The_lost_daughter Chapter_19


Nagising na lamang si Christian na wala sa tabi niya si chuchay.
Kaya agad siyang bumangon para tingnan kung nasan si chuchay.
Baka nagutom yun,bulong nito sa sarili habang papunta nang kusina,ngunit wala ito.
Kinatok niya na lang si manang flor para tanungin kung sa kanila ba natulog si chuchay.
Manang andiyan ba si chuchay,bungad nito nang makitang binuksan na ni manang flor ang pinto.
Wala po sir diba sa room niyo natulog si chuchay.
Oo pero nagising ako na wala siya sa tabi ko.
Tiningnan ko na rin sa kusina baka nagutom,pero wala doon.
Sa hardin sir baka andoon,agad na sabi ni manang flor.
Agad naman tumungo si christian sa hardin pero wala din si chuchay.
Nang biglang may nambato sa kanya ng balat nang mangga.
Tumingin siya sa taas nang mangga,napaatras siya sa gulat.
Chuchay bumaba ka diyan baka mahulog ka,agad niyang sigaw.
Dito lang muna ako Pa!
Sarap pa kasi kumain nang mangga.
Edi dito ka sa baba kumain nang mangga,tyaka gabi na ngayon chuchay.
Madilim diyan sa puno baka madulas ka.
Bumaba na nga ako at bumalik na sa kwarto.
Pagkahiga namin ay niyakap niya ako.
May kasalanan ka sakin ginising mo ko ngayon nang madaling araw,kaya may ganti ako sayo.
Ano naman yun,agad kung tanung.
Mabilis niya akong hinalikan sa labi ko,kahit di pa ko tapos magsalita.
Hanggang sa kung saan na napunta ang kanyang mga palad.
Maya maya ay umibabaw nrin sakin si Christian,at hinubad ang kanyang suot.
Dahan dahan niya rin hinubad ang suot ko,at naramdaman ko naman ang kagat nang malaking alaga ni Christian.
Nasa kusina kami nila manang flor at ate inday nang biglang may bumulaga na,may edad na babae.
Ma’am Calixta agad na tawag ni manang flor nang makilala niya ang babae.
Nasan si christian agad nitong tanung.
Ah nasa kwarto niya po ata maam.
Ma’am calixta,si chuchay nga po pala.
Chuchay siya si ma’am calixta mommy ni sir christian,pakilala ni manang flor sakin.
Hello po ma’am.
Tumingin ito sakin pababa hanggang pataas,
At tumitig sa tiyan ko na bakat na ang baby.
Dahil mag anim na buwan na ito.
So..Ikaw yung nabuntis nang anak ko!?
Wag kang mag alala kahit nabuntis ka nang anak ko.
Kahit sa panaginip hindi mo magiging asawa anak ko,sabi nito at agad na umalis.
Mommy,sigaw ni christian habang pababa nang hagdan.
Dito kana pala,ba’t di ka nagsabi para masundo sana kita.
Para ma surprise ka kaya di ako nagsabi.
Ah,mommy si chuchay pala magiging ina nang anak ko soon.
Kilala ko na siya,mabilis na sabat nito.
Let’s talk in your room.
Ok mom..
Ate inday pakidala nalang,yung bag ni mommy sa room niya,sigaw ni christian habang paakyat nang hagdan.
Ako naman ay naiwang tulala sa sinabi nang mommy ni sir christian.
Pano kami sasaya kung ayaw sakin nang mommy ni christian.
Kalahating oras lang lumipas nang marinig na nmin sa labas na nagsisigaw na ang mommy ni sir christian.
Manang manang sigaw nito..
Yes ma’am,mabilis naman tumakbo si manang flor papalapit sa kanya.
Nasan ang maleta ko,inis na tanung sa kanya.
Nasa kwarto niyo na po ma’am nakalagay.
Mabilis naman pumunta ang mommy ni sir christian para kunin ang maleta.
Mom tawag ni christian,habang patakbong bumaba nang hagdan.
Wag na wag mo kong tatawaging mommy kung ayaw mo sundin ang gusto ko.
Mom..di mo kailangan umalis!
Wala akong lugar sa bahay mong to,sabi nito at mabilis na umalis.
Lumapit naman sakin si christian,at niyakap ako.
Chuchay mahal na mahal kita,bulong nito sa tenga ko.
Na nagpalungkot sakin,hindi kaya nag away sila ng mommy niya dahil sakin..
Dumiretso naman si calixta sa coffee shop kung saan magkikita sila ni madam mariel.
Ano napapayag mo na ba si christian,agad na tanung ni madam mariel.
Hindi pa wag kang mag alala,mapapayag...


