Lara’s revenge Chapter 18


Ilang gabi na siyang hindi nakatulog ng maayos dahil sa dami ng kanyang mga inisip. Kaya siya maagang umuwi ka gabi at tinanggihan niya ang paanyaaya ng nobyo na mag dinner muna sila bago siya umuwi. Para mag karoon siya ng magandang tulog ngunit inabot siya ng madaling araw bago siya hinila ng antok.
MATAGAL ng dilat ang kanyang mata ngunit hindi siya makagalaw sa kanyang hinihigaan. Inisip niya ang kanyang gagawin mamaya.
“ Lara, Lara”
Tinig nang katulong ang pumukaw sa kanyang pag-iisip. Bumangon siya at tinungo ang pinto” bakit manang Biday?” paaantok niyang tanong rito. Inunat niya ang kanyang kamay at humihikab pa siya habang kaharap ang kasambahay.
“ Alas dos na, nanlamig na ang pananghalian mo. Hindi karin nakakain ng almusal” anito sa kanya na may pag-alala
Napakamot siya ng ulo. Tinignan ang orasan nakasabit sa dingding. “ Shoot! kailangan kuna maligo matagal pa naman ako matapos sa pag-aayos.
“ Sige manang Biday susunod nalang po ako” agad niya sinara ang pinto at mabilis na hinubad ang kanyang sout na mabulaklakin short at ang sleeveless nakaterno nito.
“ Hindi ako pwedi mahuli ngayon sa party” maktol niya habang nag-sashower. Bakit ba kasi ang tagal mong natulog ka gabi nahuli ka tuloy ng gising” kastigo niya sa sarili.
kakatapos lang niyang mag make-up at ka-kacurly ng buhok sinunod niyang sinout ang kanyang dress. Nasa kalagitnaan siya ng pag-sosout ng katukin siya ni manang Biday.
“ Lara, andiyan na si Marco sa baba” sabi nitong nakatayo sa harap sa saradong pinto ng kanyang silid.
“ susunod na ako malapit na ako matapos” pasigaw niyang tugon rito.
Nagpa-ikot ikot siya sa harap ng salamin. Sinuri ang sout niyang silky dress, sleeveless naka ex ang strap sa likuran at may mataas na slit sa gilid sa paanan bahagi.
“ Perfect!” bulalas niya saka bumaba ng hagdanan.
Natanaw niya si Marco nakatayo sa may paanan ng hagdanan nag hihintay sa kanya. Nag mistula siyang si Rose sa titanic na hinihintay ni Jack sa may hagdanan. Nakangiti itong tumingin sa kanya nakapamulsa ang dalawa nitong kamay sa sout nitong slacks. Biglang bumangon ang kakaibang nararamdaman para rito na pilit niyang tinataboy sa kanyang isipan.
“ You look beautiful, as always” malambing nitong sabi ng tuluyan siyang makababa at nakatayo sa harapan nito.
Pinulupot niya ang kamay sa leeg nito” and you, look so handsome”
masuyo siyang hinalikan nito at nilahad ang braso. Agad siyang kumapit rito.
“ I can’t wait for you to meet my relatives” rumehistro sa mukha nito ang saya .
“ Magustuhan kaya nila ako hon?” malambing na tingin ang pinukol niya rito bago nito tuluyan pinaandar ang sasakyan.
“ Of course naman, you are charming” nakangiti nitong sabi sinulyapan siya.
“Tumataba na talaga ang puso ko sa mga papuri mo, baka masanay na ako niyan”
“ Edi masanay kana dahil bukas magiging asawa na kita at araw-arawin kitang pupurihin” hindi maalis ang ngiti nito sa labi habang nag mamaneho.
Thirty minutes ang benayahi nila bago narating ang venue. Pinagbuksan siya nito ng pinto.
“ Wow hon, I can’t believe na ganito kabongga ang party, akala ko simply lang” bulalas niya ng nasa gate na sila. Sa maluwang ng bakuran ng bahay ng binata dinaraos ang party. Madami ng mga tao ang nandon malamang ito na ang mga kamag anak ng binata.
“ You deserved to have it hon” masuyo nitong sabi.
malambing ang mga tingin tumitig sa mukha ng binata “ mahal mo talaga ako hon?”
Pinisil nito ang kanyang baba” of course mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para sayo, mapasaya kalang” Napangiti siya sa sinabi nito.
Pinagpatuloy nila ang paglalakad palapit sa bisita. Nahagip ng mata niya si Abner nakatayo may kausap ito na isang babae na maganda at matangkad.
“ Hmmm sini-swerte talaga ako” bulalas niya rito.
Dumaan sa harapan nila ang waiter na may bitbit na tray may laman wine glass.Kumuha siya ng isa.
“ Ate Lara”
tawag sa kanya ng kapatid ni Marco mabilis itong naglakad palapit sa kanila at hinila siya nito papunta sa table ng mga kaklase nito upang ipakilala siya.
Magiliw siyang nakikipag usap sa mga bagets. Panakaw ang tingin niya kay Abner na no’y nakatayo parin.
“ Guys, excuse muna ako ha?” paalam niya sa mga bagets.
Para makapag hanap siya ng lugar na kung saan walang makakita sa kanya habang nilalagyan ng lason ang hawak niyang wine.
bago pa...


