๐ฟ๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐ ๐๐ฆ POV
“Okay na okay dito sa school, parang langit!”
Natawa naman sina mama sa kabilang linya na tila nae-excite.
Napapatingin sakin ang mga sosyal na estudyante rito sa Santiago University pero wala akong pakialam sakanila. Basta ang saya saya ko!
“๐ป๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐?! ๐ต๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐!”
Napahagikhik ako sa sinabi ni Mama. Gustong-gusto talaga ni Mama na makapag aral ako rito kaya kahit di ko trip sa school na to nong una, ay nagtake pa rin ako ng scholarship exam.
Hindi ko naman pinagsisihan dahil nagustuhan ku na ngayon tong school na to.
“๐จ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐?! ๐ด๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐?” tanong ng kapatid kong si Lera.
“Oo day, ang dami talaga! Kaya galingan mong mag aral para balang araw makapasok ka din dito ha?” sabi ko habang panay ang kuha ko ng litrato gamit ang camera ko.
Mahilig talaga ako sa magagandang tanawin, sa totoo lang wala akong picture ng mukha ko sa camera ko, puro picture ng magagandang bagay na nakikita ko. Gusto ko kasing i-pursue ang fine arts at kung anong kinemerut na connected sa arts pero ayaw ni Papa kaya business ang kinuha ko.
Hindi naman kami naghihirap, sa totoo niyan may kaya kami sa buhay. May ari ng home furniture company ang papa ko pero kahit ganon, lagi kaming tinuturuan ni mama na mapagkumbaba at wag mang apak ng tao na mas mahina samin.
Patuloy lang ako sa pagkuha ng litrato nang matapos kaming magchikahan nina mama. Natigilan ako na may kumalabit sa aking braso.
“Lara,” sabi ni Ace at inabot sakin ang slingbag ko. Nanlaki ang mata ko at agad kong kinuha sakanya ang slingbag ko.
Sa sobrang tuwa ko sa paligid ay nawala na sa isip ko ang slingbag ko. Siguro ay nalaglag ko ito habang magkausap kami nina Mama.
“S-Salamat po, pasensya na sa abala,” nahihiyang sabi ko.
Sino ba naman ang hindi mahihiya? Ang gwapo niya masyado, siya ang first crush ko rito sa university na to.
Sa pagkakaalala ko Ace Carl Villegas ang buong pangalan niya. Grabe, natutunaw kasi ako pag tumitingin siya. Saka feeling ko hindi ko siya makakausap ng joke time kasi mukha siyang passionate sa pag-aaral.
“Ahm, Im Ace,” tila nahihiya ring sabi nito at napakamot sa kilay niya.
Naaamoy ko ang kanyang mabangong amoy dahil medyo napakalapit niya sakin, lalaking lalaki at ang sarap amuyin, kahit siguro buong maghapon ko siyang amuyin ay hindi ako magsasawa.
“Ahm, oo nga po, n-nagpakilala ka na nong nakaraang araw.”
Nakilala namin siya ng bagong kaibigan kong si Claire noong nakaraan pa, kaya nagtataka ako ngayon kung bakit nagpapakilala siya ulit.
“D*mn, why am I like this?” bulong niya na hindi ko naman narinig.
“A-Ano po?” tanong ko. Bakit ba ako po ng po sakanya? Napaghahalataan akong naiilang.
“Ahm, n-nothing,” sabi na lang niya.
Napakagat nalang ako sa labi ko at pinagpatuloy ang pagkuha ng mga litrato. Medyo naiilang talaga ako dahil ramdam kong sumusunod siya sakin.
Kung gusto niyang hingin ang number ko pwedeng pwede naman eh, ibibigay ko ng walang pag aalinlangan.
Joke!
“Do you know that taking pictures is against the school policy?”
Nanlaki ang mata ko at agad kong tinago ang camera ko. Hala, lagot ako!
Natigilan ako ng marinig kong bigla siyang tumawa at tinignan ko siya ng masama.
“Joke lang ba yun?”
Kainis to, hindi ko na nga siya crush!
1,2,3….. okay, crush ko na siya ulit. Ang gwapo niyang tumawa eh, nakakakilig.
Ayaw ko namang ipahalata na kinikilig ako kaya inismiran ko nalang siya.
Muli akong kumuha ng mga litrato habang nakasunod lang siya sakin. Ayaw kumalma ng sistema ko, kinikilig yata ang lahat lahat sakin.
“Ahm, wala ka bang klase Ace?” tanong ko sa kaniya. Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako nautal.
“Oo meron at dito ang daan,” sabi niya saka itinuro ang daang tinatahak namin.
Pakiramdam ko ay nag akyatan ang lahat ng dugo ko sa mukha. Akala ko trip niya lang akong sundan, dito rin pala ang daan papuntang klase niya. Nakakahiya!
“Ahm, hehe, goodluck sa klase mo. Fighting!” sabi ko at inangat ko pa ang kamao ko para lang matakpan ang pagkapahiya ko.
“T-Thank you, by the way, ahm…. do you want to have lunch with me later? I-If you dont mind,” tila nahihiyang sabi niya at napaiwas pa ng tingin sakin.
Napasinghap ako kasabay ng pag init ng pisngi ko. Sobrang cute niya, para siyang high school student na nagyayayang makipagdate sa crush niya.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilin ang pagtili ko, sa lahat ng gwapong nakita ko, siya lang yata ang cute rin.