ko rin si christian na pakasalan si syra ngiti nitong sabi.
Isang linggo na hindi kumuntak ang mommy ni Christian kaya naisipan niya itong puntahan na lang sa hotel kung saan ito tumuloy.
Oh bakit nandito ka,bungad na tanung nang mommy niya pagbukas nang pinto.
Diba sabi ko sayo na wag na wag mo ko pupuntahan kung di ka papayag sa gusto ko.
Mom,si chuchay ang mahal ko hindi si syra at magkaka anak na kami ni chuchay.
Minahal mo noon si syra,matutunan mo rin siyang mahalin ulit pag mawala na ang babaeng yan sayo,galit nitong sabi.
Mommy gusto mo ba bigyan ang anak ko na broken family.
Hindi lalaking broken family ang anak mo,kung kayong dalawa ni syra ang tatayong magulang..
Shut uppp mom,naririnig niyo ba ang sinasabi mo.
Si chuchay ang ina nang magiging anak ko hindi si syra.
Kaya sa ayaw at gusto niyo pakakasalan ko si chuchay.
Aalis nku nasabi ko na sayo ang gusto kung sabihin,mahinang sabi ni christian habang naglalakad patungo sa pinto.
Nang sumigaw pa ang mommy niya..
Sige pag itutuloy mo pakasalan ang babaeng yun.
Sabay sa kasal mo ang burol ko.
Pero di nya yun pinansin ang sinabi nang mommy niya at tinuloy tuloy ang lakad niya..
Habang nagmamaneho siya,ay agad niya tinawagan ang kaibigan niyang doktor na si ethan.
Bro,may kilala kabang pwedeng magkasal samin ni chuchay bukas,bungad na tanung ni christian pagkasagot ni ethan.
Bukas agad,agad pagtataka naman nang kaibigang doktor.
Oo kahit sa huwes lang muna saka na yung simbahan,gusto ko lang na makasal na kami agad ni chuchay.
Ok,ok may uncle akong mayor sabihin ko sa kanya ememesage na lang kita kung ok bukas.
Ok thank you bro.
Pagkatapos makausap ni christian si ethan ay pumasok muna ito nang mall.
Bibilhan ko si chuchay nang maisusuot niya bukas..
Pumasok siya sa mga dress,kita niya mga ng gagandahang dress..
Ang totoo lahat nang dress na ito pag isuot nang babaeng mahal ko na si chuchay bagay lahat sa kanya napapangiti na lamang siya sa kanyang naisip..
Miss gusto ko sana ung white dress na medyo maluwag,buntis na kasi ang asawa ko.
Pwede mo ko tulungan maghanap,sabi ni christian sa isang sales lady..
Maya maya ay may bitbit na nga ang sales lady na napakagandang white dress.
Tamang tama to na isuot ni chuchay bukas.
Pagkatapos niyang bayaran ang white dress na napili ay umuwi na rin ito..
Maagang maaga gumising si christian,niyakap niya agad ang babaeng mahal niya na napakaamo nang mukha na tulog,at hinalikan nya ito sa labi.
Agad naman nagising si chuchay..
Mag almusal na tayo ngit,agad na sabi ni christian.
Dahil mamaya ay ikakasal na tayo,bulong niya lang ito sa sarili gusto niya isuprise si chuchay.
Buti na lang napapayag ni dok ethan ang uncle niya..
Pagkatapos nilang mag almusal ay sabay silang nag shower.
Si christian pa ang naghanda na pang loob na susuotin ko.
Charrannn,sabi ni christian nang ipakita sakin ang dress.
Ang ganda para sakin ba yan,agad kung tanung..
Oo syempre para sayo,sabay halik sa labi ko.
Nakaramdam naman ako nang sobrang tuwa at niyakap siya nang mahigpit.
Tama na,tama na agad nitong sabi nang makaramdam na sobrang higpit na nang yakap nang babaeng mahal niya.
Baka malate tayo sa pupuntahan natin..
Bakit saan ba tayo pupunta agad kung tanung.
Basta malalaman mo mamaya..
Pagkatapos nilang magbihis,ay agad na sila bumaba.
Kita naman nila manang flor at ate inday si chuchay na sobrang ganda sa suot na puting dress.
Ay china oil nalang talaga ako,kahit buntis na ang hot mo parin chuchay,ngiting sabi ni ate inday..
Pinagbuksan nku nang pinto ni christian nang sasakyan,nang may tumawag pa sa phone niya.
Bro,ung mommy mo nandito ngayon sa ospital nasa emergency room pa siya,sabi ni ethan sa kanya..
Itutuloy…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top