This Won’t End


Two great stories collide in the midst of pandemic.

Paano mo mapanatili ang kwento kung iilang panahon nalang patapos na?

Sa paanong paraan mo siya hindi mabibitawan kung dati na siyang nakakapit sa iba?

Prologue

“Trish, you take care ha? Text ka pag uwi”

Wala akong ibang ginawa kundi ngumiti sa mga kaibigan na unti unti ng bumaba ng bus.

Nagpatuloy lang ang biyahe sa gitna ng tirik na tirik na araw.

Kung pwede lang na magstay pa dun sa dorm hindi na sana ako nakipagsiksikan dito sa bus.

Napakapit sa bag at hinayaang may umupo sa katabing upuan.

Ako lang naman yung nag iisang uuwi ng probinsiya, hindi gaya nina Shey at Ava na ilang minuto lang ng biyahe nakakauwi na ng bahay nila.

“Aray buhok ko beh”

“Ay sorry naman, pero tingnan mo kasi”

“Naririnig tayo tanga!”

Bulongan iyon ng mga babae sa likod na kanina pa kuda ng kuda tungkol sa mga naging jowa ng classmates nila.

Pati nga ako na nakikinig lang updated narin sa chismis ng mga yun.

“San ka?”

“Lopez ”

“Estudyante?”

Napatingin ako sa konduktor na naghihintay sa sagot ng lalaking katabi.

“Opo, pwede walang ID?”

“Kailangan yan boy”

Hindi tumingin ang nakatayong lalaki pero patuloy ang pag galaw ng mga kamay sa hawak na ticket.

“Si Kris nga, rinig mo boses?”

“Natumbok mo beh”

Napangiti ako ng marinig ulit ang bulongan ng mga babae sa likod. Naiimagine ko si Shey at Ava na pilit hinihinaan ang boses pero rinig na rinig parin.

Umalis narin yung kundoktor at nawala na sa paningin ko.

Well, hindi ko naman siya type no! Baka pati kuko nga ni Wendell hindi niya ma reach.

Ba’t ko nga ba pinagkumpara yung kundoktor sa sarili kong jowa? MyGosh!

“Yes ma?”

Dahan dahan kong nilingon ang katabi, sa pag aakalang ako yung kinakausap.

Pero never pa naman ako nagluwal ng sanggol, so talagang hindi ako ang kinakausap.

“Wala eh, pero hahanapan ko ng paraan”

“Sige”

Pansin ko ang mahinang pagbuntong hininga nito. Nag abot pa yung mata namin kaya napabaling ako sa nadaanang mga bahay.

Ba’t kasi nakikialam ako sa usapan ng may usapan? Baka sabihin nito chismosa ako.

Ilang sandali pa’y tanaw ko na ang nakahanay na mga bus.

Iniisip ko palang na makakapagpahinga na ako sa bahay, parang gusto ko ng lumabas sa bintana at sumakay sa isa sa mga yun.

“Hi Kris”

“Taga rito ka?”

“Hindi”

Ayun! Kaya pala sobrang ingay nung dalawa kanina.
Baka si Kris din yung naging jowa ng classmate nila, gwapo eh.

“Miss bababa ka ba?”

“Po?” Agad kong tanong dun sa babaeng nakasunod sakin.

Nung makita kong nag iilingan na yung mga nasa likod nito ay dali dali kong binaba ang maletang nakatago pa sa taas.

“Nako sorry po, ilalabas ko lang tong maleta sandali”

Ang chismosa ko kasi!

Chapter 1

“Po?”

Alam kong pangatlong beses ko ng tinatanong si manong na kanina ko pa katabing nakaupo dito sa loob ng terminal. Umaasang mabago yung narinig ko mula sa kaniya.

“San ka ba pupunta?”

“Sa Toledo”

“Yun nga sabi ko, hindi ka makakalabas ng Lopez dahil under lockdown na tayo ngayon”

“Po? Eh kakagaling ko lang ng San Miguel. Sana di nalang ako pinapasok”

“Last trip na yun”

“Po?”

Napabuntong hininga nalang ito tsaka umalis sa pwesto niya na walang kahit isang sinabi.

Tila napagod sa walang tigil kong pangungulit.

Hindi parin narehistro sa kukote ko na hindi ako makakauwi ng bahay ngayong araw.

4:02 pm

“Maaaa” problemado kong wika sa kabilang linya.

“Anong nangyari sayo? Asan ka ba?”

“Maaa”

“Ano ba Vanessa!”

Tsaka pa ako natigilan nung marinig ang ganung pangalan.

Ayokong mapansin ni Mama yung pahikibi kong boses, baka di ito titigil kakasermon sakin.

Baka mag iiyak ako rito, iisiping para akong batang iniwan ng magulang.

Talaga namang naiwan ako, naiwan ng bus pauwi ng bahay.

Kainis!

“Sasagot ka ba o ibababa ko to?”

“Eh kasi hindi ko naman alam na under lockdown pala kami dito”.

“Nako anak! Pano ka niyan? Kung bumalik ka nalang kaya ng Dorm niyo? Pwede mo naman siguro mapaki usapan?”