siya tuluyan nakatalikod ay tinawag siya ni Marco. Napilitan siyang humarap rito. Nakita niyang may kasama itong lalaki na hindi nalalayo ang guwapo nito kay Marco.
“ Hon, I want you to meet my friend Erik”pakilala nito
Bahagya natigilan si Erik nang magkaharap sila. Napakunot-noo siya sa mga titig nito para bang sinusuri ang buo niyang pagkatao.
“ Nice to meet you Erik” nakangiti niyang sabi rito.
Hindi ito natinag sa kinatatayuan na tila ba hindi siya nito narinig.Pakiramdam niya pati kaluluwa niya sinusuri na nito.
“ Mabuti nakapunta ka” untag niya uli.
Ngumiti ito sa kanya at nilahad nito ang kamay para e shake hands siya.
Magiliw naman siyang inabot ang kamay nito.
“ totoo nga ang sabi ni Marco ang ganda mo” nakangiti nitong sabi.
“ Diba pare sabi ko sa’yo maganda ang mapapangasawa ko? nakatulala ang ganda niya” pagmamalaki ni Marco.
“kaya nga pare, napatulala ako” nakangiti nitong biro.
“ Pareho talaga kayong magkakaibigan bulero” natatawa niyang sabi.
“ Masaya akong nakilala na kita sa personal.Ikaw lang kasi lagi ang bukang bibig nitong kaibigan mo”
Inakbayan siya ni Marco, “ ang tagal kasi namin hindi nagkita nasasabik lang ako na makita siyang muli” tugon ng binata.
“ Siyanga pare nagka-usap naba kayo ni Abner?” pag-iba ni Marco
Saka niya palang na alala. Lumingon siya sa kinarorounan ni Abner, saktong papalapit ito sa kanila.
“ Lara, pare aalis na ako. Pasensiya na hindi ako makadalo sa kasal niyo bukas” paumanhin nito ng tuluyan silang malapitan.
Nanginginig ang kalamnan niya sa galit na hindi siya makaganti rito ngayon araw. “ Kung maaga lang ako nagising” sisi niya sa sarili.
Tinapik-tapik ni Marco ang balikat nito. “ Naiintindihan ko. Ang mahalaga nakapunta ka sa party. Regards mo nalang ako kay tito hangad ko ang pag-galing niya” tugon ni Marco rito.
Lilipad daw ito bukas papuntang America kasama ang ama may prostate cancer at don daw ito gusto sa ibang bansa magpapagamot.
Napahigpit ang kanyang paghawak sa baso” okay lang magtatagpo pa tayong muli” sa isip niya.
Pilit siyang ngumiti rito upang hindi mahalata ang bininbin niyang galit.
“ Erik, pare mauna na ako sayo” matabang nitong paalam kay Erik bago tuluyan tumalikod. Gusto niyang ihampas sa likuran nito ang hawak niyang wine glass.
“ Hindi parin kayo okay ni Abner?” narinig niyang tanong ni Marco kay Erik.
“Hindi parin tol” anito sa mababang boses.
“ Ang tagal na nang alitan niyo, sana maayos na iyan”
“ Sana nga tol” maikli nitong tugon.
“ Lara, kumusta naman tong kaibigan ko? hindi ba pinasakit ang ulo mo?” Pag-iba nito sa kanilang paksa.
Pinilit niyang takpan ang galit niya. All smile parin siya kahit nag hihimagsik ang kalooban niya sa galit para kay Abner.
Magiliw nakipag-usap sa kanya si Erik, unti-unti na alis ang galit niya kay Abner na naglakad palayo. Wala naman kasalanan si Erik sa kanya para isama niya sa galit sa magkakaibigan kaya magiliw din siyang nakipag kwentuhan rito.
Nang sumapit ang alas deyes ng gabi ay nagpaalam na siya para magkaroon ng beauty rest.
“ Hon, hindi na ako papasok para makapagpahinga kana” Sabi ni Marco nang maihatid siya sa bahay.
“ gusto ko lalo kapang maganda bukas.” niyakap siya nito ng mahigpit.
“ Hon, yang junior mo pigilan mo, nanunusok” saway niya rito ng maramdaman ang matigas tumusok sa kanya.
natatawa ito sa sinabi niya” hayaan muna na excited lang din siya”
“ Hmmm” inirapan niya ito “ tiisin mo dahil bukas sayo na ako” nakangiti niyang sabi.
Muli niya itong dinampian ng halik. Saka nag mamadaling pumanhik ng hagdanan.
Gigil na gigil siyang hinubad ang kanyang sout sa isipin nasayang ang araw niyang hindi nakaganti kay Abner. Kinuha niya ang vial powder.
Nagpalakadlakad siya hanggang sa natapat siya sa bilog nasalamin. Humarap siya roon.
“ Hindi parin masasayang ang lahat dahil may na iwan pa. Si Abner ang nagpatulog sayo, sa kanya mo gagamitin yang hawak mo. Unti untiin mo si Marco yong mararamdaman niya ang sakit hanggang buto” bulong niya sa sarili.
Hindi mai-pagkaila ng mga mata niya habang tinitigan niya ito mula sa reflection nang salamin nandon ang sakit sa tuwing inisip niya ang paghiganti niya para sa binata basta basta nalang din lumilitaw ang kirot sa puso niya.
“ Wagmong kaawan” ang katagang laging siniksik sa isipan niya sa tuwing nakaramdam siya ng awa para rito.
Pabagsak siyang nahiga sa kanyang kama na hindi na niya nakuhang magbihis pa.






Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top