MAKE THE GAY TURNS TO A GUY CHAPTER 1


Kate’s POV
So, ito ako ngayon nakatayo sa harapan ng mansyon. Alangan namang nakahiga, charot! Ang ganda saka ang laki. Mukhang bilyonaryo ang may-ari nito. Kaya siguro, ganun kalaki ang offer sakin. Oo,binigyan din ako ng malaking offer dahil pumayag ako.
Oo nga pala! Noong nakaraang araw, dba, hinatak ako ng anak ni Ma’am Leanne. Sinama nya ako. Pinasakay nya ako sa sasakyan ng walang dahilan. Tahimik lang ako ng biglang pinababa nya ko. Feeling ko, mamatay ako sa galit. Ang layo kaya ng pinunta namin. Aba’y yung juding na yun hinatak ako palabas ng kotse saka nya pinaandar ang sasakyan. Ang ending, nagsimula na kong gumapang este maglakad pauwi. Ang sama ng juding na yun! Wala pa naman akong pamasahe.
“Ma’am, this way po”. Sabi sakin nung driver na nagsundo sakin.
“Kate na lang po, huwag na pong ma’am, nagtatrabaho lang din po ako dito”. Sagot ko sa kanya, ano ba naman?! Parehas kaming nagtatrabaho kaya hindi kami talo.
“Yun po kasi ang utos ni Madam Leanne, kasi po…….” “O, Kate ! Andyan ka na pala…..come with me, hija!….. may pag-uusapan pa tayo tungkol sa misyon”.
Nakangiting bati ni Ma’am Leanne. Agad naman akong sumunod sa kanya. Pero nagtataka ako, kung ano yung sinasabi nung nagsundo sakin. Sayang! ‘ di na tapos yung sasabihin nya. Nandito na kami sa sala nila. Kaya pinaupo muna ako ni Ma’am Leanne dahil pababa na daw ang anak nya. Habang naghihintay kami sa anak ni Ma’am Leanne, hindi o maiwasan na tignan sya, paano ba naman? Nakangiti sya sakin. Kaya imbis na tignan ko sya, itinuon ko na lamang ang maganda kong mata, chos! Itinuon ko na lamang ang mata sa paligid. Maganda ang kabuuan ng mansyon nila….nakadagdag sa ganda yung mga mahahaling paintings na nanakadikit……malamang sa pader yun alangan naman sa sahig. Chos! Saka rin yung maganda at mamahaling gamit na nakapwesto. Benta ko kaya yun. Ano sa tingin nyo, readers? Hati-hati na lang tayo sa kita. Charot!
“Good morning, son”. Bati ni Ma’am Leanne sa bagong gising na anak pero hindi sya nito pinansin.
Agad naman syang napatingin sa gawi ko, nang makita nya ako, agad naman nya akong inirapan. Aba, ‘tong beki na’to, ke aga-aga nananaray. Iba din! Nagkita na kasi kami ng ilang beses na nga eh. Siguro destiny yun…… pinagtagpo pero hindi itinadhana....


Isang malaking NO! Pag naging kami, hindi dahil sa ayaw ko sa bakla….kundi ayaw kong magsama ang balat sa tinalupan. Baka sumabog ang ert ng dahil sa amin.
“By the way son, this is Kate . Pagpapakilala ni Ma’am Leanne sa akin.
“And Kate, this is Axel……. my son!”. Pagpapakilala rin ni Ma’am Leanne sa anak nya. So, Axel pala…..nice name….sa totoo lang, gwapo sya eh…perfect guy……’di mo expect na gay sya. Kahawig nya yung si ‘Cha Eun Woo’. Halos katulad nya….pati katawan, kuhang-kuha. Baka kapatid nya si Cha Eun Woo, chos!
“So, pag uusapan natin ang nalalapit nyong kasal”.
Ah, kasal……wait, WHAT?KASAL????!!!!!!KAMI???!!!!…… as in WEDDING!…
“PO?”.
“Yes,hija!. Ikakasal na kayo ni Axel next week. Hindi ko sinabi kasi alam kong hindi ka papayag. Bale, sinet-up ko na “.
“Pero ma’am,wala po sa usapan natin yun,sabi mo lang po,kailangan ko lang gawing lalaki ang anak nyo”. Mahabang lintaya ko sa kanya.
Agad akong napatingin kay Axel. Aba’t chill -chill lang ‘tong bakla na ‘to. Mukhang alam nya na ‘to..kaya hindi na sya nagulat.
” Don’t worry Kate, mawawalan naman din yun ng bisa. Kapag naging lalaki na ang anak ko ,pag gusto nya nang mag divorce kayo..then you’re free again.”
“O-ok po !”. Muli kong sinulyapan si Axel at nagtama ang mga mata namin..saka sya ngumisi sakin.. Aba’t sumusobra na ‘tong bakla na to ,ah !. Talagang nang -aasar sya.
“Basta Kate , next week na ang kasal nyo. Kaya get ready for that day!. Kaya simula ngayon, dito ka na titira. Sige, maiwan ko muna kayo ni Axel para magkakilala na kayo”. Agad na umalis si ma’am Leanne at kaming dalawa na lang ni Axel. Sinundan ko lang ng tingin yung dinaanan ni ma’am Leanne ng biglang magsalita yung vaklush na ‘to.
“Welcome to the hell, woman.” Agad naman akong napatingin sa kanya,dahil ‘di ko nagets yung sinabi nya.
“Tss, slow!”. Aba’t malay ko sa sinasabi nya..matanong na nga lang.
“Bakit?!. Ano bang meron dito ?!”. Tanong ko sa kanya.
“You didn’t know my mom. Kala mo ba alam mo ang pinasok mo. Once, na nakapasok ka dito, mahirap ng lumabas. Kahit sa’n kapa magtago, mahahanap ka parin nya. So, good luck,woman. By the way, I’m not totally gay, if you don’t mind!”. Saka sya umalis. Ang hilig naman nilang mang-iwan.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top