(Tanya POV)
= pano ka namin macocontact nyan Miss. Sy? Kung naiwala mo ang Cellphone mo?
Tanya- uhmm, k-kasama ko naman po ang cousin ko sa bahay, number na lang po nya ang ibibigay ko sa inyo.
= o sige, pero hindi ko sasabihing asahan mo ang trabahong to, hindi sapat ang degree mo para sa position na napili mo, yung iba nga tapos pa ng BS Math or Management hindi parin nakukuha.
Tanya- naiintindihan ko po. Salamat po.
= okay. Thats good. NEXT!!
+ lumabas nako ng office na yun. Pang limang kompanya na to sa araw nato at wala parin akong siguradong apply. Nakakaramdam nako ng gutom kaya naghanap ako ng makakainang karinderya sa harap ng building nato. At buti naman meron. Pumasok nako at umorder ng pagkain. Pagdating ng order agad nakong kumain dahil sa gutom.
=okay lang tumabi?
+ napatingin ako sa nagsalita, isang lalake. Hindi gaanong katangkaran ngka t-shirt na blue at naka short. Tumango na lang ako dahil puno ng pagkain ang bibig ko. At dahil nga dun, muntik nakong mabilaukan!!
= o! Okay ka lang miss? Eto tubig oh.
+ kinuha ko yun at uminom, ng maalis na ang bumara sa lalamunan ko, napahinga ako ng malalim.
= ahahaha. Magdahan dahan ka kasi Miss.
Tanya- S-salamat ha.
= gutom na gutom ka ah. Sabagay alas 3 na ng hapon, late na para sa tanghalian.
Tanya- hehe.
= ow, ako nga pala si Enzo Velasquez.
Tanya- ahh, Tanya Sy.
Enzo- Chinese?
Tanya- a, hindi, malayo na.
Enzo- ahhh.
+ buti naman may nakakausap ako. Madaldal sya kaya naenjoy ko ang pagkain, pagkatapos ay nagbayad na kami, nagulat nga ako ng bayaran nyarin pati yung akin. At sabay kaming naglakad palabas.
Enzo- by the way, dyan ka ba nagtatrabaho sa building nayan?
Tanya- hindi, actually nag apply ako.
Enzo- talaga. Kamusta? Natanggap ka ba?
Tanya- uhmm, hindi ko sigurado eh, sana.
Enzo- hmm, ano bang inapplyan mo?
Tanya- Kahit Organizer lang sana o kaya Auditor.
+ tumigil sya at humarap sakin.
Enzo- uhmm, Tanya. Gusto mo bang mag apply sa Business ng family namin?
Tanya- ha?
Enzo- Ay! hindi ko pala nabanggit sayo, we are on house and lot business. Kaylangan namin ngayun ng organizer. Tamang tama ah.
Tanya- T-talaga???
Enzo- ahh, hehe, pasensya na, wala ba sa itsura? Mas komportable kasi ako pag ganto ang suot ko eh.
Tanya- hindi naman sa ganun, ang ibigsabihin ko, talaga bang pwede akong mag apply?
Enzo- hindi na kaylangan. Nakilala na kita dahil sa mga kwento mo eh. Ganto na lang. Ito ang business card namin. Text or call me kapag okay sayo then ill bring you sa bahay bukas para ipakilala ka sa parents ko.
+huh?
Tanya- ipakilala??
Enzo- I mean bilang bagong Organizer.
+oo nga naman. Ano bang iniisip mo Tanya?
Enzo- pano? Pauwi ka na ba? Hatid na kita.
Tanya- naku hindi na, may dadaanan pako eh.
Enzo- edi hatid na kita sa dadaanan mo.
Tanya- ok lang talaga. Hehe.
Enzo- o sige. I’ll go ahead, nice meeting you. Ingat ka.
Tanya- ikaw rin.
+ naglakad na nga sya palayo. Grabe, biyaya na talaga ang mismong lumapit sakin. Salamat Lord!! ngingiti na sana ako ng maalala ko na naman ang lalaking nasa bahay ngayun. Syto nga ba yun? Nagsimula na namang sumama ang pakiramdam ko. Uuwi bako? Sa di kalayuan may nakita akong landline telephone, siguro kaylangan ko ng tumawag sa bahay para humingi ng tulong. Tumakbo ako palapit dun at dinial ang landline sa bahay. Agad namang may sumagot.
Nanay- hello?
+ nanghina ako at napaiyak ng marinig ko ang boses ni nanay.
Nanay- hello???
Tanya- N-nay?
Nanay- Tanya? Anak kamusta ka na dyan? Tinatawagan ka namin sa number mo pero di mo sinasagot.
+ hindi ko mapigilang maiyak.
Nanay- umiiyak ka ba? Tanya? Ok ka lang ba dyan?
