

Leave a Reply


top