VANESSA CHAPTER 21


—————
Ng hihina na si Vanessa dahil sa higpit ng pagkakasakal sa kaniya.ni Martin, Pilit niyang inaabot ang kutsilyo pero hindi nita talaga ito maabot.
“Mukhang ito na ang huling oras mo ! HAHAHA” ani sa kaniya ni Martin at Tumawa nagawa pang itaas ni Vanessa ang Kamay kahit ng Hihina na siya at nag Dirty Finger at ngumisi kahit na nahihirapan na siyang huminga. Kaya mas lalong nagalit ang Mukha ni Martin. At mas lalong Hinigpitan ang Pagsakal kaya Vanessa.
itinaas ni Vanessa ang kaniyang Balakang para bumuwelo ng Lakas. At kasunod ng Pag Taas ng Dalawang Paa niya para abutin ang Ulo ni Martin. Hindi naman siya nabigo. Nagawa niyang abutin ang ulo ni Martin gamit ang paa niya at binaliktad ito. Kaya nabitawan siya nito pero mabilis rin naman bumangon ang lalake
Samantala
Hingal na hingal si Vanessa habang pilit na tumatayo ,hindi paman siya tuluyang naka Tayo ay mabilis naman siya sinuntok ni Martin sa mukha dahilan ng pag bagsak ni Vanessa sa Sahig na malapit sa Kutsilyo , hilong hilo na si Vanessa at dumudugo narin ang kaniyang ilong
Pumaibabaw sa kaniya si Martin at sinakal ulit
Agad naman nahawakan ni Vanessa ang Kutsilyo at Sinaksak sa Tagiliran si Martin. Kaya nabitawan siya ulit into
“BUWISIT KA TALAGANG BABABE KA !” ani ng Lalake habang naka hawak sa kaniyang Tagiliran na may Saksak.
PEEP*
PEEP*
PEEP*
PEEP*
malakas na Busina galing sa Labas kaya nabuhayan ng Loob si Vanessa. Pag lingon niya sa pwesto ng lalake ay wala na ito.
SEBASTIAN POV —
Kanina Pa Bumubusina ang Driver ko walang bumubukas ng Gate, ginabi na ako sa pag uwi dahil sa Urgent meeting.
Bumaba ang Limang tauhan ko para mag Doorbell. Pero wala parin nag bubukas ng Gate
“Nasaan ba ang mga bantay sa labas bakit walang kahit ni isa” ani ko.
“Baka kumakain sir” sagot ng Driver.
Kinuha ko ang susi ng Gate at binigay ko sa Tauhan ko , kanina Pa ako naiinip nakakaramdam narin ako ng kaba.
Pag bukas ng Gate….
“SIR PINASOK TAYOOOO! ” malakas na sigaw ng tauhan ko na nag bukas ng Gate . Kaya mabilis akong bumaba ng Kotse at tumakbo papunta sa kanila , ganun na lamang pag igting ng panga ko sa Nakita. Ang Apat na bantay ay naka Handusay sa Sahig sa Likod ng Gate . Mabilis naging tibok ng puso ko dahil sa kaba para sa babaeng Mahal ko.
“shit Wife”
mabilis ako tumakbo papasok ,naka sunod ang mga tauhan ko na may kaniya kaniyang hawak na baril. Kinuha ko ang baril ng isa kong tauhan dahil dalawa ang hawak nitong Baril.
Pag pasok namin kitang kita ang bakas ng sapatos sa puting Tiles
” Jason tumawag ka nf Back-up” sigaw ko sa kanang kamay ko.
Ilang beses na akong Napapamura sa aking isipan dahil diko mapapatawad sarili ko pag may ng yare kaya Wife.
Pinuntahan namin ang Sala, kusina, Wala kaming nakita. Kaya umakyat kami sa Taas. At duon ko nakita si Vanessa na Pilit na tumatayo. Mabilis ko itong nilapitan
“Wife”
“Ma-mahal habulin niyo siya hindi Pa siya nakaka labas at nakaka layo habulin niyo si Martin. ” nahihirapan niyang salita
Mabilis naman umalis sa likod ko ang mga tauhan ko para sundin ang utos ni Vanessa.
Sobrang Galit nararamdaman ko papatayin ko talaga ang lalaking yun sa Ginawa niya sa vanessa ko.
“Mahal kaya ko sarili ko. Please hulihin nio siya hindi siya pweding maka takas ako mismo mag papahirap sa kniya at para mapakulong narin si Margarita. Siya ang susi natin para mapakulong mag ina” mahabang litanya niya na kina pikit ko. Ayaw ko talaga siyang iwanan kaso pag diko sinunod gusto niya ako naman malalagot kaya hinalikan ko siya sa nuo bago tumayo.
“Dito kalang ha wife hintayin mo ako ” pakiusap ko na kina tango niya.

