“Para kang nakakita ng multo, Aviona. Ano’ng nangyari sa’yo?” nagtatakang sabi ni Sandra nung makita niya akong humahangos palapit sa kanya.
“S-si Mr. Ruiz,” nauutal kong sabi.
Nang banggitin ko ang pangalan na ‘yun umasim agad ang mukha ni Sandra. Tila alam na niya agad kung bakit ako parang takot na takot.
“Sinasabi ko na nga ba, eh. Manyak ang matandang ‘yun! Sa klase palang ng tingin niya sa’yo, hinuhubaran ka na niya! Nakakadiri talaga mga ganoong tao.”
“Ayoko nang bumalik doon, Sandra.”
Baka kung ano pa ang kayang gawin sa akin ni Mr. Ruiz kahit pa nandoon si Mr. Defuente. Natatakot pa rin ako.
“Sa kabilang table ka na lang. Ako na doon.” suhestyon niya.
“Baka mapagalitan tayo kay Madam Kemery.” nag-aalalang sabi ko. Baka nga tuluyan nang mapigtas ang pasensya sa akin ni Madam Kemery at sesantahin ako. Mahirap pa naman humanap ng trabaho ngayon. Lalo na’t hindi pa ako graduate sa kolehiyo.
“Huwag kang mag-alala. Nakita kong lumabas ang bruhang bakla. May lakad ata,”
Ganoon nga ang nangyari, sa kabilang table ako nag-serve, malayo kila Mr. Ruiz.
Hindi ko na lang pinansin ang mga klase ng tingin nila sa akin. Kahit paano nabawasan ang takot na nararamdaman basta huwag nila akong hawakan at kausapin.
Minsan nang dumaan ako sa table nila Mr. Ruiz ay nakita kong wala na ang matanda sa dating puwesto niya kanina. Hindi ko naman maiwasan tignan kung saan nakaupo kanina si Mr. Defuente. Muntik na akong madapa nang magsalubong ang tingin naman.
Napalunok ako. Ako ang unang nag-iwas ng tingin. At ipinagpatuloy ang trabaho ko.
“Hoy, Aviona. Hindi mo manlang nabanggit na may gwapo sa table na ‘yun. Eh di sana kinapalan ko pa ang lipstick ko.” kalabit sa akin ni Sandra. Nagpapalit na kami dahil tapos na ang shift namin.
“Si Mr. Defuente ba?”
Humagikgik siya sabay kurot sa tagiliran ko. “Oo. Apelyido pa lang gwapo na. Saint ang pangalan niya at ang tindig, naku! makalaglag panty.”
Umiling na lang ako. Hindi ko na nabanggit kay Sandra na siya ang nagligtas sa akin at nakita kong may baril siya. Hindi naman kasi ako ‘yung tipo ng tao na isinasawalat lahat ang nakikita ko… at nangyayari sa buhay ko. Wala naman kasing ka-inte-interasado sa buhay ko. Puro malungkot at masasakit.
Tila ako lantay na gulay nung humiga ako sa kama. Tumingin ako sa orasan sa tabi ng kama ko, alas tres na ng umaga. Mamayang alas syete ng gabi may pasok na naman ako.
Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
“Tawag ka ni Madam Kemery sa opisina niya, Aviona.” sabi ni Danica habang ngumunguya ito ng bubblegum. Maiksi ang damit nito at makapal ang make-up.
Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo. “Maganda ka, Aviona. Kung sana magpa-table ka nalang gaya ko, mas marami kang pera. Diyan sa waitress na ‘yan, pagod ka na nga. Maliit pa ang sahod.”
“Okay na ako sa trabaho ko, Danica.” sabi ko.
Nagkibit balikat siya. “Ikaw bahala. Sayang ganda mo kung hindi mo pakikinabangan.”
Naiiling na lang ako. Umalis na rin siya. Ako naman ay tinungo ko ang opisina ni Madam Kemery.
Malakas ang kabog ng puso ko nung nasa tapat na ako ng pintuan. Nalaman niya kaya ang nangyari kagabi? Tatanggalin na kaya niya ako?
Kumatok ako.
“Pasok!” rinig ko sa loob.
Pinihit ko ang seradura at niluwagan ang bukas ng pintuan.
“Pinatawag niyo po ako, Madam Kemery.”
Mula sa isinusulat ay umangat ang tingin niya sa akin. Napalakpak pa siya nang makita ako. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa reaksyon niya.
“My dear Aviona!” masayang...
Story ko po ‘to! Akin po! Pinaghirapan ko! Tas kay dali mo lang ninakaw! Galing naman! Kapal ng mukha mo! Magnanakaw ka!
paano mababasa karugtong niya