“Wala ng tao dun ma, baka nagparty party na yung mga namatay dati sa dorm. Ayoko namang maki join”

“Magtino ka nga! Pano ka niyan? Dun ka nalang muna sa mga kaibigan mo, taga san ba yun?”

Napapikit nalang ako sa naging suhestiyon ng Ina.
Kahit gustuhin ko pang bumalik ng dorm, o pumunta sa bahay nina Ava at Shey hindi parin ako makalabas
sa lugar nato.

“Yung allowance mo? Kasya pa ba? Wag ka munang magpanic, makinig ka sakin.”

“Ito na nga oh, nakikinig na”

“Una mong gawin hanap ka nalang muna ng malapit na matutuluyan diyan. Wag ka ng magpakalayo layo para kung sakaling pwede ng bumiyahe madali ka lang makakuha ng ticket. Naintindihan mo ba?”

Iniiisip ko palang ang binilin ng Ina parang gusto ko nalang pumikit at bumalik sa oras na nakasakay pa ako sa bus.

Ba’t kasi humiling pa ako na makaapak sa lugar nato? Nakakastress ha!

Punong puno ng problema ang mabigat kong pisngi dahil kanina pa ako nakabusangot na naglalakad sa daan.

Para akong may ka tanan na hindi sinipot ng jowa.

Ayoko namang istorbohin si Wendell dahil masermonan lang ako nun. Masabihan pa akong isip bata kahit totoo naman. Tsaka ang layo ng mokong na yun sa kin.

Iilang lakad pa naman mula sa terminal ay kapansin pansin na ang palengke na limitado lamang ang tao.

Bibili naba ako agad ng pang grocery? O hanap muna ng matutuluyan?

Tanaw ko sa katapat na gawi ang malaking pangalan ng kilalang supermarket.

May maleta sa kanan, may bag sa likod, may sling bag sa kaliwa.

Ang galing ko talagang magplano sa bahay, tong mga bagahe ko pa nga lang nahihirapan na ako tapos dagdagan pa ng groceries, nako wag nalang.

Ano ba namang buhay to oh!

Chapter 2

“Excuse me po, pwede magtanong?”

Kinapalan ko ng lumapit sa babaeng nag wawalis sa labas ng tindahan.

“Oh bakit?”

Dahan dahang nawala ang abot tengang ngiti nung sinungitan ako ng babaeng kausap.

Ang sungit! Siguro matandang dalaga to! Hindi masaya ang love life.

“Nako ining! Kung modus ka wag ako!”

“Nako hindi po, nagbabakasali lang kung may alam kayong matutuluyan, yung malapit lang dito?”

Magpigil ka trisha, ingiti mo lang yan! Ang ganda mo namang modus nakakaloka!

Napatigil si Ateng walang love life at inikot ang tingin sa mga bagaheng dala ko.

Ano to? Audition ng beauty pageant? Dapat perfect from head to bagahe?

“Sumunod ka”

“Talaga? Sige po”

Sus! Pinahirapan pa ako, pwede lang pala mata sa mata!

Infairness kay Ate, may taste sa magaganda.

Sumunod lang ako sa kanya na pumasok sa gate na kanina pa nakabukas.

Mukhang bahay yata nila to! Malaking espasyo kung tutuusin na napuno lang iilang halaman.

Plantita yata si Ateng walang love life.

Nagpalinga linga ako dahil dalawang bahay yung nandito. Parehong kulay puti, two storey nga lang yung nasa likod.

Gusto ko sanang magtanong pero mas pinili kong manahimik dahil baka masermonan pa ako.

“Ilang araw ka rito? Maraming bakanteng kwarto dahil hindi na bumabalik yung ibang estudyante. Kung tumagal ka ng isang linggo, 1500 advance 1500 deposit”

Medyo di ko inasahan ang mabilis nitong sinabi.

Ang sungit niya pala talaga!

“Tara sa loob”

Madilim yung lugar kahit sobrang puti ng bahay sa labas.  Ika nga “Don’t judge the house by its paint”

Charot!

“Ayoko sa burara!” Diin nitong sabi tsaka lumingon pa sakin.

Grabe ka naman te! Eh halos wala nga akong makita rito sa loob, nakakahiya namang mag demand ng extra brightness, lightings and silver lining.

“Araw araw may naglilinis dito! Kung makalat ka sa labas wag mong dalhin sa loob”

“Alam ko po yun, gusto ko lang talaga ng matutul”

“Ikaw na humanap ng kwarto mo. Puntahan mo ko sa tindahan”

Hindi pa man din ako tapos magsalita, nag walk out na si Ateng walang love life.

Wala akong choice kundi magpalinga linga rito. Magdidilim na sa labas, buti talaga may nakita akong matutuluyan ngayon.

Nakarinig ako ng iilang tawanan na mukhang dito ang punta sa bahay.

Anak ng! baka sabihin magnanakaw ako!

Nakapa ko yung upuan na gawa sa kahoy, medyo umingay pa ito pero bahala na.

“Sabihin mo kasi di ka marunong”

“HAHAHAH ilang ulit mo ba sinubukan? ”

“Gago marunong ako!”

Napapikit ako nung lumiwanag na ang loob ng bahay.

Naghihintay ng sigawan o kahit ano na pwedeng gawin sakin, mga violent reactions mula sa kanila.

