WE LOST OUR FIRE
Written By: Hxnnxhssi
-Kimberlynn-
HAHAWAKAN ko pa lang ang handle ng pinto ng kotse nang hinawak ni Nolie ang kamay ko para hindi makalabas.
Seryoso kong tinignan ang kamay ni Nolie na nakahawak sa kamay ko.
Ano bang sa tingin n’ya ang ginagawa n’ya.
“P’wede ba tayong mag-usap?” seryosong tanong ni Nolie.
Walang gana kong nilipat ang tingin ko kay Nolie; marahan kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak n’ya sa akin, at wala akong imik na lumabas sa loob ng kotse n’ya. Ito na ang huling pagsakay ko sa sasakyan n’ya at sana ay ito na rin ang huli naming pagkikita na dalawa. Magsisimula akong maglakad paalis, pero bigla s’yang bumaba rin sa kotse at hinarangan ang daan ko dahilan para mapahinto ako.
Hahawakan n’ya ako, pero agad akong umatras palayo sa kan’ya.Tumalikod ako sa kan’ya para sa kabilang way ako maglakad.
“Kim, please pakinggan mo muna ako,” pigil ni Nolie sa akin.
Bigla s’yang sumulpot sa harapan ko. Pinikit ko ang mata ko dahil sa nagsisimula ng uminit ang ulo ko sa lalaking kaharap ko ngayon.
Walang gana kong tinignan sa mata si Nolie.
“Tapos na tayong mag-usap kanina, kung ano ang sinabi ko, iyon na iyon; kung hindi ka satisfied sa akin, I let you go… I’ll set you free,” walang gana kong paliwanag kay Nolie na nagpipigil ng emosyon ko.
Hindi ko kailangan ng paliwanag dahil lahat iyon ay nonesense sa akin, hindi ako tatanggap ng paligoyligoy lalo’t na nakita ko naman ang lahat, at alam kong gago s’ya.
“Hayaan mo muna akong magsalita,” pangungulit ni Nolie sa akin.
Hinawakan n’ya ang kamay ko, at hinayaan ko s’ya.
“Kung hindi mo ako kilala, I won’t accept excuses, stupid explanations,” malamig kong sagot kay Nolie.
“Hindi ko alam ang nangyari—”
Bigla akong natawa at hinila ang kamay ko mula sa kan’ya. Isang parang nakakalokong tingin ang binigay ko kay Nolie.
“Hindi mo alam dahil?” tanong ko kay Nolie.
Tumaas ang kilay ko sa kan’ya bago ko sabihin ang salitang, “Dahil lasing ka?” tanong ko sa kan’ya.
Pinilit kong maging...