I’m into you Chapter 6


I’m into you โค๏ธ
Chapter 6
“Hindi naman ako gumagamit ng drugs pero bakit parang nagsisimula na akong maging adik, Blake.”
“Hahah.. Yari na! ” sabay suntok ni Blake sa balikat nya.
Muli nyang tinongga ang wine.
“For the first time, I’ve been lookin in your eyes, for the first time I’ve seen it who you are, can’t believe-.. ๐ŸŽถ”
“Ititigil mo o patutulugin kita?” asik ni Blake kay Drew. Pero tinamaan si Calvin don.
” Hahaha… Kelan ba kasi aayon sa tono itong boses ko. Na dedepress na tuloy ako! di ako masagot sagot ni Vrhiana.”
” Ano ba naman yan.. Puro babae!”
Pero bro Kleint kelan ka pa tinablan sa babae huh?” tinapunan lang sya ng tingin ni Calvin
” Alam mo Drew, sarap mo nang bugbugin e, napakawalang sense mo namang kausap.”
Pero Kleint, pano naman si Alice? Magpropopose ka nga don. ”
Umiling iling si Calvin.
“Nah.. No more!”
Hindi ka na tutuloy? After 6 years bro? Nawala na?”
” Don’t know..” walang kabuhay buhay na wika nya,”
Kring.. Kring..
Natatarantang inabot sa teynga ni Calvin ang cp nya ng makitang ang dalaga iyon. Pinagtawanan lang sya ng dalawa dahil kamuntikan ng malaglag ang cp nya sa pagmamadali.
” Hello?”
” Hello! Uuwi ka ba?! ”
Biglang nabinat ang labi nya, napangiti sya. Ang lagay para itong asawa na nag aalala.” “Sarap sa feeling” bulong ng kanyang isipan.
” Wala na, happy pill nya talaga”iiling iling na wika ni Blake.
” Tsk.. Tsk..in the future Under to panigurado” ngingisi ngising saad ni Drew.
Pero ni di sila naririnig ni Calvin, ang bawat bigkas ng sasabihin ni Kylin, parang musika sa kanyang teynga, hindi nya na rin iniintindi kung ano sinasabi nito. Basta feeling dinuduyan sya, Samantalang pasinghal naman ito kung makipag usap sa kanya, pasinghal na palambing.
“Hoy! Nakikinig ka ba”
“Ah oo, uuwi ako syempre asawa ko.”
” Ewan ko sayo!”
“Bakit mo pala naitanong mahal”
“Pwede ba Calvin! Umayos ka ha, punong puno nko sa kakaasar mo!”
“ayon! Yon ang gusto ko, no more sir”
Ang sarap tawagin nito, parang asawa nya na nag nanag sa kanya. Di nya namalayan nag iimagine na sya sa future na kasama ito sa iisang bahay. With their kids?
“Ano!!?”
“Huh? Ah.. B-bakit ano?
” Sabi ko matutulog na ako, huwag ka uli manggugulat! Please lang.. Ilang gabi na akong puyat sayo.”
” oi puyat daw, haha” nangigigil na bulong ng kanyang utak. “Yes baby.. And I’m sorry, I’m not aware I already made u suffer . Sorry ha.”
“Sige na bye! ”
Ba- ” pero binaba na nito ang tawag.
” I love you daw!”
” Wala na, ”
Patamad nyang inilapag ang phone, pero agad ding kinuha. At sya naman ang tumawag
Ano!!”
Ah.. Ah..
E i o u!
Hehehh. Oo. I miss you.
Hindi nakakibo ang dalaga.
Calvin?
Baby?
” Matutulog na ako please..”
Bakas dito ang pagpapaunawa at konting pagkapikon.
” Ok baby, uuwi na ako ngayon hintayin mo na ako para sabay na tayong matulog. I’ll be there in just 10 or 15 minutes. ”
” hoy! Magpapakamatay na to, ilang speed yon? ”
Hahahaha..” pinagtawanan na naman sya ng dalawa.
Pero di nya alintana yon wala syang paki..nang marinig nya ang tila pakiusap ni kylin na patutulugin nya na, bigla nyang naramdaman ang eagerness to be at her side. To feel her. “Pano nya nagagawa sakin to?”
Naibulong nya habang, parang bilis ng train na ang sasakyan nya.
Ang bilis nga nyang nakarating. Tsaka nya pa nakita ang mga missed calls ng dalawa pagkababa nya. Ang dami, natakot yata sa ginawa nya.
“Buhay pa ako mga gonggong! Sige na.. Huwag nyong sirain ang moment ko ngayon, bye!” Sabi nya sa dalawa sa group call.
Dinig nya pa ang halakhak ng dalawa.
Iiling iling syang pumasok matapos susian ang pinto.
Naabutan nyang nagkakape si Baldo kanina ng pagbuksan sya. Kinindatan pa sya ng pasaway nyang guard.
Dahan dahan syang naglakad diretso syempre sa kwarto. Di nya alam, first time na ganon...