Charot!

Pero nakahinga nalang ako ng maluwag nung patuloy parin yung ingay ng mga lalaki na ngayon ay naglalakad na sa 2nd floor.

Buti talaga at hindi ako nakita.

Ngayon ko lang nakita ang kabuuan, ang ganda pala ng  bahay.

Para siyang lumang disenyo ng mga mayayaman sa pelikula. Lalong lalo na yung ilang palapag lang ng hagdan para ka nang nasa 2nd floor.

Pero wala nang masyadong gamit sa sala, tamang tama lamang na may mapaghingaan ang mga bisita.

Apat na hakbang at tanaw ko na sa baba ang pwesto na inupuan ko kanina.

Apat na kwarto lang yung bukas dito, baka yun lang rin ang bakante.

Andito na naman tayo sa walang ilaw, pano ko naman makikita ang laman ng kwarto?

Wag na sa unang kwarto baka 4 am palang naimbyerna na ako sa ingay ng mga sasakyan sa labas.

Yung pang apat ang kasunod na nakabukas, ganun parin wala akong makita maliban sa padilim na langit sa bintana nito.

“Bro! Tara na ang tagal niyo!

Dali dali akong pumasok ng kwarto nung binuksan ng lalaki ang ilaw sa kinatatayuan ko, buti diretso itong kumatok sa katabing pinto at di ako nahuli.

Chapter 3

Napasandal ako sa likod ng pinto matapos kong mailawan ang kwarto.

Nakakapagod!

Isang kama yung una kong napansin, nakatutok ang bintana na tamang tama lang sa pwesto ng higaan.

May malaking cabinet na may nakapatong na iilang kahon sa ibabaw nito.

May lagayan rin ng sampayan na sa tingin ko pinagawa talaga sa kanya kanyang kwarto.

Dalawang mesa pero may kalakihan tong mas malapit sa pintuan.

Study table yata yung sa kaliwang gilid ng kama.

Hala! Hinihintay pala ako ni Ateng masungit na walang love life. Mamaya ko nalang poproblemahin tong mga bagahe.

Dito nalang muna sa gilid tong mga to para hindi magulong tingnan.

Nakakahiya naman sa “burara” term ni Ate, baka bisitahin pa ako.

Hindi nga ako nagkamaling madilim na sa labas, nailawan na rin yung buong bahay.

Dahil kung hindi baka iisipin kong nagtipid sila ngayon.

Pagdating ko dun ay may iilan pang nakapila sa tindahan.

“17 pesos yung bigay niyo  nung nakaraang araw”

“Aba’y sa iba ka bumili! Alam namang krisis ngayon”

“Ito na nga oh, bigyan mo ko dalawa niyan”

Akala ko sakin lang masungit, sa iba rin pala.

Makiupo nalang muna ako dito sa gilid at baka sakin pa mapunta ang init ng ulo nitong Ateng walang jowa.

Marami rami rin pala yung binibinta nito, baka dito muna ako bibili ng makakain mamaya.

“Sandali, tumabi ka, Antonio!! Huminto ka, bayad mo sa renta?”

“Wala pa akong mabibigay sa ngayon”

Hindi ko makita kita ang kinakausap nito dahil sa mga bumibiling nakatayo sa gilid.

Ba’t kasi may pa upo upo pa akong nalalaman.

“Hindi ko na problema yan, nalinis ko narin naman yung kwarto, wala ka ng babalikan dun”

Nag antay ako ng ilang sagot pero wala narin akong narinig.

Luhh baka nagwalk -out.

“Baka walang wala talaga siya ngayon Manang Tess”

“Nako wag mong problemahin yung problema ng iba, ano ba bibilhin mo?”

“Pork and beans dalawa”

Nagpatuloy lang yung mga bumibili pero napaisip rin ako sa kung sinong lalaki man yun.

Kung siya may nakitang matutuluyan pero walang pangbayad, ako kanina may pangbayad pero walang makitang matutuluyan.

May kaniya kaniya talaga tayong kwento no? Nagdedepende lamang iyon kung saan tayo dadalhin ng tadhana.

Dahil sa nilakad ko kanina kaya nakarating ako sa lugar na to, baka nasa maling direksyon lang siya kaya hindi niya natagpo yung perang pang bayad ng renta.

Baka ibig sabihin nun, sa iba muna siya makituloy! Sa kaibigan o kahit sinong may magandang loob. Pwede naman yun, wala munang renta pero may matutuluyan.

“Oh! Pumarito kana at magsasara na ako”

“Ito na po”

Ang sungit talaga ni Ateng jowang jowa, di pa nga ako kilala over na sa kasungitan!

Isinabay ko nalang rin yung pagbili ng makakain mamaya matapos kong magbayad ng paunang singil sa renta.

“Maaga yung curfew ngayon, kaya alas sais palang dapat nakapasok ka na sa gate! Bawal ang bisita sa gabi, kung may jowa ka, sa araw mo dalhin”

“Pano po pag umuulan? Pwede pa rin?”

Natigilan ito tsaka tumitig sakin habang patuloy parin yung paglagay ng mga binili sa plastic cellophane.

“Sabi ko nga po pag may araw lang. Pasok na po ako  hehehhehe”

Dali dali kong bawi ng supot na hawak hawak nito at naglakad papunta ng gate.