VANESSA POV-
Sobrang hinang hina na ako pero kailangan ko mahuli ang pesteng lalaking yun. ililibing ko talaga yun ng buhay aaaargh!
Mabilis naka alis si Seb sa harapan. Kaya kumilos narin ako kahit nahihirapan na ako. Kinuha ko ang baril ko sa pinag lagyan ko at agad na sumunod sa kanila.
THIRD PERSON POV –
hindi alam ni Martin kung saan Pa siya mag tatago. Kanina pag takbo niya pababa ay naka salubong niya ang mga tauhan ni sebastian kaya napa...


balik siya at napa takbo papunta sa taas. Ngayon wala na siyang mapag tataguhan dahil nasa Rooftop na siya.
“OHH PANO BAYAN NAABUTAN KANA NAMIN , WALA KA NG MAGAGAWA ,WALA KA NARIN MATATAKASAN, WAG KANA MANLABAN ,KUNDI SUMUKO KA NALANG KUNG MAHAL MOPA ANG BUHAY MO ” ani ni Sebastian sa lalaking nangangatog sa Takot.
“Hi-hinde hinde niyo ako papasuko at hindi rin ako mag papahuli sa – ”
BANG *
hindi na natapos ni Martin ang sasabihin dahil binaril siya kaagad ni Vanessa sa Tuhod.
*AAAAAARGH! BUWISIT KANG BABAE KA AHHHH! ” galit at daing ni Martin lang naririnig sa buong paligid.
” SUSUKO KABA O UUBUSIN KO ANG BALA NG BARIL KO SAYO !” Ani ni Vanessa.
Nilingun naman ni Sebastian si Vanessa. ibang iba talaga ang babaeng mahal niya halos dina niya makilala pag nagagalit ito
“PATAYIN NIYO NALANG AKO DAHIL HINDI NIYO AKO MAPAPASUKO ! ” sigaw ni Martin habang namimilipit sa sakit.
Marami naring dugo ang nawawala sa kaniya dahil sa pagsaksak sa kaniya ni Vanessa ngayon pag baril naman sa paa niya.
BANG *
isang putok ng baril nanaman ang pinakawalan ni Vanessa sa Balikat ni Martin
“Sinasagad mo talaga akong gurilya ka !” Sigaw ni Vanessa
Babarilin sana ni Vanessa ang kabilang tuhod ni Martin pero mabilis itong tumalikod at tumalon .
“Ahhhhhhhhhhh!!!” Huling sigaw ni martin ang narinig nila.
Lumapit sila sa Gilid ng Rooftop at tinignan ang pinag bagsakan ni Martin.
Lumaki ang mata ni Vanessa maging ang mga tauhan ni Sebastian dahil nasa taas sila kaya kitang kita nila . Ang pag ahon ni Croki sa tubig, ang pinaka malaking buwaya na alaga ni Sebastian. Samantala napa ngiti si Seb sa nakita dahil mabubusog nanaman ang alaga niya.
Nakita ni Vanessa na gumalaw ang kamay ni Martin kaya senyalis na buhay Pa ito. Kaya kahit ng hihina mabilis siyang bumaba dahil kailangan niyang makuha si Martin, dahil kakailanganin niya ito para mapakulong si margarita.
Mabilis nilagay ni Vani ang kaniyang Kamay sa Monitor ng Pinto na bakal kung saan Fingerprint lang nila ni Sebastian ang password.
Pag bukas ng bakal ng Pinto mabilis siyang pumasok. Nakita na niyang hinihila ni Croki ang paa ni Martin habang ang lalake dumadaing parin.
Mabilis na lumapit si Vanessa para tulungan ang lalake at kinuha ang kamay ni Martin para hilain ito.
Ngunit sadyang masama si martin dahil mas hinila niya si Vanessa kaya nahulog sa Tubig si Vanessa
Dahil sa ginawa ni Martin kay vanessa. Kinagat ni Croki ang dalawang binti ni Martin kaya naputol ang mga ito. Napaka lakas na sigaw naman si Martin dahil sa pagka putol ng paa niya.
“AHHHHHHHHHHH!!! ” sigaw ng lalake
Mabilis naman naka pasok sila Sebastian pati narin ang mga tauhan niya . Hinanap ng mata niya si Vanessa. Ganun nalamang pag laki ng mata ni Seb dahil nakita niyang takot na takot si Vanessa sa Limang Buwaya na papalapit sa kaniya.
Mabilis pumito si Sebastian kaya nakuha niya ang atensyon ng mga alaga. Tinaas ni Seb ang kamay at pina iling ang hintuturong daliri sabay pito ng isang beses . Kaya naman bumalik umilalim agad sa tubig ang limang Buwaya.
Mabilis iniahon ni Seb si Vanessa sa tubig at niyakap ito ng sobrang higpit. Ramdam niya ang takot sa katawan ni vanessa dahil sa sobrang panginginig.
Samantala si Croki ay naka tuon lang ang ulo kay seb para bang nag hihintay ng permiso. Kaya nilingun ni Seb ang ulo sa Dumadaing na lalake halos wala na itong dugo. Kalahati narin ang katawan . Humiwalay muna si seb kay Vanessa para lapitan ang alaga. At hinimas ang ulo ng Buwaya sabay sabing
“Mag pakabusog ka old brother ” nakita niyang kumurap ang mata ng alaga kaya napangiti siya dahil naiintindihan siya nito.
38 years na si Croki samantalang 27 palang si Sebastian
Dating alaga ni Mr Saimon Sandoval si croki bata palang si Sebastian palagi na siya nilalaro ng Daddy niya kasama si Croki , sinanay siya ng daddy niya para mapa mahal at mapa amo niya ang Alagang Buwaya.
Binalikan niya si vanessa na naka tingin lang sa kanila. Kaya ngumiti siya dito. Muli siyang pumito ng dalawang beses kaya nag silabasan ang mga ulo ng Pitong Buwaya at tinuro ang gawi ni Martin na naka pikit na habang dahan dahan hinihila ni croki.
//upnext chapter 22. “She’s pregnant ”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top