BET WITH A RUTHLESS BUSINESS MAN Chapter 6


BET WITH A RUTHLESS BUSINESS MAN
Chapter 6
Nang makarating sa tapat ng Jollibee ay nauna na akong lumabas para mapagbuksan ng pinto ang mga bata. Ibinaba ko muna si Ayi at bubuksan pa Lang sana Ang pinto sa ikalawang hilera ng makitang inalalayan na ni Rix Ang mga bata pababa.
Sabay sabay kaming pumasok at naupo sa isang mahabang lamesa sa gitnang bahagi.
“Ano Ang gusto ninyong kainin?” Pagbaling ko sa mga bata.
Sabay sabay din sialng sumagot,”Chicken po ate!
Tumango ako bago binalingan si Rix na ngayo’y nasa Bata Ang mga mata.
“K-KJ? Ikaw?” Hindi pa rin pala talaga ako sanay roon.
“Chicken and palabok.” Sagot n’ya sa mga tanong ko, tumango ako at nagpunta na sa counter upang umorder. Bumili na rin ako ng kiddy meal para may makuhang laruan Ang mga bata at may meryeda Sila mamaya, dinagdagan ko pa ang chicken nila ng ice cream. All of my expenses are from my bank account, inipon ko iyon sa mga allowance na binibigay nila mama rati. Hindi s’ya ganoon kalaki pero sapat na para maitreat ko Ang mga bata ng pagkain. I wish I can have my own job so that I can help a lot people more.
Nang matapos Ang order ay tumabi na ako kay Ayi, s’ya Ang nasa gitnang upuan, sa kanila ay si Kenrix. Sa magkanilang kabisera naman ay Sila Martin at Miami, samantalang ang nasa katapat namin ay Sina Kyle, Maria, Michael at Clare.
“May gusto pa ba kayong puntahan?” Nagulat ako sa tanong na iyon ni Rix sa mga bata. I thought we’re going somewhere?
“Placha Kuya J” sabi ni Ayi. Nagngingiting tumango si Rix sa kanila. Kumunot naman ang nuo ko sa kan’ya at nang Makita Ang itsura ko ay nagtaas din s’ya ng kilay sa akin.
“I thought will go somewhere?” Mahina tanong ko upang hindi marinig ng mga bata. Natigilan s’ya at sandaling nagisip.
“W-We can still h-have the flight.” Aniya, nagdadalawang isip sa isinagot sa akin. Hindi ko na ito pinansin pa dahil dumating na rin naman ang aming mga pagkain.
Nang matapos kainin Ang aming early lunch at nakaupo na sa sasakyan upang magpuntang plaza ay may tumawag Kay Rix. Kanina pa s’ya lagging may kausap sa telepono.
“Okay. Saan available?”
“Uh-huh”
“Will be there”
“Secure it”
Rinig kong mga isinasagot n’ya sa mga bata. Nang maibaba Ang tawag ay tumingin s’ya sa akin.
“Hindi Tayo p’wede sa plaza na malapit, doon tayo sa kabilang bayan pa.” Sabi n’ya. Kung ganoon ay Anong Oras na kami makakauwi?!
“Why?” Natagalan pa s’ya bago ako sagutin.
“Media.” Maikling sagot n’ya sa akin, tumango ako. Siguro’y may gusto na namang makakalap ng Balita tungkol sa pamilyang nabankrupt. Hindi ba Sila nagsasawa sa ganoon? Well, it’s their job.
Kalahating Oras Ang byahe namin roon, habang nasa loob ng sasakyan ay binuksan na ng mga bata Ang mga Kani kanilang mga laruan. Ang mga pagkain ay itinabi na muna nila pagkat Sila ay busog pa raw.
“How about the flight Rix?” Tanong ko sa kan’ya. Alangan namang walang schedule Ang kasal namin at agad na lang kami pupunta roon?! For sure schedule namin bukas o sa susunod na araw kaya kaylangan ay naroon na kami sa L.A! Bakit ba nagaalala pa ako sa parteng ito gayong hahantung lang din naman kami sa hiwalayan dahil tingin ko naman ay kahit kaylan hindi s’ya mahuhulog sa akin.
“We’ll make it.” Hindi na ako nagbahalang sundan pa Ang tanong ko, bahala siya riyan kung hindi kami makaabot!
Tulad ng gusto n’ya ay nagpunta pa kami sa plaza para makapagsaya Ang mga bata. Alas dos na ng hapon ng kami ay tumulak pauwi sa bahay. Mukhang mag r-rush ata ako sa pageempake.
“Just pack few things. 5 pairs is enough.” Sabi n’ya sa akin ng nasa tapat na ako ng pinto sa aking kuwarto, tumango ako at binuksan na ito upang makapasok.
Kinuha ko Ang hand carry ko at doon na inilagay Ang mga damit at sapatos.
Alas tres I medja na ng natapos akong mag ayos ng aking mga gamit. Not bad, madali lang naman s’ya iayos pagkat Lima lang Ang kaylangan ko.
Lumabas na ako...


