Pinagtagpo pero hindi Itinadhana Kabanata 8


Title : Pinagtagpo pero hindi Itinadhana
Author : Miss J
Kabanata 8
Mabilis naman ang aming naging byahe, madali lang kami nakarating ng San Ildefonso at nakapasok ng Airport at nakapag boarding, hanggang sa makalapag ang eroplano ng Maynila . Kaba lang ang namumutawi sa aking dibdib na hindi ko mawari… Sana maging maayos lahat , sana !
” Hello Jay , nasaan kana , andito na kami ” ang sabi ko sa kanya ” Masusundo mo ba kami oh magpapasundo ako sa pinsan ko?” Medyo nabubwiset Kong tanong sa kanya
” Ui mukhang tinotoyo ka ah Mahal , andito na kami sa labas ni Regie , labas na ” akmang ibababa ko na ” teka lang nakalimot ka yata ng tawag sa akin… MAHAL ah wag mo yun kakalimutan , sige na labas na kayo naghihintay ako dito sa may booth ng Smart ” at ibinaba na nya ang fon
” Halina kayo at anjan na si Tito nyo sa labas ” at nagsabay sabay kami sa paglalakad papuntang labas …
” Wow mama ito po pala ang Maynila ” excited na saad ni Donald sa akin
” Oo anak , madami bang sasakyan ?”...


Nangingiti Kong saad
” Donald wag ka ngang maingay masyado, nakakahiya ka ” saway naman ng aking panganay na ikinatawa namin lahat… Akay nila si Serv at karga ko naman si baby habang papalapit na kami sa booth ng Smart
” Mama yun ata si Tito Jay eh yung nakashades ” si Donald ” Oo nga Ma mukhang sya na nga ton ” saad naman ni Julia sa akin
At ilang minuto halos Hindi pa umiinit ang aking mga paa sa sahig sa labas ng Airport, nakita ko na syang papalapit sa may pwesto namin , Juskomio ang kaba ko !
” Kamusta byahe? ” masaya nyang tanong sa amin ” Alam ko gutom na kayo, ipinagluto kayo ni Lola nyo pero kakain muna tayo sa Jollibee mamaya pagdating natin sa Coastal , gusto nyo ba yun ?” Mahabang litanya nya sa mga bata pero ang mata nya eh nakatingin sa aking gawi at napapayuko na lamang ako at akoy nahihiya
” Opo Tito , yehey Jollibee , kakain kami sa Jollibee ” masayang tugon ng Sabay ng mga bata
Ako kunwang busy sa pagtingin Kay baby , wala akong kibo , nanlalamig talaga ako !






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top