Kalma Lara, wag mong ipahalata na kinikilig ka at gustong gusto mo siyang makasamang kumain ng lunch.
Napahawak ako sa baba ko na tila nag iisip. Pinatagal ko muna ng 5 seconds bago ako sumagot.
“Ahm, s-sige wala rin naman akong kasabay mag lunch eh.”
Kakausapin ko mamaya si Claire na hindi ako makakasabay sa kaniyang kumain.
“Ahm, m-magkita nalang tayo mamaya sa labas ng school. Dont worry, my treat,” sabi niya saka ngumiti sakin.
Grabe, may salamin siya at mukhang study-oriented na tao pero ang gwapo niya talaga at ang cute pa ng personality. Sa katunayan nga napapatingin sakanya ang mga estudyanteng napapadaan lalo na ang mga babae.
“S-Sige, bye Ace.”
Ngumiti siya ulit bago umalis at nagtungo sa klase niya.
Tuluyan akong napatili saka nagtatalon nang makaalis na siya. Sa sobrang kilig ko napapatingin na sakin yong ibang estudyante na para bang nababaliw na ako.
Wala akong pakialam sa kanila, basta ako kinikilig ako.
Todo na to!
๐ค๐ค๐ค๐ค๐ค๐ค๐ค๐ค๐ค๐ค
“GANUN ba? Sige, okay lang naman sakin saka may inuutos pa sakin si Sir Ulan kaya baka hindi rin ako makapaglunch sa tamang oras,” sabi ni Claire saka napakamot sa batok niya.
Nakaramdam naman ako ng awa kay Claire. Masyado na siyang inaapi ni Rain, bakit kaya ang init ng dugo ni Rain sakanya? Feeling ko talaga crush ni Rain si Claire eh.
Member ng BTS Group sina Rain at Ace, marami akong naririnig na mahirap kalabanin ang miyembro ng BTS Group dahil yong iba sa kabila ay masama raw ang ugali, pero hindi iyon ang nakikita ko kay Ace. Ni hindi ko ma imagine na nakikipagsuntukan man lang siya.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin habang naglalakad patungo sa gate ng school. Medyo mukha akong haggard, pero sana hindi siga ma turn off. Kinakabahan tuloy ako.
“Lara….” nakangiting bungad sakin ni Ace nang makita ko siya sa gate. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ko ang puso ko, kinakabahan ako na kinikilig.
“K-Kanina ka pa ba rito?” tanong ko dahil napansin kong may kaunting pawis siya sa noo, mainit din kasi.
“H-Hindi naman,” sabi niya saka tipid na ngumiti sakin.
Napatingin ako sa kotseng kulay abo malapit sa pwesto niya.
“Sayo ba yang kotseng yan?” sabi ko at itinuro ko ang kotse. Tila nahihiyang tumango naman si Ace saka napakamot sa batok niya, ang cute ng lahat ng kilos niya para sakin.
“Bakit hindi ka sumakay sa kotse mo para hindi ka nainitan dito sa labas?” tanong ko. Nahiya tuloy ako dahil mukhang kanina pa siya naghihintay rito, ayaw niya lang na makonsensya ako.
“W-Wala lang, so….. lets go?” tanong niya. Tipid na ngumiti ako at tumango. Hindi dapat ako nagpahalata na naexcite ako ng sobra.
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa kotse. Agad naman akong sumakay sa kotse niya. Napakagat labi ako dahil amoy na amoy ko ang mabangong amoy ni Ace sa kotse.
“W-Where do you want to eat?” tila nahihiyang tanong niya.
“Ahm, k-kahit saan, hindi naman ako mapili sa pagkain,” nakangiting sabi ko nalang. Totoo naman yun, kahit tuyo lang nga ang ulamin ko, masaya na ako, paborito ko kasi iyon.
“Are you sure?” paninigurado niya. Ngumiti nalang ako saka tumango.
Gaya ng inaasahan ko tahimik lang kami habang bumabiyahe. Panay ang tingin ko sa mga gusaling nadadaanan namin. Hindi ko rin kasi alam kung anong sasabihin, feeling ko kahit anong sabihin ko, awkward pa rin ang atmosphere.
“Anong course mo?” tanong niya. Napalingon ako sakanya, ang guwapo talaga niya kahit naka side view. Sana all matangos ang ilong.
“Business management beh,” sabi ko habang nakatitig sakanya.
Natigilan ako sa sinabi ko. Nakita ko ang adam’s apple niyang gumalaw dahil sa sinabi ko.
Gusto kong magwala at pukpukin ang ulo ko ng sampung beses. Nasanay na kasi akong tinatawag yung mga kaibigan kong ‘beh’ pati kapatid ko.
“D-Do you have a boyfriend or what?” nakakunot-noong tanong niya. Galit ba siya?
“W-Wala po akong boyfriend, nasanay lang talaga ako sa pagtawag ng ‘beh’ lalo na sa mga kaibigan ko.” paliwanag ko. Medyo kinabahan ako nang kumunot yung noo niya, para siyang galit na ewan.
Mukhang tigre kung magalit ang isang to. Pero okay lang, crush ko pa rin siya ng sobra.
“Thats good” sabi naman niya.
“B-Bakit naman po?”
Napailing ako, bakit ba ako nag po po sakanya? Para kasi siyang may awra na parang professor ganon, kaya nga hindi ako nagsasalita ng english words sakanya, baka magkamali ako sa pronounciation o kaya sa grammar. Baka maturn-off siya, feeling ko matatalinong...