PINATAWAD KO PA RIN ‘YONG TAONG MAHAL KO KAHIT NA NILOKO AKO


“Di ba, ikaw ‘yong girlfriend ni Zack?” Napatangin ako sa babaeng nagtanong habang kumakain ako ng fishball sa daan.
“Ah oo, bakit mo ako kilala?” Tumawa ito.
“Kaibigan ako ni Zack, nakwe-kwento ka niya and he’s right maganda ka nga!” Pagkatapos ay tinignan ako nito mula ulo hanggang paa.
Hindi ako natuwa sa ginawa niya. “Ah ganun ba? Wala kasi kwenekwento si Zack na may kaibigan pala siyang kagaya mo.”
Ngumiti ako ng peke sa kanya. “Sige, maiwan na kita dito ah?” Hindi ito umimik kaya umalis na ako sa harapan niya.
Tumingin ako sa relo ko, dali-dali akong pumunta sa factory dahil do’n nag-tra-trabaho ang boyfriend ko.
“Oh, kanina ka pa dito?” Tanong niya ng makita ako niya na nakaupo sa labas.
Umiling ako. “Kakarating ko lang,” saad ko.
Hinawakan nito ang kamay ko. “Halika na mahal.”
Ngumiti ako pagkatapos ay nag-umpisa na kaming maglakad patungo sa malapit na park dito.
Bumili kami ng kakainin namin dahil plano namin na mag-picnic.
“Kumusta araw mo?” Tanong nito sa ‘kin habang kumakain. “Ayos lang naman ako, ikaw madami ba kayo kanina ginawa sa factory?”
“Ganun pa rin naman, mahal.” Pagkatapos ay isinubo niya sa ‘kin ang isang piraso ng piatos kaya kinain ko naman ito.
“Mahal dali picture tayo!” Tumayo kami pagkatapos ay isinandal ko ang cellphone ko at nilagyan ito ng timer.
Tumingin ako dito sa kanya habang naka-nguso at nakatingin din ito sa ‘kin.

“Kanina ko pa tinatawagan pero hindi sinasagot ang tawag ko.” Kinakabahang wika ko sa kaibigan ko.
“Baka busy lang at hindi maharap ang cellphone niya.”
“Flaive, dali sama ka sa ‘kin.” Pag-tawag sa ‘kin ng kaibigan ko pang isa na kakarating lang din.
Takha akong sumunod dito. Habang naglalakad kami naagaw ng atensyon ko ang dalawang taong naghahalikan.
Nilapitan ko ito, ang pangangatawan ng lalaki, alam na alam ko. “Z-Zack?”
Napahinto sila sa ginagawa nila. Pagkatapos ay gulat na napatigin ito sa ‘kin, mababakas sa mukha niya ang pagka-pula, halatang lasing na ito.
“M-Mahal?” Tinignan ko ang babaeng kahalikan niya, mas lalo akong napaiyak, kasi ‘yon ‘yong babae na kaibigan niya lang daw, ‘yong babae na parang nilait ako sa pamamagitan ng tingin.
Nag-umpisa nang tumulo ang mga luha ko “I-Ikaw? Kaibigan lang pala ha? Ano ito Zack?!”
“Mahal, hayaan mo akong magpaliwanag,” lumapit ito sa ‘kin.
“Yan na naman tayo sa hayaan mo ako magpaliwanag e,...


paano ka pa makakapag-paliwanag kung mismong mga mata ko na ang naka-saksi!” Umiiyak na sigaw ko.
“Ikaw naman! Kaibigan pero naghahalikan?! Hindi mo na lang sinabi nung unang nagkaharap tayo na kaibigan with benefits!” Duro ko sa babaeng kaharap niya, hindi ko ito nakakakitaan ng kahit anong guilt at tila ba parang gustong-gusto niya pa ang nangyayari.
“Kung kailan napakatagal na ng relasyon ng isang tao do’n niyo naman sisirain, do’n niyo naman tutuksohin! Pero siguro nga tama sila walang matutukso kung walang magpa-pa-tukso! Bakit kung kailan nagka-isip ka do’n ka pa nag-loko. Zack hindi na tayo mga bata, wala na tayo sa part na puros laro na lang!”
Iyak ako ng iyak sa harap niya, inalalayan ako ng mga kaibigan ko pagkatapos ay umalis na kami sa harap nila, hinabol pa niya ako pero ayaw ko makipag-usap sa kanya.
Matapos ang mangyari na ‘yon hindi ko siya kinausap kahit na araw-araw siyang pumupunta sa bahay para suyuin ako.
Lumabas ako sa kuwarto ko. At nakita ko siya sa sala na nakahiga, pinag-masdan ko ito. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya.
Tinitigan ako nito na may mga saya sa mata niya.
“Buti lumabas ka na, handa mo na ba akong kausapin?” Nang banggitin niya ‘yon ay kita kong nangingilid ang mga luha niya.
“Kapag ba napatawad na kita, hindi mo na ba uulitin ‘yong ginawa mo noon?” Mangiyak-ngiyak na tanong ko.
“Oo, natuto na ako no’ng nawala ka, sobrang sakit at hirap pala. Hindi ko man lang inisip ‘yong mangyayari, nadala lang ako. Patawarin mo ako, nangangako na akong hinding-hindi ko na uulitin, pinagsisihan ko na.” Umiiyak na tugon niya.
Nung araw na ‘yon pinatawad ko siya, nalaman niya ‘yong pagkakamali niya at tinama niya lahat ‘yon.
Sabi nila mahirap ang magpatawad lalo na kung sobrang bigat ng pinadama ng tao na ‘yon sa’yo at agree ako do’n but I choose to forgive than to instill anger.
I’m not Martyr o tang* dahil pinapasok ko ulit siya sa buhay ko. Kasi alam ko na sa kabila ng mga ginawa niya noon may narealize na siya ngayon, narealize niya na ‘yong pagkakamali niya, minsan lagi tayo nagpapadalos-dalos sa ginagawa natin na hindi natin alam na ikakasakit na pala ng iba, na dadating sa punto na pagsisihan mo lahat ng ginawa mo. Pero kung ang magpatawad ang makakagaan ng loob ko, handa ako.
-end-






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top