Nadagdagan ko pa yata yung kulubot sa noo ni Ateng walang love life.

“Masaya po yung puso ko!”

Pahabol kong sigaw sa kaniya na kitang kita parin mula sa kinatatayuan ko.

“Pumasok ka na! kanina pa ako nanggigil sayo”

Inis na wika nito sakin, kaya natawa nalang ako na bumalik ng bahay.

Chapter 4

Nakaramdam ako ng hiya nung maabotang nakaupo sa sala ang dalawang lalaki.

Sila yata yung maiingay na pumasok dito sa bahay kanina.

Infairness, may ibubuga ang mga fez ng dalawang to.

“Bago ka rito Miss?”

“Ako? Ah oo ngayon lang”

Mapapansin mo talaga kung bago o lumang boardmate. Sa ganda ko pa namang to, sino ba naman yung hindi magtaka diba?

Hindi ko napansin na nakalapit na pala yung nagtatanong na lalaki, habang yung kasama nito ay nakaupo lamang sa pwesto niya.

“I’m Peter, nice meeting you”

Pakilala nitong lalaki na ikinaubo ng kasamang nakikinig.

Akala niyo talaga madadaan ako sa pa nice meeting niyo ha!

“I’m Trisha nice meeting you too”

“Friend ko si Mark” tumango lang yung isang lalaki kaya nginitian ko nalang.

Typical playboy! Mga taste palang sa damit alam mo na agad na lapitin ng babae.

Ngumiti lang ako at umunang naglakad papunta ng hagdan na pwede ko lang hakbangin ng isang beses kung walang manonood sakin.

Di ko rin talaga gets yung ibang architect. Bakit di nalang tinodo yung second floor?

Nakakabitin, di rin pala ako mahuhulog sa hagdan.

Di kaya beauty queen yung totoong may ari ng bahay?
Bet niya lang ng mararampahang stage pero sineryoso niyang ipalagay.

Mula sa dahan dahang paglalakad nakarinig na naman ako ng hagikgik ng mga lalaki.

Sana talaga wala ni isang magkagusto sakin, nakakapagod magpaliwanag na hindi na ako available.

Charot!

For sure naman may girlfriend yang mga yan, baka nga marami pa.

Dahan dahan kong hinawakan ang doorknob pero nadismaya nung hindi ko mabuksan buksan.

Sandali!

Unang kwarto, pangalawa, pangatlo. Tamang bilang naman yung ginawa ko kaya impossibleng mali yung napasukan ko kanina.

Di kaya may naglocked?

Inulit ko yung paghawak ng doorknob at sinubukang igalaw ng ilang beses pero wala talaga.

Wala pa namang binigay na susi si Ateng masungit baka kung pupuntahan ko pa iisiping ang tanga ko!

Pero wala talaga akong maalalang nag locked ako ng pinto.

Pano ako niyan?

“Trisha, ayos ka lang?”

Napalingon ako sa lalaki na nagpapakilalang Peter kanina.

Natawa na naman yung kasama niya pero hindi tumingin sakin.

“Okay lang”

Ingiti mo lang yan girl, kahit di ka naman talaga okay!

Sino ba yung walang hiyang nagsara ng pinto? Pag talaga may nagtrip sakin nako makikita niya yung di niya pa nakikita.

Namalikmata ako mula sa pag iisip nung dahan dahang bumukas yung pinto.

Sandali!!!!

Ano yun? Napatingin ako sa mga lalaking nakaupo sa sala pero nadismaya nung wala na ito.

Joke ba to?

Hindi ako nag eenjoy ha! Kaya pala parang luma yung disenyo ng bahay, baka may kung sinong nakatira dito na hindi parin umuuwi sa kanila.

Ang layo pa ng Halloween, wag naman sana akong guluhin ng mga multo dito!

“Hey! Are you okay girl?”

Nahiya akong humarap sa kumausap sakin ngayon. Maganda siya pero wala ako sa mood magtanong kung san niya nabili yung bracelet niyang plain.

“Po? Yes okay lang”

“You look pale, new boardmate?”

Nako ba’t ba ako inienglish nitong babae sa katabing kwarto? Chismosa rin siya?

“Use lippies or any lipbalm. If you don’t have any, then stay hydrated”

Anak ng! Inunahan pa akong makapasok sa kwarto!

Tsaka may lipbalm ako no! Di ko lang ginagamit yung lipstick nagmumukha akong 30.

Nakabukas parin yung pinto, bahala na kung kagagawan to ng kung sinong multo!

Thank you nalang at binuksan mo pa!

Nakakaloka!

Chapter 5

Nung tuluyan na akong nakapasok sa kwarto ay mas nagulat ako sa nakita.

Hindi pala multo yung nagbukas ng pinto kundi kagagawan ng totoong tao.

Nakaupo ito sa gilid ng study table kaya’t di tanaw sa labas ng pinto.

“Hi, kwarto niyo po to?”

Nakasuot ng kulay gray na t-shirt ang lalaki tsaka dahan dahang lumingon sakin.

Ay pogi!

“Actually yes” tumayo ito at napasandal sa mesa mukhang makiki pag usap sakin....


