I Love You with All my Heart


I Love You with All my Heart
Present
Susie POV
Nakabalik na ako ng America at kasalukuyang nasa airport. Gusto kong kalimutan yung mga masamang nangyari sa buhay ko.
I let him go. I let go someone that I truly love. Hahanapin ko ang sarili ko. At hahanapin ko din ang katahimikan ng kalooban ko. Gusto kong mgkaroon ng katahimikan na walang iniisip dahil pinap*tay ako ng sarili ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Nakalabas na ako ng airport dala dala lang ang isang maleta. Bitbit ang pag asa na makakalimutan ko si Raven. At pag asa ng bagong buhay para sa akin.
“Hmm. Ang sarap ng sariwang hangin” sabi ko sa sarili ko habang inaamoy ang sariwang hangin sa labas ng airport. Parang buo sa pakiramdam ko yung hangin na nalalanghap ko. Hindi ko maintindihan pero sana mag tuloy tuloy yung ganitong pakiramdam.
“I’ts a new beginning! New Zusane Shei Amarigo!” sifaw ko sa isip ko.
Nakita ko na papalapit sina Mommy at Daddy sa akin. Binati at niyakap nila ako. Alam ko na medyo dissapppointed sila sa akin dahil hindi ko ipinaglaban ang marriage ko. Hindi ko ipinaglaban ang pagmamahal ko kay Raven.
“Ako lang naman ang lumalaban, ano pang saysay nung pagmamahal ko para ipaglaban si Raven” sabi ko sa aking sarili.
Mas maigi na palayain ko siya kesa pa tuloy lang ako masasaktan dahil hindi niya ako kayang mahalin. Nahuli na ako ng dating, hindi na niya talaga ako mahal. Akala ko kasi kapag Bumalik ako ng Pilipinas ay may dadatnan akong Raven na naghihintay sa akin. Wala na pala. May pamilya na pala siya at mahal na mahal nito ang pamilya niya lalo na si Mila.
“Ang sakit sakit dito sa puso ko” daing ko.
Kaya nga nuong nalaman ko na nalulugi na ang kompanya ng Daddy ni Raven dito sa America ay sinabihan ko si Daddy na tulungan ang mga Buenaventura sa problema nito sa negosyo pero may kapalit. At ito ay ang pagpapakasal sa akin ni Raven.
Akala ko magiging okay na ang lahat, na matutunan niya akong mahalin ulit. Pero mali pala ako. Sa bawat araw na nagsasama kami sa isang bubong ay mas lalo niyang minahal si Mila at ako naman ay parang dekorasyon lang sa bahay. Ang sakit sakit na kasam mo siya at ang lapit lapit niya sayo pero hindi ka niya kaya nakikita. Hindi mo siya nararamdaman.
“Hija, sana tama ang naging desisyon mo. Ayaw namin ng Daddy mo na nakikita ka naming nasasaktan” malungkot na sabi ni Mommy sa akin. Alam kasi nila ang lahat ng nangyayari sa buhay mag asawa namin ni Raven nuong kasal pa kaming dalawa.
“I know Mommy. That’s why I came...


home dahil alam kong hindi niyo ako sasakyan” sagot ko kay Mommy na pinipigilang umiyak. Niyakap ako ng mahigpit ni Daddy. Naramdaman ko ang presensiya nila, ang pagmamahal na hindi ko naranasan kay Raven.
“Let’s go” yaya ni Daddy sa amin ni Mommy.
Habang nakasakay kami sa sasakyan ni Daddy naalala ko yung mga araw na kasama ko pa si Raven. Kahit hindi niya ako itinuring na asawa ay minahal ko pa din siya. Ang hirap magmahal ng isang taong hindi niya kayang ibalik ang pagmamahal ng kagaya ng ibinibigay mo. Ang daming gustong mahalin ko pero iisa lang ang gusto ko at iyon ay si Raven. Tumulo na naman ang luha ko na pinipigilan kong kumawala sa mga mata ko. Hindi ko na pinigilan umiyak. Umiyak na ako ng umiyak mag isa. Sobrang naaawa ako sa sarili ko.
“Welcome home!” Masayang bati sa akin ng kaibigan kong si Maria na ilang buwan ko ding hindi nakita. Niyakap ako ni Maria. Wala akong gana na makipag usap. Kaya imbes na harapin ko ang kaibigan ko ay tumalikod ako at tuloy tuloy na naglakad papunta sa kuwarto ko sa second floor ng bahay namin.
Hinabol ako ng tingin ni Maria at lumapit si Mommy sa kanya.
“Hayaan na muna natin siya Hija” sabi ni Mommy na halata ang lungkot sa boses. Naikuyom ni Daddy ang kamao sa nakikitang sakit sa akin.
“I will go po Tita. Pakisabi lang po kay Susie na kung gusto niya ng makakausap ay tawagan lang po ako at pupuntahan ko po siya kaagad” bilin na sabi kay Mrs. Regina. Tumango ng ulo ang ginang. At umalis na ang kaibigan ni Susie.
“Regina! Kailangang makausap ko si Reina!” galit na sabi nito sa asawa. Napalingon naman si Mrs. Reina sa sigaw ng asawa. Nag aalala ang Ginang sa nakikitang galit ng ama ni Susie.
“Alfaro, huminahon ka” kalma nitong sabi sa asawa. Huminga ng malalim si Mr. Alfaro at muling hinarap si Mrs. Regina.
“Mommy, masakit makita na nagkakaganyan ang anak natin. Siguro kasalanan ko na pinagbigyan ko ang gusto ni Susie na maikasal kay Raven” nalulungkot na sagot ni Mr. Alfaro.
“Alam ko yon. Kahit ako din nasasaktan pero hindi natin dapat idaan sa init ng ulo” payo ng asawa nito.
“Gusto ko lang makausap ang pamilya Buenaventura at malinawagan kung bakit kailangan pang maranasan ni Susie ang lahat ng ito” sagot ni Mr. Alfaro.
“Hayaan mo, ako na ang kakausap kay Reina” along sabi ni Mrs. Regina. At humakbang palapit sa asawa para yakapin.
Ibinigay nila ang lahat ng gusto ng anak dahil nag iisang anak nila si Susie. Pero ang makitang nasasaktan ang kanilang Unica Hija ay hindi nila mapapayagan.
———-——————————————
Happy reading💓💓💓






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top