Hidden Wife of the CEO CHAPTER 22.1


“Hindi ikaw si Ericka! bakit mo sya kilala ha? asan anak ko? siguro dinukot mo! tapos ako naman dudukutin mo? umalis Kana!”
Hindi ko na mapigilang umiyak..
“Michelle I’m so sorry! patawarin mo nako! hindi man lang kita agad pinuntahan! samantalang ikaw gustong gusto mokong makasama pero ako, naghihintay lang na puntahan mo, patawarin mo nako. Magpagaling Kana, kawawa anak mo kailangan ka nya”
“Sabing hindi kita kilala! hindi ikaw si Ericka! bakit mo inaangkin sya? hindi ikaw ang kaibigan ko! nakatira sya sa mansyon alam mo ba yun ha? tapos maganda pa tapos May baby sya si? sino nga ba yun? si shan Shan ! yung anak nya! yung cute na bata!! jeje..May pera kaba Jan? pupuntahan ko si Ericka! …Ericka!! pupuntahan na kita!” halos sya lang ang pinakamaingay sa kwartong yun
“Hindi ko mahanap si Ericka!! tinago mo sya! salbahi ka!” aktong susugurin nga ko Kya agad pinigilan ni Russel at hinawakan ang kamay.
“hon, sige na tawagin mo na yung naasign dito…babalik nalang tayo sa susunod.” saad ni Russel kaya tumayo nako.
____________
Matapos naming makwento sa Parents ni Russel ang tungkol sa nangyari kay Mich. Handa naman daw silang tumulong at ano mang oras ay pwede namin dalhin dito ang mag ina sakaling gumaling na sila.


/> After 1 month ng gamutan medyo nakaka-recover na si Mich. Ayun sa nurse na naasingn sa kanya malaking bagay ang pananatili nito sa pasilidad. Habang ang anak nyang si Rica ay dinalaw uli namin ni Russel para makita ang bata. Nakakatuwang isipin na nagreresponse na ito sa bawat salita na sasabihin ko. Tumatawa na yung bata at umiiyak tapos unti unti ng nabibigkas ang ano mang basic na salita.
Makalipas pa ang dalawang buwan. Babalikan uli namin si Michelle dahil maari na itong umuwi sa tahanan nila ng lola nya.
“Ericka?” ako ang una nyang tinawag habang mangiyak ngiyak na niyakap ako.
“Michelle? naalala mo na ba ko?”
“oo naman bakit naman hindi? bakit nga ba ko nandito? gustong gusto ko ng umuwi..Gusto ko ng makita ang anak ko tapos sinurpresa mo pako dito. Pano mo ba ko natunton?”
wala syang maalala sa mga nangyari sa kanya pero sobrang saya ko dahil atleast ako naalala na nya at naalala nyang May naghihintay pa sa pag uwi nya.
“CEO? kumusta po kayo?” napansin nyang may kasama pako.
“Ayos lang ikaw ba Michelle? magaling Kana? ng sa ganun makapagbond na tayo kasama ang pamilya.Kaya sana bumalik na yung Mich na sobrang pilya at syempre yung Mich na maingay sa lahat” biro nya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top