Sorry ka nalang dear, naunahan ka na ni Wendell. Sa next life mo nalang ako gustuhin.

“Sorry, wala kasing katao tao dito kanina. Pasensya ka na naitago ko pa yung ibang gamit sa gilid.

“It’s fine”

Tumango nalang ako at dali daling napatalikod. May lahi yatang masungit ang halos naninirahan dito maliban lang dun sa dalawang lalaki kanina.

Wala akong choice kundi maghanap na naman ng bakanteng kwarto bitbit parin yung supot ng mga binili ko sa tindahan.

Iisipin ko palang na magkanda kuba na naman sa pagdala ng mga bagahe parang gusto ko nalang humilata dito sa sahig at bukas ko na problemahin ang paglipat.

Sayang naman, okay na sana dito katamtaman lang yung laki pero kumpleto ang gamit.

Nilingon ko ang lalaki, pero nadismaya nung pinagmasdan parin nito ang mga kilos ko.

Oo na, mag iimpake na ako huhuhu wag ka lang atat!

Nilagay ko muna yung dalang supot sa mesa at dahang dahang pinagalaw ang maleta.

“May tao na dito?”

Iilang katok na narinig mula sa pinto, lumingon pa ako sa lalaki pero tila wala itong balak sumagot.

“Yes po sandali”

Binitawan ko muna ang paghawak sa maleta at unti unting binuksan ang pinto.

“Bak – -”

Asan na yun?

Nilabas ko ng tuluyan ang kwarto dahil parang hanging bula yung babaeng dumaan rito.

Mabuti at naabutan ko pang kumakatok si Ateng walang jowa sa iba pang mga kwarto.

Dahil pag nagkataon, baka iisipin ko talagang may kakaibang nakatira sa bahay nato.

“Jusko ka!!”

Nagulat ako nung di inasahan ang lalaking naka abang pagpasok ko ng kwarto.

Nakaharang na ito sa may pintuan, tila kanina niya pa inaabangan ang pagbalik ko rito.

Ang bilis niya namang makalakad mula sa pwesto niya kanina. Ilang layo yung pagitan namin ngayon.

“Ba’t ka nakatayo diyan?”

“Ba’t mo sinagot si Manang Tess?”

“Sino naman yun?”

Manang Tess? Mukhang si Ateng walang jowa yata yung tinutukoy nito. Siya lang naman yung naabutan kong nakatayo paglabas ng pinto.

Kinuha ko nalang yung naiwang maleta sa gilid niya pati yung dalawang bag at cellophane sa lamesa.

“Pwedeng padaan? Masyado ka pong nakaharang”

Hindi parin umaalis tong lalaki na nakatayo sa pinto, wag niyang sabihin type niya ako.

Inayos niya ang soot na eyeglasses tsaka napabuntong hininga.

Striktong Matalino!

Yan yung mga salitang una mong mailarawan sa hitsura niya.

“Dito ka nalang muna”

Ano raw?

“Bakit? Ikaw nalang lilipat ng kwarto?”

“Boses babae yung narinig ni Manang Tess, di niya alam na nandito ako”

Ano naman ngayon kung boses babae? So dapat magpalit kami?

Well okay lang sakin, mas bet ko ngang dito nalang tumuloy at hindi na maghanap ng panibagong kwarto.

“Sige, kung yan yung gusto mo pero okay lang talaga sakin na maghanap ng ibang kwarto”

Kahit joke ko lang yun hindi ko masyadong pinapahalata.

Sana di niya babawiin yung kabutihang loob.

Hindi talaga okay sakin na maghanap pa ng panibagong kwarto nakakasira ng beauty!

Gusto ko ng mag rest!

Chapter 6

Dali dali akong napasampa sa kama nung makaramdam ng paghinga sa mga nangyari ngayong araw.

Gusto ko na agad matulog ngayon palang, kahit bukas ko na problemahin yung laman ng tiyan.

“Ehem”

Nawala yung pagngiti ko nung makarinig ng pag ubo sa paligid. Dali daling inayos yung pagkakaupo sa kama.

“Andito ka parin?”

Nakatayo parin yung lalaki pero hindi na sa gawing pintuan.

Mas malapit na to sakin na tila kanina pa nakita yung kabuuang pinag gagawa ko.

Nakakahiya!

“May naiwan ka pa?”

Tumitig na naman ang lalaki sabay hawak sa eyeglasses.

May katangkaran ito, tamang tama lang ang tindig na pwede ng pagkaguluhan ng mga babae.

Ba’t ba hindi to sumasagot? Tingin lang ng tingin sakin, nakakaloka!

Alam ko namang may kagandahan ako pero wag niya naman sanang ipahalata no.

“Let me stay here, kung okay lang”

Ay bakit? Ganun na ba talaga sya ka desperadong mapalapit sakin?

Napapikit ako sa kalukohang iniisip. Magtino ka nga Trisha, lalaki parin yan di mo pa kilala.

“Oh? Ayaw mo bang lumipat? Sabi ko naman kasi sayo okay lang na ak —–”

“Hinihintay ko pa rin yung pangbayad ng renta. Kung lilipat ako ng ibang kwarto baka mahuli ako ni Manang Tess”

Anong ibig sabihinin nun? Dito siya tutuloy? Eh pano ako?

