🌼Chapter 2.🌼The preparation🌼
“Isabelle “P O V”
“Maaga akong nagising upang paghandaan ang nalalapit na oras ko papuntang manila.
Sa isip ko ay halong kaba ang aking nararamdaman dahil hindi ko naman alam kung ano ang naghihintay na kinabukasan ko sa manila,Mahirap man ay kailangan kong harapin ang naka-usong na buhay para sa akin.
“lumabas ako ng aking silid dahil tapos na din naman akong magligpit at mag-ayos na maaari kong dalahin patungo duon.
“Masaya naman ako dahil hindi ko akalain na ipagluluto pa ako ni sisiter ara ng adobong manok.
“isabelle..bungad sa akin ni sister Ara at walang himpis naman ang kanyang ngiti sa akin lalo na ang iba ko pang kasamahan sa bahay ampunan..dahil kahit kailan ay hindi ko man lamang inisip na iba ako..dahil na din sa kanilang maayos na pangngalaga sa amin.Pinalaki nila kami ng may respeto at pag-galang sa kapwa.
“Naupo ako sa isang maliit na upuan medyo masikip na din sa kusina dahil napuno ito ng mga bata duon ..madami kasing bata ngayon na kinupkop nila,katulad ko na ulila ding lubos.
“habang masarap kong tinitikman ang niluto nila.isang tawag naman ang aking natanggap mula sa aking kaibigan..
“hi bessy..Ano nakaalis kana ba? sa akin kana sumabay papunta din kasi ako duon para magbakasyon..saad ni ellaine sa kabilang phone na hawak ko.
“Ah talaga naku salamat naman kung ganun ellaine atlis makakatipid din ako sa dala kong pera.Maghahanap pa kasi ako ng trabaho duon para naman kahit papaano maranasan ko naman tumayo sa sarili kong mga paa.tugon ko sa kanya.
“Oh siya dadaanan nalang kita d’yan ha..wait mo nalang ako sa labas ng gate n’yo,para makita kaagad kita…heheheh kasabay ng pagbaba niya ng phone.
“dali-dali kong inakyat ang aking silid,matapos kong makausap at makipagkwentuhan kana Sister Ara.
“Sister….sambit ko sa kanila habang dala ang aking maleta..hindi naman ito kalakihan dahil kakaunti lang naman ang aking mga damit.
“Oh isabelle..wala ka na bang naiwana..”Sigurado ka ba na lahat nadala mo.tugon ni sister sa akin…
“ok na po lahat sister Ara,at marami pong salamat sa lahat ng kabutihang nagawa po niyo para sa akin …hinding-hindi ko po iyun malilimutan..habang pagbabadya naman ang pagpatak ng aking mga luha…
“Basta…”ito lang ang palagi mong tatandaan..kapag may problema ka oh..ano pa man ..wag kang mahihiyang tumawag,Isabelle alam mong isa ka sa mga anak na namin dito sa ampunan…
“Naiintindihan ko po sister….at kayo din po magiingat po kayo…lalo na po ang inyo pong kalusugan…
“huwag muna kaming,isipin pa kaya na namin ang aming mga sarili…kasabay ng paghalik at pagyakap ng mga ito sa akin..
“bessy….Ano…? Let’s go…!!!! sigaw ni ellaine .sa akin…baka ma traffic pa tayo kapag inabot pa tayo ng tanghali…habang nakasilip ito sa bintana ng kanyang sasakyan..
“oh sige po..sister kailangan ko na pong umalis…baka abutin pa po kami ng tanghali sa pag-alis..at patakbo ko naman tinungo ang labas ng gate..kung saan naroroon si ellaine
“sige magiingat ka…isabelle…kaway naman sa akin nina sister..
“ilang sandali pa ay narating na namin ang manila mula sa batangas.halos matulala ako sa mga nagtatayugang mga buiding dito.
“Wow ang laki naman ng building dito ellaine..saad ko habang nakasilip ako sa bintana ng kanyang kotse.
“Ano ka ba…? h’wag mo ngang ibuka ang bibig mo at baka pasukan pa iyan ng langaw..
“at siya ka hindi mo ba alam na mas maganda pa din sa atin sa batangas…tahimik at payapa ang kapaligiran,samantalang dito…ahmmmm…”naku mga usok…lang ng sasakyan tapos busina …madaming tao ang iyong maririnig…sa totoo lang…baling nito sa akin habang seryoso ang mukha niya.
“ayoko naman talaga umuwi dito sa manila pinilit lang ako ni daddy….kaya napilitan lang din naman ako..
“hoy ….!!!!Isabelle..gulat nito sa akin habang tulala kong pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin habang sakay ako ng kanyang sasakyan…
“Ay…ellaine..huwag mo naman akong gulatin..saad ko…
“para ka kasing Ewan eh…”
“oh basahin mo …para naman aware ka..baka sabihin mo hindi kita nabilinan..pabagsak na abot nito sa akin.
“medyo nakasanayan ko na ang ugali niya kaya ..
para sa akin wala lang yun…
“teka ano ito…kasunod ng pagbaling ko ng tingin sa notebook na kulay itim na natatalian ng isang mahaba at kapirasong tela..
“matapos ko itong basahin ay kaagad niya itong kinuha..”basta ang tanging nata-tandaan ko lang..
“don’t talk to strangers…
“Oh nabasa muna ba…dapat iyan ang una mong gagawin “….kasi bessy…sa manila maraming mapagpanggap…kaya minsan napapahamak..seryosong sabi nito…
“oh alam ko…yun na lamang ang tangi kong nasabi…sa kanya…
“kumain muna kami sa isang restaurant bago pa niya ako maihatid sa aking tutuluyan na..kakilala nina sister Ara..
.si Aling mel siya muna ang gagabay sa akin hangga’t wala pa akong nahahanap na maayos na trabaho….”.isa pa nagiisa din ito sa kanyang bahay..kahit na medyo may katandaan na sa edad na 80 ay hindi mo makikita sa kanya ang kahinaan ng kanyang katawan.
“malakas pa ito..at kahit nga paglalaba nakakaya pa..
“oh..anak…dito ang iyong silid naayos ko na iyan nung isang araw pa..pasensya kana kung medyo may kalakihan ang kwarto mo..ngiti nito sa akin.
“Naku wala po iyun..nakakahiya nga po sa inyo eh… napakalaki naman po kasi nito para sa akin…maari naman po ako sa maliit na silid lang…
“anak lima ang kwarto dito…at ito lang ang tanging pwede kong ipagamit sayo..medyo may kataasan na ang silid duon at hindi ko na din naayos ang ibang gamit…saad nito sa akin..
“Ganun po ba …ok na po ito sa akin..salamat po uli Aling mel…
Nahiga ako sa isang malambot na kama at tulad nga ng kwarto ko...