at naabutan sa baba si Kenrix, tapos na rin ata s’yang maghanda.
“Aalis na ba tayo?” Tanong ko na tinanguan n’ya. Lumapit s’ya sa akin at kinuha Ang dala dala Kong hand carry s’ya ang nagdala ng mga bagahe namin Hanggang sa sasakyan.
“Have a safe trip Hija, Enjoy your trip.” Sabi ni mama at yinakap ako bago ako pumasok sa sasakyan ni Kenrix. Ang alam nila ay magbabakasyon lang kami sa Los Angeles, they didn’t know na magpapakasal na kami roon para may divorce. Hayst!
Sa likod ako pinasakay ni Kenrix. Nang makapasok ay Nakita kong ibang lalaki ang nasa driver seat. Pumasok naman si Kenrix sa tabi ko.
Nagulat ako ng Kilala ako ng driver.
“Ms. Crisostomo, why don’t you sit here beside me?” Panunuya nitong sabi ako. Nagtaas ako ng kilay.
“Who are you?” Tanong ko.
“Huwag mo s’yang pansinin.” Nagtiim ng bagang si Kenrix.
“Ilang taon lang akong hindi nagpakita, hindi mo na ako Kilala Lyn.” Namilog Ang mga mata ko ng naging pamilyar Ang boses n’ya sa akin.
“Vince?!” Namamangha kong sabi. Humalakhak naman ang taong nasa harapan.
“Vince Levine, Ms. Crisostomo. Nice to meet you.” Humalakhak itong muli. Anong nakakatawa? Bumaling ito Kay Rix
“Calm down KJ, I’m here to drive you to the airport.” Dagdag pa nito bago paandarin Ang sasakyan.
Vince Levine is one of the most trusted people of Kenrix. Kaibigan n’ya ito. If I’m not mistaken, umalis ito sa Pilipinas 3 years ago upang magaral sa ibang bansa. They are also one of the richest family here in our country, kaya hindi na nakakapagtakang magkaibigan Sila ni Kenrix, from the same family background for sure Kilala nila Ang isa’t Isa.
“Tsk! Just do what I’ve told you!” Mariing sabi naman ng nasa tabi ko.
“Ow em ji Vince! I have a lot of chikas to you! Gosh! Kumusta ka na?! Kaylan ka pa dumating?!” Maligayang sabi ko. Nagtama Ang mga tingin namin dahil sa salamin sa harap, nakitaan ko s’ya ng ngiti.
“Heto Graduate na rin. Nakuha ko Ang pangarap ko mula Bata ngunit Ang pangarap ko para sa aking pagtanda ay nawala.” Umiling iling s’ya. Hmm ano naman kayang pangarap sa pagtanda na iyon?
“Kaylan ka pa nakabalik?” Ulit ko sa tanong na hindi n’ya nasagot.
“Last month.”
“Oh! May asawa ka na ba?” Tanong ko at humalakhak. Natigilan ako sa pagtawa ng may mga brasong pumalupot sa bewang ko.
“Ahem!” Madramang umubo si Vince sa harapan ng napansin n’ya Ang mga braso ni Rix sa akin. Abot abot naman Ang tahip ng puso ko. D*mn it!
“What the hell are you doing?” Mahina Kong tanong at pilit kinakalas Ang mga braso n’ya sa akin. Kahit pa buong pwersa ko na itong inaalis ay hindi man lang s’ya natinag. Tumikhim s’ya bago sumagot.
“I’m Tired. I need to rest.” Aniya na lamang at mas lalo pa akong inilapit sa kan’ya. Inilagay n’ya ang Mukha n’ya sa kaliwang balikat ko. Tila naguunan.
“Hmm” Huminga s’ya, kumportable sa lagay n’ya. I swear nakikiliti ako sa bawat hiningang binibitawan n’ya pagkat ito ay lumalapat sa aking Tenga. His hot breath is making my senses cr*zy.
“Rix…” Mahina kong sambit.
“Uh-huh?” Pilit kong inalalayo Ang mukha n’ya sa balikat ko upang Makita ang kanyang mukha dahil nahimigan ko ng ngiti ang kanyang boses. Akala ko ba ayaw n’ya sa pangalan na iyon?! Pinagloloko ata ako ng lalaking ito eh!
“Stay still. What are you going to say? Hmm?” Malamyos ang boses n’ya na nagpapamula naman sa aking pisngi. Wth?! Binab*liw na naman ang bawat parte ng katawan ko! Haynako!
“N-Nothing,” Nauutal kong sabi. Naramdaman ko namang tumango s’ya at mas hinigpitan pa ang pagkakagapos sa akin, sakto lang para ako ay makahinga.
“So am I going to be the third wheel here?! KJ you told me that I’ll just drive you to the airport, you never told me that may Lambingan pala rito!” Vince groaned savagely, nagrereklamo sa amin ni Kenrix. Hindi naman s’ya pinansin ni Rix kaya maging ako ay napayuko na lamang. Hindi ko din naman kasi inaakala ang mga kilos n’ya ngayon!
To be continued…
__________________
Maraming salamat po sa pagbabasa πŸ’™






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top