“Anong ibig mong sabihin? Pwede naman akong lumipat”

“Baka next week mababayaran ko na ang renta, pwede ka ng lumipat nun”.

Next Week???

Ilang oras pa nga lang ako nandito pero parang ilang taon na yung lumipas.

“You mean sabay tayo dito pero ako muna yung magbabayad? Ganun ba?”

Napayuko ang lalaki at agad naglakad papunta ng study table.

“Yeah you got it right. Alam kong di mo ko kilala, pero ngayon lang din ako hihingi ng favor sayo”

Ihinarap pa nito ang upuan sa gawing gilid ng lamesa.
Pahiwatig na seryoso itong nakikipag usap sakin ngayon.

“Ngayon lang naman talaga kita nakilala no”

Kung nakita ko pa sya dati, baka madali ko na siyang namumukhaan ngayon.

“Pag dito ka tutuloy hindi maghihinala si Manang Tess na nakatira pa ako dito”

Sandali! Siya ba yung sinigawan ni Ateng walang jowa kanina sa tindahan?

Ano ngang name nun? May kutob talaga akong siya yun.

Pero ang hirap naman ng hiniling niya, pano pag mahuli kami rito?

Ayoko namang makonsensya mamaya pagdi ko tutulungan tong lalaki.

Gwapo pa naman.

“If you want kahit kahit hanggang bukas lang, I still respect your privacy”

“Walang namang kaso sakin, pero pano kung mahuli tayo?”

“Ako yung magpapaliwanag”

Para tuloy kaming may gagawing misyon na kailangan ng 100% ingat.

Wala naman sigurong gagawing masama tong lalaki sakin. Kahit pakiramdam ko bet niya kong titigan kanina pa.

Charot!

Pag talaga malaman ni Wendell tong pinag gagawa ko, for sure magagalit yun.

Chapter 7
Naging tahimik ang kasamang lalaki na nakatalikod sakin ngayon. Seryosong may tinitipa sa laptop nito na nakapwesto sa study table.

Para syang mabuting estudyante na limitado lang kung makipagkwentohan.

“Ano ng nangyari diyan? Nakahanap ka ba ng matutuluyan?” Yan agad ang bungad ni Mama sa kabilang linya.

“Meron na ma, syempre ako pa”

“Anong ikaw pa? Pag talaga may ibang mangyari sayo Vanessa malalagot ako sa Papa mo”

Para naman akong bata nito, hanggang ngayon wala parin silang tiwala sakin.

Iniba ko nalang ang direksyon at piniling humarap sa cabinet na kapantay lang ng pwesto sa study table.

Baka masabi ko pang may lalaki akong kasama dito maimbyerna na naman si Mother Earth.

“Yung allowance mo? Magtext ka agad pag kelan ka makakauwi ng makapagpadala ako”

“Kung pwede nga lang umuwi diyan kanina pa ako lumipad”

“Sige lumipad ka at magtigil yang pagiging bata mo! Magtino ka nga Vanessa baynte anyos ka na”

“Oo na kasi, tatawag ako sige na”

Nasermonan pa tuloy ako ng very light, kasalanan ko bang nung nagbuhos ng kakulitan ang langit natiempohan kong maglaro sa kalsada!

Napahiga ako sa kama matapos matawagan ang Ina.

Kulay dilaw yung ceiling na sa tingin ko dinaanan na ng iilang bagyo kaya ganun nalang ang kulay.

Matino naman yung pintura sa loob kaya maaliwalas tingnan.

“Pwede magtanong?”

Wika ko sa kawalan na hindi tumitingin sa lalaki.
Ilang segundo na yata yung lumipas pero walang ni isang umimik.

“I’m working, mamaya nalang”

Ganun parin ang boses nito pero pansin ko ang pagiging seryoso niya ngayon.

“Okay”

Pangalan lang naman yung itatanong ko pero dahil alam ko namang bet niya kong makausap pwede rin mamaya nalang.

Charot!

Biro lang no! Baka magkatotoo pa tong mga pinag iisip ko wag naman sana.

Dala ng pamamanhid ay ramdam ko na ang mabilisang pagtamlay ng mga mata.

Hindi ko na sinubukan pang labanan ang antok dahil talo na ako sa nadamang pagod.

Naalimputan nung marinig ang ingay ng telepono.

At sinong walang hiya ang mangdistorbo ng tulog??

Asan ba yun?

Kinapa kapa ko ang phone na nakapikit parin ang mga mata.

“Di mo makikita kung magbulag bulagan ka”

Tama! Tama! Kahit minsan talaga may sense tong pumapasok sa kukote ko lately.

Sandali!

Napadilat ako at dali daling napabangon nung magflashback ang mga kaganapan kanina.

Kumakain sa malaking mesa yung lalaki na nasa akin ang tingin.

Hindi nga talaga panaginip yung mga nangyari.

“Kanina pa nagring yang phone mo”

Mas nagutom yata ako sa pinag gagawa niya. Di man lang ako ginising para maghapunan!

Dinampot ko yung umiilaw na phone na hindi na umiingay.

Wala naman akong ma alalang nilagay ko to dito. Mas sanay akong katabi ang telepono na tinatago ko sa unan.