kabilis ang naging tibok ng puso nya. Binuntong hininga nya na lang, under na under ako nito..grabe yong kaba nya. Hooh!! Huling buga nya para maibsan yong nadarama nya.
Tok.. Tok.. Tok..
By?
Muli syang tumawag” By? ” syang pag bukas ng pinto.
Nakaarko ang kilay ni Kylin. May susi sya pero gusto nyang ito ang magbukas dahil mas lalala ang kaba nya pag ginising nya ang nagtutulug tulugan. Hirap non.
Hi..” matamis na ngiti ang binungad nya dito. Kung ibang babae pa, lumambitin na sa leeg nya panigurado.
Di ito kumibo at nagpatiuna na sa higaan at muling nahiga.
Agad syang sumunod at diretso sya yumakap dito, inilingkis ang mukha sa leeg nito.
“Calvin! ”
“Ito lang naman” para mn lang mabawasan ang ngkakarerang kaba sa dibdib nya, pero parang lumala pa yata. Ipinikit nya ang mga mata.
Oo, hindi na sya nakakatulog pag di ito katabi, kaya kinakapalan nyang mayakap ito. Tama si Blake si Kylin na ang kanyang happy pill ngayon.
Dahilan ng kanyang kalungkutan pag wala ito sa tabi, at tangi na nyang kaligayahan kapag kayakap ito at katabi. Muli nyang minulat ang mga mata at tinitigan ang nakapikit ng dalaga, habang dama nila ang isat isa.
” Swerte ng babaeng ito, nagkakaganito na si Calvin. Ang dating asong ulol! Ngayo’y nagiging maamong tupa. ”
Nang mapatungo sa labi nito ang paningin nya. Pilit nyang pinigilan ang sarili.. Inangat nya pataas ang kanyang katawan at ito naman ang ikinulong nya sa kanyang dibdib. Habang yakap yakap ito. Parehas na silang naiilang, trying to resist every clingy thing. Every arousing sensation..
“Ahh..”
Dinig nyang sambit ng binata.
Wala na syang kawala. Alam na nya kung ano na ang estado ng dalaga sa kanya. Sigurado na sya. At ayaw na nya itong mawalay pa sa kanya.
Hinimas nya ang balikat ni Kylin.. Parang nagpapatulog ng bata.
Kukurap kurap naman ang dalaga na dinig ang tibok ng dibdib nya.
Ky.. Gising ka pa?
Ky?”
” Uhm?”
“Ky? I can’t help it.”
Kinabog ang dibdib ng dalaga. Na freeze sya.
Higit Isang linggo na silang nagsasama sa bahay na yon
“You know what I mean? ”
“Hindi.. ”
” Salamat nga pala sa pinadala mo kay inay, ngayon ko lang mababanggit. Pero tanong lang, additional ba yon sa 2.5?” pag iiba nya sa usapan
Yes..
Tsk..
Heheh.. Hindi. Bigay ko lang yon.
“Ang laki naman ng 50k. Nagtaka nga sya,buti babae ang pinahulog mo.”
” Ky?, I want you”
“Calvin..”
I need you
Hmm.. Huuh..
I love you Kylin.
Napalaki ang mata nya, buti di iyon makikita ng binata. Parang tambol na ang dibdib nya.
Parehas silang nakikiramdam.
Dahan dahang yumuko si Calvin at inabot ang baba nya.
Napapapikit sya, hanggat magkalebel na ang mukha nila.
Look at me.. “madamdamin nitong pakiusap
Iiling iling si Kylin. Hindi na mawasto ang anyo nya. Nakanguso, na njaarko ang kilay na, ewan.
Gustong matawa ni Calvin. But he can’t just spoil that chance. He will grab it now!
Ky?
Dahan dahang tumingin ito. At napalunok ng magtama ang kanilang mukha
I love you.
Ilang sandali silang nagkatitigan.
Nek nek mo! ” sabay pingot ni Kylin sa ilong nya
Yhmp!”
Anong pang aasar na naman to?
Enjoy na enjoy kang makipaglaro sakin no?”
.tsaka ito tumalikod sa kanya.
Tsk..” napahimas sa noo si Calvin, niyakap na lamang nya kula sa likuran ang dalaga. Bago pumikit. Kasalanan din naman nya, puro kasi sya pang aasar.
Pero kita nya sa mga mata nito, there is something deep within. For sure mutual sila.
Parang walang girlfriend kung makaasta, e may fiancena nga sila.”pahabol nya habang nakatalikod
What? Pano mo nalaman?
Social media sir.
Hindi pa ako nag propopose.
Goodnight Sir Calvin..
Uhm? …
Goodnight Calvin..
Good night. And again, I love you.
Love ko na ikaw Ky..” bulong nya dito.
Napapikit si Kylin, pilit nagbibingi bingihan






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. next po

Leave a Reply


top