Tanya- o-ok lang po Nay, pasensya na po, naiwan ko kasi ang cellphone ko eh kaya hindi ko nasasagot ang tawag nyo.
Nanay- ganun ba? Eh, ok ka lang naman ba dyan? Di ka naman nahihirapan dyan sa bahay ng tiya mo?
Tanya- *siff* ok lang po.
Nanay- eh bat ka umiiyak? Anak sabihin mo lang at pupunta kami agad dyan para siguraduhing maayos ka.
Tanya- hindi na kaylangan nay. Natutuwa lang po ako kasi, may mapapasukan na po agad akong trabaho.
Nanay- mabuti naman. Wag pababayaan ang sarili ha, tumawag ka lang kapag may problema.
Tanya- opo. Uhmm, sige na nay. Landline po kasi ito eh, may naghihintay din po na iba.
Nanay- sya sige magiingat ka dyan.
Tanya- opo.
+ binaba ko na nga. Pinunasan ko ang luha ko at naglakad na uli papuntang sakayan pauwi. At nabigla ako ng makita ko sa relo ko na mag aalas singko na pala kaya nagmadali nako. Bakit ba ko natatakot??!! Nagdalawang isip pako pero heto ako nagmadaling kumuha ng taxi para mas mabilis pauwi sa bahay. At pagdating ko sa harap ng pinto. Napabuntong hininga ako. Tama pa ba to? Papasok pa ba ako sa loob ng bahay nato? Hahayaan ko na lang ba na may hindi ko kilalang lalaki ang pumasok at makialam sa buhay ko? Tanya, oras na pumasok ka sa loob ng bahay nayan, paninindigan mo lahat ng mga pinagkasunduan nyo! Huminga muna ako ng malalim, at hindi ko man ginusto ay pumasok akong muli sa loob ng bahay nato. Nakita ko agad sya na palapit sakin.
Tanya- uhmm, a-andito—
*PAK!! *
+ isang malakas na sampal sa muka ang natanggap ko sa kanya, napahawak ako sa pisngi ko at dahan dahang tumingin sa kanya.
Syto- nahuli ka ng limang minuto!!
+ naramdaman ko na naman ang luha ko.
Syto- anong iniiiyak mo??!!
Tanya- ANONG KARAPATAN MONG SAKTAN AKO?!!!
+ tinabig ko ang kamay nya at bubuksan sana uli ang pinto pero pwersahan nyakong hinigit at isinandal sa gilid ng pinto. Sa puntong to umiiyak nako habang tinitingnan sya.
Syto- Tandaan mo, may usapan tayo, at nangako ka.
Tanya- pero wala sa usapan na sasaktan moko!!
Syto- ano pa bang inirereklamo mo ha? Minsan na kitang tinutukan ng kutsilyo, nilagyan ng tela sa bibig at tinakot. Simpleng sampal lang ikinagagalit mo??
Sige!! Umiyak ka pa, pag may nakarinig sayo, sinisigurado kong katapusan mo na!!
+ itinulak ko sya at nagtatakbo pataas sa kwarto, nilock ko to at humiga sa kama habang umiiyak. Pilit nyakong kinatok ng kinatok pero hindi ko balak buksan yun.
Syto- pag hindi moto binuksan sisirain koto!!
TANYA!!!
+ hindi ko sya pinakinggan, ewan ko! Bahala na kung anong mangyare, pero hinding hindi ko bubuksan ang pinto. Pagkaraan ng ilang minuto, tumigil na sya at mukang wala ng balak ipilit na buksan ko ang pinto. Maya maya may narinig akong naguusap sa harap ng bahay kaya sumilip ako sa bintana habang nagpupunas ng luha. At nakita ko dun na kausap ni Syto si Tessie na kapit bahay namin. Halatang maayos ang usapan nila. Sigurado akong puro kasinungalingan ang sinasabi nya. Kaya umupo na ulit ako sa kama. Dapat talaga hindi nako bumalik dito! Napahawak muli ako sa pisngi ko na nasampal at napaiyak. Humiga uli ako at niyakap ang mga binti ko hanggang sa makatulog nakong muli.
(8 pm)
+ nagising ako dahil sa katok sa pinto, hanggang ngayun wala paring nagbubukas kaya pakiramdam ko wala sya, kaya dahan dahan akong bumaba ng kwarto at binuksan ang pinto.
= Mineral Delivery po.
Tanya- salamat. Magkano po?
= ahh, monthly po ang bayad nyan pero, kanina lang po nakabayad na kayo diba binigay na po ni Maam Tessie, sya po ang nangongolekta diba?
+ bigla kong naalala na magkausap kanina si Syto at Tessie.
Tanya- ahh, oo nga pala, sige salamat.
+ umalis na yung...