“Diba dito ka nakaupo? Pano napunta tong phone ko dito?”

Nakaistorbo pa yata ako sa lalaking sumusubo parin ng kanin.

Tumingin lang to sakin, ayan na naman tayo sa titig titig na yan.

“I forgot to tell you na ang likot mong matulog”

Anong malikot? Napaka prim and proper ko ngang babae.

“So naglakad tong phone mag isa? Parang hawak ko lang to kanina”

Hindi na ako sinagot at mas piniling isubo yung laman ng kutsara.

“Maybe?”

“Anong maybe? Nahulog ba? Nilagay mo dito, lumipad?”

Pansin ko ang pagbuntong hininga nitong lalaki kahit sobrang layo ng distansya namin.

“Kumain ka nalang dito alas onse na”

Chapter 8

“Ba’t di mo nalang ako ginising?”

Tinalikuran lang ako ng kasama at tinahak ang cabinet.

Hindi ko alam kung mahihiya ako, maiinis o magpasalamat dahil ginalaw niya yung supot na dala ko mula sa tindahan.

Wala akong gamit na kahit anong pangluto kaya nakakagulat na may pagkain na dito sa hapag.

May gamit na rin na plato at kubyertos na hindi ko kailanman naisip kanina.

Kakainin ko na nga lang to, ngayon pa ba ako choosy kung gutom na tong mga alaga kong butiti.

Pinagmasdan ko yung pinag gagawa ng lalaki habang kumakain.

“Pwede na bang magtanong?”

Medyo nagets ko na yung gagawin niya dahil nilabas nito ang kulay peach na comforter.

“Tapusin mo muna yan”

Puting bedsheet naman ang yakap nito na tinitigan niya pa nung nilagay sa higaan.

Umiwas ako nung mag abot yung tinginan namin.

Ba’t ba ang chismosa mo Trisha? Kumain ka na nga lang.

“Tapos ka na?”

“Oo, sandali lang” Naiilang kong sagot sa kaniya.

Minsan talaga naiinis na ako pag titingin lang siya at hindi na sasagot. Pakiramdam ko may nangyaring audition sa utak niya at kumpleto yung judges.

Baka sabihin ni Brain Stem kay cerebellum na hindi ako masyadong kagandahan at kaonti lang yung matatalinong cells.

Mas nakakaloka yun pagnagkataon!

Niligpit ko nalang yung pinagkainan tsaka tumayo sa pwesto.

“Madilim sa baba mag flashlight ka”

Bumagal yung paghawak ko ng plato nung marinig ang sinabi niya.

Hindi ko tuloy napansin na malapit na niyang matapos ang nakalatag na higaan.

“Mahihirapan akong magflashlight, dadalhin ko pa to”

Iniimagine ko palang na walang ilaw sa labas sa mga oras nato parang gusto ko nalang itapon tong mga pinagkainan.

Wala itong sabi sabi na binuksan ang pinto tsaka tinutok yung flashlight sa kabuuan ng sala.

May kaonting ilaw na lumalabas sa iilang kwarto pero hindi yun sapat.

“Diyan ka lang? Di abot yang flashlight mo”

Hindi pa ito sumagot na tila nagdadalawang isip sa susunod niyang gagawin.

“Tara”

Umuna na itong naglakad sa kasunod na mga kwarto at dahan dahang bumaba sa hagdan na gaya rin nung sa kabila na apat lamang na hakbang.

Naninibago pa ako sa paligid dahil hindi naman ako pinalibot ni Ateng walang jowa kanina.

Buti na nga lang hindi masyadong madami tong dala ko dahil pag may nabasag, baka tatakbo talaga ako pabalik ng kwarto pag nagkataon.

“Hindi ba talaga uso yung ilaw dito?”

Hindi ako sinagot ng kasama pero umuna ng tinahak ang lababo.

Ang atat mo naman sis!

“Sa gabi lang ako safe na makalabas ng kwarto. Dapat masanay ka na sa mga gamit sa kusina”

“Dito mo ba kinuha tong mga ginamit natin?”

Sinimulan ko ng hugasan tong mga pinagkainan na ikinatahimik nitong lalaking may dalang flashlight.

“Sabihan mo lang ako….. kung may nakita ka ng kakaiba”

Kita ko kung paano nabaling yung tingin nito sakin pero wala akong makitang reaksyon.

“May soot ka pa kasing eyeglasses hanggang ngayon, baka nanlabo na yang paningin mo sa dilim”

Pinagpatuloy ko lang yung pagsabon sa mga plato at agad hinugasan isa isa.

“Sapat naman na yung liwanag”

Kapwa kami natahimik, baka nagtitimpi lang tong lalaki sakin dahil kanina pa ako nag iingay.

Agad niyang iniba yung direksyon ng flashlight, may binuksang cabinet na hindi malayuan sa pwesto ko.

“Pag gagamit ka nito, linisan mo lang ng tama”.

“Iwasang makabasag”

Magkasunod niyang bilin sakin.

Para tuloy akong bata na pinagsabihan ng nakatatandang kapatid.

Chapter 9

Alas dos na ng madaling araw pero yung diwa ko nagtravel parin sa kung saan saan.

