Unwanted love Kabanata 5


Unwanted love
Kabanata 5
Matapos ang klase ay ayoko pa sana umuwi pero sina Naomi at Ella ay mag aaya na dahil inaantok na daw sila sa pagod dahil sa pag tratrabaho sa plantation kanina.
“Hindi pumasok si Henzo ngayon himala iyon hihiramin ko sa book niya.” Ani Naomi.
“Nakita ko iyon kanina sa Plantation tinanong pa nga niya sa akin kung bakit hindi ka namin kasama Hope.” Saad ni Ella habang inaayos ang mga notebook sa table.
Patuloy ang pag kukuwentuhan namin habang nag lalakad sa hallway pababa ng hagdan, lutang parin ako kung uuwi ba ako o hindi dahil tiyak sobrang daming tao ngayon sa Mansion hindi rito ako makakadaan sa likod dahil tiyak pati duon ay mayroon rin.
“Gwapo ni Henzo no!? Transfer lang iyon ngayon taon rito Civil engineer ang kurso nun ang gwapo mukhang anak mayaman.” Saad ni Ella.
“Kung anak mayaman yun bakit nakita ko nag hahakot ng palm oil dun sa mga Guevara?” Wala sa sariling tanong ni Naomi kay Ella.
“Sabi ko lang naman “mukhang” masyado kang seryoso jan Naomi.” Segunda nito.
“Talaga bang uuwi na kayo?” Singit ko sa pag tatalo nila.
“Aba’y malamang Hope sobrang sakit ng likod ko o ihatid ka na namin pauwi di ba lagpas pang plantation ang bahay niyo mahirap kumuha ng masasakyan gabi na double babayaran mo.” Saad ni Naomi kita sa mata nito ang pag alala.
“Hindi ayos lang nilakakad ko ang kalahati nun para makatipid sa bayad.” Pag sisinungaling ko.
“Oo nga pala madadaanan mo ang malaking mansion na Guevara pauwi ngayon nga pala Engagement party ng nakakantandang anak ng Guevara!” Mangha na singit ni Ella.
Nag taka lang ako kung bakit alam nila ang party na iyon samantalang ako itong nasa bahay at walang kaalam alam.
“Sarap siguro maging mayaman lalo pa ikakasal ka sa isang Khairo Fuentes na iyon minsan lang iyon ilabas sa t.v o sa mga online news ang mukha nun pero sobrang gandang lalaki.” Saad ni Naomi.
“Hindi rin may mayayamang hindi masaya sa buhay may mahirap naman na masaya sa buhay.” Saad ko sa kanilang dalawa at napatingin sa akin.
Totoo naman yun meron na ako lahat pero para sa akin ay may kulang pa madami pang kulang wala sa mga mamahaling bagay. Kung ganito kasaya ang pagiging mayaman o may kaya sa buhay parang ayoko mang maging mayaman na lang.
“Ikaw Hope, kinis kinis mo oh maganda ka rin sigurado ka bang anak mahirap ka lang?” Natatawang pag bibiro sa akin ni Ellla.
“Malay mo maganda ang lahi ni Hope, kung anak mayaman yan bakit nasa public yan?” Segunda ni Naomi at nag tawanan ang dalawa.
“Mga baliw tara na mahirap kumuha ng sasakyan mauubusan na naman tayo.” Pag iiba ko nang usapan.
Nang makauwi ako ay kaagad ako nag text kay Yaya Conny upang siya ang umalalay sa akin pa pasok ng loob dahil delikado kung papasok ako agad agad dahil baka may masalubong ako na kung sino.
Nguni’t 30 minutes na ako nakatayo at nag hihintay ay wala pa rin si Yaya Conny kaya nag pasya ako na ako na lang mismo ang pumasok mag iingat naman...


ako kaya ayos lang.
Rinig ko ang ingay mula sa harap siguro ay madaming invited sa Engagement party pati na rin siguro ang mga Governador ng bayan at kung sino sino pa mga mahahalagang tao rito dahil marami kilala at connection ang Daddy isama pa ang mga Fuentes.
Maingat ako hinahabay ang daan patungo Door exit sa likod para makapasok sa loob pero laking gulat ko nang masalubong ko si Henzo sa daan nakaupo ito sa isang upuan malapit sa maple tree tahimik itong nakatulala.
Nag tama ang tingin namin dalawa ibang iba ang pananamit nito kaysa sa natural kong nakikita naka tuxedo ito at ang buhok ay maayos tila isang anak ng mayaman na inimbita sa party na ito.
“Is that you hope?” Pag aninag nito sa akin at isinuot ang salamin niya galing mula sa bulsa.
“H-henzo.. h-hindi ka pumasok kanina?” Nauutal na tanong ko sa kanya dahil ngayon pa lang ay kinakabahan na ako.
“Yes, i was invited to this Engagement party, ikaw anong ginagawa mo rito?” Tanong nito sa akin.
“A-ano kase…. Invited rin ako rito!” Pag sisinungaling ko pero ang mata nito ay puno ng pag dududa.
Natawa ito sa akin sa hindi ko alam na dahilan, hindi ko tuloy alam kung tatawa ako o ngingisihan lang siya dahil pakiramdam ko ay alam niyang mag sisinungaling ako.
“I am Renzo Vicente, I am the son of our governor Pablo Vincente, sapat na siguro iyan para mag sabi ka ng totoo Hope.” Nakangiti ito na nakatingin sa akin.
I don’t know if I should trust him but I have no reason to lie anymore because he seems to know that I’m a Guevara.
“Alam mo na siguro na anak ako ng isang Guevara sana ay hindi na ito makarating pa sa labas dahil alam ng tao na dalawa lang ang anak.” Saad ko at mag patuloy mag lakad upang lagpasan siya at pumasok sa exit.
Nagulat ako ng hawakan nito ang braso ko kaya pahinto ako at napatingin sa kanya kita ko ang magandang hubog na panga nito mahahabang talukap ng mata at makakapal na kilay walang duda na anak ito ni Governor Vicente pero bakit siya nag sinungaling?
“Masyado pang madaming tao sa loob, maupo ka muna rito.” Saad nito sa akin. Wala akong naging choice at naupo lang muna upang hintayin matapos ang Party.
“Why do you prefer to study in public? Hindi ba dapat ay kasama mo ang mga Ate mo?” Tanong nito sa akin. Medyo madilim ang paligid dahil sa medyo sulok kami naupo upang walang makakita sa akin tangin sinag lang ng malakas na buwan ang mag bibigay tanglaw sa buong paligid.
“Ikaw rin naman kung anak ka ng Governador bakit nasa public ka?” Pabalik na tanong ko sa kanya.
Kita ko ang pag angat ng balikat nito dala ng pag tawa lalo siyang gumagwapo dahil sa pag tawa ang medyo singkit niyang mata ay nawawala.
“I’m dating your sister Hanie but I’m surprised that she will marry a Fuentes, almost 3 years at eto ako invited pa.” Napangisi lang ito ng mapakla kita ko sa mga mata niya sa sakit at disappointment.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top