Fake girlfriend


Fake girlfriend
Napatingin ako ngayon kay zeke, busy siya sa pagtytype ng cellphone niya.
“Uhm. Zeke siguro late na, uwi na tayo?” I asked.
Nandito lang naman kasi kami sa restaurant, magdadate raw kami kaya pumayag ako.
“Wait,” pagpigil niya sa akin.
Kinuha niya ang cellphone niya, at mabilis itong si-swipe sa camera.
“I popost ko lang to, para akalain ni Mom na nagdate tayo,” ngiting ani niya.
Para naman ako nasaktan dahil sa sinabi niya. I’m Reign, at ako ang childhood bestfriend niya. Gusto ako ng pamilya niya para maging girlfriend ng anak nila, ni Zeke. Dahil kaibigan ko siya, pumayag ako na makipaglaro, at first I really thought it was just a game. until I liked him I’m starting to loved him na.
Now, nakaalis na siya. Gano’n naman ang isang yo’n, kapag nakuha niya na ang gusto niya iiwan niya na lang ‘yon na para wala lang. Parang ako lang ngayon matapos niya akong kuhanan ng litrato kasama siya, umalis na siya.
“Ingat ka!” Malakas kong sigaw.
Sa halip na sumagot siya, nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
Napasinghap ako. “Palagi na lang bang ganito?” Bulong ko.
______
“Hey dude!” Malakas kong sigaw.
At tinabihan siya sa mesa.
“May assignment ka?” Ngiting tanong ko.
Ngumiti siya. “Meron,” at tinaas niya ang notebook na hawak niya akmang kukunin ko na ‘yon ng bigla niya itong tinago.
“What? Para naman akong others pakopya na!” Ani ko.
“Hey guys! Good Morning Reign,” bati nito sa akin ngiti na lamang ang sinukli ko sa kaniya. “Hai Zeke, good morning nagbreakfast ka na?”
Ngumiti siya rito at hinila pa baba sa kaniya dahilan para mapaupo to rito hinagis niya naman ang notebook na iyon sa akin at maya may nagsalita. “Not yet, ikaw ba?” Umiling naman ito biglang tugon.
“Let’s go masama nilalampasan ang almusal,”
“Okay.” Sagot sa kaniya ni Xia at inaayos ang bag niya.
Na-iwan na naman ako mag-isa tinignan ko ang notebook na hinagis niya kanina at inalala ang nakaraan. Dati nagagawa niya pa akong asarin, bago ibigay to.
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.
Tinignan ko naman ang mga ibang estudyante at pasimpleng...


na akong nagpunas ng luha.
_______
“Hey! Dude good news!” Malakas niyang sigaw at niyakap ako.
“Oh, ano naman ‘yan ha? Bakit kailangan dito pa sa rooftop mo kailangan sabihin ‘yan?” Tanong ko.
Ang taas kaya ng rooftop na ito!
“Tapos na! Malaya na tayo p’wedeng pwede ka nang magtapat sa taong gusto mo!” Masigla niyang pang sabi.
Dahilan para mangunot ang noo ko. “What do you mean?”
“Pinakilala ko si Xia, as my girlfriend kila mommy!”
“But how? Hindi ba alam naman natin na sa mata nila ako ang girlfriend mo?” I asked again.
“Sorry, inamin ko na. Alam mo naman diba? Na gusto gusto ko si Xia at mahal na mahal ko s’ya at do’n lang ako naglakas loob na sabihin kila mommy na wala naman talaga tayo.”
Para ako sinasak dahil sa sinabi niya tapos na.
Tapos na lahat.
Hanggang doon na lang ba talaga?
“Mahal kita!” Sigaw ko bago niya ako talikuran.
Para naman siyang tanga na napahinto dahil sa sinabi ko.
“Mahal kita, dati pa!” Muli kong sigaw.
“Ha? I mean when? How?”
“Dati pa, no’ng magsimula tayong magpanggap! Noong u-na alam ko laro lang e, pero ikaw kasi ang pa fall mo! Halos lahat ng tungkol sa ‘yo nagustuhan ko puta, oo bestfriend kita at alam kong mali toh!” Sigaw ko sa kaniya.
“Reign stop alam mo naman diba?”
“Oo alam ko kapatid, kaibigan lang ang turing mo sa akin! Sorry ha? Sorry kung na hulog ako kahit alam ko naman na hinding hindi kita makukuha.”
“Napakataas nang standard mo sa babae, hindi ‘yong tipo ko, hindi ‘yong katulad ko ang magugustuhan mo.” Mapait akong ngumiti.
“Sana pala kung ganto lang rin pala ang kalalabasan, sana no’ng una palang tinanggihan na kita,” saad ko at naglakad na palayo sa kaniya.
Mapaglaro nga talaga ang tadhana,
Basta kapag mahal mo na ang isang tao kahit masakit magagawa mo magparaya,
Pero alam mo ‘yong mas masakit? Hindi mo naman siya pagaari.
Kaya kaya kahit anong laban mo, mapapangiti ka na lang at maiisip mong…
“Ano nga bang laban ko sa kaniya? S’ya na nga ang mahal s’ya pa ang pinili.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top