Hindi yata uso dito ang matulog na hindi naka patay ang ilaw kaya natatanaw ko parin sa baba ang natutulog na lalaki.

Medyo nahihiya nga ako sa ideyang ako tong kumportableng nakahiga sa kama niya.

Kinuha ko sa ilalim ng unan ang nakatagong phone.

Napaupo sa pagkakahiga nung tumambad ang pangalan ni Wendell.

Ba’t Instagram na naman ang gamit nitong isa?

Tatlong magkasunod na mensahe ang una kong binuksan mula sa kaniya.

Wendell : Good Morning too

Wendell: Done with my classes, asan ka?

Wendell: Trisha! Magreply ka.

Ang atat naman talaga nitong jowa ko, ngayon lang naman nangyari na hindi ko siya agad na replyan.

Me: Wazzup b*tch! Sorry na busy lang.

Di ako sure kung gising pa ba yung mokong na yun. Hindi ko siya masyadong naabutan pag gabi, kung makakareply man after isa o dalawang oras kung saan patulog na siya.

Halos dalawang messages lang yung karaniwang natatanggap ko mula sa kaniya. Sa umaga at  pagkatapos ng klase nito.

Tinanggap ko yung tawag ni Wendell sa Instagram.

“You here?”

“Hmmm present sir”  maloko kong sagot sa kabilang linya.

“Where have you been the whole day?”

“Umuwi ako, sinabi ko yun kahapon”

Umuwi sa panibagong bahay! Nakakainis parin talagang isipin na naabotan pa ako ng lockdown dito sa Lopez.

“Nakalimutan mo no? Aminin”

Pabiro kong wika sa kanya nung hindi ito sumagot sa kabilang linya.

“Nakalimutan ko Trish, sorry”

Yun lang naman yung palagi niyang paliwanag sakin. Dala narin yun ng dami niyang iniisip na mas importante pa sa pinagsasabi ko.

“Sus para namang hindi ako sanay”

Napangiti nalang ako ng mapait, hindi parin nagbabago si Wendell.

Para lang akong pandagdag sa buhay niya na kahit kailan ko gustong umalis magiging buo parin ito.

Birthday, siya yung unang taong inasahan kong babati sakin pero lumipas na lamang ang tv patrol at 24 oras wala akong mensaheng natanggap mula sa kaniya.

Rason? Sa kakahintay niya bago mag 12 AM hindi niya ko nabati dahil napagod pag uwi mula sa biyahe.

Sa ganoong paraan ko lang siya inaasahan dahil hindi pa kami pwede magkita dala ng pandemic.

Pero nakalimutan niyang gawin.

Ilang beses ng may nangyaring ganun pero mas pinili kong balewalain.

“Love?”

Ganitong ganito siya bumabawi.

Isang simpleng lambing lang mula sa kaniya nagiging marupok ulit ako.

“Po? Ba’t gising ka pa?”

Pang iba ko ng usapan dahil tiyak mauunahan na naman ako ng mga paliwanag niya.

“Was about to ask you too”

“Nakatulog ako kanina, ikaw? Inaantok ka na?”

“Nope, anyways how are you? Maaga ka bang nakauwi?”

Napabuntong hininga ako sa naging sagot ni Wendell.

Pano ko sasabihing na stuck ako dito sa Lopez at naabotan pa ng lockdown?

“Hmm oo naman, naab ——”

“That’s good, you should sleep first inaantok ka na siguro, late na rin”

Ito rin ang nakakainis sa kanya dahil hindi niya ko pinapatapos, masyadong mahilig sa paligoy ligoy.

Parang naglakbay ang isip nito habang ako yung kinakausap.

“Hindi ako inaantok, hindi ka na naman nakikinig sakin”

“What happened?”

“Wala!”

Kakasabi ko lang nakatulog ako kanina kaya dilat na dilat tong eyebags ko kahit alas dos na.

Kung sobrang dali lang matulog sa simpleng pagpikit ng mata sana ginawa ko na kanina pa.

Di nalang sabihing may iba pa siyang gagawin kaya kailangan na niyang ibaba yung tawag, maintindihan ko naman.

“What?”

“Sige na, may gagawin ka pa yata”

“Meron akong gagawin kaya pinapatulog na kita. Late na rin”

“Eh ba’t ka pa tumawag?”

Medyo tumaas narin ang tono ng pananalita ko. Bahala na kung makaistorbo ako sa kasamang nakatulog sa baba ng kama.

“What did you say?”

“Hindi ka bingi Wendell”

Hindi muna ito umimik pero pansin ko ang malalim na pagbuntong hininga.

“You know what? Isip – Bata ka pa rin. Grow up trish, avoid being too childish”

Childish! Isip – Bata!

Dalawang salita na palaging isunod sa Trisha Vanessa Magtasa – Roque.

Naramdaman ko nalang ang pagsikip ng dibdib kasabay ng iilang luha na pinipigilan kong kumawala sa mata.

Sa ming dalawa parang hindi niya ko binigyan ng pagkakataon na mapakinggan yung sinasabi ko.

Hindi ko nga maintindihan kong pano niya ko nagustuhan. Kung halos lahat ng meron ako parang gusto niyang baguhin at ituwid.

– To be continued-






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top